3

1099 Words
Chapter Three Sa sobrang pagod sa pagtakbo ay nagpasya akong matulog na lang sa waiting shed. Basang-basa ako. Ginaw na ginaw na talaga. Pero hindi ko alam kung paanong nakakaya ko pa. Pero nang makatulog ako, hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari. Nagising ako sa isang bahay ampunan. Pabor sa akin iyon. Tinatanong ako ng mga ate roon kung ano ang pangalan ko't kung saan ako nakatira. Alam kong possible na ibalik nila ako sa pinanggalingan ko kaya sinabi ko sa kanila ang unang pangalang naisip ko. "Anong pangalan mo, ineng?" mahinahong ani ng staff. "Joy po." Magalang na tugon ko. Pero habang nakatingin dito ay nagpla-play sa utak ko ang pagbaril sa yaya ko, si mommy na nakasabit sa kisame, si ninong, si daddy, iyong pulis. "W-ala na po akong magulang o pamilya. Ako na lang po mag-isa." "Patay na ang magulang mo?" tumango ako. "Opo. Kaya sana po'y tanggapin ninyo ako rito. Wala na po akong ibang mapupuntahan." Sabay luhod. Handa akong magmakaawa huwag lang maibalik sa mansion na dati'y kaysang tirhan. Ngayon ay puro na lang masasakit at malulungkot na alaala. "Dito ka na muna. Pag-uusapan muna namin kung paano reresolbahin ang case mo. Makipaglaro ka sa mga bata. Mag-enjoy ka muna." "Salamat po." Bahagya pa akong yumukod. Nang maiwan ako ay mas pinili kong maupo sa gilid mag-isa. Hindi laro ang sagot sa lungkot na nararamdaman ko. "Hoy!" ani ng batang lalaki na lumapit sa akin. Mukhang mas matanda kaysa sa akin, mas malaki kumpara sa akin. Nang makalapit siya ay ibinato niya sa mukha ko ang bola. Hindi pa nakontento ay inulit pa niya. Sa ikatlong ulit niya ay sinapak ko na siya. Sumugod iyong mga batang lalaki na kakampi niya. Pinagtulungan nila ako. Lumaban ako. Ano pang silbi ng mga training ko sa taekwondo. Sinapak at sinipat ko sila hanggang sa dumating ang isang staff. Galit na galit ito sa akin. Yes, sa akin galit. "Kararating mo lang dito'y gulo na agad ang ginawa mo." Hinila ako paalis sa play area ng mga bata. Pagkalabas ay kinurot pa ako. Sa mukha niya ay bakas na bakas ang inis. "Magpapaliwanag po ako---" "Wala akong pakialam sa paliwanag mo." That's it! Hindi itong lugar na ito ang para sa akin. Ilang araw akong pinarusahan dahil sa gulong hindi ko sinimulan. Nang maulit akong pakikipag-away ko ay Plano na naman sana akong parusahan pero hindi na iyon nangyari. Tumakbo ako palayo pero bumungo sa isang babaeng takang-taka pa sa bigla akong pagsulpot at pagbungo sa kanya. "Saan ka pupunta? Kilala mo ba ako?" ani ng babae. Umiling ako. Hindi ko siya kilala. Sa galit na nararamdaman ko sa mundo, kahit siguro kilala ko siya ay mas pipiliin ko pa ring sabihin na hindi. "Lupita, buti naman at narito ka. Iyang batang dinala mo rito ay puro gulo na lang ang dala." Inis na ani ng babae. "Sinaktan ka?" tanong ng babaeng tinawag na Lupita at itinuro ang staff ng bahay ampunan. Tumango ako. "Hala! Hindi, an!" mabilis na tanggi ng staff. "Ayaw makinig sa paliwanag ko." Tugon ko. Kung makipag-usap ay akala mo'y kaedad talaga ang babaeng kaharap. "Ano ba ang paliwanag mo?" ani nito. "Iyong mga batang lalaki ang nauna. Binato ako ng bola. Tatlong beses kaya sinuntok ko... nagbugbugan na po kami. Ako lang iyong pinarusahan. Inaway ulit ako. Binanatan ko ulit---" Tinignan ng babae ang staff na umiling-iling. "Hindi totoo iyan, Joy. Huwag kang magsinungaling." Tanggi pa rin ng babae. "Gusto mo bang sumama sa akin?" tanong ng babae. Agad akong tumango kahit hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Humawak na rin ako sa kamay nito. Daig ko pa ang batang nagrerebelde. Pero sa mga sandaling ito ay hindi mababago ang isip ko. Hindi na ako babalik sa amin. -- Pinagmasdan ko ang mga girls na abala sa pagsasanay. Kanina pa sila roon pero parang walang kapaguran ang mga ito. "GARETTE, water?" alok ni Lucille sa akin. Binuksan niya ang ref at kumuha roon ng dalawang water bottle. Kahit hindi ako sumagot ay ikinuha pa rin niya ako at nang lumapit sa akin ay iniabot niya iyon. "Puyat na puyat?" tudyo nito. Inirapan ko lang ito. Simula nang sumama ako sa babaeng tinawag na Lupita sa bahay ampunan ay nagbago ang buhay ko. Hindi niya ako ibinalik sa daddy ko... ang totoo pa nga'y inilayo niya ako. That woman... she changed my life. Sa edad kong iyon ay niyaya niya akong sumama sa kanya at ngayon ay parte na ng organization na walang pangalan. Isang organization na ang trabaho ay maningil sa mga criminal na hindi kayang salingin ng batas ng bansang ito. Uminom ako saglit. Nang nakalahati ko'y inilapag ko rin sa table ang water bottle. "Sikat ka sa dining room, Garette." Tudyo nito sa akin. Inirapan ko lang ito. "What happened? Bakit nakalusot sa mabilis mong kamay iyong hacker?" tudyo nito. "Tsk. He's good, Lucille. Hindi ako magbibigay ng ibang dahilan. Naremedyohan ko naman." "By showing your boobs?" tudyo nito sa akin. Inirapan ko lang ito. "Effective naman." Balewalang sagot ko. "Na-distract... kaya nabawi ko ang control." "Tsk. Sana pati pukelya mo na---" "Shut up, Lucille." "Gwapo ba?" tanong nito sa akin. Hindi ko sinagot ang tanong niyang iyon. Tiyak na hahaba lang ang usapan. Sa organization na ito ay si Lucille ang pinakakasundo ko. Halos sabay kaming pumasok ng organization. Siya na tumakas sa bayan ng Sindang dahil sa kanyang angkan... ako na tumakas sa mansion namin dahil sa unang lalaking pinagkatiwalaan ko sa mundong ito. She doesn't know na galit ako sa mga lalaki. Nakikita ni Lucille ang mga nakakasalamuha kong lalaki sa paligid at sa trabaho. Pero hindi niya alam kung gaano ko isinusumpa ang mga taong iyon. Kahit walang kasalanan sa akin... basta lalaki. Halos lahat ng misyon ko ay puro lalaki ang target. Alam na alam ni Lady A kung saan ako mas gigil magtrabaho kapag hindi ako nakaharap sa computer ko. "Wala pa bang balita sa last mission mo?" tanong ko rito para ibahin ang usapan. Umiling ito. "Wala pa, Garette. Hinihintay ko nga. Pero baka wala pa talaga." Tumango-tango ako. Nagtanong lang ako pero may alam na ako. Isa sa trabaho ko sa organization ay kumalap ng information. Isa ang pamilya ni Lucille na nasa Sindang ang trinabaho ko nitong nakaraan. Pero wala akong right na sabihin iyon dito. Si Lady A lang ang pwedeng gumawa no'n. "GARETTE, back up." Dinig kong ani ng isa sa kasamahan. Tinanguan ko lang ito. Nang lumapit ito't inabot sa akin ang folder ay alam kong kailangan ko nang kumilos para magtrabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD