TERRENCE ALTAMONTE
"Hoy Kyle! 'Yung kamay ang pinansasalo ng bola, hindi ang mukha ha!" Ang malakas na sigaw ni Kuya Jazz habang pinagtatawanan nila si Kyle!
Kung hindi ba naman sira! Mukha ang pinansasalo ng bola ng volleyball! Magaling ngang agent, mahusay makipaglaban pero pagsalo lang ng bola eh sablay pa?! Takte naman oh! Lamang na ng ilang puntos ang team nina Kuya Brandon, Kuya Jazz, kuya Stevein, Isha, Alex at Joanna! At kasalanan ni Kyle ang lahat! Akalain ko bang hindi pala marunong maglaro ng volleyball ang kumag na 'to!
"Damn it, Kyle!" Iritableng bulalas ni Mike na lumapit na kay Kyle, para bang handa ng makipagrambulan ang itsura nito. Ngunit kampante pa ring nakapamulsa ang isa. "Saan ba ang kamay mo ha?! Bola lang hindi mo pa kayang saluhin?!" tila dragon na umuusok ang ilong nitong pinagsasabihan si Kyle.
But Kyle just gave Mike his bored look and sighed. Tila ba balewala sa kanya ang nakikitang galit mula kay Mike.
"Ano bang magagawa ko, bigla-bigla na lang lumiliko ang bola, hindi ko tuloy masalo." He mumbled.
Takte! Hanep na palusot 'yan!
"Sisihin niyo 'yong bola, ayaw niyang mag-pasa—o-oy!" he didn't even finish his complaints when Mike grabbed his hand and put it in his back. Kaya naman ay napadaing si tanga!
"Then what's the use of these f***ing hands?!" Mike said between gritted teeth. "Baliin ko na kaya ito ng tuluyan ha?!"
Geez! Nagsisimula na naman silang mag-ingay. Minsan napapaisip tuloy ako kung papaano nakapasok sa secret service si Kyle. Kung minsan kapag tinititigan ko siya kala ko eh batang aanga-anga. Pero madalas eh laging bored ang mukha o patay ang ekspresyon... na kulang na lang ay regaluhan ng ataol!
--------------
ALEXIS ALEJO
Napakamot ako sa aking pisngi habang nanunuod sa nagaganap sa kabilang team. Nagsisimula na tuloy akong mainis dahil matagal na namang matatapos sa pag-aaway ang mga baliw na 'to. Matatapos pa ba kaya ang larong ito kung puro mga gungong ang narito?! I don't know if Kyle really intends to do that. O, papansin lang talaga ang baliw na to?
Nabaling ang tingin ko kay Isha na noon ay pinupulot ang bola sa kabilang side. Nang muli itong makabalik sa team ay kinuha ko ito na agad rn naman nitong ibinigay sa akin.
"I like the idea, Alex."
Napalingon ako sa nagsalita, si Kuya Brandon na ang lapad ng ngiti.
Tsk! Nahulaan na agad niya ang gagawin ko? No thrill at all, eh? As expected of him.
Kahit hindi ko sabihin, alam na niya ang iniisip ko. Ginantihan ko naman siya ng nakakalokong ngisi. Muli kong binalingan ang mga gunggong na hindi pa rin tapos sa kanilang pagtatalo.
Now... Let's see if you will not stop with your nonsense arguing.
I prepare my pose, then I flip the ball in midair, and I jump for... one good spike!
*PAK*
In mere seconds, the ball flew directly to them!
*THUD*
And that was a loud thud!
"T*ngna!" Mike cursed as his eyes widened.
"What the F**k!" boses ni Terrence iyon.
"OH YES!" Joanna shouted, then laughed.
"BOOM SAPOL!" tuwang-tuwa namang hiyaw ni Kuya Jazz habang napapalakpak sa sobrang tuwa.
Paano ba namang hindi sila matutuwa sa nangyari... e sumapol lang naman ang bola sa mukha ni Kyle tapos ay tumalbog iyon sa mukha ni James na nasa harapan lang din ni Kyle!
"Epic shot! Nice one, sis!" si Kuya Stevein na sa sobrang kakatawa ay napaupo na sa buhanginan na hawak-hawak ang tiyan! "Ahahahah! Two unggoy in one shot!"
"One dead! One critical!" dugtong pa ni Kuya Jazz na kulang na lang ay magta-tumbling sa sobrang tuwa!
Hanep din ang kaligayahan ng mga kapatid kong 'to eh!
Wala na talagang pag asa tong si Kyle! Hay naku! But I feel sorry for those two.
"Mga bata! Halina kayo dito para kumain!"
Sabay sabay kaming lumingon sa direksyon nina mama na sumesenyas pa na pumunta na roon. Ngunit bago pa man ako makalingon sa mga kasama ko ay daig pa ang hanging dumaan sa tabi kong nagsipagtakbuhan ang mga ito.
Ayun, gutom naman pala e. Dinaig pa ang pinakamabilis na hayop sa pagtakbo ah! Hanep!
Kapagkuwan ay naramdaman kong may humawak sa aking kamay kaya nilingon ko kung sino ang lapastangan kahit na alam ko na kung sino iyon. Agad kong nabungaran ang ngiti sa kanyang labi.
"Tara na. Nagutom ako sa paglalaro natin." He smiled brightly, which makes my heart melt.Sino ba naman kasing puso ang hindi matutunaw sa ngiti nito? Tsk! Then I nod.
Bumalik na kami sa cottage namin na magkahawak kamay...