1

1963 Words
Chapter One "Margarette, nandyan na ang daddy mo." Excited na ani ni mommy sa akin. Agad kong nilapitan ang bag ko at binuksan iyon. Kinuha ko ang card ko roon. Tiyak na matutuwa ang aking ama na ako na naman ang Top 1. Parehong hindi mapuknat ang ngiti sa labi naming mag-ina. Kahit gabi na'y hinintay ko talaga si Daddy Virgil. Sa gabi lang naman kasi ito narito sa bahay. Kapag nagigising ako sa umaga'y nakakaalis na ito dahil sa maagang trabaho. Ngayon hinintay talaga namin ni mommy. Nang pumasok si daddy na may kasamang babaeng akbay-akbay ay rinig na rinig ko ang singhap ng aking ina. Nang tignan ko ito ay bakas sa mukha nito ang sakit. Nang tignan ko naman si daddy ay seryoso lang ito. Sampung taon lang ako. Pero alam ko na agad kung bakit gano'n na lang ang reaction ng aking ina sa pagdating ng aking ama na may akbay na babae. Sa tingin ko'y kaedad lang ni mommy ang babae. "Gising ka pa, Garette. Come here." Yaya ng ama sa akin. Bumitaw ito sa babaeng akbay at bahagyang lumuhod para lapitan ko. Lumapit naman ako rito at yumakap dito. "S-ino iyang kasama mo, Virgil?" may nginig sa tinig ni mommy. Ako naman ay gumawi ang tingin sa babae na kumapit sa braso ni daddy. "Margarette, lumapit ka rito." Agad akong bumalik sa tabi ni mommy. Nakamasid pa rin sa kanila. "Margarette, pumunta ka na sa silid mo. Gabi na't oras na ng tulog mo." Utos ni daddy. Tinignan ko ang aking ina. Tumango ito at sinenyasan ang aking yaya na iakyat na ako. "Pero hindi ko pa po naipakita kay daddy ang card ko, mommy. Tapos itong certificate ko po." "What is that?" tanong ni daddy kaya bumalik ako rito para ipakita. "First honor po ako, daddy. Tignan mo po ang grades ko. Mas lalo pong tumaas." Excited na ani ko. "Wow! Good job, Margarette. Sige na, bukas na lang ang premyo mo dahil ginalingan mo sa school. Mag-uusap pa kami ng mommy mo." Agad naman akong tumango. Sumama ako sa Yaya Karmen ko na binuhat na ang bag at hinawakan ang kamay ko. "Good night, mommy and daddy!" kumaway pa ako sa kanila bago ako lumakad kasama ang yaya ko. Pumanhik kami sa hagdan. "Yaya, sino iyong kasama ni daddy?" mahinang tanong ko sa yaya ko. Sumenyas ito sa akin na manahimik. Saka niya ako giniya sa malaking vase. "Huwag kang maingay. Kung gusto mong malaman kung sino ay rito muna tayo at makikinig. Huwag mo ring sasabihin na nakinig tayo kasi baka palayasin si yaya." Tumango ako rito. "Sino ang babaeng iyan, Virgil?" sigaw ni mommy sa aking ama. "Margarita, hindi mo kailangan sumigaw." Kalmadong ani ni daddy. "Pwede tayong mag-usap nang maayos." Sumilip ako. Akmang tatabi si daddy kay mommy pero galit na sinampal ni mommy si daddy. Agad na tinakpan ni Yaya ang bibig ko dahil napasinghap ako sa gulat. "Be, huwag kang maingay. Kung gusto mong makasagap ng tsismis ay tahimik ka lang." Bulong ni yaya ko sa akin. Tumango naman ako rito. Muling sumilip. "Ako si Vangie. Babae ng asawa mo, Margarita. Buntis na. Kaya tama lang na iuwi niya rito sa bagay---" mabilis na sinugod ng mommy ko ang babae. Nahila nito ang buhok pero nahawakan siya ni daddy sa bewang. Daig pa tuloy nila ang nagta-tag of war. "Margarita, bitawan mo ang buhok ni Vangie." Utos ng aking ama. "Ang kakapal ng mukha ninyo." Binitiwan nga ni mommy pero pinuruhan naman nito ng sampal si daddy. "Isa pa. Deserve na deserve." Gigil na bulong ni yaya. Parang nag-e-enjoy ito sa sampal ng aking ina sa pisngi ng aking ama. "Enough!" this time ay sumigaw na si daddy. "Nakakasakit ka na, Margarita. Hindi dapat ganyan ang iakto mo. Mahal ko, makinig ka muna sa paliwanag ko." Balik hinahon na ani nito. "Hindi naman si Vangie ang mahal ko. Ikaw iyon. Si Vangie ay extra lang... pero ikaw ang reyna ko. Mahal ko, makinig ka muna sa akin. Please." Iyak nang iyak ang mommy ko. Naiiyak na rin tuloy ako. Napaupo si mommy sa couch. "Iyong sa amin ni Vangie ay hindi sinasadya, mahal ko." Lambing ni daddy sa umiiyak kong mommy. "Ikaw lang ang mahal ko. Iniuwi ko lang dito si Vangie para hindi na magkagulo pa. Gusto mo bang malaman ng ibang tao na may babae ako? Kaya ko siya dinala rito para makapagkasundo tayong tatlo. Ikaw ang iniisip ko, Margarita. Ayaw kong pagtawanan ka ng mga tao." Alo nito kay mommy. "Mga hayop kayo!" biglang sigaw ni mommy. Sa muli nitong pagsampal kay daddy ay may kasama na iyong pagkalmot. "Ang arte mong babae. May magagawa pa ba iyang pananakit mo?" singit ni Vangie. "Pasalamat ka nga't hindi ako nagde-demand kay Virgil na ipakilala ako sa mga tao. Pasalamat ka pa nga na ito lang ang in-request ko sa kanya... na rito ako titira kasama ninyong mag-ina. Hindi naman ako magkakalat, Margarita. Basta maging patas lang dapat si Virgil sa ating dalawa. Dahil buntis ako... akin siya ng weekdays at sa 'yo siya ng weekend." "Nasobrahan ka sa kapal ng mukha!" hiyaw ni mommy. Hindi na ako nakatiis pa. Iniwan ko si yaya at tumakbo ako pababa ng hagdan. "Margarette!" gulat na ani ni daddy dahil sa bigla kong pagsulpot. "Niloko mo kami, daddy?" disappointed na tanong ko sa aking ama. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko. Kaya agad kumilos si mommy at niyakap ako. "Balik sa kwarto, Margarette." Utos ni mommy. Sa tono nito'y nakikiusap pa ito. Pero umiling ako. "Anak, hindi ko kayo niloko ng mommy mo. Mahal na mahal ko kayo. Si Tita Vangie ay hindi naman mahal ng daddy. Nandito lang siya kasi dinadala niya ang kapatid mo. Gusto mo ba sa ibang bahay lumaki ang kapatid mo, Margarette?" "Virgil, sobra ka naman! Huwag mong bilugin ang ulo ng anak ko. Manloloko ka. Sa tingin mo ba'y palalampasin ko ito?" "Margarita, pwede bang huwag na nating palakihin ito? Ako ang Padre de pamilya. Ako ang masusunod. Kapag sinabi kong huwag nang palakihin pa ay iyon ang gagawin mo." "Putangina, Virgil! Binihisan kita, tinulungan kitang makatayo, binigyan kita ng magandang buhay, pero nakuha mo pa rin akong lokohin." "Ngayon naman ay manunumbat ka?" nakalimutan na yata nilang naroon pa ako. Nagsisigawan na sila. "Dito mananatili si Vangie. Tapos ang usapan." "No! Walang usapang matatapos! Ang kapal ng mukha ninyong magpunta rito... harap-harapang ipakita ang panggagago ninyo? Ipakukulong ko kayong dalawa!" "Margarita, mahal ko! Calm down!" ani ni daddy kay mommy. "Aalisan mo ba ng ama ang anak mo? Gusto mo bang lumaki si Margarette na walang ama? Ikaw naman ang mahal ko, Margarita. Makinig ka sa akin... madalas mo rin naman akong tanggihan kaya ngayong narito na si Vangie ay hindi na tayo magtatalo pa sa bagay na iyon. Kasama natin siya sa isang silid. Iyong hindi mo kayang ibigay sa akin... siya ang gagawa. It's a win-win situation, mahal ko." Muli tuloy nakatikim ng sampal si daddy. "Manloloko ka. Pagsisisihan ninyo na ginawa ninyo sa akin ito." Saka ako hinila ni mommy patungo sa hagdan. Dinala niya ako sa aking silid. Pareho kaming luhaan nito. Nang makaupo nga kami sa kama ay mahigpit niya akong niyakap. "Mommy, ayaw ko po ng dalawang mommy. Ikaw lang po ang mommy ko. Cheater po si daddy. Ayaw ko na po sa kanya." Iyak ko sa aking ina. "I'm sorry, anak. I'm sorry kung nasa ganitong sitwasyon tayo." Ito pa ang nagso-sorry kahit na si daddy ang nagloko. "It's not your fault, mommy. Kasalanan ito ni daddy. I hate him na. Ayaw ko sa Vangie na iyon. She's not nice. Kasi kung nice siya ay hindi siya lalapit sa taong may asawa na. I hate them na." Iyak ko rito. "Tahan na, Margarette. Alam ko ang gagawin sa sitwasyon na ito." "Mommy, galit ako kay daddy. Ayaw ko na sa kanya rito." "Oo, anak. Hindi magpapakamartir ang mommy. Paaalisin ko sila rito. Sa atin ang bahay na ito." -- Buong-buo ang loob ni mommy na paalisin si daddy at ang kabit ni daddy sa bahay namin. Pero lumipas ang ilang araw... biglang nagkaroon ng bagong Reyna sa aming bahay. Si mommy bigla iyong naging extra... naging utos-utusan pa ng kabit ni daddy. "Mommy, akala ko ba'y paaalisin mo sila?" tanong ko sa aking ina. Inabutan ko ito sa labas ng silid nila ni daddy. Umiiyak si mommy. Sumilip ako sa pinto. Nakita ko si daddy at ang babae. Parehong hubad. Kaya agad din akong hinila ni mommy palayo sa silid na iyon. "Mommy, anong sinabi sa 'yo ni daddy para maging sunod-sunuran ka sa kanila? I'm not stupid, mommy. Naiintindihan ko ang sitwasyon kahit sampung taon pa lang ako. Tell me." Sinapo ko ang luhaang pisngi ng aking ina. "Mommy?" "Anak, kapag pumalag ako sa kanila ay ilalayo ka ng daddy mo sa akin." "Mom, hindi niya magagawa iyon---" "Anak, kaya niya. Kaya ka niyang ilayo sa akin. Hindi na ako ang nakapangalan sa company, anak. Ang daddy mo na. Sa sobrang laki nang tiwala ko sa kanya ay inilipat ko sa pangalan niya ang company para mas tumibay pa iyon dahil sa mga connection ng daddy mo. Ngayon... kapag daw hindi ako sumunod sa kanya. Ilalayo ka niya sa akin... aalisin ang lahat ng meron ako." "Ang salbahe ni daddy, mommy." Alam kong hirap na hirap na si mommy. Kaya mas lalong lumaki ang sama ng loob ko sa aking ama. Hindi namin deserve ni mommy ang sitwasyon na ito. Kaso dumating iyong oras na hindi na kaya ng aking ina ang sitwasyon. Harap-harapan na ang pambabastos dito ng aking ama. Inabutan na lang naming nakasabit ito sa kisame. Wala ng buhay. Tinapos ng aking ina ang paghihirap niya sa gano'n paraan. "Margarette, alam mo namang mahal ka ni daddy 'di ba? Hindi kasalanan ni daddy iyon. Napagod na lang ang mommy mo na alagaan ka... tayo. Kaya tinapos na niya ang buhay niya." Demonyo si daddy. Hindi ako naniniwalang tinapos na lang ng gano'n ni mommy ang buhay niya. Alam kong never napagod ang mommy ko sa akin. Mahal na mahal ako no'n. "Anak, huwag kang mag-alala. Kami ni Mommy Vangie mo ay aalagaan ka namin. Hindi kami mapapagod sa 'yo. Pangako namin iyan." Sino bang niloloko ni daddy? Ako? Sa tingin ata niya ay magpapauto ako. "Yaya, kung aalis ka ay isama mo ako." Pakiusap ko sa aking yaya. "Be, mahirap lang ako. Mas marangya ang buhay mo kapiling ang daddy mo. Sure ka ba?" "Opo, yaya. Ayaw ko na po rito." Iyak ko sa yaya ko. "Sige... susubukan kitang itakas. Pero kapag mahuli tayo ay iiwan kita. Kailangan kong makaalis dito, be." Tumango ako rito. Walang ibang pamilya si mommy... kami lang ni daddy. Kaya wala rin akong kamag-anak na pwedeng lapitan. Galit na galit ako sa aking ama at hindi ko na kaya pang makasama siya. Kahit anong regalo pa ang araw-araw niyang iuwi para sa akin... hindi mabubura no'n ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Kaya nagplano kami ni Yaya sa plano naming pagtakas. Kaso nahuli kami ni Vangie... galit na galit ang babae. Sa mismong harap ko... iniutos nito sa tauhan na barilin ang yaya ko. I saw it. Nakita ko kung paano tumama sa noo ni Yaya ang baril. Mas lalong gumuho ang mundo ko. Malakas kong itinulak ang babae. Bumagsak ito. Napasapo pa sa kanyang tiyan na wari'y nasaktan siya. "Tandaan mo ito, Vangie. Babalikan kita. Kayo ni daddy. Sisirain ko ang buhay ninyo." Galit na galit na ani ko rito. "Sisirain ko kayo!" hiyaw ko saka mabilis na tumakbo palabas ng gate. Walang humabol sa akin. Ang focus nila ay nasa babae na naririnig ko pang humihiyaw. "Dinudugo ako! Tulong! Diyos ko! Ang baby ko!" hiyaw nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD