ALEXIS ALEJO
"Alex!"
Agaran naman akong napalingon sa tumawag sa akin na si Isha.
"Isha, bakit?" ang taka kong tanong.
Agad na tumabi sa akin saka may tiningnan sa malayo. "Yong mga kapatid mo, pinagtritripan na naman ata si Terrence," sabay inginuso ang apat na lalaki sa kalayuan.
Nakakunot naman ang noo kong napabaling sa apat then nakita kong naghahanda na sina kuya Brandon at Terrence na magbunong-braso. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Malalaki ang hakbang kong tinungo ang mesa nila.
Tsk! As if papayag akong pagtripan na naman nila si Terrence! Mga kapatid ko talaga! Ibang usapan na kasi ang parusang pinapagawa nila sa nobyo ko! Tulad noong isinumbong sa akin ni Isha na pinasquat nila si Terrence bilang parusa sa magiging talunan sa bunong-braso. Tama bang pasquatin nila sa labas ng bahay?!
Argh! Talaga naman!
Habang palapit ako'y nakita kong napatingin sa gawi ko si kuya Stevein na noon ay nangangalumbaba na sa mesa. Ngunit wala yata itong balak na pigilan ang tatlo sa ginagawa, I just saw a smirk drawn on his face.
"Let's get ready!" si kuya Jazz ang nagsalita na pumwesto sa gilid.
Ni hindi pa nila ako napapansin na papalapit dahil focus na focus sila sa ginagawa!
"1...2...3...........Start!"
*BOG*
I smacked down their clenched fists. Ang likod ng kamao ni kuya Brandon ang unang bumagsak sa lamesa habang hawak-hawak pa rin ang kamay ni Terrence!
"Who the—" biglang napatingala sa akin si kuya Brandon at ganoon na lang ang pagkagulat nang makita akong nakatayo habang sarkastiko akong ngumiti sa kaniya na nakaarko pa ang isang kilay ko. Subalit sandali lang ang pagkagulat na iyon dahil agad ring ngumisi sa akin. "Oh, Alex."
"Tsk! Tsk! kuya Brandon, ano na namang-"
"Yes, I win!"
Pare-pareho kaming napabaling sa sumigaw... si Terrence na tuwang-tuwa pa at napapasuntok sa hangin! Akala mo eh nanalo sa lotto! Anong 'I win' pinagsasabi ng isang 'to?! Wala namang nangyaring labanan!
"Sino namang nagsabing nanalo ka?" ang nakataas ang kilay kong angil ko sa kaniya!
"Pfft!" pigil ang tawa nina kuya Stevein at kuya Jazz nang lingunin ko. Natatawa namang napapailing si Kuya Brandon.
"Anong tinatawa-tawa niyo, Kuya?" kunot noong angil ko naman sa kanila.
Pero bago pa man may makapagsalita sa kanila ay agad nang sumabat si Terrence na tumayo na sa upuan at lumapit sa akin para akbayan ako.
"Huwag ka ng magalit sa kanila babe. Nanalo naman ako kaya... pwede na kita itanan." ang nakangising sabi ni Terrence sabay kindat sa akin.
A burst of laughter from the three echoes inside the house! At ang lahat nang naroon ay napalingon sa amin! Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Terrence! What the heck! TANAN?! Tama ba ang narinig ko?! Bigla kong siniko si Terrence dahilan para mapabitaw siya sa pagkakaakbay sa akin at muling mapaupo sa upuan niya sabay himas himas sa sikmurang tinamaan ng siko ko! Tsk! Hindi naman malakas ang ginawa kong pagsiko sa kanya, masyado lang talagang OA ang lalaking 'to! Napangiwi akong napabaling kina kuya.
"So ako pala ang pinagpupustahan niyo ha?" ang mataray kong saad saka humalukipkip at isa-isa silang tiningnan. Tawa pa rin ng tawa sina kuya.
"S-si... (tawa) si kuya Brandon..." si kuya Stevein ang pilit nagsasalita habang sa kalagitnaaan ng kanyang pagtawa na nagpapahid pa ng luha sa gilid ng mata. Tsk! Tears of joy?! "Siya 'yung .... (tawa) nakaisip ng.... (tawa) pagpupustahan!"
"Kapag nanalo daw si Terrence, hindi na niya pagtitripan at papayag pa siyang itanan ka niya!" si kuya Jazz ang bahagya nang nakakarecover sa pagtawa.
Sa kanyang sinabi, matatalim ang tinging pinukol ko kay kuya Brandon! "Talaga naman. Sa dinami-dami ng pwedeng pagpupustahan ako pa talaga?"
Unti-unti na ring tumigil sa pagtawa si kuya pagkatapos ay kalmado siyang tumitig sa akin. "Mas exciting nga, and I know kapag ikaw ang kasama sa usapan, hindi tatanggi si Terrence. Sayang naman, hindi ko tuloy nalaman kung ano ang dapat na outcome nito kung hindi ka sumulpot." ang sabi niya.
"Tsk! Kahit naman ano pa ang maging pustahan ay paniguradong matatalo rin si Terrence!" ang sabi ko sabay sulyap kay Terrence na noon ay napasimangot sa sinabi ko, narinig kong natawa sina kuya Jazz at kuya Stevein. Napailing na lang ako. "At ano naman ang parusa kapag natalo si Terrence ha?" ang di ko na ring natiis na itanong sa kanila.
Nagkibit balikat muna si kuya Brandon bago sumagot. "Madali lang naman, 100 push-ups sa ibabaw ng mesa." ang nakangisi at kalmado pa ring tugon ni kuya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! The Hell! "Lol! Paanong push-ups ang gagawin ng isang 'yan diyan sa maliit na lamesa." Napahilot ako sa aking sentido. "Hay naku."
Kalmado pa rin ang titig ni kuya Brandon ngunit wala na ang ngiti nito sa labi. "Tsk! Tsk!" palatak niya saka sumandal sa upuan at nag-cross arms. "Kung makapagreact ka naman," bakas sa tono ang pagtatampo.
Marahas na lang akong napabuntong-hininga.
"Sa totoo lang Alex, mas gusto ko pang makita kang itinatanan ni Terrence keysa naman sa isiping nasa panganib lagi ang buhay mo tuwing napapasabak ka sa isang misyon." naging seryoso na ang tono ng boses ni kuya.
Natahimik ang tatlo na napatingin sa gawi ni kuya Brandon. Nawalan din ako ng kibo at napatitig sa kanya. Alam ko namang noon pa ay labag na talaga sa kanyang kalooban ang pagiging agent ko. Ngunit wala na siyang nagawa nang pumayag din sina papa sa propesyong pinili ko.
"Malaki ang tiwala ko sa kakayahan mo, alam mo 'yan, isa kang mahusay na agent subalit magkaganoon pa man, hindi ko maiwasang mag-alala sa'yo-" he paused before he continues. "-Hindi habambuhay ay maiilagan mo ang mga lumilipad na bala, ang maiwasan ang mga patalim at ang maaksidente habang hinahabol ang isang kriminal. Alam ko rin kung gaano mo kamahal ang trabaho mo---ang pagiging agent mo pero ayokong dumating ang panahon na pagsisihan ko na wala akong ginawa upang patigilin ka sa trabahong iyan." ang mahabang wika ni kuya na bakas sa tono ang pagdaramdam.
Walang nakaimik sa aming apat dahil sa sinabi nito. Hindi ko naman masisisi kung bakit ganito si Kuya Brandon sa akin. Nag-iisa lang akong babae sa aming magkakapatid. Noong unang piliin ko ang kursong criminology, si Kuya ang unang kumontra at nagmatigas na huwag na iyon ang kunin ko. Subalit bandang huli ay wala na rin itong nagawa. At sa tuwing nagkakaroon ako ng bagong misyon laging nandyan ito upang paalahanan ako.
Kahit si kuya Stevein ay kontra rin subalit kung si kuya Brandon nga na panganay namin ay walang nagawa, siya pa kaya? Hindi naman nawawaglit sa isipan ko na nag-aalala rin silang lahat sa kaligtasan ko, ngunit ang labis na pagtitiwala nila sa akin ay sapat na upang magkaroon ako ng matatag na kalooban tuwing napapasabak ako sa aksyon.
"Kung ganoon naman pala kuya Brandon..."
Napukaw ang isipan ko nang may magsalita at ng lingunin namin ay si Terrence pala na ang laki ng ngiti.
"Tulungan mo na lang akong maitanan si Alex, para hindi na siya mapasabak sa mga delikadong sitwasyon!" ang matapang niyang alok kay kuya Brandon.
Napaubo naman ako dahil sa sinabi niya. Nagsipaghagalpakan naman ng tawa sina kuya Stevein at kuya Jazz. Si kuya Brandon naman... tila ba amused na amused siyang tinitigan si Terrence. Marahil hindi nito akalaing sasabihin iyon ni Terrence direkta mismo sa harap niya.
"Oy idiot, walang tanan na magaganap ok. Hindi ako—"
Nginisihan ako ng loko sabay sabing...
"Tsk! Hindi ko naman kailangang magpaalam sa 'yo. Pwede namang ipakidnap kita tapos dadalhin kita sa isang isla na tayo lang dalawa ang tao." ang nakakalokong sabi niya.
Sandali akong napamaang. Nyemas! Maling impluwensiya talaga ang mga kapatid kong 'to! Tuksuhan naman ang pawang naririnig ko mula sa dalawa kong kuya. Natatawa na lang si kuya Brandon.
Tinignan ko siya ng matalim. Luko-luko talaga!
"Hoy, Terrence Altamonte, hindi ako ang tipong madaling nakikidnap kaya huwag kang umasa na madadala mo ako sa isang isla ng ganoon kabilis!" ang angil ko naman kay Terrence!
"Paano kapag nagawa ko? Magpapakasal ka na sa akin?" ang tapatang sabi niya na nang-aakit pa ang ngiti.
"Idiot kong babe, baka nakakalimutan mong mahigit isang taon pa ang gugugulin mo sa pag aaral. Kaya tigilan mo ako dyan sa kasal-kasal na-"
"Tutulungan ko nalang si Terrence na maitanan ka Alex. Doon din na man ang tuloy niyo kaya huwag na natin patagalin pa!" ang natatawa namang saad ni kuya Brandon.
"Yon! Makakaasa kayong tutulong din ako!" si kuya Stevein na nagtaas pa ng kaniyang kamay!
"Bahala kayo, basta ako kahit ano," si kuya Jazz na nakangisi.
"Thanks, mga kuya!" ang masayang-masaya namang bulalas ni Terrence. "Diyan pala tayo magkakasundo! Mamaya na natin planuhin kung paano ko maitatanan si Alex! Mahirap na kapag narinig niya." saka nakakalokong nginisihan ako kapagkuwan ay bahagya siyang lumapit kina kuya. "Ngayon pag-usapan na lang natin ang ceremony at reception sa kasal- ah is it alright if we use western style----"
"How about Arabian style? " agad namang sabad ni kuya Jazz.
"I'd prefer a beach style! " kontra naman ni kuya Stevein.
Napahilot ako sa aking noo.
Lintek! Matutuyuan ako ng utak sa mga taong 'to! Pareparehong may diperensiya! Lalo na 'yung isa, ligayang-ligaya sa mga imaginations niya!
Humakbang na lang ako patalikod sa kanila nang magsalita si Terrence.
"Babe! Mamaya ka na umalis! Dito ka na muna." ang pigil niya sa akin.
Matatalim ang tinging nilingon ko siya.
"Tsk! At ano?" ang angil ko. "Matutuyuan ako ng dugo sa inyong apat!" pagkatapos ay sina kuya naman ang binalingan ko. "Kuya Brandon, pakidagdagan ng 100 ang push-ups na gagawin ng lalaking 'yan!" ang sabi ko na ikinangisi ng mga kuya ko saka tuluyan na akong humakbang pabalik sa kusina.
Narinig ko pa ang pagtawag ni Terrence at ang pagtatawanan ng mga kapatid ko. Aruy Jusko! Sakit sa bangs ng mga taong 'yun kapag magkakasama! Pero sa kabilang banda, nakakatuwang magkakasundo ang mga ito kahit na binalaan ko na dati pa si Terrence tungkol sa mga ito.
*FLASHBACK*
"Sinasabi ko sayo, huwag kang magpaloko-loko sa harap ng mga kuya ko lalo na kay kuya Brandon, mas malala ang tama no'n." ang sabi ko kay Terrence pagkatapos ay iniabot ko sa kaniya ang isang helmet. Sinundo ko kasi siya dito sa mansiyon ng Altamonte.
Kompleto ang pamilya namin ngayon dahil nagkataong nagbabakasyon sina kuya Stevein at Isha dito at tuwing linggo rin ay nandito sina kuya Brandon at Ate Maricar.
Since kilala na nina kuya Stevein si Terrence, si kuya Brandon na lang ang hindi pa nito nami-meet.
"Psh! Kahit naman ang dalawang kuya mo may mga tama rin kaya hindi nakakapagdudang gan'on ka rin." nakasimangot niyang sentiyemento habang inaayos ang helmet na binigay ko na hawak hawak niya.
Hinagkisan ko siya ng matatalim na tingin pero nakasimangot pa rin siya. Napangiwi ako.
"Ah ibig mong sabihin ay may tama rin ako, gan'on?"
Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa, hinawakan niya ang baba ko saka nilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Oo, malakas ang tama mo sa akin." sabi niya sa mapang-akit na tono at isang mabilis na kindat ang ginawa niya dahilan para lalong magwala ang puso ko sa kilig.
Putek naman o! Tumawa na lang ako ng pagak saka tinaasan siya ng kilay.
"Bilib din talaga ako sa ilusyon mo, Mr. Terrence Altamonte. Alalahanin mo ikaw itong unang nahulog sa akin, at ikaw itong humabol-habol sa akin kaya sino ngayon ang mas malakas ang tama sa ating dalawa, huh."
Kinuhit ko ang kaniyang baba ng hintuturo ko dahilan para mapaangat ng bahagya ang mukha niya pagkatapos ay ngumising tumitig sa akin.
"Sino ba ang unang nagpakita ng motibo sa unang araw palang nating pagkikita?"
Namilog ang mata ko sa sinabi niya at napaawang ang bibig ko. Loko talaga ang lalaking 'to!
"Hoy lalaki, wala akong maalalang nagpakita ako ng motibo, the thing I remembered when we first met was when I twisted your arm!"ang angil ko kapagkuwan.
"'Yon nga!" ang tuwang tuwang sabat niya. "Ngayon ko lang kasi naisip na kapag may gusto ka pala sa isang tao sinasampulan mo muna." ang nakakalokong sabi niya.
Ngali-ngaling sabunutan ko ang sarili ko sa sinabi niya. "The heck!" bahagyang tumaas ang boses ko na ikinaatras niya. "Kung ganoon pala ako magkagusto eh 'di sana lahat ng mga napilayan ko ay naging boyfriend ko na! Anong kala mo sa akin lahat ng babalian ko papatusin ko?" ang angil ko sa kaniya na ikinasimangot niya.
"Psh. Nagbibiro lang masyado mo namang seneryoso." ang ganting angil din niya.
Pambihira talaga ang lalaking 'to, siya na may kasalanan ako pa aangilan. Kung di ko lang siya mahal baka kanina ko pa nahampas ng helmet ang lalaking 'to. Hay naku, kahit kailan talaga.
"Tsk!" inirapan ko lang siya kasabay ng pagtingin sa malayo.
Ngunit laking pagkagulat ko ng bigla niyang hawakan ang braso ko sabay hila sa akin. Pagkalingon ko ay ang mainit niyang labi ang dumampi sa... aking noo. Tila libo libong kuryente ang dumaloy patungo sa puso ko na lalong ikinabilis ng t***k nito. Napamaang akong napatingala sa kaniya matapos niyang gawin iyon. Isang matamis na ngiti ang sumalubong sa aking paningin dahilan din para malimutan ko ang inis na aking nararamdaman. Oo, isang ngiti lang naman niya napapawi na ang inis ko. Isang panglalambing lang niya agad natutunaw ang galit ko.
Tsk! Nakakainis! Kelan pa ako naging madrama!
Then he gently patted my head. "Sorry na babe, huwag ka na magalit." ang sabi niya sa malambing na tono.
I sigh as a sign of defeat. Oo, sa kaniya lang ako natatalo lalo na kapag ganito na ang tono nang boses niya.
"Fine." sagot ko na lang.
"Tara na, naghihintay na ang mga in-laws ko." ang nakangising niyang saad.
Natawa ako sa sinabi niya. "Wow, in-laws talaga ang term. Parang siguradong-sigurado ka na magiging in-laws mo nga sila." nang-aasar kong sabi.
Ang laki ng ngiti ng loko na nangingislap pa ang mga mata sa tuwa. "Oo naman, siguradong-sigurado!" ang tuwang-tuwa niyang sabi tapos bigla na lang naging malamlam ang naging titig niya sa akin. "...Ever since I acknowledged my feelings for you and embraced the fact that I am in love with you, I have known deep down that you are the girl I have wanted for the rest of my life..."
Punyemas! Eto na naman siya sa mga nakakakilig niyang mga linya! Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang mataman pa rin siyang nakatitig sa akin.
"And I held onto that belief because it was you. Your world became my world, Alex, and on this day..." After he said that he tenderly pressed his lips against my forehead. "...tomorrow..." he whispered, kissing the tip of my nose, and as he paused, he gently tucked a stray strand of hair behind my ear, his gaze fixed upon me. "...and for eternity." And at last, he bridged the distance between our lips. He kissed me with love, and I accepted it with all my heart.
*END OF FLASHBACK*
Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko ang gabing iyon dahil sa tuwing pumapasok sa aking isipan ang sinabing iyon ni Terrence, pakiramdam ko rin ay kami na nga ang nakatadhana. Nakatadhana para sa isa't isa...