Pangit Na Ugali

1104 Words
“Mr. Villegas, don’t you hear it clearly right? Ms. Divinagracia said that she’s okay. Wha’ts use to bring her in the clinic. And don’t make an excuse that you are the son of the principal in this University. Kaya mo na akong pasunurin sa iyong mga kagustuhan," mariing anas ni Mr. Estrera. “Mr. Estrera, that’s not what I mean. Gusto ko lang naman sana makasiguro na walang damage ang katawan ni Amelia," Tila may takot sa tinig ni Dex. Hindi ko alam kung ano mayroon sa professor naming na ito dahil halos ng mga kasamahan nila sobra itong ginagalang at tila ba takot na takot itong magkakamali sa kanya. “Hindi na Dex. Huwag kang mag-aalala sa akin. Puwede mo na akong iwan,” taboy ko kay Dex. Ayaw kong madadamay pa siya dahil sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ni Mr. Estrera. Kaya mas mabuting titigil na ang diskusyon na ito. “You heard that, Dex. She’s okay. You are too much concern to Miss Divinagracia. You can go to your room now!” hindi iyon pakiusap ngunit ma awtoridad ang kanyang tinig. Kaagad namna tumalima si Dex. Sumenyas siya sa akin na aalis na at kaagad naman akong tumango sa kanya. Ngunit bago pa man siya umalis sinisiguro kong makapag-thank you man lamang kay Dex. “No worries basta ikaw,” sagot niya sa akin at matamis pa na ngumingiti sa akin. Lumabas tuloy ang malalim niyang dimples sa magkabilang pisngi. “Mr. Dex Felimino, I said go to your room now!” matigas na saad ni Mr. Estera. Bakas sa tinig nito ang sobrang inis. Hindi ko alam kung saan ito pinaglihi ng kanyang ina dahil sa sobrang strikto at moody nito. NApaka bitter! I wonder kung paano siya nabubuhay sa araw-araw na tila puro sama ng loob ang kanyang nararamdaman. ‘Siguro hindi ito mahal ng kanyang pamilya o hindi kaya walang jowa,’ singit ng aking isipan. Hindi naman talaga ako magtataka na wala itong jowa kahit hindi mapagkakaila na sobrang nito. Walang matinong babae na papatol sa ganyang ugali. “Kahit ako, ayaw kong papatol sa kanya. Kahit siya na lang ang natitirang tao sa mundo hindi ako papatol sa kanya.” Dagdag pa ng aking isipan. Totoo naman mas mabuti pang mamuhay mag-isa kaysa kasama ang lalaking ‘yan! Hindi moa lam kung paano pakikisamahan dahil sobrang lala ng ugali. Baka aso nga hindi rin siya gustong makasama. “Ms. Divinagracia, what are you waiting for? Just go to your room! I wonder why if what makes you coming here? Nandito ka ba para mag-aral o nandito ka lang ba para magpapa-cute sa mga kalalakihan?” seryoso ang kanyang mukha habang binigkas ang katagang ‘yon. Tinitingnan pa ako nito mula ulo hanggang paa. Pagkatapos pabalik na naman sa aking mukha. Kaagad nagtama ang aming mga mata. Sa pagkakataon na ito wala akong takot nanararamdaman kundi ang galit at inis ang naghahalo para sa lalaking aking kaharap ngayon. Nagsimulang uminit ang bawat sulok ng aking senyales na nagbabadyang pagluha ngunit mabilis ko itong pinigilan ayaw kong makitang nasasaktan ako sa kanyang mga sinabi dahil mas lalong bibigyan ko lang siya nang dahilan para ulit-ulitin ang pangungutya sa akin. Matalim ang aking mga matang nakatingin nang diritso sa kanyang mukha. Hindi ko papalampasin ang pangungutya niya sa akin. Kaagad na kumulo na naman ang aking dugo. Ang sama ng tabas talaga ng dila ng lalaking ito. Hindi niya alam kung ano ang hirap na aking pinagdadaanan para lang makapasok sa paaralang ito at makaabot ng fourth year college tapos siya na walang sa aking buhay pagsasalitaan niya ang nang ganoon! Hindi na talaga ako makapapayag! Ngunit akmang ibuka ko na ang aking mga bibig para bigyan din siya nang maanghang nasalita. Kaagad itong tumalikod at Malaki ang mga hakbang na naglalakad papalayo sa akin. Nakita ko itong pumasok sa aming silid aralan. Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamao para sana hahabulin ko siya t paundayan ng suntok ang likod. Mabuti na lang napigil ko pa ang aking sarili. Napabuga ako ng hangin para maibssan ang pagsisikip ng aking dibdib. Sa pagkakataon na ito, kusa na lamang tumulo ang aking mga luha. Hindi ko napigil itong pumatak. Ngunit kaagad ko itong pinahid at mabilis na dianmpot ang aking dalang bag at naglalakad papasok sa loob ng aming room. Nilakasan ko ang aking loob at iniiwasan kong tumingin kay Mr. Estrera na ngayon ay tila superior na nakatayo sa gitnang bahagi ng blackboard. Tahimik lang din ang aking mga kaklase, hwill hindi naman maipagtataka na tahimik silang lahat dahil ganito lagi ang scenario kapag oras na ni Mr. Estrera. Pati ang mga kaklase kong lalaki na mga matitigas ang ulo tumitino kapag oras na niya. Sa panahon akala ko wala ng terror professor mayroon pa pala. Ngunit ang Malala akala mo ipinanganak sa panahon ni Magellan. Eh, balita ko anim na taon lang ang agwat niya kaysa sa akin. Ipinanganak itong Gen Z pero daig pa si Mrs. Reyes na isa naming professor kahit malapit na itonng mag-retire pero maganda pa rin vibes ang kanyang hatid. “Hoy, babae! Bakit ngayon ka lang? Lagot ka na naman kay Mr. Estrera. Alam mo naman na mainit ang dugo niya sa 'yo,” bulong sa aking ni Dina. Ang aking matalik na kaibigan. Marami naman akong kilala rito sa school ngunit siya lagi ang nakaalam sa mga ganap ko sa buhay. “Hayaan mo siya. Wala akong paki sa kanya kung magagalit siya sa akin,” bulong ko rin kay Dina. Mukhang wala itong alam sa nangyari. Saka ko na lang sasabihin kapag break time namin dahil baka madamay pa ang aking kaibigan sa galit ni Mr. Estrera sa akin. Hindi ko man nakita ang kanyang pagmumukha dahil nanatiling nakatungo ang aking ulo sa sahig, kahit ang pagsulyap sa unahan hindi ko magawa pero ramdam ko pa rin ang matataoim nitong mga tingin sa akin. “Naku, mukhang bad trip pa naman. Kita mo ‘yang pagmumukha niya daig pa ang lion na gustong mangagat ng tao. Hay, pero kahit nakasimangot ito sobrang guwapo pa rin niya ano?” tila kinikilig na saad ni Dina. Na kaagad ko na mang sinalungatan. “Ganyan talaga kapag pinaglihi ng sama ng loob. At saka aanhin mo ang guwapo kung masama naman ang ugali. Pero mukhang nanlalabo ang paningin mo Dina, dahil hindi mo alam ang gwapo at pangit ng isang lalaki. Saka pangit na nga mas lalo pang pumangit dahil sa kanyang masamang ugali..." bulong ko sa aking kaibigan. Saka tama lang naman ang aking mga sinabi rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD