Chapter 16 “Okay naman ang vitals at situation ng babae. Maybe because of shock ang dahilan kung bakit siya nahimatay pero she’s fine naman lahat lahat. Anyways she can go home tonight .” “Mabuti naman. Thank you, Doc.” At maya maya pa ay bumukas ang pinto at nakita ko ang lalake na pogi na pumasok. Nakangiti siya sa akin at parang tanga akong umiiwas ng tingin. Napansin ko na nasa isang kwarto ako sa hospital. Si Nanay! Napasinghap ako ng maalala ko ang nangyari kanina, ang mga ginawa ni Nanay—ang lalakeng humawak sa aki— “Miss! Okay ka lang?” may malambot na kamay ang humawak sa kamay ko na hindi ko napansin na nakakamao na pala eto. Pagtaas ko ng tingin ay nakita ko ang nag-aalala niyang mga mata at hindi ko na mapigilang mapaiyak sa lahat ng mga nangyari kanina. Sobrang sak