CHAPTER ONE
“AMELIA, dahan-dahan naman baka matapilok ka!“ sigaw ni Letty sa akin. Hindi ko na siya makuha panglingunin dahil nagmamadali na akong tumakbo papuntang locker room. Halos hindi na ako humihinga, mag-aalas-sais na nang umaga. Hindi pa ako nakabihis ng aking uniform.
“Nagmamadali ka na naman, Lia,“ saad ni Marivick. Lia ang tawag niya sa akin in short of Amelia. Maganda rin naman pakinggan kaya hindi ko kino-kontra. Ngunit mas preferred ko na tawagin sa aking pangalan. Sabi ng mga kaklase kong iba medyo makaluma raw ang pangalan ko. Eh, ano naman? Gusto nga ito dahil lakas maka-donya..
“Malapit na kasing mag-aalas siyete. May klase ako ngayong alas otso. Dahil may mid term examination pa ako, kaya hindi ako puwedeng ma-late o kaya lumiban,“ paliwanag ko kay Marivick habang inisa-isa kong tinanggal ng aking suot na uniform sa pabrika at nagpalit ng uniform para school. Parehas lang kaming babae kaya ayos lang na maghubad ako sa kanyang harapan.
Napabuntong hininga ako. Wala na talagang liguan ito, hindi pa naman ako sana’y pumasok na walang ligo. Pero sa ganitong pagkakataon wala na talaga akong mapagpipilian pa. Kailangan ko ng dumiritso sa University na aking pinapasukan dahil paniguradong mahuhuli ako kapag dadaan pa ako sa bahay namin. Sobrang istrikto pa naman ang professor naming iyon. Sarap batukan.
Palaging bad trip pa naman ’yon sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang siya sa akin? Parang wala akong ginagawang tama sa kanya. Minsan naman nakikita ko siyang nakipagtawanan sa ibang studyanti pero pagdating sa akin tila mainit ang kanyang dugo. Pero bahala siya ang mahalaga hindi niya ako ibabagsak. Kaya magdusa siya sa aking pagmumukha. Napailing-iling ako, bahala siya sa buhay niya. Ayaw kong isipin kong isipin ang mga bagay na 'yan! Makakadagdag ng stress sa akin.
Mabuti na lang dala-dala ko na ang aking mga gamit pati na ang aking uniform. Mataas talaga ang aking radar. Nase-sense ko na matatagalan na naman si Lerma.
“Hala! Kung ganoon pala. Sana mauna ka ng
umalis. Kung ganoon naman pala sana hindi mo na lang hinihintay si Lerma. Para hindi nagahol sa oras. Paniguradong maiintindihan ka naman ni Ma'am.“
“Hindi puwede, Marivick. Ayaw kong may masabi sa akin si Mrs. Robles. Baka sasabihin sinasamtalahan ko ang aking kabaitan sa akin,“ saad ko pa habang sinusuot ang aking puting blusa.
“Hindi naman siguro. Alam nina maam at sir kung gaanonka ka-didicated sa work. Ang sipag mo talagang bata ka. Paniguradong malayo ang iyong mararating. Napaka-swerte ng mga magulang mo sa ’yo. Kung ako niyan nako. Baka hindi na ako aabot pa ng 4rth year college. Skwela at trabaho ng hirap pagsabayin,“ mahabang reklamo ni Marivick. Maypailing-iling pa itong nalalaman. Akala mo naman siya ang nahihirapan. Kaya napapangiti na lamang ako sa kanyang reaksyon.
“Hindi naman talaga madali ang working student. Minsan naisip ko rin nasumuko na lang. Pero wala, eh..No choice, dahil wala rin naman akong ibang aasahan maliban sanaking sarili.“
Sa totoo lang nahihirapan na talaga ako. Napapagod lalo na at palaging night shift ang duty ko dahil may klase ako tuwing umaga. Pero good thing at naiintindihan ako ni Ma'am Robles. Na mag-out tuwing alas tres nang madaling araw. Para kahit papaano raw ako. Ngunit buo pa rin ang sahod na aking natatanggap. Ayaw ko sana kasi unfair naman ’yon sa iba kong kasamahan na nagtatrabaho ng kompletong oras. Pero nag-iinsist ma’am. Bilang tulong na lang daw ’yon sa akin. Oh, 'di ba napakabait ng aking boss.
Kahit maliit na fabrica ng mga tela lamang ang aking pinapasukan ngunit wala akong naipintas pagdating sa benipisyo at pasahod. Sobrang on time, kaya heto malaking tulong sa aking pag-aaral sa kolehiyo at hindi ko na namamalayan na ngayon taon na lang ang aking titiisin ga-gradutar na ako sa kursong Bachelor of Science Accountancy. Sa wakas makakatulong na ako kay mama at papa.
“Sige aalis na ako, Marivick!“ paalam ko sa aking kasama. Malaki ang aking mga hakbang palabas ng locker room. Ngunit hindi ako nakuntento dahil nababagalan pa ako kaya kumaripas na ako ng takbo papuntang gate ng fabrica. Pahirapan pa naman sumakay ng jeep dito kaya napag desisyonan kong sumakay na lang ng taxi. Kahit medyo masakit sa bulsa ang pamasahe. dahil kong hindi ako magta-taxi paniguradong wala na akong aabutam na exam. Kaagad kong pinara ang taxi papalapit sa akin. Mabuti na lang walang sakay.
“Saan po tayo, Miss?”
“De Villa Estrera University, kuya. Kung puwede pakibilisan na lang po, kuya.” Kaagad kong kinabit ang seatbelt. Bago pa man nakatakbo ang sasakyan. Hindi ko matanggal ang aking mga tingin sa suot kong lumang relo na pambisig. Malakas ang bayo mg aking dibdib. Natatakot akong mahuli sa exam baka ito pa ang dahilan na hindi ako maka-graduate. Kaagad nagliwanag ang aking mukha nang natanaw ko na ang gate ng aming paaralan.
Kaagad kong inabot kay kuyang driver ang aking pamasahe at nagmamadaling umibis ng sasakyan. Eight minutes lang ang itinakbo ng taxi. Thanks God! May ten minutes pa akong natitira mabuti na lang at hindi kalayuan ang aming room sa gate. Nasa first building kaming mga taga-accounting.
May iilang tumawag sa aking pangalan ngunit hindi ko na lang pinagtuonan nang pansin. Hindi sa pagmamayabang medyo popular kasi ako sa aming University dahil sa naging Campus Queen ako last year at sumali din ako sa iba pang mga curricular activities.
Infairness ang beauty na ng Tita ninyo. May ibubuga rin naman ako. Lalo na sa aking katawan, may kurba ito at ang biggest asset ko talaga ang maumbok kong puwet at magandang hugis ng aking legs. Hindi man ako maputi ngunit fair and smooth naman ang aking kutis. Siyempe hindi rin pahuhuli ang aking height na five—six. May mga ibang ngang nagpapalipad ng hangin sa akin ngunit hindi ko pinagtuunan ng pansin dahil priority ko ang aking pag-aaral. Wala pa sa isip ko ang mga relasyon-relasyon na ’yan.
At saka sabi ng aking mga kaibigan may mga ibang lalaki raw nagkakagusto sa akin ngunit nai-intimadate itong lumapit sa akin dahil sa aking awrahan. Medyo may pagka-boyish kasi ang aking dating. Pati na sa aking paglalakad. Marami nga ang nagulat nang sumali ako sa Mr. and Ms. Campus Queen dahil akala nila tibo talaga ako. Ang hindi nila alam style ko lang ang aking pananamit, sinadya ko ang lahat para walang masyadong lalaking umaaligid sa akin dahil ayaw kong may sagabal sa aking pag-aaral.
Maging ang aking sina Leslie at Beth, nagugulat sa pagsali ko. Ayaw ko nga sana, eh. Kaso ako ang napipisil ni Mrs. Quintanar bilang representative sa aming department. Sayang din ang grades. Pero sa totoo lang maganda naman talaga ang experience ko sa pagsali ng Campus Queen.
“Amelia!“ narinig kong tawag ni Dex. Isa sa lalaking nagpapalipad ng hangin sa akin. Kumaway lang ako sa kanya at kumaripas na ng takbo papunta room. Ngunit dahil sa aking pagmamadali hindi ko na makontrol ang aking sarili at tuluyang bumangga sa lalaking naglalakad din. Mariin kong ipikit at ang aking mga mata at hinihintay ang aking pagkabangga sa lalaki. Dahil sa lakas ng impact akala ko tumilapon na ako.
Ngunit malapad at matigas na bisig ang aking nararamdaman na sumalo sa aking katawan. Pagmulat ko sa aking mga mata. Sumalubong sa akin ng matalim na tingin ng lalaki.