SIMULA
ABALA AKO SA PAGWAWALIS sa bakuran namin ng pumunta sa bahay namin si tiya Violet. Hindi ko alam ang sadya niya dahil hinahanap niya si nanay.
" Bakit nga po?" Tanong ko sa aking tiyahin.
" Papayag kaba? Mangatulong sa maynila?" Balik na tanong niya sakin. Kaagad naman akong umiling dahil malayo ang maynila at mapapalayo ako sa pamilya ko.
" Bakit naman ayaw mo? Makakapag-aral ka do'n." Sabi ni tiya kaya bigla ako natuwa dahil gusto ko makatapos ng pag-aaral.
" Talaga po, tiya?"
" Oo, naghahanap ng katulong si Veronica. Malayong kamag anak natin. Sabi ko merun akong mairerekomenda na gusto mag-aral. At ikaw agad ang nasa isip ko." Wika ni tiya Violet.
Isang biyuda na ang tiya kona ito at walang anak dahil 'di na pinalad na magkaroon ng anak no'ng nabubuhay pa ang asawa. Ang tanging ginagawa niya ngayun ay alagaan ang nanay nito. Pinsan ito ng nanay ko dahil ang nanay nito at nanay ni nanay ay magkapatid. Hindi ko alam kung sino 'yung kamag anak namin sa manila dahil 'di ko naman alam na may kamag anak pala kami doon.
" Sino po iyon tiya? Kakilala po ba iyon ng nanay?" Anang ko sa aking tiyahin.
" Oo, kilala iyon ng nanay mo dahil nakita na niya iyon. Pero malayong kamag anak na natin iyon. Ano papayag kaba?" Muli ay tanong niya sakin.
Napakamot naman ako sa ulo dahil 'di ako pwede magdesisyon na mag-isa kahit gusto ko makapag-aral. Gustong gusto kung makapag-aral dahil gusto ko makatulong sa pamilya ko. Hirap kasi sa buhay, isang magsasaka ang ama ko at isang labandera naman ang nanay ko.
Dalawang taon na akong hindi nakakapag-aral dahil sa hirap ng buhay. Tapos na ako ng high school, pero after no'n ay hindi na ako nag-aral ng kolehiyo dahil 'di na kaya ng mga magulang ko.
Ako na nga ang nagpa-aral sa sarili ko no'ng high school dahil ayaw kung umasa sa mga magulang ko. Pinag-aaral pa kasi nila ang mga kapatid ko sina Mia at Miguel. Kaya nagsumikap ako para makatapos ng high school. Ginawa ko lahat para makapag-aral ako ng high school. Nagtitinda ako ng kung ano ano sa loob ng room namin at ginagawa ko ang mga assignment saka project ng mga kaklase ko para merun akong pangbaon sa school.
Hindi na ako humihingi kina nanay at tatay dahil alam ko kulang pa ang sweldo nila para samin. Dumidiskarte na lang ako kapag kailangan ko ng pera. Kapag may subra naman sa pera ko ay binibigyan ko pa sina nanay para may pangdagdag sa gastusin sa bahay.
Iyon nga lang ay hindi na ako nakatungtong ng college dahil ang mahal at kailangan ko ng malaking halaga kaya 2 years na akong tengga sa bahay namin. Tumutulong na lang ako sa mga magulang ko. Minsan naiiwan ako sa bahay para ako na ang mag-asikaso sa mga kapatid ko at maglinis sa bahay namin. Ako na ang gumagawa ng lahat ng gawain sa bahay dahil ayaw kona pakilusin ang mga magulang ko para makapagpahinga na sila.
Minsan naman ay kapag hindi na kaya ni nanay sa paglalaba ay ako ang pumapalit para may pangkain kami. Pinapatigil kona nga siya dahil inuubo na siya pero matigas ang ulo ni nanay at ayaw pang tumigil sa pagtatrabaho. Kaya kapag hindi na niya kaya ay ako na ang pumapalit at baka tuluyan siyang magkasakit, mahirap na.
" Bumalik na lang po kayo mamaya tiya. Kausapin kona lang po ang nanay. Baka kasi po hindi siya pumayag." Sabi ko sa aking tiyahin.
" Oh siya. Sayang 'din naman iyon. Kung may magbabantay lang sa lola mo ay ako na lang sana ang magtatrabaho doon." Saad pa nito bago umalis sa bakuran namin.
Napabuntong hininga naman ako ng malalim. Nanghihinayang ako dahil pagkakataon kona para makapag-aral ng mabuti. Kaya lang nasisiguro kung hindi papayag ang mga magulang ko dahil malayo ang maynila dito.
Sa bayan nga lang ako magtatrabaho ay ayaw na akong payagan ng mga magulang ko dahil baka mapaano daw ako. Mahal na mahal kasi kami ng mga magulang namin at ayaw nila kaming mapahamak na magkakapatid kaya kahit hirap na hirap na kami sa buhay ay ayus lang basta magkakasama kaming lahat.
Matapos magwalis sa labas ay nagsimula na akong maglaba dahil nakalinis na ako ng bahay. Maaga kaming nagigising sa umaga dahil maaga pumapasok sa school ang dalawa kung kapatid at si tatay. Sa bukid kasi nagwowork ang tatay ko bilang magsasaka. Tapos ang nanay ko naman ay labandera at alas syete ng umaga ang pasok niya. Kaya siya ang naiiwan sa bahay para gumawa ng mga gawain bahay.
Iyon lang kasi ang tangi kung maitutulong sa mga magulang ko dahil ayaw nila ako magtrabaho sa bayan. Bata pa kasi ako at 21 years old palang kaya hindi ako pinapayagan magtrabaho sa malalayo dahil 'di ako sanay.
Baka daw mapahamak ako dahil may pagka-inosente kasi ako dahil laking probinsyana ako.
Nagsimula na ako maglaba ng mga labahan namin sa likod bahay dahil may poso kami doon. Malayo kami sa dagat pero malayo 'din kami sa bundok. Kaya naman dumadayo pa kami kapag gusto namin maligo ng dagat o ilog.
Medyo marami akong labahan ngayun dahil hindi naman ako araw araw naglalaba. Kapag may sabon lang saka ako maglalaba. Mahirap para samin lahat dahil mababa lang ang sahod ng tatay ko. Halos magkandakuba na ang tatay kakatrabaho sa sakahan pero hindi nadaragdagan ang sahod niya dahil mukhang pera ang amo nito.
Si nanay naman ay maliit lang 'din ang sahod niya. Pero mabait naman ang amo niya, kaya minsan ay nakakabale ang nanay doon kapag kailangan.
Subra na akong naaawa sa kanila pero wala akong magawa dahil hindi nila ako pinapayagan magtrabaho sa bayan. Masyado silang ingat na ingat samin kaya ito. Isang kahig at isang tuka lang kami.
At puro saging o kamote na lang kinakain namin para lang magkaroon ng laman ang tiyan namin. Hindi naman ako nagrereklamo kung gano'n palagi ang pagkain namin sa araw araw.
Kaya lang, may magagawa naman ako para makatulong pero ayaw nila ako payagan. Naiintindihan ko naman sila, kaya lang subrang hirap na kasi ng buhay namin. Parang nakakasawa na ang ganitong buhay.
Kaya hindi na ako magtataka mamaya kung papayagan nila akong magtrabaho sa manila. Dahil kilala ko ang mga magulang ko. Kahit mahirapan kami sa buhay ay titiisin nila, basta magkakasama lang kami.
Dumating ang tanghali ay tapos na ako maglaba at nagsasampay na ako para makapagluto na ako ng sinaing dahil darating na ang mga kapatid ko at si tatay.
Umuuwe ang tatay ko sa tanghali para kumain muna saka aalis ulet after ng kalahating oras. Si nanay naman ay mamayang hapon pa umuuwe at hindi na umuuwe sa bahay.
Matapos magsampay ay nagluto na ako ng sinaing. May bigas kami ngayun dahil bumili ng limang kilo ang nanay ng sumahod siya. Importante kasi ang kanin kahit wala ng ulam. Kapag wala kaming pambili ng sardinas o tuyo ay nag-aasin na lang kami saka toyo.
Para lang makaraos kami sa gutom.
Minsan umiiyak na lang ako kapag nakikita kung naghihirap ang pamilya ko dahil sa hirap ng buhay. Yung gusto kung tumakas para magtrabaho sa bayan pero hindi ko magawa dahil ayaw ko magalit sakin ang mga magulang ko kaya nagtitiis na lang ako.
Nagpapahinga ako habang inaantay na kumulo ang sinaing ng dumating ang mga kapatid ko mula sa school. Half day lang ang school samin at same na pang umaga ang dalawa.
" Hi ate. Nakaluto kana po?" Tanong agad ng bunso kung kapatid. Samantalang si Mia ay dumeretso sa kwarto namin.
" Hindi pa, bunso. Inaantay ko pang magpain-in." Sagot ko sa kanya.
Minsan ay walang baon ang mga kapatid ko kaya kapag umuuwe sa bahay ay gutom na gutom. Katulad ngayun, wala silang baon dahil walang maibigay ang mga magulang ko. Pero hindi naman sila nagrereklamo at tuloy parin sa pag-aaral.
" Okey po." Saad nito saka nagtungo na rin sa kwarto para magpalit ng pambahay. Napabuntong hininga na lang ako. Ganito na lang nagagawa ko kapag wala akong magawa.
Sana lang talaga ay payagan nila ako na magtrabaho sa manila para makatapos ako ng pag-aaral. Gagawin ko ang lahat para makatapos ako at matulungan sila.
Matapos kung magsaing ay saka naman dumating si tatay. Kaagad akong nagmanong sakanya at naghain ng pagkain para makakain na ito dahil gutom na gutom na rin ang ama ko mula sa pagtatrabaho sa bukid.
Wala kaming ulam ngayun dahil wala kaming pambili kaya toyo at asin na naman ang ulam namin. Wala pa kasing sweldo kaya asin asin muna kami. At kahit may sweldo na ang mga magulang ko ay hindi parin kami nakakain ng masarap dahil mas marami kami na dapat bayaran.
" Kain na." Sabi ko sa kanila.
Parang wala naman ganang kumain ang dalawa kung kapatid dahil asin na naman ang ulam. Naaawa na ako sa kanila.
Maya-maya'y narinig ko ang boses ng kaibigan kona si Grasya.
" Hello. May dala akong ulam." Sabi nito sabay lapag ng mangkok sa mesa at natuwa agad ang mga kapatid ko dahil adobong sitaw ang ulam.
Si Grasya ay matalik kung kaibigan s***h kababata dahil simula bata palang kami ay magkalaro na kaming dalawa. Naligaw lang ang landas nito dahil isa na siya ngayung babaeng patapon ang buhay.
Meaning pokpok.
Nagtatrabaho siya sa isang bar sa bayan at isa siyang pokpok. Pinapasok nga siya do'n pero umaayaw ako dahil ayaw ko ng gano'n trabaho. Yung bibigyan niya ng aliw ang mga parokyano tapos lalaspagin lang siya. Wag na uy! Hindi niya pinangarap ang gano'n trabaho kahit mahirap ang buhay ngayun.
Hindi sa nag-iinarte ako pero may prinsipyo naman ako. Ang gusto ko ay 'yung makakakuha ng p********e ko ay 'yung lalaking makakasama kona sa habang buhay.
" Salamat. Hulog ka talaga ng langit." Naiiyak kung sabi sa kanya.
" Syempre, bestfriend tayo. Ang mag-bestfriend ay nagtutulungan. Bakit kasi ayaw mo pang sumama sakin eh."
Nagreact naman agad si tatay. " Huy! Wag mong denedemonyo ang anak ko. Hindi pariwarang babae ang anak ko."
Napasimangot naman si Grasya. " Si mang Enteng talaga. Anong gusto niyo, habang buhay kayong magdildil ng asin?"
" Oo! Wag lang maging pota ang anak ko!" Galit na sabi ni tatay kay Grasya. At kahit pariwarang babae si Grasya ay welcume parin naman siya sa bahay namin dahil bestfriend ko siya.
Basta ang gusto ni tatay ay wag lang akong isama sa kalokohan ni Grasya para palagi siya nakakapunta dito.
" Sige alis na ako. Matutulog pa ako, nagdala lang talaga ako ng ulam." Paalam nito kasabay ng pagyakap sakin.
" Sige salamat." Sabi ko naman. Basta kapag nakakapagluto ng ulam ang babaeng 'to ay hindi siya nakakalimot na magbigay sakin. May utang pa nga ako sa babaeng 'yun pero hindi niya ako sinisingil dahil alam niyang wala akong maibabayad pa sa kanya.
Matapos namin kumain ay umalis na agad ang tatay para magtrabaho ulet. Ang mga kapatid ko naman ay natulog naman sa kwarto dahil wala naman silang gagawin.
Samantalang ako ay nakatingin lang sa mga tanim sa paligid habang nag-iisip. Mamaya na ako matutulog kapag inantok ako.
Nagmuni muni muna ako habang inaantay na bumaba ang kinain ko. Makalipas ng ilang minuto ay sinara ko ang pintuan ng bahay saka ako pumunta sa kwarto namin at natulog. Isa lang ang kwarto namin at sama sama na kami do'n. Maliit lang kasi ang bahay namin at tagpi tagpi pa. Kaya kapag umulan ay tumutulo ang mga bubong dahil 'di namin mapaayus. Wala kasi kaming pera pangpagawa.
Kaya nagtitiis kami kapag tumutulo na.
Nagising lang ako ng malapit ng gumabi. Kaagad akong nagsaing dahil maaga kami kumakain. Kapag madilim na kasi sa labas ay subrang dilim na samin dahil wala kaming kuryente kundi gasera lang.
Kaya kailangan ay nakaluto na ako bago pa magdilim. Para kakain na lang kami mamaya. Ito ang dahilan kung bakit gusto ko makatapos ng pag-aaral.
Gusto kung mapaayus ang bahay namin at malagyan ng ilaw dahil subrang dilim samin kapag gabi na. Naiinggit nga ako sa mga kapitbahay namin dahil sila may ilaw, samantalang kami wala kasi wala kaming pambayad.
Sa pagkain palang kulang na kulang na dahil marami kami. Tapos may mga utang pa kami na kailangan bayaran kaya hindi kami makaahon sa kahirapan.
Nang dumating na ang mga magulang ko ay saka lang kami kumain. Doon ko naman sinabi ang sinabi ng tiya Violet ko.
" Ano? Sa maynila ka magtatrabaho at mag-aaral?" Bulalas ni nanay ng marinig ang sinabi ko.
" Hindi!" Si tatay naman.
" Nay, Tay. Ito na po ang pagkakataon ko para makatapos ng pag-aaral." Nakikiusap kona sabi sa kanila.
" Hindi! Delikado sa manila." Mariin na tanggi ni nanay.
" Nay naman eh. Hindi niyo ko naiintindihan." Hindi kona napigilan mainis dahil gusto nila ang ganitong buhay. Sama sama nga kami pero subrang hirap naman ng buhay namin.
Bumaling si nanay sakin na masama ang mukha kaya napayuko ako ng ulo. " Anong hindi namin maintindihan. Maynila 'yun, Mila. Jusko naman. Paanong may mangyare sayo ng masama do'n? Ang layo layo namin sayo." Parang naiiyak na sabi ni nanay. Ayaw pa talaga nila ako pakawalan dahil natatakot sila na mapahamak ako.
Pero kung hindi ko naman susubukan ay paano nalang kami? Habang buhay na lang na ganito?
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa upuan at lumapit kay nanay. Niyakap ko siya ng mahigpit kaya niyakap 'din ako ni nanay.
" Gusto ko po kayo tulungan kung bakit ko po 'to gagawin, nay. Ayaw ko po ng ganitong buhay. Kuntento na lang kung anong merun. Gusto ko pong mag-aral at makatapos. Para kapag tapos na ako ay makakahanap na ako ng magandang trabaho at hindi na kayo magtatrabaho ni tatay."
" Pero delikado sa maynila." Wika ni nanay ng matapos kung magsalita.
" Nay, hindi ko po malalaman kung hindi ko po susubukan. Atsaka mag-iingat naman po ako doon palagi. Saka kamag anak naman po natin iyon diba?" Anang ko sa ina habang nakatingin dito.
Napabuntong hininga naman si nanay. " Sigurado kana ba diyan? Alam ko hindi ka sanay na malayo samin."
" Kakayanin po para makapag-aral po ako. Ayaw kona po kasi ng ganitong buhay nay, tay." Sabi ko sa kanila. " Napakahirap po ng buhay natin. Hindi sa nagrereklamo po ako at masaya naman po tayo. Pero hindi pwede na ganito lang at makuntento. Kailangan ay may isang magsakripisyo para guminhawa ang buhay natin. At ako po 'yun, kahit subrang hirap dahil malalayo ako sa inyo. Pero ayus lang para makatapos ako ng pag-aaral at makakahanap na ako ng magandang trabaho. Kapag nangyare po 'yun, hindi kona kayo pagtatrabahuin." Nakangiti kung wika sa kanila habang naiiyak.
" Ibig sabihin ate makakain na tayo ng masarap?" Sabi ng bunso namin.
" Opo." Mabilis kung sagot sa aking kapatid. " At kahit nag-aaral ako sa maynila ay may trabaho parin ako. Makakapagpadala ako sainyo ng pera."
" Baka naman mapagod ka do'n, Mila. Mag-aaral ka tapos magtatrabaho ka."
" Nay, ayus lang po 'yun. Importante ay makapag-graduate po ako." Sabi ko sa ina para hindi na siya mag-alala. Alam ko mahirap dahil pagsasabayin ko ang pag-aaral at school. Pero kailangan ko 'yun gawin para makatapos ako. Dahil kung iisipin ko ang hirap ay wala ako mararating sa buhay.
" Usige, papayagan ka namin ng nanay mo. Basta ipangako mo lang na mag-iingat ka at aalagaan mo ang sarili mo." Natuwa naman ako dahil pumayag na ang tatay ko.
" Yehey!"
" At kapag hindi muna kaya, bumalik ka lang huh?" Sabi naman ng nanay ko.
" Opo." Niyakap ko naman ang nanay ko ng mahigpit at pati na ang tatay ko bago ang mga kapatid ko.
Masaya ako dahil sa wakas ay pinayagan na nila ako at pinakawalan. Hindi ko ito pwedeng palagpasin dahil ito ang magbibigay sakanya patungo sa kanyang mga pangarap.