Chapter 2

2191 Words
"MAGANDA itong El Greco Hotel and Resort, oy. Kayang-kaya 'to ng budget ng asawa mong Afam kaya gora ka na rito, Tatiana," pangungumbinsi ko pa sa pinsan ko para dito magbakasyon. Tumawag kasi siya para magtanong kung saan magandang mag-stay habang narito sa Pilipinas, siyempre lalayo pa ba ako, eh swak na swak sa bakasyon ang place na 'to. Kahit ako, gusto kong magbakasyon rito, iyong tipong papasyal-pasyal lang ako habang ka-holding hands ang dyowa ko. Bigla naman akong napasimangot. Nakalimutan ko kasing wala nga pala akong dyowa. "Hindi ako mapapahiya sa asawa ko?" Rinig kong tanong niya sa kabilang linya. "Ay sus! Tatiana, hindi ka mapapahiya kapag dito mo siya dinala, sinasabi ko sa'yo magugustuhan niya rito, 'no? Sobrang ganda dito sa Resort, peksman," sabi ko. Tumigil ako sandali sa paglalakad at nagmamasid sa kabuuan ng resort. Sandali namang hindi umimik ang pinsan ko, wari'y nag-iisip kung oo o hindi. "Ano? Deal?" tanong ko pa. "Okay, but make sure na okay talaga riyan, ha?" Paniniguro pa ni Tatiana." "Oo nga! Peksman, kapag hindi mo nagustuhan dito papabunot ko ang bulbol ko," sabi ko. Malakas na tawa naman ang isinagot niya sa akin. "Siraulo ka talaga, Lala! Ang tanong may bulbol ka ba?" natatawang tanong nito sa akin. "Ay oo nga pala, 'no?" "Baliw ka talaga," natatawa pa ring sabi nito. "Ano? Deal na tayo, ako na mismo ang magpapa-book sa'yo?" "Bakit ang galing mong manghikayat, may komisyon ka ba riyan?" "Kunsumisyon, oo." "Loka! Oh siya, pa-book na ako. By next week, ha?" "Sure--,ay put*ngina!" Malutong akong napamura nang mag-shoot sa open canal ang isang paa ko. Mabuti na lang at walang tubig, pero... "Shlt na malagkit, masakit! Ang binti ko!" Patuloy na daing ko habang sinisipat ang binti ko. "Anong nagyari sa'yo, Lala?" Rinig kong tanong ng pinsan ko. "Mamaya na tayo mag-usap, na-shoot sa kanal ang isang paa ko," nakangiwing sagot ko, bago pinatay ang tawag niya. "Ang binti ko!" Medyo malalim kasi ang open canal na iyon. Naglalakad na kasi ako pabalik sa quarter ko, galing ako sa isang cottage na cheneck ko dahil may nag-check out na guest. "Ang binti at legs ko! Ito na nga lang ang assets ko para makahanap ng Afam, nadisgrasa pa," himutok ko habang inaalis sa kanal ang binti ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napalingon sa gawing kanan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Sir Matt na nakatingin sa akin. Medyo malayo pa naman siya sa akin, kaya pasimple akong umupo sa gilid ng kanal at kunwaring pakuyakuyakoy ang isang paa. Ubod tamis kong nginitian si Sir Matt kahit nakakahiya kung nakita niya akong nahulog sa kanal. Buwisit naman kasi 'tong kanal na 'to, panira ng ganda eh! Piping himutok ko habang pasimple kong pinapaypayan ang nasaktang binti. Ang hapdi, buwisit! piping sigaw ng utak ko habang tila mapupunit ang mga labi ko sa labis na pagngiti. Nakatingin pa rin kasi sa akin si Sir Matt. "Hi, Sir Matt!" pa-cute pang bati ko sa kaniya. "I'm okay. Nagpapahinga lang ako rito! Napagod ako eh, don't worry." Walang ekspresyon sa guwapong mukha nito nang maglakad palapit sa akin. "You had a nasty fall," sabi nito. Anak ng! Nakita niya akong nahulog? Mamaya ka sa aking kanal ka, panira ka ng ganda ko! "Okay ka lang ba?" tanong pa nito. Sasabihin ko pa sanang okay na okay ako pero kaagad akong napangiti nang may ideyang pumasok sa isip ko. "Sa totoo lang hindi ako okay, Sir." Itinaas ko pa ang nasaktang binti at ipinakita rito ang gasgas. Naiiyak ako dahil napingasan ang binti ko pero mas lamang ang pag-iinarte ko. "Parang napilayan yata ako, Sir." Lihim akong napangiti nang umupo ito sa tabi ko at sipatin niya ang binti ko. Ayieh, mukhang pusong mamon din ang kumag na 'to. Muli kong sinipat ang binti ko. Ang haba ng gasgas. "Kaya mo bang maglakad?" tanong niya. Napaangat ako ng tingin, ang guwapong mukha ni Sir Matt ang sumalubong sa akin. Para akong hindi nakahinga habang nakatitig sa mga mata niyang mapupungay. He was so handsome, so hot, so yummy, so breathtaking. Ang mga labi, ang pula, parang hmm--para siyang anghel na may sungay, chos! "Lala!" inis na untag niya sa akin. Napakurap-kurap naman ako. "Ha?" Saka lihim na napangiti. "Hmm, parang hindi eh. Oo, hindi ko yata kakayaning magkalad, masakit eh. Puwede mo ba akong kargahin?" Kumunot naman ang noo nito. "Bakit ko naman gagawin iyon?" "Aww! Kasi hindi ko kayang maglakad?" "Mukhang hindi naman malubha ang lagay mo, aalalayan na lang kita," sabi nito at inilahad ang kamay sa akin. Inabot ko naman iyon, at para akong nakuryente nang slight sa pagdadaiti ng aming mga balat. Napadikit ako sa may dibdib niya at hindi ko napigilang mapapikit nang maamoy ko ang napakabangong amoy nito. "Ouch!" Daing ko kunwari nang magsimula akong humakbang. "Masakit ba talaga?" Paawa akong tumango. "Sobrang sakit, Sir. Kargahin mo na ako, please?" pag-iinarte ko. Lihim akong nagdasal na sana buhatin niya ako. Tila naman ako tumama sa lotto nang biglang umangat sa ere ang mga paa ko. Oh my God! Binuhat niya ako! Jusmiyomarimar! Piping usal ko habang ngiting-ngiti. Binuhat niya ako na parang bagong kasal, jusko ang puso ko. "Dalhin mo 'ko sa pediatrician, Sir," sabi ko habang ninanamnam ang sarap ng pakiramdam na mabuhat ng isang prinsipe. Naramdaman ko siyang natigilan. "Bakit sa Pediatrician? Ano ka baby?" asik niya sa akin. "Hmm, baby mo," sabi ko. Pigil-pigil ko ang mapahagikhik dahil sa kapilyahang naisip ko. "Daddy, gutom ako, pede po padede--" "Lala!" Pagbabanta niyang sabi. "Gutom po ako, Daddy, dede po plet-,Aww!" Malakas akong napadaing nang basta niya akong ibaba. "Sir naman, masakit ah!" nanghahaba ang nguso na reklamo ko. Masama niya akong tiningnan. "Pinaglololoko mo ako, tama?" "Aww, hindi po, ah! Masakit talaga." "Iyong totoo?" "Masakit nga po, Sir. Seryoso po ako," sabi ko. Seryoso na talaga ako dahil ngayon ko naramdaman na makirot talaga iyon. "Kung hindi naman po nakakahiya, paalalay lang." "Sa opisina na lang kita dadalhin. May Nurse naman dito na puwedeng mag-check sa'yo," sabi nito at muling iniabot ang kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon. Nang makita siguro nitong nahihirapan ako ay hinaklit niya ang beywang ko at saka doon inalalayan. Ako naman ay walang kemeng ikinawit ang braso sa leeg nito at buong pusong sinamyo ang mabango nitong amoy. "Hmm, anong pabango n'yo, Sir?" Bahagya niya akong sinulyapan, mukhang sungit-sungitan na naman ang Lolo. Hindi niya ako sinagot hanggang sa makarating kami sa opisina. Maingat niya ako pinaupo sa malambot na sofa. At kapagkuwa'y may tinawagan. Hindi naman nagtagal ay dumating ang isang babaeng sa pagkakaalam ko ay kapatid ni Gian na bunso. "Oy, Kuya! What are you doing here?" Mukhang nagulat ito nang makita si Sir Matt. "Dapat nasa Manila ka, right?" "May inutos sa akin si Kuya Marco," mabilis na sagot ni Sir Matt sa kapatid. "Ikaw bakit nandito ka rin?" "Oh well, may usapan kami ni Ate Deina kaya narito ako," sagot naman ni Ma'am Mich, saka lumapit sa akin. "Anong nangyari sa iyo?" "Medyo nadisgrasa lang ng slight," sagot ko. "T*nga kasi iyong kanal, hindi tumabi," pasaring ni Sir Matt. Tiningnan ko naman siya at sinimangutan. Akala ko pa naman pusong mamon, tsk. "Girlfriend ka ba ni Kuya Matt? Saka hindi ba ikaw iyong friend ni Ate Jel?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. "Hindi ko siya girlfriend, Michelle!" Tanggi ni Sir Matt. "Ikaw ba ang kausap ko, my dear brother?" "Hindi--" "Oh, hindi naman pala eh, so bawal kang sumagot, okay?" Lihim akong natawa nang makita ko ang inis sa mukha ni Sir Matt. Mukhang asar-talo siya sa bunsong kapatid. "So, ano girlfriend ka ni Kuya Matt?" ulit ni Ma'am Mich nang balingan ako. "Hindi pa," napapangiting sagot ko. Humalakhak naman si Ma'am Mich na tila aliw na aliw. "Ay bet kita! Hindi pa, meaning soon kayo na?" Tila kilig na kilig pang sabi nito. Pati ako ay nahahawa sa ngiti nito. "Kapag sinagot ko na siya, baka sakaling maging kami nga. Pero nagdadalawang-isip pa ako kung sasagutin ko siya o hindi eh," patol ko sa kalokohan nito. "You shut up!" Inis na birada ni Sir Matt. "Shut up ka rin muna, Kuya. Usapang babae ito." "Ikaw ang manahimik, Michelle! Hindi ko nililigawan ang babaeng iyan, may taste pa naman ako," patuyang sabi nito. Sa halip na ma-offend ay tiningnan ko lang siya nang pagkalagkit-lagkit. "Taste-taste ka riyan, choosy, ganern?" "Of course! Maganda ang gusto ko," walang habas na sabi nito. "Aba't, maganda ako, oy! Hindi lang mas'yadong halata, mahiyain kasi iyong ganda ko gusto niyang nakatago lang." Malakas namang tumawa si Ma'am Mich habang si Sir Matt ay tila nauubusan na ng pasensya sa akin. "Tsk! Crazy woman!" Pasaring nito. Ngumisi lang naman ako. "I'm crazy for you," banat ko. "Tsk! Ikaw na nga ang bahala sa babaeng iyan, Michelle! Ang sarap tirisin," pasaring pa nito, saka padabog na lumabas ng opisina ni Ma'am Deina. Naiwan kaming nagkakatinginan ni Ma'am Mich, saka sabay na natawa. Mukhang magkakasundo kami nitong kapatid niya, kikay rin eh. Eksakto namang pagsara ng pintong nilabasan ni Sir Matt ay siyang muling bukas niyon. Bumungad ang Nurse na siyang tinawagan yata ni Sir Matt kanina. Lumapit siya sa akin, saka ininspeksyon ang mga galos sa binti ko. "Masakit ba ang paa n'yo, Ma'am?" Mabait na tanong ng Nurse. "Medyo makirot lang iyong ankle ko, saka mahapdi iyong galos pero maliban do'n wala na," sagot ko naman. "Sige po, Ma'am," anito, saka nilinis ang mga galos ko. Nilagyan din nito ng benda para raw hindi mas'yadong mapuwersa. Matapos nitong ayusin ang sugat ko ay umalis na rin siya, naiwan ulit kami ni Ma'am Mich. "Matagal ka na rin dito?" Kapagkuwa'y tanong niya sa akin, umupo pa siya sa tabi ko. "Oo, mas matagal ako kay Jel," sagot ko. "Oh, I see. Masaya ka naman dito?" Mabait na tanong niya. "Oo naman, 'no? Lalo na ngayon wala na si tikbalang, jusko sa kaniya kaya nangulot ang bulbol ko." Naloka naman ako dahil sa malakas na tawa ni Ma'am Mich. Pinalo pa niya ang hita ko dahilan para mapaaray ako. "Sorry, sorry," naluluhang sabi nito. "Ang kulit mo pala? Kaya siguro love na love ka ni Ate Jel. Tanggal stress ko sa'yo." Napangiti naman ako sinabi nito. "Kapatid mo talaga si Sir Matt?" tanong ko. "Yes, kapatid ko siya, duda ka ba?" "Medyo, ikaw kasi mabait, si Gian mabait din naman pero bakit ang isang iyon parang ipinaglihi sa sama ng loob? Hindi kaya napalitan iyon sa hospital dati? Hindi siya marunong mag-smile, sayang ang guwapo pa naman," walang prenong sabi ko. Muli namang tumawa si Ma'am Mich, ang babaw ng kaligayahan ng isang 'to. Kahit yata mautot lang ako, tatawa na siya agad. "Totoong kapatid ko siya, at tama ka rin na hindi pala-smile si Kuya Matt. Pero sandali, crush mo ba si Kuya?" Napangiwi naman ako nang makita ko ang panunudyo sa mukha nito. "Medyo," sabi ko sabay ngisi. "Medyo lang naman, gusto ko iyong kagaya niyang medyo weirdo ang dating. Para kasing ang hirap niyang pangitiin eh," sabi ko pa. "Sinabi mo pa, pero mabait ang Kuya ko, promise. Pero teka, ilang taon ka na ba?" Kapagkuwa'y tanong niya sa akin. "28 na ako--" "28 ka na?!" Malakas na tanong nito. "Sshh, huwag kang maingay, secret lang natin iyon," sabi ko habang nakalagay sa labi ang daliri ko. Natawa naman ito. "Hindi halata, akala ko 22 ka pa lang." "Ay, ene be," pabebe kong sabi sabay lagay ng buhok sa likod ng tainga ko. "Thank you naman." Ngumisi lang naman ito. "I like you. Ang sarap mo sigurong kasama." "Oo naman, kakaiba kasi ako. Kapag malungkot tumatawa ako, kapag masaya umiiyak ako." "Nakakaloka ka palang kasama, ha." "Medyo," sabi ko sabay tawa. "Siya nga pala, may girlfriend na ba ang Kuya mo?" Lakas-loob na tanong ko. "Naku, super available iyang si Kuya. Kung gusto mo ilakad pa kita sa kaniya." "Ay, bet. I like that." "I don't like that." Sabay kaming napalingon ni Ma'am Mich sa nagsalita. Nakatayo na pala ang prinsipe ko sa may pinto, kung makatingin ay wagas. Parang gusto na akong tirisin nang pinong-pino. "Huwag mong papatulan ang kalokohan ng kapatid ko, kagaya mo rin iyang may saltik." "Ay talaga, pareho kami?" Ang sarap niyang titigan, bakit naman gano'n. "By the way highway, thank you ng marami sa pagtulong mo sa akin. Mula sa kaibuturuan ng aking puso, Sir. At dahil sa inyong kabutihang-loob gagantimpalan kita ng isang mahigpit na yakap at mainit na halik--,aray!" Napadaing ako nang tawarin nito ang distansiya namin at hinila ako patayo. "Mukhang okay ka na, makakabalik ka na sa trabaho mo," maangas na sabi niya. Ngumisi lang naman ako. "Sorry to disappoint you but I'm done with my work, naks English iyon ah." Lalo namang nagsalubong ang mga kilay nito habang si Ma'am Mich ay tatawa-tawa sa tabi ko. "I'm done and I'm available kung yayayain mo ako ng date," sabi ko pa. "You're not my type." Aray ko. "Okay lang. Hindi rin naman kita type." Hindi naman na niya ako pinansin, may kinuha lang ito sa table ni Ma'am Deina, saka walang salitang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD