CHESCA: MAPAIT akong napangiti na pasimpleng nagpahid ng luha. Hanggang ngayon ay masakit pa ring tanggapin wala na ang anak ko. Yes. Wala na ang anak namin ni Darren. Five years ago, nalaman kong nagdadalangtao ako. Inalagaan at iningatan ko ang sarili ko habang dinadala ang anak namin ni Darren sa sinapupunan ko. Mabuti na lang at hindi na nagpakita pa si Kelsey sa akin. Gano'n pa man ay pinapabantayan niya pa rin ako kay Ate Airen. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na nagre-report sa kanya si Ate ng tungkol sa akin. Naging abala kasi ito sa trabaho na hindi ko na inalam kung saan at anong trabaho. Nakakulong ako sa rest house ni Kelsey dito sa Antipolo. Hindi ako pinapalabas ng bahay. Ni hindi rin pinapagamit ng cellphone. Kaya para na rin akong bilanggo nila. Mabait si Ate Airen