Kasungitan!

1105 Words
NAPANGANGA ako habang nakatingala sa lalaking sumalo sa akin mula sa pagkakabangga. Hindi ko alam ang aking gagawin. Gusto kong magpasalamat sa kanya ngunit base sa kanyang naging reaksyon hindi ito natutuwa. Tila umurong ang aking dila saa ano mang nais kong sabihin. Mukhang masasabon na naman ako nito. “Buwisit talaga. Sa dinami-raming taong nakasalo sa akin bakit siya pa?” reklamo ng aking isip. Kung labag naman pala sa kanyang loob ang saluhin ako. Naku! Kung hindi lang ‘to naming professor matagal ko na ‘tong sinapak. Ngunit sa huli nanaig pa rin ang aking pagtanaw na utang na loob sa kanya. “Maraming salamat, Sir Estrera sa pagsalo sa akin,” pasasalamat ko sa kanya. Ngunit ang damuho pabalang pa akong binitawan. “Aw!” daing ko. Hindi nga ako tumilapon. Bumagsak naman ang aking puwet sa semento. Narining ko pa nga iba’t ibang reaksyon ng kapwa ko estudyanting nakakita sa kanyang ginawa. May ibang pinagtatawanan ako, kapwa babae ko pa ang nakikita kong tumatawa. Samantala ang iba naman tila naawa sa akin. Kaagad akong tumayo at pinapagpag ang aking puwitan. Kahit masakit ang pang-upo sinikap kong tumayo ng tuwid na tila walang nangyari. Ewan ko ba talaga, bakit ganito ang ugali niya? Sa pagkakaalam ko ang mga guro ang magandang ehemplo nang mga kabataan ngunit kabaligtaran naman yata sa lalaking ito. Mukhang bad influence pa sa amin. Bakit ko nasabi ang lahat ng ito? Dahil sobrang sama ng ugali niya. Siya lang naman ang buwisit sa buhay ko rito sa University. Kunti na lang talaga makakasapak na ako ng professor. “Kunting tiis na lang, Amelia. Isang taon na lang ga-graduate ka na. Hindi mo na makikita ang pagmumukha ng lalaking ito. Sa ngayon pahabaan mo muna ang iyong pasensiya baka mapurnada pa ang iyong kinabukasan dahil sa lalaking ‘yan,” paalala ko sa aking sarili. “A-Amelia, are you okay?” napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Dex napapalapit sa akin. Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Nang tuluyan itong nakalapit kaagad niyang sinuri ang aking mga kamay at aking ulo. “Ayos lang ako, Dex. Salamat sap ag-aalala.” “Wala bang masakit sa ’yo? Gusto mo dalhin kita sa clinic? Baka may fracture ka." Ramdam ko na totoong nag-aalala ito sa akin. Hindi katulad ng mala-demonyo naming professor. Kaagad akong napuyuko nang sulyapan ko sir Estrera na matalim pa rin ang tingin sa akin. “Hindi na Dex. Ayos lang talaga ako,” mariing kong tanggi. “Miss Amelia Divina gracia, next time. You should be careful. Hindi itong tatanga ka! Nang sa gayon hindi ka nakakapuwerisyo ng ibang tao. And worst, nakakasakit ka pa!” marring saad ni Sir Estrera sa akin. Ramdam ko ang inis sa kanyang tinig. At talagang tinawag pa ako sa aking buong pangalan. Kaagad na panting ang aking tainga sa pagtawag niya sa akin na tanga. Mariin akong napakuyom ng kamao. Para pigilin ang aking inis sa aming professor na tila pinaglihi sa ampalaya. Kung babae lang ito iisipin kong naglilihi at ako ang kanyang pinaglilihian. Nararamdaman ko ang marahang paghaplos ni Dex sa aking siko na tila ba pinapakalma ako. Marahil nararamdaman nito ang matinding inis na aking nararamdaman. Baka iniisip ni Dex napapatulan ko ito dahil dito sa kampus kilala akong palaban. Totoo naman, ako ‘yong tipong mabait at magaling makisama, ngunit ‘wag lang nila akong kakantiin dahil hindi ako mangingiming ipapalipad sa kanilang pagmumukha ang aking kamao. Humugot ako nang malalim na hininga at pagkatapos marahan ko itong binuga. Ayaw kong magpapadala sa emosyon dahil alam kong wala akong laban sa professor naming na demunyo. Nasa dulo lang ako ng kanyang ballpen. Isang guhit lang kanyang tinta. Sira na kaagad ang aking kinabukasan. Kaya minabuti kong isantabi na lang muna ang inis ko sa kanya. Mariin kong ipinikit ang mga aking mga mata at pagkatapos nag-angat ako ng ulo at buong tapang nahumarap sa kanya. “P-pasensiya na po, Sir Estrera. Hindi na po mauulit. Sa susunod hindi na po aking maging TANGA!” pinagdiinin ko ang katagang tanga para kahit papaano malaman niyang nasagi nito ang aking ego. Kung maka-tanga kasi akala mo naman perpekto. “Just make it sure Miss Divinagracia. Dahil sa University na ‘to walang lugar ang mga babaeng tatanga!” muling saad nito. ‘Aba’t inulit pa talaga ng loko!’ sigaw ng aking isipan, muling uminit na naman ang aking bunbunan dahil sa aking narinig. Ano ba talaga ang gusto ng lalaking ito? Bakit ba ang init ng dugo niya sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kanya. At kung makaasta akala mo sinong may-ari sa paaralang ito! If I know sinasahuran lang naman din siya. Mabuti na lang talaga at tumalikod na ito sa amin ni Dex. Naglalakad ito papalayo sa amin. Napabuga ako ng hangin, hindi ko maitago kay Dex ang aking galit at inis na nararamdaman. Dumagdag pa ang sakit ng aking balakang dahil sa marahas na pagbitaw sa akin ng demonyong Estrera na ’yon. “Are you okay? “ marahan akong tumango kay Dex. “Don’t mind him. Huwag kang maniwla sa sinasabi niya. Nagkataon lang na aksidenti ang nangyari.” “Salamat, Dex.“ kahit paano gumagaan naman ang aking kalooban dahil nandiyan si Dex. Sa akin. Hindi man siya nagsasalita oero ramdam ko rin na iinis siya kay Mr. Estrera. Maliban sa famous at campus crush dahil sa aking kagwapuhan. Napakabait din nito. Kaya hindi maipagkakaila na maraming kababaihan ang nagkakagusto sa kanya. Ngunit muli na namam akong nagtatangis nang biglang may nagsalita ito. Nakailang hakbang lamang pala ito nang biglang tumigil at muling humarap. “Ano pa ang hinihintay mo, Miss Divinagracia? Bakit ka pa nakatutunganga riyan? Don’t you remember, that today is mid-term examination!” Nanlaki ang aking mga mata sa narinig sabay tampal ng aking noo. s**t! Paano ko nakalimutan ang bagay na ‘yon? “See? Kung hindi ko sa ‘yo pinaalala hindi mor in maalala! You’re just really a disaster! OR sadyang tanga ka ba talaga?” ‘Aba’t inulit pa talaga ng loko!’ muling uminit na naman ang aking bunbunan dahil sa aking narinig. Ano ba talaga ang gusto ng lalaking ito? Bakit ba ang init ng dugo niya sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kanya. At kung makaasta akala mo sinong may-ari sa paaralang ito! If I know sinasahuran lang naman din siya. Nakaka high blood ng dugo. “I’m sorry. Mr. Estrera, maybe you let Amelia rest for awhile, she’s still in a shock dahil sa pagkakabangga. I will bring her to the clinic,” maagap na saad ni Dex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD