Kabanata 09 NALIGAW NA AKO AT HINDI KO alam kung saan lugar na ba ako napunta. Sabi kasi ng napagtanungan ko ay sumakay daw ako ng jeep at sabihin sa driver ang lugar na sinabi ng napagtanungan ko. Sinunod ko naman ang sinabi niya at wala naman doon ang grocery-han. Kanina pa ako lakad ng lakad kung saan pabalik pauwe sa bahay ng amo ko ngunit bumabalik lang ako sa dati. Naiiyak na ako at gusto ko ng pumalahaw ng iyak dahil naliligaw ako. Pero pinipigilan ko lang ang aking sarili at baka pag-isipan pa akong nababaliw habang naglalakad. Hindi ko naman kasi alam ang lugar na ito dahil bago lang ako tapos hindi pa sakin tinuro ng tiya ko at busy daw siya. Sana manlang ay tinuruan niya muna ako bago manlang niya ako hinayaan. Ayan tuloy ay naligaw na ako at hindi kona alam kung saan ba pauw