Lala's POV
MATAPOS kong makausap si Ma'am Deina na tatanggapin ko ang alok ni Ma'am Liza na part time job ay lumabas na ako sa opisina nito na may malawak na ngiti sa aking mga labi. Kasi bukod sa masusubok ang haba ng pasensya ko sa isa pang bugnutin ay makakaipon ako ng datong para sa pangarap kong flower shop. Bata pa lang ako ay pangarap ko na iyon na hanggang ngayon na dalaginding na ako ay pangarap ko pa rin.
Masaya ako na pumayag si Ma'am Deina na kunin ko ang part time job na iyon. Basta ang bilin lang nito ay huwag kong pabayaan ang trabaho ko rito sa Resort na hindi ko naman talaga balak gawin dahil responsableng empleyada naman ako. Gusto kong makita nila na sulit naman ang bayad nila sa akin, 'no?
Dumiretso ako sa quarter namin ni Jelaine na ngayon ay madalas na quarter ko na lang dahil mukhang napapasarap ang limlim ni Gian sa kaharian ng kaibigan kong marupok. Sobrang rupok na umabot pa sa punto na nahuli ko silang nag-tsutsuktsakan. Jusko, hindi ko kinaya ang ginawang pangangabayo ng kaibigan kong iyon. Mahinhindutin din pala ang gaga.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang eksenang iyon, na okay na rin naman dahil nabago ang imahe ng hari sa isip ko dahil sa haring nakita ko noon na kahindik-hindik talaga ang hitsura. Parang gusto ko na lang mamatay na birhen kaysa ang papasukin ang gano'ng hitsura ng hari.
Parang rambutang sunog sa sobrang kulubot tapos hindi man lang kinalbo. Napahagikhik akong mag-isa dahil sa naisip kong iyon.
Ramdam ko ring nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Tsk. Mabuti na lang talaga nasilayan ko ng slight ang mga alipin ni Gian. Napalitan ang masamang imahe sa isip ko.
Ano kayang hitsura ng hari ni Sir Matt? Muli akong napahagikhik sa pumasok na kalandian sa isip ko.
"Magtigil ka nga, Lala, bago mo pa makita iyon hindi ka na humihinga." Paalala naman ng kabilang bahagi ng isip ko.
Para akong tanga na tumatawang mag-isa dahil sa kung anu-anong pumapasok sa utak ko habang nagpapalit ng damit. Malapit na kasi ang lunch break at siyempre pupunta na ako sa aking pasyenteng bugnutin. Matapos magpalit ay kaagad na akong lumabas mula sa kuwarto ko para lang magulat nang mabungaran ko si Sir Matt.
Mukhang kakatok na sana ito dahil nabitin sa ere ang kamay nito.
"Yes, bebeloves? Anong maipaglilingkod ko sa 'yo?" nakangiting tanong ko.
At siyempre busangot na mukha ang isinukli nito sa akin. "Saan ang punta mo at ganiyan ang suot mo?" Puna nito sa suot kong damit.
Tumingin ako sa suot ko bago ibinalik ang tingin dito. "May mali ba sa suot ko, Sir?"
"Ano sa tingin mo? Pupunta ka lang sa room para mag-check ng mga gamit doon pero todo ayos ka pa? Hindi ka sasabihan ng mga gamit do'n na sexy ka."
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "At sino namang nagsabi sa 'yo na do'n ako pupunta, hmm?"
Nakita kong lalong nagsalubong ang mga kilay nitong mala-gorilya sa kapal.
"Bakit may iba ka pa bang gagawin bukod do'n?" Kunot-noong tanong nito. "Umayos ka, Lala, ha. Hindi ka pinapasuweldo rito para maglamyerda sa oras ng trabaho mo."
Ngumisi lang naman ako nang pang-asar sa kaniya. Sanay na ako sa talas ng dila ng impaktong ito.
"Ayusin mo ang trabaho mo hindi iyang puro pa-cute at pagpapapansin sa mga guest ang inaatupag mo," hirit pa nito.
"Alam mo ikaw, napapansin ko na parang alam na alam mo ang mga galawan ko, ini-stalk mo 'ko, 'no?"
"You wish! Tigilan mo ang pangangarap nang gising dahil hindi kita type," sabi pa nito.
"Aw! Huwag kang magsalita nang tapos, buteteng laot dahil baka bigla kang mangapos." Hirit ko naman na ikinasama ng tingin nito sa akin.
"Hindi ako magkakagusto sa kagaya mong walang dibdib!"
"Aw, lalo naman ako. Never akong magkakagusto sa jutay, 'no? Butete na nga jutay pa," hindi papatalong sabi ko.
Nang makita kong nanlisik ang mga mata nito ay hindi nag-iisip na kumuripas na ako ng takbo papalayo rito. Pero hindi pa man ako nakakalayo nang haklitin nito ang braso ko.
"Where do you think you're going?" Madiin nitong tanong.
"Well, kung hindi mo pa alam eh may bago na akong sideline ngayon kaya medyo huwag kang magtaka kung mababawasan na ang oras ng panliligaw mo sa akin. Nakakalungkot pero hindi na kita magiging priority sa ngayon dahil may bago na akong manliligaw." Natigilan ito ng ilang sandali pero kaagad ding nakabawi.
"Hindi kita nililigawan. At mas mabuti na rin iyong may sideline ka para mawala na ang asungot sa buhay ko." Diretsang sabi nito na ikinasimangot ko.
"Ohh, seryoso ka?"
"Yes! As if I care!" Birada nito sabay layas.
"Kapag na-in love ako sa boss ko, who you ka sa akin, hoy! Papalitan na kita, butete!" Pahabol na sigaw ko rito bago malalaki ang hakbang na naglakad papunta sa kuwarto ni Sir Martin, ang isa pang bugnutin, ayay!
Good luck, Lala. Para sa flower shop na pangarap mo, fight!
Dalawang magkasunod na katok ang ginawa ko nang makarating sa tapat ng kuwarto ni Sir Martin. Kaagad namang bumukas iyon ay iniluwa si Ma'am Liza.
"Hi, Hija," bati nito sa akin.
"Good afternoon, Ma'am," sagot ko.
"Pasok ka," sabi nito, saka niluwagan ang bukas ng pinto. Nang makapasok ako ay isinara na rin nito iyon at isinama ako papasok sa kuwarto ni Sir Martin.
Naabutan kong nagwawala na namang ang bugnutin. Pero nang makita ako nito ay kaagad naman itong tumigil.
"Nice, ganiyan nga. Magbait ka kapag narito ako dahil hindi ako mangingiming sakalin ka para tulungan ka ng matigok kagaya ng gusto mo," pananakot ko rito nang makalapit.
Masama ang tingin na tiningnan niya ako, saka binalingan si Ma'am Liza. "Mom, ano na namang ginagawa niya rito? Sinabi ko naman na sa inyo, hindi ko kailangan ang yaya."
"Aw, for your information lang po na hindi mo ako yaya."
Hinarap naman ako nito. "So, anong ginagawa mo rito?"
"Narito ako hindi para maging yaya mo, ano ka sanggol?"
"So, what the hell are you doing here in my room?" Maangas na tanong nito.
Tingnan mo 'to lumpo na nga ang sama pa ng ugali.
"Narito ako kasi nakiusap sa akin ang Mommy mo para maging personal Nurse mo."
"Nurse? Sa pagkakaalam ko maid ka rito. So, paano kita magiging Nurse kung maid ka lang? At anong alam mo sa pagiging Nurse, ha?" Matalas ang dilang sabi nito.
Napabuntong-hininga naman ako. Nakailang buga rin ako ng hangin para kalmahin ang sarili ko. Katatapos ko lang sa isa, ito na naman ang isa pa, juskolordes!
Kailangan ko ng mahabang pasensya sa lumpong ito.
Nakita ko namang napangiwi si Ma'am Liza dahil sa tinuran ng anak nito. Tangka nitong pagsasabihan si Sir Martin pero pinigilan ko siya sa pamamagitan ng tingin.
"Umalis ka na. Hindi ako papayag na ikaw ang maging Nurse ko dahil baka ikaw pa ang pumatay sa akin dahil anong alam mo sa pagiging Nurse? Kaya kong kumuha ng tunay na Nurs--"
"Sshh!" Pigil ko rito, inilagay ko pa sa labi ko ang hintuturo ko. "Alam mo bang may pinutulan na ako ng dila? Lumpo rin siya. Iyong lumpo na nga ang talas pa ng dila. Kaya kung ako sa 'yo ititikom ko iyang bunganga mo kung ayaw mong ikaw ang isunod ko sa kaniya."
Natahimik naman ito kaya muli akong nagsalita.
"And for the record, huwag mong mamaliitin ang mga maid, okay? Dahil kung walang maid walang maglilinis ng mga kalat mo. Walang maglalaba ng mga damit mo, walang magluluto ng mga kakainin mo. Kung wala ang mga maid, mamamatay kang dilat ang mga mata," litanya ko.
Hindi pa rin ito umimik. Nakatingin lang siya sa akin.
"Bawas-bawasan mo iyang talas ng dila mo dahil pumapatol ako sa lumpo," sabi ko pa rito. "Hindi porke't lumpo ka eh hindi kita papatulan, oy! Kaya magbait ka, okay?"
Lihim akong napangiti nang makita ko siyang napalunok-laway. Habang si Ma'am Liza ay napapangiti sa isang tabi.
"Ngayon, pulutin mo iyang mga pinagkakalat mo at ibalik sa pinagkunan mo--"
"What?! Inuutasan mo ba ako?" Nandidilat na tanong nito sa akin.
"Ay hindi, iyong mga kalat ang inuutusan ko. Malamang ikaw, ikaw ang nagkalat niyan, 'di ba?"
"Get out!" Sa halip ay sabi nito.
"Kahit gusto kong umalis ay hindi puwede. Bayad na ang talent fee ko kaya wala akong choice kun'di pagtiyagaan iyang ugali mo. So, ngayon, pulutin mo iyan lahat."
"Bayad na pala eh, eh di ikaw ang magligpit niyan!"
"Bakit ako? Ako ba ang nagkalat niyan? Ikaw ang nagkalat niyan kaya ikaw rin ang magligpit," utos ko rito.
"Mom, anong klaseng nilalang ba ang babaeng iyan?" Paawa nito sa ina.
"Sumunod ka na lang, Anak," sagot ng ina nito.
"Bilis! Kilos na," sabi ko, saka nilapitan ito at itinulak ang wheelchair nito papunta sa mga kalat nito.
"Ano ba?!" Asik nito.
"Bilis, pulot na. Isang oras lang ang breaktime ko kaya bilisan mo na."
"Damn you, woman!"
"Bilis! Pulutin mo iyan, wala kang ititira, maliwanag?"
"Mom, send her out! Ang babaeng iyan ang papatay sa akin,", sumbong nito sa ina.
"Oh, 'di ba iyan naman ang gusto mo ang mamatay ka na? Oh eh di, tutulungan na kita. Araw-araw tayong mag-bonding para masaya--"
"Shut up, will you?! Kung ikaw may pinutulan na ng dila, ako naman ay may tinahi na ang bibig sa sobrang ingay!"
Napaatras naman ako sa sinabi nito. Napatingin ako kay Ma'am Liza nang marinig ko siyang impit na tumawa.
Hanggang sa matapos magligpit ng kalat si Sir Martin ay hindi na ako nagsalita. Mahirap na baka maputol ang dila ko ng wala sa oras.
"Oh, ayan tapos na!" Asik nito sa akin.
"Good. Ngayon kakain ka naman." Kinuha ko ang tray ng pagkain na inorder ni Ma'am Liza kanina sa restaurant dito sa Resort.
Dinala ko iyon sa puwesto ni Sir Martin. "Kain na po."
"Wala bang ibang ulam?"
"May nakikita ka bang iba?" Balik-tanong ko.
"Wala."
"Oh eh di wala."
"Iyan lang ang kakainin ko?"
"May nakikita ka pa bang iba?" Muling balik-tanong ko.
"Puwede bang ayusin mo iyang sagot mo!"
"Aw, anong mali sa sagot ko? Nagtanong ka kung wala na bang ibang ulam. Wala kang nakikitang iba, hindi ba? So, meaning iyan ang kakainin mo. At isa oa, huwag kang maarte hindi bagay sa'yo," pabulong na sabi ko.
"Kakain akong mag-isa, umalis ka sa harap ko. Nakakawalang gana iyang pagmumukha mo," asik pa nito.
Sa halip na ma-hurt ay ngumiti lang ako sa kaniya. "Ang cute ng dila mo, Sir. Huwag kang matutulog, ha? Kasi nagbabagong-anyo ako sa kalagitnaan ng gabi," pananakot ko rito.
"Lumayas ka na nga rito. Naiinis na ako sa 'yo!" Asik nito.
"Well, bago mo sabihing naiinis ka sa akin bakit hindi mo muna tanungin iyang sarili mo kung natutuwa ba ako sa 'yo?" Palabang sabi ko rito.
Hindi naman na ito umimik at tahimik na lamang na kumain. Napapangiting lumingon ako kay Ma'am Liza, nag-thumbs up siya sa akin. Nag-thumbs up rin ako pabalik. May permission naman kasi niya ang pagsagot-sagot ko sa halimaw niyang anak kasi nasanay daw si Sir Martin na palaging nasisindak ang mga nag-aalaga rito.
DAHIL sa pagpayag ko sa sideline na iyon ay naging busy ako sa mga nakaraang araw. Nawalan ako ng oras para maglamyerda para maghanap ng Fafa. Tuwing break time ko ay kay Sir Martin ko iyon inilalaan. At kahit pagod na pagod sa pakikipagtalo rito maya't maya ay nakakaramdam pa rin ako ng saya dahil nakikita ko ang improvement niya.
Hindi na siya madalas manigaw, mambulyaw o mangmaliit. Kasabay ng pag-improve ng katawan nito ay gano'n din ang ugali niya. Bugnutin pa rin pero na hindi kasing lala ng una ko siyang makilala.
Day off ko ngayon, at sa halip na maglamyerda ay heto ako ngayon palabas ng hotel room ni Sir Martin habang tulak ang wheelchair nito.
"Saan tayo pupunta?" tanong nito habang nasa hallway na kami.
"Sa beach," sagot ko.
"Anong gagawin natin do'n?"
"Lulunurin kita para mabawasan ang bugnutin sa mundo," sagot ko.
"Lala!" Nagbabantang sabi nito.
"Joke lang, para maarawan naman iyang balat mo. Mukha ka ng may animya sa sobrang putla mo."
"Hindi ako maputla," deny nito.
"Maputla ka, magbilad ka muna sa araw."
Hindi naman na ito umimik. Hanggang sa makarating kami sa may dalampasigan sa tulong ni Kuya Henry. Nakita ko kasi siyang galing sa isang cottage kaya nagpatulong akong madala si Sir Martin sa dalampasigan. Mukhang marunong namang tumanaw ng utang na loob ang bugnutin dahil nagbigay ito ng tip kay Kuya Henry at sa isa pang tauhan dito sa Resort.
Nakamasid lang ako rito habang ito naman ay tahimik na nakatanaw sa karagatang payapa ang alon. Mukhang malamin ang iniisip nito.
"Sir Martin." Kapagkuwa'y tawag ko rito.
"Hmm?"
"May itatanong ako, okay lang ba?"
"Sure.."
"Ano ang tawag sa niloko ka na, binalikan mo pa?"
"Nang-iinis ka ba?"
"Of course not, nagtatanong lang naman ako eh."
"Puwes, hindi ko sasagutin iyan."
"Ang damot mo--"
"Iwan mo muna ako, puwede ba?" Kapagkuwa'y sabi nito.
"Sir Martin."
"Please? I want to be alone for a while, please?"
Sumusukong tumango naman ako, saka ito iniwan muna para hayaang mapag-isa. Nasa malayo lang ako at nakatanaw sa kaniya. Nakaramdam ako ng awa para rito dahil halata ang sakit na pinagdadaanan nito sa buhay.
Haist! Ang sakit siguro ma-broken, 'no?" Naisatinig ko habang nakatanaw pa rin sa kaniya. Nang uminit na ang sikat ng araw ay saka ko binalikan si Sir Martin, saka muling nagpatulong kay Kuya Henry na ibalik sa hotel si Sir Martin.
Pagtuntong pa lang namin sa hallway ay kaagad sumalubong sa akin ang galit na mukha ni Sir Matt habang malalaki ang hakbang na naglakad papunta sa kinaroroonan ko.
"Saan ka galing? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?!" Mayabang na tanong nito.
"Day off ko--"
"Wala akong pakialam!"
"Bakit mo ba ako hinahanap? May iuutos ka ba? Ibabalik ko lang si Sir Martin sa kuwarto--"
"No. Hayaan mo siyang bumalik mag-isa!" Gigil pa ring sabi nito.
Mukhang hindi na nakatiis si Sir Martin. Hinarap nito si Sir Matt. "Narinig mo ba ang sinabi niya? Day off niya so, wala kang karapatang utusan siya."
"And who do you think you are?! Huwag kang makialam," asik ni Sir Matt.
"Makikialam ako dahil sa akin si Lala ngayon--"
"Who told you that?!" Sigaw na ni Sir Matt.
"Sandali! Sandali!" Pigil ko sa mga ito. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Kung may iuutos ka, maghintay ka, puwede? Ihahatid ko lang si Sir Martin sa kuwarto niya." Pagkausap ko kay Sir Matt, saka ito tinalikuran.
Nakakailang hakbang pa lang ako nang may humila sa braso ko dahilan para manlaki ang mga mata ko.
"Sir Matt!" Bulalas ko nang hilahin niya ang braso ko. "Sandali, ihahatid--,aayy!" Impit akong napasigaw nang may humila rin sa kabilang braso ko.
"Ihahatid niya ako, bitawan mo siya!" Utos ni Sir Martin.
"Hindi ka niya ihahatid! Bumalik kang mag-isa!" Ani Sir Matt sabay hatak sa braso ko. Naghilahan ang mga ito dahilan para mahilo na ako.
"Ihahatid niya ako--"
"Sandali!" Sigaw ko na at saka sabay iwinasiwas ang mga kamay nilang humihila sa mga braso ko. "Hoy, kayong dalawa isa-isa lang naman, puwede?" asik ko. "Ano 'to balak ninyong tanggalin ang mga braso ko?"
"Lala."
"Lala." Sabay na wika ng dalawa.
Salitan ko silang tiningnan nang masama, saka parehong iniwan. Narinig ko pang sabay nilang tinawag ang pangalan ko pero iniwan ko pa rin sila.
Paliko na ako sa hallway nang hindi ko na kinaya. Impit akong napatili habang nakatakip sa bibig ang mga palad ko.
Ene be, bet pereng ang cute ko sa part na iyon.