ALEXIS ALEJO
Halos mag-dadalawang buwan na rin ang lumipas mula noong matapos ang kaso ng mga Altamonte. Mag-dadalawang buwan ding walang Nathan Gonzales sa SS... not because I missed him... well, syempre iba pa rin ang pakiramdam kapag may nalalagasan ng isang agent sa SS, kahit pa pakitang-tao lamang pala ang lahat para dito. But for us, he was part of our family, lahat kami sa Agency ay magkakakilala, magkakaibigan, kahit pa hindi kami madalas magkita-kita.
Ngunit ganoon nga lang siguro ang kapalaran. Sabi nga nila, ang mga nangyayari sa buhay natin ay bagay na tayo rin mismo ang gumawa, it's the result of every choice we choose. Because in life, you always have many choices, and we just need to take the best option. Decisions only get wrong when you couldn't stand for the choice you made.
"Hey, Alex." ang boses ni Isha.
Napakurap ako at wari ba hinigop ako pabalik sa realidad nang marinig ko ang pagtawag nito. Napalingon ako.
"Huh?"
"Ang sabi ko, kukunin mo ba iyang hawak mo? Kanina mo pa kasi tinititigan 'yan." ang maagap naman nitong sagot.
Muli akong napabaling sa hawak ko na isang chocolate drink. Iyon ang dahilan kaya ko naalala si Nathan. Noong panahong trainee palang ako at ito ang trainor ko, lagi ako nitong binibigyan ng chocolate drink na 'to.
"Ano?" ang untag sa akin ni Isha.
Umiling ako saka muling ibinalik sa lalagyan ang produktong iyon. Saka nagpatuloy na kami ni Isha sa pagkuha ng mga kakailanganin naming mga sangkap para sa mga lulutuin namin mamaya.
Kaarawan ni papa ngayong araw kaya andito sina Kuya Steven at Isha. Nasa bahay naman sina Kuya Brandon at si ate Maricar.
"O, kayong dalawa, kumpleto na ba 'yang mga kinuha niyo?"
Sabay kaming napalingon ni Isha sa likuran at nakita namin si mama na nakatayo roon. Siyempre kasama rin si mama sa pamimili, alangan namang pabayaan namin si mama na mamili mag-isa, eh 'di pinaulanan pa kami ng sermon niyan, hindi lang pala sermon kundi bala na rin! Sabay kaming ngumiti ni Isha.
"May ilan pa po kaming hindi nakukuha," ang magalang na sagot naman ni Isha na hawak-hawak ang listahan ng bibilhin.
"Ganoon ba? Siya, bilisan niyo na para makauwi na tayo ng maaga, marami pa tayong gagawin mamaya pag-uwi." ang malumanay na utos ni mama. "Mauuna na ako sa counter. Kapag natagalan kayo, sa sasakyan na lang ako maghihintay." ang dugtong nito bago tinulak ang pushcart.
"Sige po." ang halos sabay at pahabol naman naming sagot ni Isha.
Nagkatinginan kaming dalawa saka nagkatanguan. "Mabuti pa bilisan na natin." ang sabi ko na agad rin naman nitong sinang-ayunan. Kaya naman ay humakbang na kami ni Isha para hanapin sa loob ng grocery ang iba pang kulang namin.
Hindi naman kami nagtagal sa paghahanap, agad rin kaming nakasunod kay mama na kakaalis lang ng counter kaya naman ay hinintay na lamang nito kami.
"Ako na po ang magdadala 'nong isa, ma." ang nakangiting sabi ni Isha kay mama, dalawa kasi ang karga-karga nitong bag na puno ng grocery. Kaya naman ay kinuha na ni Isha kay mama ang isa. Tig-isa lang naman kasi kami ng dala.
"Salamat, iha." ang nakangiting sagot ni mama.
Pagkatapos ay sabay sabay na kaming lumabas. Bigla namang tumunog ang phone ko saktong nakalabas na kami ng grocery kaya napatingin sa akin sina mama at Isha. Dinukot ko iyon mula sa bulsa ng pants ko at ganoon na nga lang ang pagngiti ko nang mabasa sa screen ang pangalan ng tumawag.
"Sagutin ko lang po." ang nakangiting sabi ko.
Tila nahulaan naman nila kung sino ang tumawag na iyon dahil sa nakita nilang ngiti sa labi ko kaya nakangiting tumangoang mga ito saka humakbang na patungo sa sasakyan namin na nakaparada sa di-kalayuan.
"Hello?" ang nakangiti kong sagot sa phone saka napahakbang na ako pasunod kina mama at Isha na bahagya nakalayo na sa akin dahil sa liit ng hakbang ko.
[Hello babe!]
Lalong lumaki ang ngiti ko nang marinig ko sa kabilang linya ang baritonong boses ni Terrence.
"Hoy, idiot kong babe, huwag kang mawawala mamaya." ang kunwari ay nakaangil kong sabi sa kanya. "Inaasahan ka ni papa na pupunta."
[Tsk! Alam ko, hindi pa naman ako ulyanin para malimutan ang araw na 'to.]
Nakangiting napapailing na lang ako sa naging tono ng pagkakasabi niya. Kung kaharap ko lang siya ngayon siguradong nakasimangot pa ito.
"Mabuti naman. Bakit ka nga pala napatawag?" ang kunwa'y tanong ko na hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi ko.
[Bawal bang tawagan ang babe ko?]
Paaroganteng balik-tanong niya na ikinatawa ko ng bahagya.
"Galit ka na niyan? Break na tayo?" ang natatawa kong biro. 'Yan na ang nakasanayan kong ipang-inis lalo sa kanya kapag nagagalit siya.
[Hindi ako galit!]
Hindi ko na napigilan ang matawa sa tono ng boses niya.
[Pinagtitripan mo na naman ako!]
Kung minsan hindi ko talaga maiwasan ang mang-asar sa kanya. Well, siya rin naman kasi nagpalala sa attitude ko na 'to dahil lagi niyang tini-trigger! Puro kasi kalokohan e! O gag* may nakatapat ka tuloy!
Ngunit napahinto ako sa pagtawa ng marinig kong may sumigaw kaya naman ay napabaling ang atensiyon ko at dumako ang aking tingin sa isang tumatakbong lalaki na patungo sa kinaroroonan ko na ikinakunot ng noo ko.
"Alex, pigilan mo siya!!!"
Ang narinig kong sigaw nina mama at Isha saka ko napansin ang pamilyar na bagay na iyon na bitbit ng lalaki.
Nang wala ng isang metro ang layo nito sa akin at tangkang itutulak ako ay mabilis kong inigkas ang aking paa upang salubungin ito nang sipa sa sikmura na agad ikinaigik nito at kamuntikan pa nitong ikabagsak. Kita ko ang pagngiwi nito at pamimilipit dahil sa ginawa ko. Hindi ko tuloy maiwasang pumalatak ng muli kong itapak sa sementadong sahig ang aking paa.
Inangatan ko ito ng isang kilay nang hinagkisan ako ng matatalim nitong tingin. Mukhang nagalit sa ginawa ko and at the same time ay nabigla rin. Sino ba naman kasing matinong babae ang bigla-bigla na lang maninipa.
Sinuklian ko lang ang tingin nito ng hindi-ako-takot-sayo look.
Sus! Kala naman ng kumag na 'to ay tatakbo ako sa titig niya. Punyemas! Wallet pa ng mama ko ang pinili niya hablutin, tapos panira pa ng moment! Sino'ng hindi mabubwisit?!
Napansin ko ang pagiging alerto nito at ang paglulumikot ng kanyang mata na mukhang naghahanap ng escape route! Muli itong napatingin sa akin nang mapansin nito ang paghakbang ko palapit.
"Tss!" ang inis nitong palatak pagkatapos ay mabilis na tumakbo sa kaliwang gilid nito!
Nang mga oras na iyon ay inasahan ko na talagang doon ito lulusot dahil sa kabilang side namin ay pader na ng grocery na binilhan namin nina mama at Isha. Marahil ay naisip nito na kapag dumiretso'y baka salubungin ko uli ng tadyak!
Subalit nagkamali ka ng taong inistorbo! Ang ganda na ng moment namin ng babe ko tapos bigla bigla ka eentra! Sino'ng baliw ang matutuwa!
Mabilis ang naging pagkilos ko upang maabutan ito bago pa makalayo, kaya agad akong nakaharang sa daanan ng lalaki na muling ikinagulat nito.
"P*ste ka! Umalis ka diyan kung ayaw mong mamatay!" ang gigil na bulyaw nito sabay itinaas ang dinukot nitong balisong mula sa likuran saka itinutok iyon sa akin.
Blangko ang mukhang napasulyap ako sa hawak nitong patalim pagkatapos ay muling dumako ang tingin ko sa mukha nitong hindi naambunan ng kakinisan. Bahagya akong napabuga ng hangin.
"You're dead meat," I muttered and gave him a deadly look.
Ako pa talaga ang hinamon. Tsk!
"Sabi ng umalis ka r'yan!" ang malakas nitong sigaw sabay wasiwas ng balisong na iniwasan ko naman.
Putek! Balak talaga akong lagyan ng gripo ng kumag na 'to!
Inilipat ko ang hawak kong cellphone sa kabilang kamay na may karga-kargang grocery items.
Kaya sa muli nitong pagwasiwas ng balisong hinuli ko ang kamay nitong may hawak na patalim and I hardly twist it.
"Ahk!"
Napadaing ito pero dinedma ko iyon. Wala akong pakialam kung nabalian ko man ito keysa naman ako ang malagyan nito ng gripo sa parte ng pinakamamahal kong katawan!
"P*stengy*wa!"
Narinig ko ang malutong nitong mura pagkatapos ay inigkas nito ang kabilang kamao patungo sa mukha ko pero bago pa iyon mag-landing ay agad akong napaikot ng yuko upang umiwas dahilan din para makawala ito sa pagkakahawak ko. At bago ito makaatras at makalayo sa akin ay ako naman ang umatake, my free hand flew directly to his ugly face!
"Ugh!" napasapo ito sa pumutok na labi, halos matumba pa ito sa ginawa kong pagsuntok sa mukha kung hindi lamang nito naibalance agad ang isang paa.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, bago pa iyo makabawi ay muli akong umatake, isang mabilis na side kick ang muling tumama sa sikmura kaya naman ay napaatras ito at dahil sa ginawa nitong iyon ay napaupo itong napatumba sa semento. Babangon na sana ang unggoy nang isang sipa ko pa ang nagpahiga rito. Sinipa ko rin palayo ang nabitawan nitong patalim then I stepped my foot to his chest to pin him down.
He looks at me as if he sees a ghost.
"S-sino ka ba?" he asked.
Bago pa man ako makasagot nakalapit na sa amin ang dalawang security guard ng grocery na kanina pa pala nanunuod at hindi man lang nagtangkang tumulong.
Galing!
"Kami na ang bahala d'yan, ma'am." ang alok ng isa, kaya naman ay inalis ko na ang paa ko sa ibabaw ng dibdib nito.
"Alex!" tawag ni mama na agad ring lumapit sa amin kaya napabaling ang tingin ko sa kanila.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Isha.
Tumango lang ako bilang sagot. Para namang hindi ako nito kilala.
Itinayo na no'ng isang guard ang lalaki na hindi na pumalag pa tapos ang isang guard naman ay kinuha at iniabot kay mama ang wallet na hinablot ng kawatan.
"Salamat." maikling sagot ni mama saka binalingan muli ang lalaki. "Ipakulong niyo iyan para magtanda." kaswal na sabi ni mama.
"Opo." sagot ni guard na nagbigay ng wallet ni mama tapos ako naman ang binalingan."Ang galing mo po ma'am-"
"-Alex..." dugtong ko at pormal na bumaling sa lalaki. "...I am Agent Alex of secret service agency." ang sabi ko bilang sagot sa tanong ng lalaki kanina.
Bakas pa ang pagkagulat sa kanilang mga mukha, sino ba naman ang hindi nakakaalam sa Ahensiya ng Secret Service. Kilala ang ahensiya dahil sa mga mahuhusay na agents na gaya ko kahit pa maraming baliw ang namumugad roon.
"Ay kaya naman po pala ang galing mo, isa ka palang agent ng SS." the guard said.
Ahem! Slight lang.
Puri ko naman sa sarili ko. Tsk! Ano ba 'yan! Nahawa na ako kay Terrence!
[Alex! Ano'ng nangyayari? Alex?!]
Natigilan kami dahil sa narinig namin. Napatingin ako sa hawak kong cellphone at doon nanggagaling ang tawag ni Terrence dahil napindot ko pala ng hindi sinasadya ang loudspeaker kaya napatingin ako sa phone. Sh*t! Nalimutan ko. Nagwawala na panigurado ang baliw na 'to!
Makahulugan ang tingin kong muling binalingan ang 2 guard marahil ay agad naman nila iyong naintindihan kaya tinanguan nila ako pagkatapos ay tumalikod na sila upang umalis kasama ang kawatan.
"Ano ka ngayon, babae lang pala ang katapat mo'ng kawatan ka."
Naulingan ko pa'ng sabi nang isang guard.
Tsk! Pasalamat nga siya hindi ko siya binalian! Pero ang mga katulad nito ay hindi karapat-dapat para pag-aksayahan ng panahon!
[Babe! Al---]
"Ano?!" hindi ko na namalayan na may halong angil pala sa tono ng boses ko nang muli kong inilagay sa tapat ng tenga ko ang phone.
[Ano ba ang nangyayari d'yan? May-]
"-May binugbog lang ako dito, napagtripan ko lang. Kaya kapag hindi ka pumunta mamaya, sisiguraduhin kong mangyayari sa 'yo ang nangyari sa taong 'to, hmm? ang banta ko sa kanya pero kunwari lang naman iyon, narinig ko ang mahinang pagtawa nina mama at Isha, ngumiti lang ako sa kanila. "Kaya sigura-"
[-Psh! Pupunta ako kahit hindi mo na sabihin! Dalawang araw kaya ako nagtiis na hindi ka makita! Kasi naman sabi ko na sayo, dito ka na lang uli sa bahay tumira at maging personal bodyguard ko habambuhay para araw-araw na tayo magkasama! Hindi mo ba alam kung gaano kahirap para sa akin 'to?! Ang hirap na hindi ka nakikita at nahahalikan!]
Ano ba ang gagawin ko sa nilalang na ito! Buti walang ibang nakakarinig sa kanya!
**
NANG sumapit na ang hapon ay nagsimula nang magsidatingan ang mga bisita ni papa. Kabilang na roon ang ilang matataas na opisyal na pawang kaibigan nila ni mama. Agad rin naming inasikaso ang mga nagsidatingan kaya naman hindi kami mapuknat-puknat sa kusina at pagsisilbi sa kanila.
Bukod roon, kanina pa rin ako napapasilip sa gate sa tuwing may naririnig ako na nagbubukas no'n.
"Hindi na dadalo 'yon."
Bigla akong napalingon sa aking likuran. Si Kuya Brandon na tila ba nang-iinis ang ngiting naglalaro sa labi nito ang nalingunan ko. Napangiwi ako.
"Kontra ka talaga eh 'no, Kuya." ang sabi ko na sinimangutan pa ito.
Tumawa lang ito ng bahagya saka tinapik ako sa ulo. Nakakainis! Bata pa rin ang turing nito sa akin!
"Binibiro lang naman kita, napapansin ko masyado ka yatang nagiging sensitive when it comes to... him?" pagkasabi nito ay agad na may ininguso si Kuya na mabilis pa sa alas kwatrong niligon ko.
Saktong nagtama ang mga mata namin ay siya namang paglukso ng puso ko sa tuwa. Lalo na ngayon... Ang gwapo nito sa paningin ko! Parang gustong malunod ng puso ko sa kilig nang makita ko ang napakatamis na ngiting gumuhit sa kanyang labi. Dalawang araw ko ring hindi nakita 'yan! Napangiti rin ako habang nakatitig sa papalapit kong babe.
"Ahem... O kurap naman d'yan, baka bago pa makarating dito 'yan wala nang damit, natunaw sa kakatitig mo." ang natatawang tukso ni Kuya Brandon.
Pinamulahan tuloy ako ng mukha at hinagkisan si Kuya ng matatalim na tingin. Tsk! Manukso ba. Saka binabantayan ba nito ang mga kilos ko?Tinawanan ako ni Kuya Brandon. Kahit nga kutsilyo iharap ko riyan tatawanan lang ako.
"Laway mo." ang tatawa tawa pa nitong sabi saka may itinuro pa ang sa bandang labi ko.
Dahil sa sinabi, kusang gumalaw ang kamay ko para punasan umano ang laway ko na itinuro nito pero laking gulat ko ng tumawa ng malakas ito, pinanlisikan ko siya ng mata.
"Kuya Brandon!" ang nakangiting bati ni Terrence nang makalapit na siya sa amin.
Sabay pa kaming napabaling ni Kuya sa kanya. Kung makakuya eh 'no. Pero wala rin namang angal ang mga Kuya ko kapag tinatawag nito ang mga ito ng ganoon. Kaya pakiramdam ko ay welcome sa pamilya namin si Terrence kaya sobrang thankful din ako sa family ko dahil agad nilang tinanggap ng bukas palad si Terrence bilang nobyo ko.
Parang nilipad naman ng hangin ang inis ko nang magkatinginan kami ni Terrence.
"Terrence, bro." bati naman ni Kuya Brandon saka nagkamayan pa silang dalawa.
Hindi naman nahirapan si Terrence na makibagay sa mga kapatid ko since hindi rin naman sila nagkakalayo ng ugali. Ay naku, ang gulo ng mga 'yan kapag magkakasama.
Ang laki-laki pa ng ngiti ko matapos nilang magbitiw ng kamay dahil siguradong masosolo ko na si Terrence. Subalit ganoon na lang ang pagkapalis ng ngiti ko sa labi at may kasamang pagkadismaya ng akbayan ni Kuya si Terrence na ipinagtaka naman ng huli pagkatapos ay makahulugang ngumisi sa akin si Kuya.
"Sa akin na muna siya." ang nakakalokong sabi ni Kuya Brandon.
"Huh?" si Terrence na nakakunot noong nakatingin kay Kuya tapos ay luminga sa akin.
"Pero Kuya-"
"Tara bro." pambabalewala sa akin ni kuya tapos ay agad nito ng inakay sa loob ang hindi na nakapalag na si Terrence na nakalingon pa sa akin na para bang sinasabi ng mata nito na tulungan ko siya.
Kasi naman... siguradong pagtutulungan na naman siya ng tatlong barakong 'yon. Oo, tanggap siya ng mga ito at nagkakasundo sila but it doesn't mean na hindi na siya ibubully. At least naranasan nito ang mabully rin! Napabuntong hininga na lang ako. Ano pa bang magagawa ko? Pambihira talaga ang kapatid kong 'yon. Tsk! Akala ko pa naman ay makakapag-usap kami ni Terrence.