KABANATA 01

1827 Words
Kabanata 01 LUMUWAS NA KAMI NG MAYNILA ni tiya Violet ko. Sinamahan niya ako dahil 'di ko naman alam patungo sa manila at bahay ni tiya Veronica. Atsaka ngayun ko lang makikita ang tiya kona 'yun kaya natatakot ako. Mamaya kasi ay masungit iyon. Pero kakayanin ko para makatapos ako ng pag-aaral. Kailangan kung magsakripisyo at magtiis para sa pamilya ko. Hindi pwede na makuntento lang kami sa gano'n buhay sa probinsya. Matatanda na rin ang mga magulang ko at hindi sila habang na magtatrabaho para buhayin kami. Gusto kona rin sila magpahinga sa pagtatrabaho kapag nakapagtapos na ako ng college. Gusto ko silang bigyan ng magandang buhay kaya gagawin ko ito. Magtitiis ako para sa kanila, kahit subrang lungkot dahil malalayo ako sa kanila. " Okey ka lang? Nasusuka kaba?" Nag-aalalang tanong sakin ni tiya. " Okey lang po ako."Nakangiti ko naman sagot habang lulan kami ng buz patungo sa manila. 5 am palang ng umaga ay umalis na kami sa bahay namin para daw tanghali na kami makarating sa manila at uuwe 'din agad si tiya kapag naihatid na ako. Kailangan niya kasing bumalik sa probinsya dahil walang magbabantay sa nanay niya. " Sabihin mo kapag masusuka huh? O kapag naiihi ka dahil hihinto naman ang buz sa mga station o kaya sa mga kainan para makakain at makaihi ang mga pasahero. " Opo." Magalang na sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Ang sabi ng tiya ko ay malapit na daw kami sa manila. Nalulungkot ako at masaya dahil matutupad na ang mga pangarap ko kapag nakapag-aral na ako saka nakatapos. Malungkot naman dahil malayo ako sa pamilya ko. Hindi ko tuloy naiwasan mapaluha. Nasa may bintana ako nakapwesto at nasa likod kami naupo dahil iyon na lang ang bakante kanina. Subrang iyakan namin kanina ng paalis na ako. Ang tatay ko ay hindi iyakin pero napaluha kanina habang umiiyak kami nila nanay at mga kapatid ko. Subrang sakit sa puso na iiwan ko sila at malalayo ako sa kanila. Pero kailangan magtiis dahil para rin samin ito. Makalipas ng ilang oras ay nakarating na kami sa manila at natuwa ako sa mga nakikita sa paligid. Ganito pala sa manila, ang lalaki ng mga building at ang gaganda ng tanawin. Kaya lang subrang traffic dahil ang bagal ng usad ng mga sasakyan at subrang init pa. Hindi kasi aircon ang sinakyan namin ni tiya Violet dahil sakto lang daw ang binigay samin ng magiging amo ko. Nagtataka nga ako kung kaya ba ako pag-aralin ng tiya kona iyon dahil napaka-kuripot. Iniisip ko pa nga, baka nagpapanggap lang na mayaman. Pero ang sabi ng tiya Violet ko ay mayaman daw ang tiya ko sa manila. Pero bakit sakto lang ang binigay samin na pamasahe. Pawis na pawis na kami sa loob ng buz dahil sa bagal ng traffico. Grabe halos 30 mins na kaming tengga doon. Mabuti na lang wala akong hika, kundi ay hinika na ako sa subrang init sa loob. Hindi ko akalain na ganito pala ang sistema dito. Subrang traffic na akala mo ay nagpo-prosition. Maganda nga, subrang traffic naman. Pinangarap ko pa naman makarating sa manila kapag nakatapos ako pero hindi nangyare dahil huminto na ako. Pero ngayun ay matutupad na ulet dahil mag-aaral na ako dito sa manila. " Tiya malayo pa ba?" Tanong ko sa aking tiya habang nagpupunas ng pawis sa leeg. " Malapit na. Magtiis kana lang diyan at magpunas." Wika ni tiya sakin. Nangamoy pawis na ako. Kung kanina ay mabango pa ako. Ngayun amoy pawis na. Nakakahiyang lumapit mamaya sa tiyahin kung amo. Ilang sandali ay nakaraos na kami sa traffic at naging maganda na ang takbo ng mga sasakyan. Mahangin na rin kahit papaano dahil umaandar na ang buz na sinasakyan namin ni tiya Violet. Nakarating na kami sa buz station at bumaba na kami ni tiya. Medyo nangawit at nangalay ako kaya nag-unat unat muna ako. Naglakad na kami patungo sa labas ng buz station at nag-abang naman kami ng taxi patungo sa bahay ng tiya ko daw. Sana talaga ay mabait ang tiya kona 'yun para tumagal ako sa kanya at makatapos ako ng pag-aaral. Hindi ko pa siya mahusgahan ngayun dahil 'di ko pa siya nakikita. Nakasakay agad kami ng taxi ng tiya ko saka nagpahatid sa bahay ng tiya ko pa daw. Nakatingin lang ako sa labas ng taxi habang natutuwa dahil sa nakikita ko. Maganda rin ang maynila pero mas maganda parin sa probinsya kahit puro puno ang nakikita ko. Bigla nawala ang ngiti ko sa labi ng maalala ang pamilya ko sa probinsya. Gagawin ko 'to para satin 'nay at 'tay. Sabi ko sa isip kasabay ng pagpunas ng luhang pumatak sa mga mata ko. " Mila okey ka lang?" Narinig kung tanong ni tiya Violet sakin. " Opo." Nakangiti kung tanong sakanya kasabay ng pagbaling dito kaya nakita nito ang bakas ng luha sa aking mga mata. " Oh, bakit umiiyak ka?" Nag-aalala niyang tanong sakin. " Naalala ko lang po ang pamilya ko sa probinsya, tiya Violet." Sagot ko sa kanya. " Ganyan talaga ang buhay, iha. Kailangan mong magsakripisyo para mai-ahon mo sa kahirapan ang pamilya mo." Ani tiya sakin. " Mabait po ba talaga ang tiya na magiging amo ko, tiya Violet?" Kapagkuwan ay tanong ko sa kanya. Ilang beses kona iyon tinanong sa kanya pero palagi niyang sinasabi na mabait daw si tiya Veronica. Hindi ko alam pero kinakabahan ako habang papalapit na papalapit kami sa bahay ng tiya Veronica ko. Parang may mangyayare na hindi ko alam. Ngumiti naman ang tiya Violet kasabay ng paghawak sa kamay ko. " Basta magpakabait ka lang sa kanila para hindi ka napapagalitan, okey?" " Okey po." Sagot ko sa kanya sabay lingon ulet sa labas ng bintana. Hindi na ako nakipagtalo dahil iyon at iyon lang 'din naman ang sasabihin ng tiya ko. Makalipas ng ilang oras sa pakikipagbakbakan sa traffic ay nakarating na kami sa bahay ng tiya Veronica ko at hindi ako makapaniwala na subrang yaman pala nito dahil ang laki ng bahay nila. " Ang laki ng bahay nila tiya." Hindi ko napigilan sabi ko habang nakatingin sa malaking bahay. " Oo nga eh. Ngayun ko lang ito nakita dahil ngayun lang ako nakarating dito." Sagot naman ng tiya ko. " Ang yaman naman pala pero ang kuripot naman. Baka naman tiya hindi ako swelduhan nila o pag-aralin?" Nag-aalala kung tanong sa kanya. " Hindi naman siguro." Saad nito sabay tapik sa braso ko saka nag-doorbell na. Natuwa naman ako dahil tumunog siya. Ganito pala kapag malaki ang bahay. May doorbell sa labas ng bahay para marinig sa loob. Pangarap ko rin na magkaroon ng ganitong bahay pero hindi ganitong ka bongga. Gusto ko may maayus kaming bahay at hindi katulad sa probinsya. Kaya gusto kung makapagtapos ng pag-aaral pa mabigyan sila ng magandang bahay at magandang buhay. Kahit mahirap malayo sa pamilya ko. Maya-maya'y may nagbukas ng pintuan ng gate at may lumabas doon na isang magandang babae. Kahit simple lang ang suot niya at may edad na ay maganda parin saka sopistikada parin kung titignan. Parang bigla akong nakaramdam ng takot kaya nagtago ako sa likod ni tiya Violet dahil parang ang sungit ng babaeng nakatayo ngayun. " Violet, nandito na pala kayo. Halina kayo at pumasok na kayo sa loob." Saad ni tiya Veronica na binuksan pa ng malaki ang pintuan ng gate. " Siya na ba si Mila?" Tanong pa niya ng naglalakad na kami patungo sa malaking bahay. Mas malaki at malawak pala sa loob kapag pumasok na. Ang ganda ng paligid at halatang mayaman talaga ang may ari nito. Napansin kung parang walang ibang tao. Parang walang ibang katulong. Pero ang malinis ang kapaligiran. " Oo ate. Ito na nga si Mila." Sagot naman ni tiya Violet kay tiya Veronica habang nag-uusap sila. Hindi ko sila pinapansin at abala ako sa pagtitingin sa paligid. Manghang mangha ako sa mga nakikita sa paligid. At mas lalo pa akong namangha ng makapasok kami sa loob ng bahay kaya hindi ko naiwasan mabangga si tiya Veronica. " Ano ba! Tatanga tanga eh." Sabi nito kaya nakaramdam ako ng takot at napalingon kay tiya Violet habang makikita sa mukha ko ang takot. Kaagad naman humingi ng pasensya si tiya kay tiya Veronica. " Pasensya na ate. Namamangha lang ang bata sa mga nakikita niya." Hindi naman umimik si tiya Veronica pero umismid lang ito sakin sabay irap sakin. " Okey!" Saad pa nito saka naglakad ulet. Sumunod naman kami ni tiya Violet sa kanya kung saan siya patungo habang bitbit ang bag ko. Dumistansya na rin ako para hindi siya mabangga. Mukhang mataray talaga ang magiging amo ko. Parang gusto ko ng bumalik sa probinsya dahil natatakot ako sa kanya. May pinasukan kaming kwarto at kusina pala iyon. Pinaupo niya kami sa may hapagkainan saka binigyan ng makakain at naupo na rin siya. Hindi ako kumain kahit masarap ang pagkain na binigay niya samin. Iba kasi ang mga tingin niya kaya naka-yuko lang ako ng ulo. " So, ikaw si Mila? Anak ni Miling." Anang sakin ni tiya Veronica kaya napaangat ang ulo ko saka tumingin dito. " Opo." Nahihiya kung sagot dito. " Ilan taon kana?" " 21 po." Sagot ko sa kanya. " Alam mo ba kung bakit kita kinuha?" Tanong ulet niya sakin habang nakaseryuso ang mukha niya kaya tumango ako sakanya. " Kinuha kita dahil kailangan ko ng katulong kapalit ng pagpapaaral ko sayo. Walang ibang katulong dito kundi ikaw lang. So meaning, ikaw ang gagawa ng lahat. Marunong kaba magluto?" Tanong pa niya sakin. " Opo." Mabilis kung sagot at baka magalit siya sakin. Sumingit naman si tiya Violet sa usapan. " Wag kang mag-alala ate. Magaling ang batang ito. Hindi ka magsisisi sa kanya at subrang sipag pa." " Baka naman may boyfriend na siya?" " Wala po." Mabilis kung sagot sa kanya. " Wala nga ate. Dahil mabait ang batang ito at mas gusto mag-aral kesa mag-boyfriend." Segunda naman ni tiya Violet kay tiya Veronica. " Mabuti naman kung gano'n. Baka ka kasi maging sakit ko siya ng ulo at pabalikin ko siya ng probinsya." Wika nito. " Hindi ate, mabait na bata si Mila. Hindi ka magkakaroon ng problema sa kanya." Paniniguro naman ni tiya Violet. Tumango tango naman si tiya Veronica habang nakatitig sakin at nakahalukipkip pa. " Okey. After this isasama kita sa magiging kwarto mo. Saka kuna sasabihin sayo ang mga pwede mong gawin at rules sa bahay na ito. Bukas kana rin magsimula." Wika nito sa kanya. " Opo." " Kumain kana diyan. Mag-uusap lang kami." Wika nito sabay tayo at lumabas na sila ng kusina. Kumain na nga ako ng mawala sila dahil nakaramdam ako ng gutom. Nahihiya lang ako kanina kaya hindi ako kumakain. Iba kasi kung tumingin si tiya Veronica. Parang ayaw niya ipakain ang mga pagkain sa mesa. Sana lang talaga ay tumagal siya dito dahil kung hindi ay babalik ako sa probinsya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD