Chapter Four
Katatapos ng trabaho namin ni Lucille sa labas ng bansa. Habang nakatambay ako sa unit ko'y ipinatawag ako ni Lady A. Umakyat agad ako sa office niya para alamin ang pakay nito sa akin. Pagkaupo ko pa lang sa couch ay initsa na nito ang folder sa table na agad kong dinampot at binuklat.
"Kaya mo ba hanggang mamayang gabi? He's a rapist. Bata ang dinali. Nagtratrabaho sa isang club ang taong iyan. Sa Elpido."
May laptop akong dala kaya naman mabilis akong tumipa.
"Elpido... VIP na nga pala ako roon." Mahinang anas ko. Kapag may free time ako ay mag-isa akong nagba-bar. Sa bawat punta ko ng bar... kung ilang lalaki ang lalapit at mambabastos. Iyon din ang bilang ng mga lalaking pinuputulan ko ng ari.
"What are you doing?" tanong ni Lady A.
"Chine-check ko kong VIP pa ang sarili ko." Ilang saglit pa'y natapos din ako roon. "VIP pa. Kailangan ko lang hanapin sa kwarto iyong VIP card ko."
"Kaya mo na iyan?" agad akong tumango.
"Ano ang gagawin ko sa lalaking ito, Lady A?"
"Kahit ano... ikaw na ang bahala."
"Kumusta iyong bata?"
"Comatose... base sa ulat ay parang malabo nang magising." Kumuyom ang kamao ko.
"Okay. Pupunta lang ako sa lab. Kukuha ng gamot."
"Papatayin mo?"
"Of course, Lady A. Hindi deserve ng taong iyon na mabuhay pa. Kailangan mauna siyang mamatay kaysa sa batang pinagsamantalahan niya. At least maigaganti na siya." Walang kaemo-emosyon na ani ko.
"Okay. Go ahead, Garette." Isinara ko ang laptop. Bitbit ko iyon at ang folder nang lumabas na ako ng office ni Lady A. Bumalik ako sa silid ko pero pagpasok ko pa lang ay may mensahe na agad si Lady A sa akin. Ini-inform ako nito na ngayon niya kakausapin si Lucille para sa huling misyon nito.
Kaya naman muli akong lumabas at bumalik sa floor kung saan ang office ng boss namin. Naghintay. Nang makitang palabas na si Lucille ay nagpanggap akong naglalakad lang at aksidente lang na nakasalubong ito.
She's so happy sa kanyang huling misyon. Alam ko naman na sobrang tagal na nitong hinihintay iyon.
Sa sobrang happy niya ay niyaya niya akong mag-unwind, mag-bar daw kami. Kaya naman in-grab ko na rin na opportunity para magtrabaho.
--
Walang hirap na nakapasok kami sa bar. Maraming tao. Pasimple kaming nag-uusap ng kaibigan pero siyempre hindi nakalimot na uminom.
Nang may pagkakataon ay nakuha pa naming humataw nang sayaw sa dance floor. Sa amin na nga napunta ang atensyon ng lahat. Nang dumikit ang isang lalaki kay Lucille ay alam kong dapat na akong lumayo. Hinayaan ko pa nga itong tangayin ng isang lalaki.
Nang mapansin ko na ang target ko na um-exit ng bar ay pasimpleng sumunod ako.
Susuray-suray na lumakad patungo sa parking lot.
"Miss, are you okay?" tanong ng lalaki. He's a bartender. Kasamahan no'ng kausap namin kanina. Wala sa mukha na isang demonyo ito. Gwapo pero tarantado. Lumakad ako palapit dito.
Lasing na tinitigan ito. Saka ko dinakma ang kanyang ari. Napasipol ang lalaki.
Galit talaga ako sa mga lalaki. Nakatitig pa lang ako sa isang adan ay naiisip ko ng wala na itong buhay sa harap ko.
Kinabig ko ang batok nito at kunwari'y hahalikan ito pero iniwas ko rin naman ang labi ko nang mapansin kong kakagat talaga ito sa plano ko. Napahagikhik ako. Iyong kamay kong balak ko na sana talagang tanggalin sa p*********i niya ay pinigilan niya at pinagdiinan talaga niya roon. Bakas sa mukha ng lalaki na na-turn on na siya. Ramdam ko rin naman ang nagising nitong p*********i.
I'm beautiful. Pero ipinangako ko sa sarili kong walang kahit na sinong Adan ang makakakuha sa akin.
Pero iyong ganda ko... gamit na gamit ko sa trabaho.
"Maganda ba ako?" maharot na tanong ko sa lalaki.
"Y-es." Tugon nito na hindi na makasagot nang maayos dahil sa ginagawa kong paghaplos sa p*********i nito. Mariin pa itong napalunok.
"Gusto mo bang maglaro, pogi?"
"A-nong laro?" mukhang kahit Anong laro naman ay papayag ito base pa lang sa itsura nito ngayon.
Hindi ako sumagot sa tanong niya pero hinila ko siya patungo sa isang sasakyan. Nagmamadaling kinalas nito ang belt na suot. Pero habang abala siya roon ay agad kong isinubo sa kanya ang isang gamot na kinuha ko sa lab kanina.
Inilunok niya iyon ng hindi man lang nag-alinlangan. Mukhang sanay na ito sa gano'n kalakaran. Kaso hindi simpleng droga ang tabletang isinubo ko rito.
Nang tuluyan niyang naibaba ang pants niya ay agad kong hinawakan ang p*********i niya.
"Kilala mo ba ako?" malanding tanong ko rito.
"No. Pero tiyak kong lalabasan ako sa 'yo." Bumungisngis ako't tumango rito.
"Gusto ko ng lalaking nakaposas habang isinusubo ko. Pwede ba kitang igapos?" tango rin agad ito. "O, walang posas na available. Ito na lang panyo ko." Ekspertong itinali ko ito.
Nang mahigpit na't hindi nito na nito maigalaw ay dali-dali kong inilabas ang patalim na hawak ko.
"A-nong gagawin mo?" kabadong tanong nito sa akin. Ngumiti lang ako rito. Saglit na lang ay eepekto na ang gamot na ipinainom ko rito.
Mukhang nahihilo na nga ito base na rin sa expression nito. Bago pa ito tuluyang mawalan ng malay agad kong pinutol ang p*********i nito. Bago pa ito makasigaw ay bumagsak na ang ulo nito. Napabungisngis na tinitigan ko ang dumudugong ari na hawak ko. Saka ko iyon isinalpak sa bibig nito. Dahil madilim ang area ay nakuha ko pang magtungo sa banyo na parang walang nangyari. Naglinis ako roon ng kamay na may bahid pa ng dugo. Saka ako bumalik sa loob ng club kung saan nakita ko si Lucille na pababa na ng hagdan.
"Let's go?" nakangising tanong ko rito. Tumango naman ito. May kakaibang ngisi rin sa labi nito. Walang kaide-idea ang babae na pareho lang kaming may ginawang trabaho.