Chapter 15 Nakangiti akong binuksan ng security guard ng pinto para tuluyan akong makapasok ng building namin. Hindi naman sa nagmamayabang ay nakita ko na parang kumikinang ang pangalan ko sa dingding kung saan nandoon ang organizational chart namin. Maxine Cruz Civil Engineer – OIC “Naku, mukhang maganda ang gising natin ah?” napalingon ako sa taong nagsalita habang naghihintay ako ng elevator para umakyat. Pabirong inismiran ko ang lalakeng nagsalita at napatawa na lang habang sumabay na maglakad sa akin papunta sa harapan ng elevator para makaakyat. “Mike, sinong hindi naman kasi ang gaganda ang gising? Eh tayo ang nanalo sa bidding ng Atoms Building!” Nakita ko kung paano nanlaki ang mata ni Mike at napasinghap siya sa gulat. “Atom Building? As in Atom Building?!” Napata