TERRENCE ALTAMONTE
Matapos naming kumain ay humiwalay muna kami ni Alex sa iba. Naupo kami sa dalampasigan paharap sa dagat.
I held her hand and entwined our fingers together. Nakita ko ang kanyang pagngiti. Simula nang makilala ko siya... tanging ngiti lamang niya ang nais kong makita. And I always kept telling myself... I wanted her to be happy. I always wanted to look at her smiling face forever. I'll do anything huwag lamang siya umiyak dahil hindi ko makakaya.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "Why are you making things harder for me, Alex?"
Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. "Huh? Anong pinagsasabi mo? Wala pa naman akong ginagawa sa 'yo ah! Saka wala akong utang sa 'yo!"
Pfft! Ano ba'ng pinagsasabi niya!
"Tsk! Ano ba ang—manhid lang? Seryoso ako oi!"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Kung maka-oi ka, ha! Saka malay ko ba!" ang angil niya sa akin sabay hampas sa braso ko!
"Aray!" napakamot ako sa braso ko na namumula na! Grabe talaga siya, daig pa naman niya ang lalaki sa lakas, tapos kung makahampas naman! "Akala mo ba hindi masakit!" ang ganting angil ko naman.
"Kasi naman..." naging mahinahon na ang boses niya kaya napatitig ako sa kanya.
"Ano bang utang ang pinagsasabi mo, eh wala ka namang utang sa akin. Saka kahit naman mangutang ka sa akin hindi kita sisingilin 'no! Anong klase akong boyfriend kung gano'n?" angil ko pa rin pero bahagya nang humina ang boses ko nang makita ko ang paglambot ng mukha niya.
"Ok, sorry na. Ano ba kasi ang gusto mong sabihin?" maya-maya ay tanong niya sa akin.
Iginala ko ang aking mga mata sa kabuuan ng kanyang mukha, tila ba tinatatak iyon sa aking isipan. Huminga ako ng malalim bago muling magsalita.
"Babe, sa paglipas ng mga araw, lalong tumitindi ang nararamdaman ko para sayo. Na sana paggising ko sa umaga ay ikaw agad ang masisilayan ko at ganoon din bago ko ipikit ang mga mata ko. Na pakiramdam ko ayaw ko nang umalis sa tabi mo..." Napabuntong-hininga ako. "Kaya lalo akong nahihirapan, alam mo naman kung gaano kita gustong makasama, Alex, pero alam ko namang priority mo sa ngayon ang pamilya at ang trabaho mo. So even if I ask you to live with me, you'll probably be against it. Tell me, what should I do?"
Natahimik si Alex at napatitig lamang sa akin.
"Then let's get married..." ang seryoso niyang sabi pagkaraan na ikinanlaki ng mata ko.
Totoo ba ito?! Si Alex na mismo ang nag-aaya sa aking magpakasal? Teka sandali! Kalma muna Terrence! Whoa! Nanginginig ang buo kong kalamnan sa excitement!
"Y-y-you want us to get married?" ang nabubulol ko pang tanong sa kaniya na nakatitig direkta sa kaniyang mga mata!
Tumango siya. "Oo naman. Let's get married... after you graduate of course.." sabay nang-aasar na ngisi ang iginawad niya sa akin.
Napalis ang lahat ng excitement ko sa katawan!
After I graduate... Hay... as expected of her. Grabe talaga magpaasa ang babaeng ito.
"Psh! Bakit ba ang hilig mo akong paasahin?" ang nakasimangot kong tanong saka nagtatampong nag-iwas ng tingin. Humarap na lang ako sa dagat.
Narinig kong tumawa siya ng mahina. Kaya napalingon ako sa kanya.
"Diyan-diyan ka magaling, ang pagtawanan ako matapos mong saktan ang puso ko! Psh! Seryoso ako sa tanong ko!"
Tumigil siya sa pagtawa. "Ang kulit mo rin ano? Hindi ba napag-usapan na natin ang bagay na ito? Kapag tapos ka na sa pag-aaral mo ay maaari na tayong magpakasal... Huwag mong minamadali ang lahat," ang ani niya. "Hindi naman kailangang madaliin ang lahat, Terrence. Marami pa tayong pwedeng gawin habang ganito pa tayo. Huwag mong limitahan ang sarili mo. Do whatever you want to do. Ienjoy mo ang pagiging estudyante at pagiging carefree dahil oras na matali ka na, well, lalo na kung ako ang makakasama mo." Ngumisi siya. "Aba e, baka bugbug sarado ang abutin mo sa akin."
Muli akong napasimangot. Napakaboyolente talaga ng babaeng 'to. Kunsabagay, package deal nga naman ang pinili ko!
"Ayos lang, sige, kung masaya ka naman sa pambubugbug sa akin, okey lang."
"Talaga? Ok lang talaga?" ang tila ba excited niyang tanong!
I glare at her! "Subukan mo lang!"
"And what?" ang tila nanghahamon naman niya'ng sabi. "Jeez. Ikaw itong nagsabi na ayos lang tapos biglang bawi. Tsk! Tsk!"
"Masakit kaya 'yon! Tapos ikaw pa ang mambubugbog? Mabubuhay pa kaya ako? Sa lakas mong 'yan na parang hindi isang babae! Kung minsan napapaisip tuloy ako, hindi kaya transgender si Alex? Ang lakas e!"
*PAK*
"Aray!" napahimas ako sa aking braso na hinampas niya na naman!
Grabe! Sa mahigit 1 buwan naming magkasintahan, aba e parang pang-isang taon na 'yong panghahampas niya sa dami!
"Loko ka, ah! Transgender 'yang mukha mo! Pure 'to... Pure! Mula ulo hanggang paa!" tinuro pa niya ang kanyang sarili.
Pinigilan ko ang sarili kong matawa sa reaksyon ng mukha niya! Ang pangit! Napatingin na lang ako sa aking braso na agad namula. Itinapat ko sa kanya ang braso ko.
"O tignan mo, bakat na bakat ang kamay mo! Hampas mo pa lang masakit na, kamay ba ng babae 'yan?" patuloy kong pang-aasar sa kanya pero parang hindi ko na kayang pigilan pa ang tawa ko!
"Hoy Terrence Altamonte, baka gusto mo itong kamao ko na ang humampas diyan sa mukha mo!" ang sabi nito saka itinapat sa akin ang nakakuyom niyang kamao.
Pero agad siyang namula nang bigla kong halikan ang kanyang kamao.
"But I really love the way you blushed!" ang nanunukso ko namang sabi sa kaniya na lalong ikinapula ng mukha niya.
"P-pambihira ka talaga," ang sabi niya na hindi makatingin sa akin ng diretso na bahagya ko namang ikinatawa.
Mayamaya lang ay muli na akong sumeryoso. "I just don't want to lose you, babe. Sa tuwing naiisip ko kasi na napapasabak ka sa mga delikadong operasyon o misyon, lagi akong kinakabahan na baka isang araw isang masamang balita ang gumuho sa mundo ko. And I don't want that to happen. Ayokong mawala ka sa tabi ko. Ayokong mawala sa paningin ko ang mga ngiti mo."
Tumitig siya sa akin ng matagal. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ngayon ni Alex. Marahil iniisip niya na nawawalan na ako ng tiwala sa kanya, sa kakayahan niya bilang agent. Subalit hindi ko lang maiwasan na laging mag-aalala sa kanya.
"Terrence..." she said softly. "Sinabi ko na hindi ba? Hindi ako mawawala sa 'yo. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para lamang bumalik sa tabi mo."
Iniangat niya ang kanyang kamay at humaplos iyon sa aking pisngi. Bumuntong-hininga naman ako saka hiniwakan ang kanyang kamay at dinala iyon sa aking labi upang hagkan.
"Ganoon ka rin, hindi ba?" ang tanong niya sa akin kapagkuwan kaya napatitig ako sa kanya. "Hindi ka mawawala sa akin, hindi ba?"
"Tinatanong pa ba 'yan?" ngumiti ako. "Imposible kayang mangyari 'yon!" pagmamayabang ko saka dinala ko ang kanyang kamay sa aking dibdib para maramdaman niya kung gaano kalakas ang t***k ng puso ko tuwing kasama ko siya. "Ramdam mo ba 'yan? Ganyan kabaliw ang puso ko para sa 'yo, Alex. Kulang na lang ay lumabas siya sa dibdib ko para lamang makita mo ang pangalan mo na nakatatak sa puso ko."
Napamaang si Alex sa sinabi ko. Aba kung ganoong hugot ba naman ang sabihin ko siguradong tunaw ang puso niya!
Napatikhim siya. "N-nagpapakaexagg ka na naman, Terrence Altamonte!" ang sabi niya na hindi makatingin sa akin.
Natawa ako sa reaksyon niya. "Totoo naman 'yon, babe."
Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Pareho kaming nakatitig sa malawak na karagatan.
"Naniniwala ka ba sa message in the bottle?" mayamaya ay tanong ko na ikinakunot ng noo niya.
"Don't tell me naniniwala ka sa bagay na iyon, Terrence?" natatawang tanong niya.
"Psh! Oo naman!" nakasimangot kong sabi dahil alam ko na pinagtatawanan niya ako dahil naniniwala ako sa mga ganoong bagay. "Totoo kaya na kapag nagtapon ka ng bote na may lamang wish mo sa dagat na malayo sa dalampasigan tapos bumalik iyon sa buhanginan, your wish would definitely be granted!"
Napailing siya na may nakakurbang ngiti sa kanyang labi. "No, I wouldn't believe that. Gawa-gawa lamang kasi 'yan ng mga tao, at kung na-grant nga 'yong wish nila ay baka nagkataon lang." She raised her one brow and smile in mockery. "Tsk! Tsk! Akalain mo nga naman, si Terrence Altamonte ay naniniwala sa mga ganoong bagay na sa pagkakaalam ko ay tanging babae lamang ang naniniwala!"
Tinignan ko siya ng matalim. "Anong pinupunto mo ha, Alexis Alejo?" may pagbabanta sa tono ng aking boses.
She just chuckled and grinned afterwards. "Wala akong pinupunto, Terrence Altamonte. Pero binigyan mo ako ng ideya tungkol sa sinabi ko." makahulugan niyang sabi na agad ko rin namang naunawaan!
"Ikaw!"
Tawa lang siya ng tawa kaya naman ay kiniliti ko siya sa tagiliran.
"T-teka lang!" ang tatawa-tawa niyang sabi habang pinipigilan ako sa pagkiliti sa kanya. "H-hoy Terrence!"
"I'm gonna punish you!" ang nakakalokong sabi ko habang kinikiliti siya.
"Isa! Tumigil—ay! Terrence!"
Dagli siyang tumayo upang lumayo sa akin pero hinabol ko pa rin siya! Para kaming mga batang naglalaro sa may dalampasigan. Nagkikilitian... Naghahabulan... Naghaharutan... Kung sana lang hindi na matapos ang sandaling ito na kasama ko siya...