Kabanata 02
HINATID KONA SI TIYA VIOLET SA may gate dahil uuwe na daw siya at baka gabihin na raw siya. Nalulungkot ako dahil uuwe na siya. Kaya naman hindi ko naiwasan mapaluha dahil maiiwan ako dito. At niyakap ko ng mahigpit si tiya Violet.
" Wag kanang umiyak, Mila. Basta sundin muna lang si tiya Veronica mo para hindi ka napapagalitan okey?" Wika ni tiya matapos naming magyakapan.
Tumatango naman ako habang lumuluha parin. Hindi ko maiwasan mapaluha dahil malungkot mag-isa dito. Wala manlang ibang katulong sa bahay na ito kaya wala manlang ako makakausap.
" Atsaka mag-aral ka ng mabuti. Pag-aaralin ka niya dahil iyon ang usapan namin." Saad pa niya ng hindi ako nagsalita.
" Opo." Sagot ko.
" Oh siya, aalis na ako. Mag-iingat ka palagi. Ako na muna bahala sa pamilya mo." Wika nito na muli akong niyakap bago lumakad patungo sa labasan. Nasa isang subdivision ang bahay ng tiya ko at parang mayayaman ang nakatira dahil sa naglalakihang mga bahay doon.
Nang mawala nasa paningin ko si tiya Violet ay sinara kona ang gate at pumunta nasa bahay. Nagulat pa ako dahil nasa labas ng pintuan si tiya Veronica habang nakahalukipkip ito at nakatingin sakin.
Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib kaya naka-yuko akong lumapit sa kanya.
" Mag-usap tayo." Sabi naman niya saka pumasok sa loob ng bahay at nagtungo sa malaking sala's nila.
Naupo si tiya Veronica sa pang-isahan sofa habang ako ay nakatayo lang at baka magalit siya kapag naupo agad ako.
" Maupo ka." Utos nito kaya doon lang ako naupo sa mahabang sofa habang nakayuko parin ang ulo. " Tumingin ka sakin." Muli ay utos niya kaya sumunod ako sa kanya.
Nakita kung nakataas ang kilay niya habang nakatingin sakin ng matiim. Halatang mataray ito dahil sa kanyang itsura. Gagawin na lang niya ang lahat para hindi siya magalit sakin.
" Well, Mila." Wika nito. " Kinuha kita para maging katulong ko sa bahay na ito. At ang kapalit ay pag-aaralin kita ng kolehiyo hanggang makatapos ka. Pero hindi na kita sa sahuran dahil iyon na ang bayad ko sayo ang pag-aaral mo."
" Po?" React ko at nagulat ako sa narinig dahil wala akong su-swelduhin. Paano ako makakapagpadala sa pamilya ko sa probinsya kung wala akong sa sahurin.
" Bakit? Hindi ba sinabi sayo ni Violet na hindi na kita sa sahuran?" Anang nito sakin na medyo may pagkamataray ang tono.
" Hindi po." Mabilis kung sagot sa kanya.
" My god!" Parang stress na sabi nito at napabuntong hininga pa. " Alam mo ba kung magkano magpaaral ng college dito sa manila? Mahal, Mila. Kaya nga hindi na kita sa sahuran dahil iyon na ang bayad ko sayo. Pero wag kang mag-alala dahil may allowance ka naman sakin." Dagdag pa nito.
Pero hindi ako kumbinsido dahil maliit lang ang allowance na iyon. Paano ko ipapadala iyon sa mga magulang ko? Hindi naman ako pwede magtrabaho sa iba dahil dito ako nagtatrabaho.
Bakit naman kasi hindi sinabi sakin ng tiya Violet ko. Edi sana hindi na ako pumayag. Hindi naman pala ako sa sahuran. Ang saya saya ko pa kasi akala ako may sahod ako pagdating ng katapusan, hindi pala.
" And then." Pagpapatuloy pa ni tiya Veronica ko. " Walang ibang katulong dito kundi ikaw lang. Kaya ikaw ang gagawa ng lahat ng trabaho dito sa bahay at wala iba pa. Naiintindihan mo?" Tanong pa niya sakin. Kaya tumango naman ako sa kanya at hindi nagsalita.
Pambihira, ang yaman yaman tapos ako lang ang katulong dito. Tapos ang laki laki pa ng bahay. Malilinis ko ba 'to ng isang araw lang?
Sabi ko sa isip.
" Ang sabi 'din ni Violet na marunong ka daw magluto. Kaya ikaw na ang gagawa no'n dahil busy kami sa work." At pagkatapos ay tinititigan niya ako mula ulo hanggang paa. " Tama 'yan ang suot mo. Ayaw kung nagsusuot ka ng maiigsi o kita ang kaluluwa kapag andiyan ang asawa ko. Naiintindihan mo?"
" Opo." Mabilis ko na naman sagot.
" Good!" Anito. " Isusulat kona lang ang mga dapat mong gawin at ilalagay ko sa may kusina para makita mo. Halika." Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa saka naglakad kaya sumunod ako sakanya pero may distance.
May pinuntahan kami pero hindi ko alam kung ano iyon. Nalaman ko lang ng buksan niya ang pintuan.
" Dito ka maglalaba. Pero hindi kana mahihirapan dahil automatic ang washing machine. Marunong kaba niyan?" Tanong pa niya sakin.
Parang tanga si tiya. Alam naman niyang laking probinsya ako tapos tatanungin pa ako.
" Hindi po." Sagot ko naman.
Tinuro naman niya sakin at mabilis ko naman natutunan. Gano'n lang pala 'yun.
" Everyday ka maglalaba. Pero syempre, alam mo naman siguro ang puti at de color?"
" Opo."
" Good." Saad nito. " Maarte ako pagdating sa paglalaba. Gusto ko hiwalay hiwalay at ayaw ko ng halo halo kahit parehas pa sila ng kulay. Gets mo ba?"
" Opo." Muli kung sagot.
" Verygood. Halika." Muli ay aya niya sakin at lumabas kami ng laundry room. Sa kusina naman kami nagpunta. " Dalawa ang kusina sa bahay na ito. Yung isa dirty kitchen. Para doon magluluto ng kung ano ano. Dito naman sa isa ay mga simple lang para hindi mangamoy sa loob ng bahay. Marunong kaba ng mga ganito?" Tanong niya sakin sabay turo sa mga lutuan doon na tila nang-uuyam.
" Hindi po." Sagot ko. Naiinis na ako pero kailangan kung magtiis.
" Okey, mamaya kona sayo ituturo kapag nagluto na ako." Saad nito saka tinour niya pa ako sa loob ng bahay niya. Mapa-dining area, storage room, sa kwarto na kung saan ako magpaplantsa. Sana all may sariling kwarto.
Tapos sa taas naman kami pumunta. Namangha ako dahil ang ganda ng taas. Limang kwarto sa taas. Isang master bedroom, isang gym ni sir, isang opisina at dalawang guest room.
Grabe naloka ako dahil ang lalaki ng mga kwarto. Paano ko kaya matatapos 'yun sa isang araw. Nang matapos ituro sakin ang mga kwarto at mga dapat gawin ay bumaba na kami. Doon naman kami nagtungo sa labas ng bahay at nagpunta sa may swimming at garden.
Napangiti ako dahil ang laki ng swimming pool. Pangarap ko makaligo sa gano'n pero baka magalit ang tiya ko kapag naligo ako doon.
" Palagi mong lilinisan ang swimming pool dahil palaging naliligo ang sir mo diyan. At gusto ko ay alagaan mo ang mga halaman ko dahil ayaw ko silang namamatay okey?"
" Opo tiya." Sagot ko sa kanya dahilan para mapalingon siya sakin at matakot ako.
" What did you say?" Anang niya sakin sa mataray na boses.
" Tiya po."
" Don't call me that. Call me maam." Mariin na utos niya sakin habang nakapamaywang sa harapan ko at nakatitig sakin ang mga mata.
" Opo maam." Sagot ko sa kanya.
" Good! From now on. Maam and sir ang itatawag mo sakin at hindi tiya. Naiintindihan mo?" Mataray na tanong niya sakin.
" Opo, maam." Mabilis kung sagot sa kanya habang kinakabahan.
" Okey." At muli na naman siyang naglakad saka tinuro niya ang mga dapat kung gawin sa bahay na ito. Pati ang mga hindi ko dapat gawin.
Huli naming pinuntahan ang magiging kwarto ko. Katabi lang pala ng kwarto ng plantsahan.
" Dito ang kwarto mo. May sarili ng banyo dito at kama. Wala ka ng iisipin dahil libre ka naman sa lahat." Wika ni tiya este ni maam.
Napangiti ako dahil ang ganda ng magiging kwarto ko. Mas malaki pa ito sa bahay namin sa probinsya. May sarili ng kama, TV at kung ano ano pa.
" Ito naman ang intercom." Sabi nito kaya napalingon ako sa kanya. " Buong bahay merun nito dahil kapag kailangan kita ay pipindutin mo lang ito at pwede kana magsalita." Turo niya pa sakin.
" Opo, maam."
" Okey, magpahinga kana. Mamaya tatawagin kita para tulungan mo akong magluto para sa sir mo." Sabi pa niya bago lumabas ng kwarto ko.
Napaupo naman ako sa kama at napangiti dahil napaka-lambot no'n. Maya-maya'y bigla akong nalungkot ng maalala ang pamilya ko sa probinsya.
Mabuti pa ako nararanasan ko ang ganitong buhay pero ang pamilya ko hindi.
Di bale, kapag nakatapos na ako ng pag-aaral ititira ko rin sila sa magarang bahay at mas malambot pang kama.
Napaluha ako kasabay ng pagpatak ng luha ko sa mga mata. Hindi ko alam kung tatagal ako dito sa bahay na ito dahil sa ugali ng tiya ko.
Akala ko mabait, pero mukhang matapobre naman. Sana lang talaga ay mabait 'din ang asawa niya. Kung masama 'din ang ugali ay baka bumalik na ako sa probinsya namin.
Nakatulugan ko ang pag-luha. Marahil ay maaga ako nagising kanina at maaga kaming bumiyahe kaya nakatulog agad ako.
Nagising lang ako ng may kumakatok sa pintuan ng kwarto kaya napabalikwas ako ng bangon saka pupungas pungas na tumakbo sa may pintuan.
Galit na mukha ni tiya ang bumungad sakin. " Ano ba! Kanina pa ako tawag ng tawag sa intercom, hindi mo ba ako naririnig?"
Napayuko naman ako ng ulo. " Sorry po."
" My god! Ayaw ko ng tatamad tamad sa bahay na ito. At baka ibalik agad kita sa probinsya." Galit parin na sabi nito habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib.
" Sorry po, maam. Hindi na po mauulet." Sabi ko sa kanya.
" Mabuti naman. Lumabas kana at magluluto na tayo." Wika nito sabay alis sa harapan ko.
Napahugot naman ako ng malalim na buntong hininga bago inayus ang sarili saka sumunod agad sa amo ko at baka magalit na naman.
Pumunta ako sa dirty kitchen kung nasaan ang tiya ko. Ang akala ko ay siya ang magluluto pero hindi pala kundi mamanduhan niya lang ako.
Ako ang magluluto pero tuturuan niya lang ako. Putek, bahala siya kung hindi masarap ang luto ko.
Bago lang kasi sakin ang niluluto ko ngayun eh. Halatang pang-mayaman ang ulam.
" Ayan ang lulutuin mo kapag nag-request ang sir mo dahil paborito niya 'yan." Sabi pa niya habang hinahalo ko. " Takpan mo muna 'yan. Halika dito." Sabi pa niya kaya sumunod naman ako after ko matakpan ang niluluto ko. Pumunta kami sa kabilang kusina at may tinuro na naman siya sakin kung paano magluto sa ricecooker. Halos puro 'di kuryente ang mga kagamitan nila kaya hindi ko alam kung paano gamiti dahil wala naman kaming gano'n. " Marunong kana? Ayaw ko ng paulet ulet dahil madali ako mag-init ng ulo." Sabi pa niya sakin kaya napatango na lang ako.
Bumalik kami sa dirty kitchen at sinilip ang niluluto namin. Tinikman niya at napatango tango pa nga.
" Kumuha ka ng malaking mangkok at isasalin na ito." Utos niya pa sakin kaya sumunod naman agad ako. Ang tanga ko lang dahil 'di ko tinanong kung saan nakalagay kaya napagalitan na naman ako. " Ang bagal mo naman. Ayan oh? Buksan mo 'yan at tutuklawin kana." Galit na utos niya sakin.
Kaagad naman akong sumunod at muntik pa mabasag dahil sa pagkataranta.
" Basagin mo. Kulang pa 'yan sa buhay mo." Sabi niya bago bumalik sa kusina. Napakagat naman ako sa labi at parang gusto ko ng umuwe.
Parang hindi ako magtatagal dito dahil sa kasungitan ng amo ko.
Makalipas ng ilang sandali ay luto na ang kanin kaya inaayus kona ang hapagkainan habang minamanduhan ako ng amo ko kung paano ang arange ng mga plato. Nilapag kona rin ang mga pagkain at maya-maya'y nakarinig na kami ng busina ng sasakyan.
Kaagad naman lumabas ang tiya ko at mukhang andiyan na ang asawa niya. Maya-maya'y pumasok na nga sa kusina ang dalawa kaya napayuko ako ng ulo dahil sa harapan ko pa naghahalikan.
" Hon, new maid natin." Narinig kung sabi ni tiya pero hindi ako nag-angat ng ulo at nanatili lang nakayuko. " Mila ang sir Isidro mo." Doon lang ako nag-angat ng ulo at nagulat ng makita kung sakin nakatingin ang amo kung lalake.
Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib. Hindi ko alam kung bakit.
" Hi, Mila." Bati pa niya sakin sabay lahad ng kamay niya. Inabot ko naman dahil masama ang tingin ng amo kung babae.
" H-hello po sir." Nahihiya kung sambit. Napapitlag pa ako ng pisilin niya ang kamay ko kaya mabilis kung binawe ang kamay saka umiwas ng tingin dito.
Kumain na ang dalawa habang nasa gilid lang ako dahil may i-uutos pa daw sakin ang tiya ko.