THIRD PERSONS POV
"Hello, it's me. I just arrived." Ani ng isang magandang babaeng nakasuot ng black shades sa taong kausap nito sa cellphone. Kakalabas lamang nito ng NAIA airport at naghihintay ng taxi. "Yeah, I'll meet ya' there." Afterwards, she turned off the phone.
Ilang sandali pa ay ang pagdating ng isang taxi, binuksan ng babae ang pinto ng backseat at lumulan roon with her travelling bag.
Half a decade had elapsed since her last assignment in her homeland. Now, she returned with a new mission entrusted to her by the organization: The Black Dragon Organization...
2 days later... sa isang hotel sa Manila...
"What are you thinking, hon?" ani ng isang boses mula sa kaniyang likuran.
Mula sa likuran ay niyakap ni Arnold ang babae habang ito ay nakatunghaw sa labas ng bintana at humihithit ng sigarilyo. Mga pinong halik sa kaniyang leeg ang iginawad ng lalaki sa kaniya na hinayaan lamang ng babae dahil nagdudulot iyon ng kaligayahan sa kaniyang pakiramdam.
Si Arnold ay kaniyang superior sa Black Dragon Organization, ito rin ang nagtrain sa kaniya na maging isang assassin. And despite the fact na hindi sila maaring magkaroon ng personal relationship sa kahit sino sa loob o sa labas man ng organisasyon ay nagawang maging sutil ng kanilang mga puso at parehong nahulog ang kanilang loob sa isa't-isa.
Sa Main HQ sila sa America nagkakilala, at nitong nakaraang taon ay idinestino ito sa Pilipinas. Though 2 yrs ago China Branch ang nagsusupply ng mga assassin sa iba't ibang bansa rito sa Asya, subalit simula nang magkaroon na ng branch dito sa Pilipinas, ang ilan sa mga assassin ng organisasyon na galing sa US ay dito nila ipinapadala para idestino sa iba't ibang panig ng asya. Nagkaroon kasi ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng US and Chinese Council kaya nawalan ng tiwala ang US sa China Branch. Isa sa mga Boss nila sa US ang nagpapatakbo ng Philippine Branch, ito ay may dugong pinoy.
Ito ang ikalawang misyon niya rito sa Pilipinas for the first time under the Philippine Branch. Though pareho silang hindi lumaki ni Arnold sa Pilipinas, the language barriers are not a problem. Since they were kids, pinag-aaralan na nila ang mga iba't-ibang lenguwahe para sa mga future missions na katulad nito.
"About us," ang walang emosyong sabi ng babae saka idinutdot ang sigarilyo sa may ashtray na nakapatong lamang sa maliit na pasimano ng bintana.
Tumigil sa paghalik sa kanyang leeg si Arnold, mainit na hanging sanhi ng pagbuntong-hininga nito ang kanyang naramdaman.
Ang kanilang relasyon ay nananatiling lihim kaninuman, sapagkat oras na malaman ng Council ang tungkol sa kanila, paniguradong hindi na sila sisikatan pa ng araw. Walang lugar sa Organisasyon ang salitang emosyon lalo na ang salitang pag-ibig.
Kapag nabigo sila sa misyon at hindi kaagad bumalik sa loob ng tatlong araw para magreport, isa lamang ang ibig sabihin niyon... tumitiwalag ka sa Organisasyon. Tumiwalag man o hindi, magiging "Blacklisted" sila. Ibig sabihin... ipapahunting sila sa mga kapwa assassin upang patayin o ibalik sa Organisasyon depende sa magiging utos ng Council. Subalit mahuli ka man nila ng buhay para iharap sa Council o mabigo sa isang misyon, they will subject you to a punishment so dreadful that you will never wish to endure it again. If you lack the strength to withstand it, you will undoubtedly meet your demise!
"I know," he said in a hoarse voice. "However, we are powerless in this situation. You are well aware of the organization's law," he exhaled wearily. "If they discover our connection, our fate is sealed. Our bodies and souls are bound to them as long as this mark remains etched on our skin."
Pinaraanan ni Arnold ng daliri nito ang malaking hugis dragon na tattoo sa kaliwang balikat ng katipan. Hinayon rin ng mga mata ng babae ang tattoo ni Arnold na nasa kaliwang dibdib nito nakatatak.
Once you are entangled in the web of the Black Dragon Organization,
There is no route to freedom.
It's either....
You'll kill, or you'll be killed.
You'll succeed, or you'll be dead.
You'll fight against them, then you are dead.
The only exit is through death.
Tumahimik ang babae, alam naman nito ang tungkol sa bagay na iyon subalit... habang buhay na lamang ba silang ganito? Sa tuwing nagkakaroon lamang sila ng misyon sila nagiging malaya? Tila sinaksak ng ilang beses ang kaniyang puso tuwing maiisip ang kanilang sitwasyon.
"I hope... we weren't born this way. If we just were born as normal people, then maybe... maybe---"
"Hey, enough already." hinawakan ni Arnold ang baba ng babae at pinaharap. "I can't take it when I see you like this..." hinalikan nito ang kaniyang noo at ngumiti. "I know what you feel, Reina, because I feel the same way too. The situation between us is also painful for me, and I am angry at myself because I can't do anything for the both of us. But I know that we will overcome this eventually."
Napailing si Reina. "Until when, Arnold? 'Til we're both dead?" ang naghihinakit na sabi ng babae sa katipan na mahigpit na yakap lamang ang isinukli nito.
"Soon honey... soon." ang pilit namang amo nito habang hinahaplos ang kaniyang buhok at kinikintalan iyon ng maliliit na halik. "We will find our way out soon. But for now, let's focus on our mission and this little moment." Hanggang sa muli nitong sakupin ang kaniyang mapupulang labi na agad namang tinugon ng dalaga.
She loves this man...
Subalit napakasaklap ng kapalaran para sa kanilang dalawa...
As both of them make their way to the bed, nasanggi nila ang brown envelope na nakapatong sa may lamesa at nahulog iyon sa lapag na bahagyang kumalat ang laman na may ilang dokumento at ang dalawang litrato ng kanilang target...
----------------
ALEXIS ALEJO
"Congrats sa inyong apat, isa kayo sa mga napili para maging escort ng Presidente at Bise-Presidente pagdating nila sa Sabado." ang bati ko sa apat na baliw matapos naming mabalitaan ang bago nga nilang misyon na maging escort ng Presidente at Bise-Presidente. "Dapat kayong magsaya dahil bibihira lamang ang binibigyan ng oportunidad na makasama ang dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa," ang nakangisi kong sabi.
"Kaya nga eh," nakangiting turan naman ni James.
"Well, well, well, ganoon talaga kapag magaling! Malaki ang tiwalang binibigay sa amin!" ang pagmamayabang na sabi naman ni Mike na ikinataas ko naman ng kilay.
Lol! Parang kinongratulate lang eh lumaki naman agad ang ulo!
"Ay sus! Huwag ka ngang mayabang, pato. Nagkataon lang na wala nang makuhang available na agent ang SS kaya napilitan sila sa inyo. Pasalamat nga kayo iyan ang ibinigay sa inyong misyon dahil alam naman nating magiging maayos ang pananatili dito ng Presidente," ang nakangusong sabat naman ni Joanna. "Presidente at Bise-presidente ng bansa lang eh kung makapagyabang naman kayo. Kami nga ni Alex ay Presidente ng America ang in-escort-an namin," pagmamalaking sabi ni Joanna na nakapamaywang at nakaliyad ang dibdib.
Napangiwi naman si Mike. "Itigil mo nga 'yang paliyad-liyad ng dibdib mo, as if naman meron!"
"Pfft!" hagalpakan naman ng tawa sina James, Joseph at Kyle. Napapailing naman ako sa sinabi ni Mike.
Walanghiya talaga ang lalaking ito. Sabihin ba daw iyon sa harap ng isang babae!
Naningkit ang mga mata ni Joanna dahil sa sinabi ni Mike. "Bwisit ka talagang pato ka!" ang gigil niyang sabi habang si Mike naman ay tatawa tawa. Hindi nito napaghandaan ang pag-igkas ng paa ni Joanna na lumipad patungo sa kaligayahan niya!
"Aammppp!!!" impit nitong tili na napahawak sa kaniyang ibaba at napaluhod sa sahig.
Nagpapalatak na lang ako habang tinitignan ang itsura ni Mike na parang natatae na ewan.
"Aaww!" ang halos sabay sabay ring bigkas nina James at Joseph ng makitang mapaluhod si Mike na para bang pati sila ay nararamdaman ang sakit niyon.
Samantalang nagpipigil naman ng tawa itong si Kyle! Manhid talaga ang isang ito. Napapailing na lang ang iba naming kasama sa office.
"Oi, kayong anim diyan, nag-iingay na naman kayo dito sa office!"
Lahat kami ay napalingon ng marinig namin ang boses na iyon ni Myka na nakangising lumapit sa amin.
"Hindi na talaga kayo nagbago, kayo lagi ang radio ng office na 'to eh 'no. Kailan ko kaya kayo makikitang anim na tahimik lang at hindi nagbubugbugan?" ang nang-aasar na tanong ni Myka saka tumabi sa akin.
"Naku! Never na atang mangyayari 'yang sinasabi mo, Myka lalo na kung ang mga baliw na 'to ang magkakasama," ang sabat ko naman.
"Kasama ka rin, diba?" ang nakangising sabi ni Myka na makahulugang tumingin sa akin.
Nginiwian ko ito. "Hindi ako kabilang sa origin ng limang 'yan."
"Kuu, Alex. You belong with us, huwag kang mag-inarte, hindi ka maganda even if naging boyfriend mo ang gwapong nilalang na iyon!" nakataas ang isang kilay ni Joanna at nanunukso ang ngiti. "And since kaibigan kita, itinigil ko na ang pagpapantasya sa kanya. He's all yours!"
Natawa ako sa kanyang sinabi. "Wow ha. Parang gusto mong sabihin na nagparaya ka lang. Ano 'yon may past din kayo?" ang biro kong sabi.
"Parang gano'n na nga! Ay-kalandi!" ang natatawang tili ni Joanna sabay kurot sa akin!
"Aray ko naman! Hindi makapagpigil ng emosyon?" ang tatawa-tawa kong sabi sabay himas sa braso ko na kinurutan ng bruha. "Baliw ka talaga. Itigil mo na nga ang pagnanasa sa boyfriend ko. He's all mine."
Nanunuksong ngiti at tingin ang nakita ko sa kanilang mga mukha matapos kong sabihin ang bagay na iyon. Saka ko lang napagtanto ang sinabi ko. Kaya napalis ang ngiti ko.
Umakbay sa akin si Joanna. "You have changed, my dear friend."
"Iba talaga kapag in love, 'no." dugtong naman ni Myka.
"Yeah, simula ng maging sila ni Terrence, hindi na nawala ang spark sa mata ni Alex. Iba 'yong aura." ang sabat at nanunuksong ngiti naman na sabi ni James.
Napakamot ako ng aking batok sabay iwas ng aking mukha sa kanila, baka makita nila ang pamumula ng mukha ko.
"Tsk! Ewan ko sa inyo. Tigilan niyo nga ako diyan sa panunukso niyo. Sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos ay araw-araw niyo rin ako tinutukso."
"Naks! Huwag ka na mahiya, Alex. You should be proud that Terrence Altamonte is your boyfriend at hindi katulad ng apat na 'yan," ang pagpaparinig ni Joanna sabay nguso sa apat na ikinaasim ng mga mukha nito.
"Ang ganda mo, eh," ang sabi ni Joseph. "Nahiya naman kami sa kagandahan mo."
"Dapat lang. Diyosa kaya ako!" nagflip hair pa kunyari si Joanna.
"Diyosa ng mga Hippopotamus!" tatawa-tawa namang banat din ni James!
"Yong feeling diyosa-dyosahan diyan uy, mahiya naman, hampasin kaya kita ng flourescent light diyan eh para maliwanagan. Masyadong nadidiliman, hindi nakikita pagmumukha niya, mukhang hollow block!" ang seryosong sabi ni Kyle na ikinasingkit ng mata ni Joanna!
Naghagalpakan kaming lahat ng tawa sa sinabi ni Kyle! Grabe talaga ang tabas ng bunganga ng baliw na 'to!
"Ang kapal ng mukha mong bangkay ka!" singhal ni Joanna.
Sa bwisit ni Joanna sabay kuha ng printer na nakapatong sa lamesa.
"O-oi, Oi! Huwag 'yan!" ang pigil naman ni Myka at pinigilan si Joanna na angatin ang printer!
Grabe 'tong babaeng 'to. Nagiging deadly amazona ang peg!
Pero naisip ko, hindi ko naman ikinakahiya si Terrence bilang boyfriend ko, sa totoo nga niyan, masaya ako na ang katulad niya ang naging boyfriend ko. Nasa kanya na ang lahat ng bagay na hinihiling ko sa isang lalaki... well kahit ba lagi kami nag-aangilan at kung minsan ay nakakainis ang pagiging immature niya, subalit wala naman iyon.
Mahal ko siya e...