Magluksa Na Kayo?

1175 Words
LUMIPAS ang ilang araw pagkatapos sa nang nangyari sa akin ay kinalimutan ko na ang lahat tila umaayon naman sa akin ang panahon dahil naka on leave lang naman ang demonyo naming professor. Yes, demonyo ang tawag ko sa kanya dahil walang matinong guro ang magpapahiya sa sarili nitong studyanti. He judging me without asking why I am sleeping during in his class hours. Pero not to mention naman. Hindi naman ako kasing bobo sa inakala niya dahil lahat ng mga subject halos lahat plot one. At siyempre kasali rin ako sa deanslister. At wala namang problema sa ibang mga subject teacher ko dahil naintindihan naman nila ang aking sitwasyon as long as nakakahabol ako sa mga lectures and projects. Hindi rin naman sa pagmamayabang madali rin kasi ako maka-catch up ng lesson. Isang turo lang gets ko na agad. Nagka problema lang ako nang dumating ang demonyong ‘yon! Siya ang tinuturing kong kontrabida sa aking buhay. Idadamay pa ako sa kung ano man ang kanyang pinagdadaanan. “Kailan kaya babalik si Mr. Estrera? Sana nandito na siya miss ko na ang kanyang kagapuhan.” Lihim akong napairap sa aking narinig mula sa aking mga kaklase. Kung sila gustong makita ang demonyo naming professor ako naman kabaligtaran ang dahil hindi ko nais pang masilayan ang pagmumkha ng demonyong ‘yon. “Kaya nga, eh. Mas gusto ko pa si Sir. Kasi kahit sobrang strict niya nakakasilaw naman ang taglay naka-pogian. Ang hot at ang yummy pa. Nakakalaglag panty. Kahit lagi nakasimangot mas lalo itong guma-gwapo,’’ segundang saad ng isa ko pang mga kaklase. Na mas lalong ikinairap ng aking mga mata. ‘Tsk . . .tsk. . . ang haharot naman. Pinagpantasyahan pala talaga ang demonyong professor na ‘yon. Palibahasa sila lang naman ang mga kaklase ko na mas inaaatupag ang magpapaganda kaysa mag-aral. Sa kaartihan lang may ibubuga pero sa academic ang pag-uusapan. Sobrang ganda ng kanilang mga grades, katulad nang kanilang bagsak na bagsak dahil sobrang ganda. Palibahasa anak ng mga mayayaman. Kaya ganoon na lang kong umasta,’ ani ng aking isipan. Naku, sobrang makasalanan ko na talaga sa Panginoon dahil pati ang isip ko nakiki-marites na rin. Pero totoo naman ang sinasabi ng aking isipan ang mga kaklase ko na nasa aming unahan sila lang naman ang literal na spoiled brat. “Yeah, you are right. I loved to see Mr. Estreras serious and strict face rather than this. Ew! Mr. Hermoso. Ang baho. Amoy matanda,” maarting saad ni Heaven. The famous girl in the campus dahil halos lahat ng mga heartthrob ng campus tila dumaan na sa kanya. Siya lang naman ang babaeng tinatawag nilang para sa lahat. Dahil usap-usapan ng iba kong mga kaklase kahit matanda naming professor pinapatulan niya para sa kanyang grades na halos pasang awa. “Hay, kalian kayo ako makakadama sa kanya. Gusto ko matikman ang kanyang lips at mahawakan ang matigas nitong abs at siyempre ‘yong matigas na mahaba,” dagdag pa ni Heaven na tila nag-iimagine sa mga nangyari. Sinang-ayonan naman ng iba nitong kasamahan natumitili pa. “Magsitigil nga kayo riyan! Ang ingay n’yo! Kitang nagpapahinga ‘yong tao,eh!’’ sigaw ko. Hindi na ako makatiis sa kaingayan nila. Gusto ko pa naman sanang umiidlip dahil ilang oras lang aking tulog dahil nag-o-overtime ako sa work para may maibigay ako kay inay. Lahat naman sila napatingin sa aking ginawa. Madalas lang naman talaga ako tahimik dito sa loob ng klase dahil hindi naman ako mahilig makikisali sa usapan nila lalo puro kalandian ang nasa kanilang isipan. Wala akong panahon sa mga love life love life na ‘yan dahil ipinangako ko sa aking sarili na uunahin ko muna ang pagtulong sa aking mga magulang kaysa sarili kong interest at kaligayahan. At sayang naman sa pagpapahirap kong magwo-working student para makapag -aral kung masisira lang din naman dahil sa pag-ibig pag-ibig na ‘yan na walang maganda naidudulot kundi sakit lang sa ulo at nakakasira sa kinabukasan. Alam kung wala pa akong karanasan sap ag-ibig ngunit sa nakikita ko sa aking kaibigan at kasamahan sa trabaho walang magandang maidudulot sa isang ang pagmamahal ng isang lalaki lalo pa at hindi pa napapanahon. Ayaw kong matulad kinsa Marevick na laging nagpakatanga sa pag-ibig kahit pauli-ulit na sinasaktan ng kanyang partner. “Grabe ka naman, Amelia kung makasigaw! Ang sakit sa tainga!” reklamo ni Bernadette. Kasamahan nila Heaven. Kahit naman magkaiba ang estadu ko sa kanila hindi naman ako nakaranas nang pambu-bully marahil nakita nilang hindi ako basta-basta na magpapa api na lamang. Kahit mahirap kami, lumaki akong may paninindigan at mas lalong ako ‘yong taong hindi magpapaapi kahit kanino. Puwera na lang sa hinayupak kong professor. Kahit gusto ko siyang sumbagin hindi ko magawa dahil nakasalalay ang aking grades sa hinayupak na ‘yon. “Eh, paano ang iingay n’yo. Wala ba kayong ibang bukambibig kundi si Mr. Estrera? Nakakasawang pakinggan. Hanap kayo ng ibang topic para hindi nakakainis pakinggan!” muling saad ko. Wala na talagang preno itong aking bibig. Hindi mapigilang mainis sa tuwing marinig o mababanggit ang kanyang pangalan dahil sa ginawa nitong pamamahiya sa akin nitong nakaraang araw. Akala siguro niya napapatawad ko siya. May araw rin sa akin ang lalaking ‘yon! “Bakit ayaw mo ba kay Sir Estrera?” tanong ni Emily sa akin. Kaya napairap ako. “Obvious ba? Siyempre hindi no? Ang pangit kaya no’n!” pambabara ko sa kanila. “Grabe siya kung makalait. Bahala basta kami handang ibigay ang sarili para kay Sir,’’ tila nangangara nang gising si Emily. Kilig na kilig pa ito nang banggitin ang pangalan ng demonyong professor namin. “Naku, alam ko ang mga ganyang galawan, eh. Tulak ng bibig kabig ng dibdib. Kunwari ayaw ‘yon pala, gusto,” pang-aalaska nila sa akin. “Ew! Huwag mo akong itulad sa inyo na hindi marunong kumilatis ng magandang ugali. Aanhin m ‘yang guwapo kung hindi naman makakain ng aso ang ugali,’’ buwelta ko sa kanila. Pero bakit pa ako nagsasayang nang laway para magpaliwanag sa kanila. Bahala sila kung ano ang iisipin nila sa akin. “Magluksa na kayo dahil hindi na babalik si Mr. Estrera rito!’’ pang-aasar ko sa kanila. Narinig ko ang kanya-kanyang reklamo nang aking mga kaklase dahil sa aking tinuran ngunit na ako ang-aksaya pa silang tingnan bagkus muli ako nakapahumbaba sa arm chair na aking kinauupuan at nagtabon ng aking mukha sa akng dalang medyo may kalakihan tela sa aking mukha. Algi ko itong dala-dala kahit dito sa paaralan dahil sa tuwing may vacant kami iidlip talaga ako dahil gusto kong makabawi sa aking tulog. Maagap kong ipinikit ang aking mga mata para sa susunod na subject madaling mag-function ang aking utak. Hindi ko na malayan kung ilang oras na akong nakatulog nang biglang humablot sa telang nakabalot sa aking mukha. Napakamot ako sa aking ulo dahil sa kung sino mang mapangahas ang gumawa no’n. Handa na akong dambahan siya nang suktong dahil sa ginawang pang-iistorbo sa aking tulog ngunit napatigil ako nang makita ko ang taong ‘yon.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD