CHAPTER 19: Kuya

1103 Words
Habang kumakain kami sa loob ng restaurant ay kakaiba na naman ang aking pakiramdam. Pakiramdam ko ay may nakamasid na naman sa amin. Napasulyap ako sa glass wall. Mula dito ay natatanaw ko ang kadiliman sa labas kahit may mga ilaw naman sa bawat poste ng highway. Marami pa rin ang sasakyan dahil 7:30 pa lang naman ng gabi at oras ng pag-uwi ng mga empleyado. Sa kabilang highway ay marami-rami ang mga pasaherong nag-aabang ng masasakyan. Na-agaw ang aking pansin ng lalaking nakasandal sa gilid ng poste. Naka-jacket at nakasuot ang hood sa kanyang ulo kaya naman hindi ko makita ang kanyang mukha. Nakaharap siya sa gawi namin kaya naman hindi ko mapigilang kabahan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko kapag sinusubaybayan niya ako sa kalye. Para akong natatakot na hindi ko maintindihan pero kapag nakakasama ko na siya sa gabi sa kama ay kabaligtaran na ang aking nararamdaman. Sino ba naman ang hindi matatakot kung may sumusunod-sunod sa iyo sa kalagitnaan ng gabi sa kalye di ba?! Haaayst! "Hey." "Ay!" napasigaw ako at napahawak sa aking dibdib nang biglang magsalita si Andrei at banggain ako sa kaliwa kong balikat. Hindi naman malakas pero nagulat talaga ako dahil siguro sa lalim ng iniisip ko. "Anong nangyayari sa iyo? 'Yong pagkain mo hindi pa nauubos," masungit niyang sabi kaya naman napalingon ako sa mangkok kong halos puno pa ng laman. Nagmadali ko ng inubos ang pagkain ko para makauwi na ako. *** "Idadaan na kita doon," sabi ni Andrei habang ini-aabot sa akin ang isang helmet. "M-Mag-commute na lang kaya ako. Late ka na kasi, eh," sabi ko pero hindi siya umimik at ini-abot pa rin sa akin ang helmet. Kinuha ko na lang at isinuot ko naman ito kaagad. Baka kasi magalit pa. Pagkasakay niya ay agad na rin akong sumakay sa kanyang likuran. Hindi naman mahirap itong sakyan dahil hindi ito katulad ng motor ni Ghian na malaki at mataas. Yumakap na ako sa kanyang baywang at nagsimula na siyang paandarin ang sasakyan. Bumiyahe na kami sa kalawakan ng highway ng c5 at ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko ay may nakasunod pa rin sa amin. Pero marami naman talaga kaming mga kasabay at kasunod na mga sasakyan. Inihatid pa rin niya ako hanggang sa loob ng subdivision at hanggang sa makarating sa tapat ng aming apartment. Bumaba na ako at kaagad tinanggal ang helmet. "T-Thank you. Ingat ka," sabi ko sa kaniya. Bumaba din siya ng motorsiklo at lumapit sa akin. Palapit pa lang ang kaniyang mukha sa akin nang bigla kaming makarinig ng mga malalakas na pagsabog na nagmumula sa kung saan at mumunting liwanag sa dulong bahagi ng kalye. "Get in!" sigaw niya sa akin at mabilis niya akong itinulak papasok sa gate ng apartment. Isinara niya rin ng mabilis ang gate at saka binalikan ang motorsiklo. Mabilis siyang sumakay at tinungo ang lugar na may natatanaw kaming mga pagliwanag. "Andrei!" sigaw ko sa kaniya pero hindi na niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy lang siya. Binuksan kong muli ang gate at lumabas. Baka kung mapaano siya doon! Pero bigla na lang akong natigilan at nanlamig nang may maramdaman akong parang hanging mabilis na dumaan sa akong tabi. Napalingon ako sa aking likuran at nahagip ng aking paningin ang isang aninong 'sing bilis ng hanging nagtago sa isang posteng malapit sa aking kinaroroonan. Pero muli akong napalingon sa kabilang side nang may isa pang anino akong naramdamang tila nagmamasid din sa akin at mas malapit siya sa aking kinaroroonan! Tumaas ang aking mga balahibo sa katawan! At doble-dobleng kaba ang aking naramdaman. Dahan-dahan akong napa-atras. Naririnig ko ang tunog ng motorsiklo ni Andrei na sa tingin ko ay pabalik na sa aking kinaroroonan. Natanaw ko na siya sa di-kalayuan. Nanigas ako mula sa aking kinatatayuan nang biglang magsabay sa paggalaw ang dalawang anino sa magkabila kong side at palapit na sila sa akin! Bakit dalawa na sila?! Halos mapa-upo na ako sa lupa dahil sa pangangatog ng aking mga tuhod. "A-Andrie, t-tulungan mo ko," halos pabulong ko ng pakiusap kahit alam kong hindi niya ako maririnig. Malapit na si Andrei sa aking kinaroroonan at ramdam ko rin ang mabilis na pagkilos ng dalawang aninong makalapit sa akin. Naninigas na ako sa aking kinatatayuan! "Andre-hmp!" sisigaw na sana ako nang biglang may tumakip sa aking bibig. Niyakap ng mahigpit ang aking katawan at hinila kung saan! "Hmmpp!!" pagpupumiglas ko pero sobrang lakas niya! Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Pamilyar ang kanyang presensiya, amoy at katawan pero iba! Hindi siya 'yong lalaking nakakatabi ko sa kama! Mas lalong hindi siya si Andrei! Pumasok kami sa loob ng napakadilim na iskinita at dinala sa pinakaliblib na lugar! Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib na parang gusto ko na lang mawalan ng malay! "Hmmpp!" Tulungan niyo ko! Iyan ang gusto kong isigaw pero tanging ungol lang ang kumawala sa aking bibig. Isiniksik niya ako sa matigas na pader na hindi ko na alam kung saan dahil sobrang dilim. "Ssshh, shut up baby!" halos gigil niyang bulong sa akin. Pamilyar din sa akin ang boses niya kaya napatahimik ako. Agad ko siyang kinapa. Hinanap ko ang kanyang mukha. Kilala ko siya! Hinawakan naman niya ang aking kamay at dinala sa magkabila niyang pisngi. Halos manghina ako nang makilala ko siya. Umagos ang aking mga luha sa pisngi. Buhay siya! Binalikan niya 'ko! "Ssh, don't cry baby. I'm here. Your kuya is here." "K-Kuya," hindi ko makapaniwalang sambit sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Ang akala ko patay na siya! Ang akala ko nag-iisa na lang ako! "Listen to me, baby. Mag-iingat ka dito. I'm leaving, kailangan kong umalis. Kailangan ko siyang maunahan doon. Hindi niya p'wedeng makita sila Mama at Papa." "Huh? B-Buhay sila Mama at Papa?" Mas lalo akong naiyak sa nalaman ko. Ang akala ko ay wala na sila! "I'll explain to you everything sa pagbalik ko dito. But now, i have to go back as fast as i can. Kailangan ko silang balikan. Nanganganib sa kaniya ang buhay nila ngayon. Just stay here, a'right baby? Hihintayin mo si Kuya." "K-Kanino? S-Sinong tinutukoy mo?" "You will know soon." Pagkatapos noon ay muli niya akong hinila sa kung saan. Parang kabisado niya ang lugar dito! Matagal na ba siyang naririto?! Inihatid niya ako sa likurang bahagi ng apartment at nakita kong may daanan din pala dito. Parang fire exit. Dahil hagdan siya paakyat sa itaas. Hinalikan niya muna ako sa noo bago niya ako iniwan. Paglingon ko sa itaas ng hagdan ay nagulat pa ako nang matanaw ko doon si Ghian habang seryosong nakatitig sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD