DARREN: HINDI ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko sa mga sandaling ito. Marami akong katanungan na naglalaro sa isipan. Pero ang pinakamahalaga sa akin ngayon? Ang katotohanang buhay Airen at may anak kami. Dinala ko ang mga ito sa malapit na park. Matamang naming pinapanood si Jarren na naglalaro sa children's park habang magkatabi kami ng ina nito dito sa bench wood sa gilid. "Ang laki na niya," usal ko na nakamata kay Jarren. Kahit hindi ko ito ipasuri, kitang-kita na anak ko siya. At damang-dama ko rin ang bugso ng damdamin ko para dito. "Yeah. He's already four years old." Sagot nito na nakamata din sa anak namin. Napatitig ako dito at parang hinahaplos sa puso ko. Namuo ang luha sa mga mata ko na napahaplos sa pisngi nitong natigilan. "What happened to you, mahal? Paan