DARREN: TAHIMIK akong yakap-yakap ang larawan ng aking ina. Magdidilim na at kami na lang ng mga kapatid ko ang naiwan ng cemetery. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. Kung paanong sa paggising ko ay wala na. . . ang babaeng pinakamamahal ko. "Darren, it's getting late. Let's go?" pagtapik ni Kuya Delta sa balikat ko. Tanging pag-iling lang ang naisagot ko dito na nananatiling nakatayo sa harapan ng pinaghimlayan sa aking ina. Dinig kong napahinga ito ng malalim na bumalik sa pwesto nito. Maging ang ibang kapatid ko ay tahimik lang din na pinapakiramdaman ako. Hindi ko pa kayang iwanan si Nanay. Pakiramdam ko ay nalulungkot itong maiiwang mag-isa dito kapag umalis na ako. Napahaplos ako sa pangalan nitong nakaukit sa kanyang lapida. Tumulo ang butil-butil kon