Chapter 4

2296 Words
ALEXIS ALEJO Kinabukasan, sabado... Natapos naman ang kaarawan ni papa kagabi ng matiwasaya t walang live show na naganap! Tsk! Luko-luko talaga ang mga 'yon, nakakatuyo sila ng utak! At ngayong araw.... siguradong may round 2. Hindi pa kasi natatapos ang celebration para sa kaarawan ni papa, para sa mga kaibigan at kakilala kasi ang handaan kagabi, and since Saturday naman ngayon, nag-off muna ako sa work, napagdesisyunan din nina mama at papa na mag-outing kami! Ang bongga ng parents ko! Pero ok na rin 'yon, kasi magkakaroon kami ng time na makapagbonding! Syempre, kasama rin si Terrence! Kaya nga siguradong magkakaroon ng round 2! Tsk! Buhay nga naman! Bakit ako pinapahirapan? Nagmahal lang naman ako ah! 'Yon nga lang, grabe talaga ang saltik gaya ng mga kapatid ko! Ngunit ano bang magagawa ko, eh kay Terrence tumibok ang pusong 'to! "Hoy Kyle! Kanina ka pa, akin na, chippy ko 'yan!" Napangiwi ako nang marinig ko ang boses na iyon ni Mike sa likurang bahagi ng van. "Shondali- nakhoha—phaakho!" ang sabi naman ni Kyle na halatang punong-puno pa ang bunganga ng pagkain. "Eh inubos mo na nga, o! Akin na!" ang narinig kong angil naman ni Mike. Walang duda nag-aagawan silang dalawa no'ng chippy daw! "Aray!" daing ni Joseph na nasa gitna nina Mike at Kyle. "Nandito po ako, nag-eexist po ako sa planetang—ahk!" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil tinamaan na sa mukha ng dalawang nag-aagawan na hindi man lang ito pinansin. "Shyompre mahuhubhos yan, kinainan ko—omf!" hindi na natapos ni Kyle ang sasabihin dahil bigla na itong inubo. "O gago, 'yan ang napapala ng matatakaw!" asar pa ni Mike sa nabibilaukang si Kyle at napapapukpok sa kanyang dibdib. "Thu-thu—ugh oho! oho!"hinawakan nito ang katabing si Joseph at niyugyug! "T-thubeg!" "Oy tubig! Mamamatay na ang isa dito!" bulalas naman ni Joseph na niyuyugyog pa rin ni Kyle. "B-baka kapag hindi kayo nagmadali baka ako una ma-ahk—mamatay!" "Ayos 'yon! Double dead!" ang tatawa tawa namang sabat ni Kuya Jazz. Talagang nakalingon pa ito sa likuran! "Kung hindi ka ba naman sira! Bakit mo kasi pinasok lahat sa bunganga mo! Abnormal ka talaga!" ang irita namang sabad ni Joanna na nasa tabi ko, sa kabilang side ko naman ay si Terrence. "Heto tubig! O, baka pati yung plastic isubo mo!" Nagkatawanan naman ang lahat. Napapailing naman ako. Tsk! Ang akala ko ay family outing pero bakit kasama ang limang magugulong nilalang na 'to? Ang akala ko ay makakapagpahinga na ang tutuli ko sa mga bunganga ng mga 'to pero hindi pala. "Hinay-hinay kasi pre, meron pa naman dito," natatawa naman si James sa kaibigan. Silang apat nina Joseph ang nakaupo sa likuran. "Basta chippy talaga, hindi ka maawat-awat!" "Eto Kyle!" Sa pagkakataong iyon ay napalingon ako kay Terrence na inabot kay Kyle ang chippy na hawak. Ang loko, ang laki pa ng ngisi! Nang-aasar ba siya! Nabilaukan na nga yung tao, bibigyan niya pa uli! "Ayos din ang trip mo ha, Terrence!" ang naiiling namang saad ni James. "Thanks!" ang narinig naming sagot naman ni Kyle! Bigla akong napalingon sa likuran at nakita ko ngang kumakain na naman si Kyle ng chippy! "Tsk! Tsk!" palatak ng mga katabi ni Kyle na nakatingin dito. "Ang tindi mo rin, wala ka talagang kadala-dala!" ang nakasimangot na sabi ni Mike. Nga naman! Pero hindi na sumagot pa si Kyle, nanahimik na lang itong kumain ng chippy sa may sulok habang nakatanaw sa labas ng bintana. Lintik! Feel na feel ang pagkain ng chippy! Tinignan ko naman ng masama si Terrence. Isa rin 'to! "Bakit?" ang tanong niya ng mapansing masama ang tingin ko saka nginitian ako. Napailing na lang akong umayos ng upo. Mag-aaksaya lang ako ng laway sa isang 'to. Pagtatalunan lamang namin ang walang kwentang bagay. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagkilos ni Terrence na umakbay sa akin. "Hey babe." pabulong niyang tawag sa akin. "Galit ka ba?" "Hindi." ang maikli kong sagot saka ipinikit ang mga mata ko. Namayani ang katahimikan sa loob ng 15-seater van. Tahimik na nagmamaneho si Kuya Brandon na sa katapat na upuan ay si Ate Maricar. Kasunod naman nilang upuan ay nakaupo sina mama at papa at ang ibang gamit. Sa ikatlong row ay nakaupo sina Kuya Jazz, Kuya Stevein at si Isha na nasa gilid ng bintana nakapwesto. Nasa pang-apat na row naman kami ni Terrence at sa kabilang side ko ay si Joanna. At yung apat naman ang sa hulihan. Nakakapagtaka na hindi dumadaldal ngayon si Joanna at hindi naman siya iniinis nina Mike. Marahil ay nahihiya ang mga itong mag-ingay. Matagal na silang kilala ng pamilya ko kaya marahil ay napalagay na rin ang loob ng pamilya ko sa mga ito. Mahigit isang oras din ang byahe namin patungo doon sa beach resort. Nirecommend iyon ni Terrence since ilang beses na rin daw silang nagpupunta roon ng tropa nila. Sigurado raw na hindi kami magsisisi! Naramdaman kong hinawakan ni Terrence ang kamay ko. "I... love... you." Ang mahinang bulong na iyon ni Terrence ang nagpangiti sa akin ngunit nanatili akong nakapikit. Para iyong musika sa aking pandinig. Kapagkuwan ay naramdaman kong isinandal niya ang kanyang ulo sa ulo ko rin habang nakaakbay siya. Pinili ko na lang ang pumikit at manahimik. Kaya naman ay buong biyahe ay tahimik kami. Makalipas pa ang ilang sandali ay narating na rin namin ang beach resort na sinasabi ni Terrence. Unlike sa mga napuntahan naming resorts, makikitang puro mga antique ang mga gamit sa lobby, at halos lahat ay made of woods. Lalo pang nagpakulay at nagpaganda ay ang mga berdeng halaman sa mga sulok. "Yahooo!! Tara na sa dagat!" Tila mga batang nagsipagtakbuhan sina Kuya Jazz at Kuya Stevein palabas ng lobby. "Yo! Hintay mga kuya!!" Bago pa man ako makalingon ay tila hangin sa bilis na nakatakbo si Terrence pasunod kina Kuya. Gulat ang bumadha sa mukha ko dahil sa bilis ng pangyayari! "Oy! Kami ri— ehk" Napalingon kami nang marinig naming napaigik si Mike. 'Yon pala sinikmuraan pala ito ni Joanna! "Hoy mga ugok, buhatin niyo 'yang mga dala natin! Minsan na nga lang kayo mapakinabangan!" Iritableng reklamo ni Joanna na nakapameywang pa sa harap ng apat na may kanya-kanyang reaksyon sa mukha. "Opo. Mahal na hippo!" Sabay sabay na tugon ng apat saka bumunghalit ng tawa. Ni hindi rin ako nakapagpigil ng tawa. Langya talaga mang-asar ang mga to! "Mga buset kayo! Anong hippo?!" umuusok ang ilong ni Joanna sa galit saka pinagsisipa ang apat na panay naman ang ilag. "Mga letse kayo!" Tatawa-tawa pa ring kinuha ng mga ito ang mga ibang gamit na iniwan nina Kuya Stevein saka tumakbo palayo kay Joanna na humihingal sa galit. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao na natatawa rin dahil daig pa mga bata ang asta ng mga 'to! "It's a good thing that we let them join us." ika ni mama na natatawa pa rin. "Siguradong mas lalong masaya ang outing na ito." As if ganun din ang dating no'n sa akin. Habang patungo kami sa cottage namin ay nakita namin ang naglalakihan nilang mga swimming pool. Actually, dinarayo daw talaga ang lugar na ito dahil sa malinis na dagat at naglalakihang pool kung ayaw niyo sa dagat maligo. May restaurant daw rito na the best daw sa sarap, ayon kay Terrence! Well, siguradong hindi namin iyon papalampasin! Nang marating na namin ang cottage, nakita namin ang paglapit nina Kuya Stevein, Kuya Jazz at Terrence. "Tara na!" ang nakangising aya ni Kuya Stevein sabay hila kay Isha. Hinila naman ni Kuya Jazz sina Kyle at Mike! Pinagtulakan naman ni Kuya Brandon sina James at Joseph na muntikan pa ngang mangudngod sa lakas ng tulak ni Kuya Brandon na tatawa-tawa lang! Pagkatapos ay si Terrence naman ang hinila ni Kuya Brandon. Akmang hahawakan pa sana ako ni Terrence para hilahin pero mabilis yata ang reflexes ko kaya ayon, siya lang ang nahila ni Kuya! Tawa ng tawa si mama habang pinapanuod ang mga itong nagsipaglubluban sa dagat at halos maglunuran na! Lintik! Ni hindi pa nagpapalit ang mga loko. "Grabe! Sarap nila lunurin 'no Alex?" natatawang tanong ni Joanna sa akin na hindi man lang nag-abalang lingunin ako. "Kung ganyan ba naman kagulo ang mga nasa paligid ko, aba e for sure lulunurin ko talaga!" Natawa ako sa tinurang iyon ni Joanna kaya humarap ako sa kanya at nginisihan siya! "Oo, tapos isusunod kita!" Napalingon siya sa akin na nakataas ang isang kilay. Tumawa lang ako. "Isusunod pala ah." nagpatango-tango pa siya habang nakapinta sa kanyang mukha ang isang makahulugang ngiti. "Bago ako, ikaw muna!" Tumawa ako ng malakas saka nang-iinis ang tinging ibinigay ko sa kanya. Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang maramdaman ko ang pag-angat ng paa ko sa buhanginan. Napalingon ako sa bumuhat sa akin. At tulad ng inaasahan! Si Terrence! "H-hoy idiot, ibaba mo n-nga ako!" ang angil ko sa kanya at nagpapadyak! "Itatanan na kita! Wooo!!!" ang malakas niyang sigaw na ikinapula ng mukha ko, saka tumakbo siya sa dagat habang buhat-buhat ako! Nakatingin namang natatawa si mama habang nakangiti namang napapailing si papa. "GO TERRENCE!! LUNURIN MO ANG BABAITANG YAN!" ang tawa ng tawang tili ni Joanna na kumakaway-kaway pa! Ang gaga! Nagawa pang mang-cheer!!! "TERRENCE!!" inis kong sigaw sa kanya kahit na ang lapit lapit lang ng mga mukha namin! "Sabi nang ibaba mo nga ako!" ang giit kong angil. Eh kasi naman hindi pa ready ang OUTFIT ko! "No way babe!" ang nakakaloko naman niyang tugon na ngising-ngisi pa. "Kapag hindi mo ako ibinaba oramis—" Bago pa man matapos 'yong sasabihin ko ay bigla na lamang niya ako binitawan dahilan para mahigit ko ang aking hininga at dirediretso akong bumulusok pabagsak sa maalat na tubig! Since hanggang binti lamang ang tubig kaya mabilis kong naiangat ang katawan ko, naihilamos ko ang dalawa kong palad sa mukha ko. Bwisit! Nakainom pa ako ng tubig alat! Pwe! Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at ang pagyuko niya upang tingnan ako. Ang loko nag-alala ba siya sa nangyari sa akin o nag-alala siya sa ginawa niya?! Well, dapat lang! Nang tingalain ko siya ay nakita ko ang bahagyang pag-atras niya nang makita niya ang mga titig ko na kulang na lamang ay may lumabas na kutsilyo sa mga mata ko palipad sa kanya dahil sa talim ng tinging pinukol ko. Ngayon, dapat alam na niya ang consequences ng ginawa niya! Ngunit huli na ang pagsisisi Terrence Altamonte! Ginising mo na naman ang isang natutulog na tigre! "Ah, b-babe—" Napahinto siya sa pagsasalita nang mabilis kong ikinunyapit ang kanang braso ko sa kanyang batok saka hinila siya pasubsob sa tubig dagat! Hindi na siya nakapalag sa ginawa ko dahil sa kanyang pagkabigla. "Huff!" Pasinghap pa siyang nag-angat ng mukha matapos ko siyang bitawan at tatawa tawang tumayo ako. Nakaganti rin! Akala mo ah! O ano ka ngayon! "Masarap ba ang lasa, babe?" sinigurado ko madiin ang pagkakabigkas ko sa bawat salita. "Yow! Terrence, huwag mo ubusin ang tubig!" ginatungan pa ng pang-aasar nina Mike! "Takte! Ang alat!" ang angal ni Terrence na pinupunasan pa ang kanyang labi. Sira talaga! Wala rin namang magbabago kahit na burahin niya ang bibig niya gamit ang kamay niyang nababad din sa tubig-alat para lang mawala ang alat sa labi niya! Para siyang nagpapatay ng apoy na ang gamit ay gas. Tsk! Tsk! "I just returned the favor to you, Babe. Masaya ba?" ang pasarkastiko kong saad habang nakapameywang na nakatayo sa harap niya. Ngunit bakit ako itong nagulat sa reaksyon niya sa sinabi ko?! I saw a playful smirk in his face. At ang sumunod na pangyayari ay hindi ko inasahan! Tumayo siya at akmang dadambahin sana ako, pero dahil mabilis ang reflexes ko kaya bago pa man niya magawa ang nais niya, agad kong nahila ang kanyang isang braso, ang isang kamay ko naman ay humawak sa kanyang beywang at bahagyang inihakbang ang aking isang paa sa pagitan ng kanyang dalawang paa at bahagya ko ring inikot ang aking katawan upang bumwelo upang mabuhat siya at ibinalibag na parang sako! "Omf!" muli siyang lumubog sa maalat na tubig! Ow, pahiya na naman siya! Nagsipaghiyawan sina Kuya at ang iba. "Woo!! Ang lakas mo talaga, Alex!" "Tss! 'Yon lang tuwang-tuwa na agad kayo. Kaya ko rin namang gawin 'yan!" ang walang ganang palatak ni Kyle na ikinatingin naming lahat dito na noon ay pahakbang na patungo sa may dalampasigan. Kapagdaka ay muling lumingon sa aming lahat na nakakunot noo. Ano daw? "Kaya ko rin 'yan! Kaya ko kayong lahat!" ang sigaw nito na nakadipa pa na para bang nanghahamon ito! " Sino ang gustong sumubok? Sisiguraduhin kong bali-bali 'yang mga buto niyo!" W-what... anong pumasok sa kokote ng isang ito at bigla-bigla na lamang naghahamon?! Hindi naman ito nakainom! Ano 'yon, nalasing sa chippy!? Wow, kelan pa naging alkohol ang chichirya?! But too late to back out now dahil mukhang hindi rin magpapaawat ang mga baliw. Nakita kong nagsipagngisihan ang anim na lalaki kasama na si Terrence na noon ay unti-unti nang tumayo! "ANO?!" seryosong-seryoso ang mukha ni Kyle. Walang pakialam kung may mga nakatingin na sa kaniyang ibang tao. Hala! Nagwawala na yata ang kumag na 'to! Napangiwi ako nang magsipagsuguran ng sabay-sabay ang anim patungo sa kinatatayuan ni Kyle na nagpose na ng kanyang fighting pose! Napafacepalm na lang ako. May hinuna na ako sa magiging outcome nito. "YAAAAHHHHH!!!!" halos sabay-sabay na sugod ng anim kay kyle na seryoso pa ring nakapustura! And as expected... ni hindi na nakapanlaban pa si Kyle ng bigla na lamang dinamba nina Kuya Jazz! Napa-out-of-balance ito dahil na rin sa sunod-sunod na pagdamba ng mga lalaki! Para silang naglalaro ng softball, si Kyle ang kaawa-awang nilalang na pinagtulungang daganan ng mga ugok! Boom pisat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD