Chapter 2

1734 Words
TERRENCE ALTAMONTE Hay... akala ko pa naman masosolo ko na ang babe ko, dalawang araw rin kaming hindi nagkita dahil sobrang busy niya sa trabaho at ako naman sa project sa school, malapit na kasi matapos ang 3rd year life ko. Isang taon na lang, yes! Iba talaga kapag may inspirasyon. Habang akbay akbay ako ni Kuya Brandon, nakasalubong namin si mama. Ahem, dapat lang mama at papa ang tawag ko 'di ba since I'm the future son-in-law! "Magandang gabi, ma." ang magalang kong bati rito sabay abot sa kamay para magmano. Hanep! Marunong din pala akong magmano! Malaki ang ngiting tumango naman si mama matapos kong magmano. "Mabuti naman nakarating ka. O, nagkita na ba kayo ni Alex?" Opo mama, kaso itong si Kuya Brandon tinangay na naman ako palayo sa mahal ko.' Iyon sana ang gusto kong sabihin pero sinarili ko na lang. "Ah, opo nagkita na kami." ang nasabi ko na lang. Sigurado kasi kapag nagsumbong ako lalo akong pagtitripan ng tatlong barakong 'to. Tinignan kami ni mama ng mapanuring tingin na para bang hindi naging kumbinsido sa sinabi ko. Pagkatapos ay kay Kuya Brandon ito bumaling. "Hoy Brandon, kinidnap mo na naman si Terrence kay Alex?" pinandilatan ni mama si Kuya. Galing talaga bumasa ni mama. ang nakangiting sabi ko sa sarili ko. Tumawa ng mahina si Kuya. "Kidnap agad? Willing naman siya na sumama sa akin, 'di ba bro?" sabay tapik sa balikat ko at nginisihan ako, alam na! Bago pa ako makapagsalita ay sumabat na agad si mama. "Hay naku! Ibalik mo na siya kay Alex! Kanina pa niya hinihintay si Terrence!" ang maawtoridad na utos ni mama na agad ko namang ikinatuwa! "Later, ma. After we are finished with him," ang sabi ni Kuya Brandon na nakangiti pa saka mabilis akong hinila palayo kay mama. Wala na akong nagawa, laglag ang balikat ko. Nakakaasar! Dinala ako ni Kuya sa kinaroroonan ni papa na may kausap din na mga kaibigan. Hindi naman ako nahihiyang humarap kay papa dahil nagkakasundo naman kaming dalawa. Hindi ako sipsip, nagkataon lang na nagkakasundo talaga kami sa ibang bagay! "O Terrence, iho, Mabuti naman nakapunta ka," ang nakangiting saad ni papa nang makita kami, napatingin din sa amin ang mga kasama nito. Agad naman akong nagmano. "Siyempre naman po, Pa, kayo nag-imbita sa akin kaya dapat lang na pumunta ako," ang laki ng ngiti kong tugon na ikinatawa naman nito. "Hindi ba't ikaw ang anak ni Governor?" ang tanong ng isang lalaking nakaunipormeng pang-pulis. Sasagot na sana ako nang si papa naman ang sumabat upang sagutin ang tanong ng matanda. "Oo kumpadre, siya nga." ang tugon ni papa. Nakita ko ang pagkunot ng noo ng lalaki kahit 'yong ibang nakaupo sa gilid ng pabilog na mesa ay tila nagtataka rin kung bakit ako narito. "Kaibigan pala ng mga anak mo ang anak ni Governor," ang sabi pa nito. "Ah, naku kumpadre, future son-in-law ko ang batang ito," ang tila proud pang sabi ni papa na hindi napapalis ang ngiti sa labi na ikinagulat ng mga nasa palibot ng mesa. 'Yon talaga ang gusto ko marinig kay papa! Parang gusto ko na tuloy magpropose! "Nobyo siya ni Lexi?" ang tila ba 'di makapaniwalang tanong pa nito. "Oo, kumpadre. Hindi nga rin ako makapaniwala no'ng una na magiging nobyo siya ng inaanak mo pero kapag puso na ang tumibok aba, daig pa ang bala kung tumagos!" ang tatawa-tawang banat pa ni papa. "Isa pa boto naman ako dito sa batang ito dahil mabait at alam kong hindi niya sasaktan si Alex." Lalong lumaki ang ulo ko sa sinabi ni papa. Sino ba naman ang hindi? Kung ang ama ng babaeng pinakamamahal ko ang magsasabi ng mga salitang iyon. Nakangiting nagpatango-tango ang kaharap nito na ninong pala ni Alex. "Ang akala ko ay-" hindi na nito ipinagpatuloy pa ang sasabihin bagkus ay iniba na lamang nito. "-hmm, kunsabagay, kapag niloko niya si Lexi, hindi lang kamao nito ang sasapol sa kaniya! Kaya dapat magpakabait ka sa kaniya, iho." ang natatawang biro nito ngunit tila ba may himig na bantang sabi nito. "Naku Tito Hans, kapag niloko niya si Alex hindi lang siya ang uupak dito, siguradong reresbak kaming tatlo plus sina mama at papa!" ang sabat na biro naman ni Kuya Brandon na tinapik pa ang balikat ko kaya napalingon ako, nakangising tinanguan lang ako nito. Nagkatawanan naman ang mga nakapalibot sa mesa. "Naku, iho, ihanda mo ang sarili mo kapag nagkataon kung ayaw mong makuyog." ang sabi naman ng isa pang may edad na lalaking nakauniporme rin ng pulis at may suot na salamin. Para namang hindi ko kilala si Alex. Baka isipin ko palang ay ibinaon na ni Alex ang kalahati ng katawan ko sa lupa. Saka hindi naman mangyayari ang bagay na iyon dahil hindi ko na papakawalan ang katulad niya na minsan lang dumating sa buhay ko. Ang babaeng nagpagulo lalo sa buhay ko at nagpamulat sa akin sa maraming bagay. Hindi ang katulad ni Alex ang basta-basta ko na lang hahayaang mawala sa akin. All I want for my life is her... only her... "Sige po, maiwan na po muna namin kayo," ang paalam ni Kuya Brandon. Tumango naman sina papa at ang mga kasama nito na pawang nakangiti. Iniabot ko muna kay papa ang dala kong regalo na naglalaman ng mamahaling relo. Saka inudyukan na ako ni Kuya Brandon na umalis na rin at nagtungo kami kung saan naroon sina Kuya Stevein at Kuya Jazz. Takte! Wala talagang mapagtripan ang tatlong 'to. Nag start lang naman ang pambubully nila sa akin nang mameet ko na si Kuya Brandon, buong akala ko nga noon ay ayaw nito sa akin para kay Alex dahil hindi ako gaanong kinikibo... tapos bigla ako nitong niyayang- "Ano, bunong braso uli tayo?" ang tanong ni Kuya Brandon sa akin nang makaupo na kami sa isang pabilog na lamesa kung saan naroon din ang dalawa. "Na naman? Hindi ka ba nagsasawa Kuya?" nakakunot noong tanong ni Kuya Jazz. "Kay Alex nga hindi pa rin nananalo si Terrence sa 'yo pa kaya. Nabeat mo na nga ang record ni Alex na 5 seconds." nakangising sabi pa nito. Takte! Kailangang asarin talaga ako at ipaalala iyon? Psh! Oo, natalo ako ni Kuya Brandon sa loob lamang ng 3 seconds! Eh ano ngayon? "Yaan mo na, gusto ko pa ibeat 'yong 3 seconds," ang nang-aasar ang tono ni Kuya Brandon na nakatingin sa akin. "Tss. Ang boring." ang walang gana namang sagot pa ni Kuya Jazz saka inabot nito ang isang bote ng San mig light at tinungga iyon. "Gusto mo ng thrill, Jazz?" si Kuya Stevein naman ang sumabat na nakangising. "Laban tayo!" Biglang naibuga ni Kuya Jazz ang iniinom saka napaubo. Tawa naman ng tawa si Kuya Stevein. "As expected, duwag ka talaga!" tatawa tawa pang saad nito. Pati kami ni Kuya Brandon ay natawa rin! "O sige, let's have another deal this time." ang biglang sabat ni Kuya Brandon kaya naman ay napabaling kami. Ang laki ng ngiti nito na nakatingin sa akin. "Ayon, o! Yan ang thrill." ang tuwang tuwa namang saad ni Kuya Jazz. Napasimangot ako. Takte! Ano na naman kaya ang naisip nitong si Kuya Brandon!? Last time na natalo ako ay pinasquat ako sa labas ng bahay bilang parusa sa talunan! Kulang na lang ibaon ko ang mukha ko sa kahihiyan! Pinagsisihan ko na pumayag ako, isama pa na wala ng araw na iyon si Alex at sina mama at papa kaya walang nakapigil sa kanila. "This time, kapag natalo ako hindi na kita pagtitripan at-" makahulugan ang kislap sa mga mata ni Kuya Brandon na hindi pa rin napapalis ang nakakalokong ngiti. "-at papayag pa akong itanan mo si Alex." Halos malaglag ang mga panga nina Kuya Stevein at Kuya Jazz. Samantalang ako... ano bang ineexpect niyo? Siyempre ang laki ng ngiti ko! Kung ganyan din ang magiging usapan, wala ng paligoy-ligoy pa! Basta tungkol kay Alex! "Are you serious, Kuya?!" ang sabay bulalas ng dalawa. Arg! "Wag na kayong kumontra!"ang biglang angil ko naman sa kanilang dalawa dahil baka magbago pa ang isip ni Kuya Brandon. Mahirap na! "See? That makes it more exciting!" ang natatawang sabi ni Kuya Brandon. Alam nito na hindi talaga ako uurong kapag si Alex na ang naging usapan. "Gusto mo ba mabanatan ni Alex kapag nalaman niya na dinadamay mo siya sa kalokohan niyo? Tss!" sabat ni Kuya Stevein na nakasimangot, halata ang pagkadisgusto sa naging ideya ng nakatatandang kapatid. "Saka hindi ako makakapayag na itanan ni Terrence si Alex ng hindi nakakasal! Baka lumuha ng dugo ang kapatid ko!" Matatalim ang mga mata kong nilingon si Kuya Stevein parang alam ko na ang nais nitong tumbukin! Psh! Para namang magagawa ko iyon kay Alex! "Baka kabaligtaran kamo!" sabat naman ni Kuya Jazz sabay ngisi sa akin. "Di ba, bro?" "Psh! Hindi ko magagawa kay Alex 'yon, hindi ko siya iiwan at ipagpapalit. Itaga niyo 'yan sa bato!" ang seryoso kong saad! Nagpatango-tango naman si Kuya Brandon. "Well said." "Tss! Sige na, simulan nyo na ang walang kwentang bunong brasong 'yan! Naiinip na ako!" ang reklamong sabad ni Kuya Jazz na mukhang bored na bored na nga. "Ok, kapag ikaw naman ang natalo-" he points his index finger on me, wearing a smirk on his face. "-100 push-ups, dito." sabay turo sa ibabaw ng mesa! Namilog ang mata ko! 100 push-ups? 30 nga lang lugmok na ako 100 pa kaya?! Tapos sa ibabaw pa ng mesa na hindi naman ako magkakasya! Takte talaga! Paanong push up gagawin ko dyan?! Aish! Grabe talaga si Kuya Brandon! Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ng dalawa, o ayan! May mapapanuod na naman silang live show! Akala ko pa naman ay huli na ang nangyari noon pero... mali pala! Nakita kong itinukod na ni Kuya Brandon ang siko sa ibabaw ng mesa. "Huwag mong sabihing natatakot ka dahil sa sinabi ko kapag natalo ka?" ang nang-aasar pang sabi sa akin habang ibinubukas-sara ang kamao na nakataas. Nakasimangot akong umayos ng upo, wala nang urungan 'to, ayokong may mailait sila sa akin. Itinukod ko na rin ang aking siko sa lamesa at sabay naming pinagdaop ang mga palad namin ni Kuya Brandon. "Better ready to get lost, Mr. Altamonte." ang nang-aasar pang sabi nito. Ngisi lang ang isinagot ko. "Let's get ready!" si Kuya Jazz ang nagsalita na pumwesto sa gilid. Nakapangalumbaba naman si Kuya Stevein na nanunuod. "1...2...3...........Start!" *BOG*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD