Chapter Two
"Margarette, kailangan mong bumalik sa daddy mo. Hindi tamang maglayas ka sa edad mo na iyan. Bumalik ka roon. Saka ka umalis kapag 18 ka na." Pangungumbinsi ni ninong na siyang nakakita sa akin sa labas ng subdivision. Isinama niya ako rito sa bahay niya.
"Ayaw ko na po, Ninong Jovan. Ayaw ko na pong bumalik sa bahay." Iyak ko't magmamakaawa rito. "Salbahe po si Vangie at si daddy ay sa kanya na lang nakikinig. Ninong, huwag po ninyong sabihin kay daddy na narito ako. Please po." Napabuntonghininga ang lalaki.
"Kumain ka na. Tapos maligo ka at magpalit ng damit. Hintayin mo lang iyong driver at nagpabili ako sa kanya." Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang laylayan din damit ko.
"Tangina! Mukhang chance ko na ito." Napasipol pa si ninong pagkatapos niyang sabihin iyon. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'n. Sinunod ko na lang ang utos nitong kumain ako.
Saktong pagkatapos kong kumain ay dumating ang driver at dala na ang shopping bags na may lamang pamalit ko.
Dinala ko iyon sa silid na itinuro ng kasambahay sa akin. Ito pa nga ang tumulong sa akin dahil hindi naman ako sanay na ako lang ang umaasikaso sa sarili ko.
"Margarette, mamaya ay mag-lock ka ng pinto." Mahinang bulong ni ate na hindi ko alam ang pangalan. Mabait siya, base pa sa pag-asikaso at pagkausap niya sa akin
"Opo." Tugon ko rito.
Pagkatapos kong maligo ay tinuyo nito ang buhok ko at binihisan niya ako.
"Huwag ka nang lalabas. Kung may sumubok man pumasok dito sa kwarto..." itinuro nito ang balcony. "Huwag kang mag-alinlangan na dumaan d'yan at tumakas."
"Ate, bakit po?" takang tanong ko sa kasambahay ni Ninong Jovan.
"Basta... h-indi safe ang ninong mo." Naguluhan ako. Kilala ko si ninong. Mabait na tao ang ninong ko. Pero nakinig pa rin naman ako sa sinabi ng babae. In-lock ko ang pinto nang mag-isa na lang ako. Saka ako nahiga sa kama.
Pagod na ang payat kong katawan, pagod pa ang aking isipan.
Hindi ko na naman napigilang maiyak. Hindi naman ganito ang buhay ko... namin noon. What happened? Bakit biglang naging ganito?
Tahimik akong umiyak. Parang nakisabay pa ang kalangitan. Bumagsak din ang ulan. Sinamahan pa ng kulog at kidlat. I'm so scared. Pero wala na akong mommy at daddy na pwedeng takbuhan kapag takot ako.
Iniwan na ako ng mommy ko... habang ang daddy ko ay may iba ng priority.
"Virgil, tulog na siguro siya." Agad akong napabalikwas ng bangon nang marinig ko ang tinig ni Ninong. Dali-dali akong lumapit patungo sa pinto. Inilapat ko ang tenga ko para marinig ang boses nito. "Ako na ang bahala sa kanya. Asikasuhin mo na lang ang babae mo, pare. Ako na ang bahala sa inaanak ko. Bye." Mukhang tinapos na ang usapan.
"Boss, itutuloy mo?" pamilyar ang tinig. I think iyong driver ni Ninong iyon.
"Pagkakataon ko na ito... palay na ang lumapit sa akin. Matitikman ko na sa wakas ang batang iyon." Parang nilamukos ang sikmura ko. I'm not stupid. Alam kong may masamang ibig sabihin iyon. Tama iyong kasambahay. Hindi safe si ninong. Maingat akong tumakbo patungo sa balcony. Bukas iyon. Medyo basa pa nga pagtapak ko dahil naanggihan na iyon. Mabilis akong nag-isip kung paano ako makabababa. May kataasan, pero may mga pwede naman akong apakan. "Tangina! Tigas na tigas na agad ang t**i ko. Makakatikim na ako ng bata." Mas binilisan ko ang kilos ko. Kahit alanganin ay sinubukan kong bumaba.
Kailangan kong makaalis dito.
"Ikalma ang libog, boss. Baka mawasak mo iyang bata at hindi mo maibalik bukas." Nagtawanan sila. Mga hayop. Nakakadiri sila.
Dahil hindi ko maabot ang lapag ay tuluyan na akong tumalon. Una pwet, masakit iyon. Pero kinaya ko pa ring tumayo.
"Garette!" dinig ko ang malakas na sigaw ni Ninong. Akala ko'y safe na ako dahil nakaalis na ako ng mansion. Pero iyong taong akala ko'y pwede kong sandalan ay hindi pala dapat pagkatiwalaan. "Nakatakas ang bata!" hiyaw ni Ninong. Kaya naman mas binilisan ko ang pagtakbo.
Ang gate sa subdivision na ito ay hanggang bewang lang kaya naman inakyat ko na lang iyon. Saka ako tumalon palabas at muling tumakbo.
"Mommy!" iyak ko habang sinusubukan kong isalba ang buhay ko. "Mommy, help me!"
May bumusinang sasakyan. Huminto iyon sa gilid ko.
"Bata, are you okay?" tanong ng isang babae na sumilip pa ng bahagya sa bintana.
"Ate, help me po. Kailangan ko pong makalayo rito." Hindi man naiintindihan ng babae ang sitwasyon ay agad itong tumango kaya lumulan na ako sa backseat ng sasakyan niya. Mabilis din nitong pinausad.
"Bata, bakit nasa labas ka pa ng ganitong oras?"
"Galing po ako sa bahay ng ninong ko. Pero may masama po siyang balak sa akin." Iyak ko. Napasinghap ang babae.
"Sa police station kita dadalhin. Sila ang mas makatutulong sa 'yo." Dahil wala naman akong alam na ibang lugar ay tumango na lang ako.
Takot ako. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko. Baka pwedeng dalhin na lang ako sa bahay ampunan kapag nalaman ng mga pulis ang sitwasyon ko. Pero kung ibabalik nila ako kay daddy... mas dapat na tumakas na lang ako.
Pagdating sa police station ay ibinaba na ako ng babae.
"Pumasok ka sa loob. Sabihin mo sa kanina ang nangyari. Ito." Inabutan niya ako ng pera. "I don't have cash kasi. 5k lang iyan. Itabi mo. Baka kailanganin mo."
"Salamat po." Tinanggap ko iyon. Saka ko ibinulsa kahit pa basa ang damit ko. Nakaalis na ang babae. Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya. Pagpasok ko sa police station ay inabutan kong tulog iyong dalawang pulis. Parehong nakayukyok sa mesa.
Lumapit ako sa isa. Kinalabit ko ito. Agad namang nag-angat ng ulo.
"Uy! Bata, gabi na." Wari'y nagulat pa ito. Humagod ang tingin nito sa akin mula ulo hanggang paa. Tumagal sa gitna ko. Yumuko rin ako. Tinignan ko ang sarili ko.
"Sir, hihingi po sana ako nang tulong."
"Anong tulong? Gusto mo ba, me, ng tinapay? May laruan din ako sa sasakyan ko." Hinawakan niya ako sa braso. Hindi ko pa man masasabi ang problema ko'y hinila na ako nito palabas. "Huwag kang maingay. Ipapakita ko lang sa 'yo ang laruan sa sasakyan ko." Pero habang hila-hila niya ako ay pansin kong kinakalas na nito ang belt ng pants nito.
Danger. I know it's danger. Kaya nang saglit niyang bitawan ang kamay ko ay dali-daling tumakbo ako palayo. Hindi ako huminto.
Walang makatutulong sa akin. Walang makapagbibigay sa akin ng proteksyon.
"Mommy, ano ang dapat kong gawin? Lahat sila ay hindi mabuti. Si daddy ay may iba ng priority. Si ninong ay may balak na masama sa akin. Iyong pulis na dapat tutulong sa mga taong nangangailangan ay may masama rin balak. Mommy, ganito ba talaga ang mundo?" iyak kong tanong. Alam kong walang mommy na sasagot sa mga tanong ko. Kaya ako na lang din ang sumagot. "Walang mabuting magagawa ang mga lalaki sa buhay natin... dapat silang iwasan."