CHAPTER 20: Sweet Moan

1080 Words
Andrei's POV I saw how a man took Charisma and carried her away. I knew for a long time that someone was watching over her. Kaya nga isa rin 'yon sa mga dahilan kung bakit ko siya binabantayan. Hindi ko makilala kung sino itong taong nagbabantay sa kaniya. Inakala ko pa ngang si Mr. Ghian Heinrich, ang agent na kasapi sa Alpha Organizations na pinamumunuan ni Cedric dahil nagulat ako nang makita ko siya sa apartment nila Kisma. Pero hindi. Iba ang lalaking ito. Kung mabilis si Heinrich ay mas mabilis ang lalaking ito! Hindi ko na sila nasundan pero alam kong nakatunog si Heinrich dahil nakita ko siyang sinundan ang dalawa sa madilim at liblib na iskinita. I just chose to leave. I have more important things to do right now. I have gathered information from the person I took to investigate and find Kisma's parents. At natagpuan sila sa isang malayong probinsiya. Na ang buong akala ni Kisma ay wala na siyang pamilya dahil dinukot ang mga ito at sinunog kung paanong sinunog din nila ang sarili nilang Pabrika kung saan naroroon ang kanilang ilang daang mga empleyado na nagtatrabaho kasama ang aking mga magulang at kapatid. Para lang matakasan nila ang malaking responsibilidad nila sa mga tao. Nalugi at nalubog sa utang ang kanilang kumpanya, kaya naman hindi na nila napapasahod ng tama ang kanilang mga trabahador na umabot na ng milyon ang kailangan nilang ibayad sa mga ito. At para makatakas sila sa kanilang responsibilidad ay ipinasunog na lang nila ang sarili nilang Pabrika, pero ipinalabas nilang aksidente ang mga nangyari. Marami ang nakaligtas, pero marami rin ang namatay sa sunog at kasama doon ang buo kong pamilya. Si nanay, tatay at si kuya Ghian na noon ay nasunog din ang mukha dahil kay Kisma. Lahat sila ay malaki ang pagkakautang sa akin, kaya dapat lang akong maningil! *** Ghian's POV Mr. Rhavalez. Tsk. Sinasabi ko na nga ba, eh. Ikaw ang matiyagang nagbabantay kay Kisma simula noong iwan niyo sila! I know he knows me too. We stared in silence for a moment before he left Charisma here in the back of my house. I just can't imagine how he trusts his sister in me. Gayong alam kong alam niya rin na isa ako sa mga anak na pinagkakautangan ng kanilang mga magulang. Nagbago man ang hitsura ko, pero matalino siyang tao, and it was easy for him to get to know me. Unlike Andrei, who can no longer think correctly because he is already covered by revenge,. That was all he had on his mind. "Bakit d'yan ka dumaan?" I asked her, nang mapadaan na siya sa aking tapat. I maintain my serious expression, kahit nakikita ko sa kanyang hitsura ang halo-halong emosyon. Kaba, takot, pag-aalala, and pagkalito. Maybe it's because she already knows. She knew that her family was still alive. "Ah, s-sarado kasi sa g-gate eh. K-Kaya naghanap ako nang m-madadaanan," kabado at ninenerbiyos niyang sagot sa akin. Nilampasan na niya ako at nauna na siyang maglakad sa akin. I closed the iron door. Sumulyap muna ako sa madilim na lugar bago ako sumunod kay Kisma. *** Kisma's POV Nangangatog pa rin ang mga tuhod ko sa mga nalaman ko at muli naming pagkikita ni Kuya. At halos i-umpog ko na ang ulo ko sa kaiisip kung sino ang tinutukoy niyang tao na kailangan niyang maunahan doon. Sino ba ang tinutukoy ni Kuya?! Hindi rin sinabi ni Kuya kung saan ngayon naninirahan sila Mama at Papa. Kaya kailangan niyang bumalik. Kailangan kong malaman ang lahat! Dahil hindi ako matatahimik kung maraming gumugulo sa utak ko! Miss na miss ko na rin sila Mama at Papa at gustong-gusto ko na silang makita. Sana isinama na lang ako ni Kuya! Naramdaman ko ang pagsunod ni Ghian sa aking likuran. Wait. Naalala ko na naman, 'yong ginawa niyang paghalik sa akin kanina! Walanghiya siya! Dahil doon ay napahinto ako at hinarap siya. Pero nanlaki ang aking mga mata nang hindi ko siya makita sa aking likuran. Huh! Asan na 'yon? Biglang nawala?! Lumingap-lingap pa ako sa dulo at pilit inaninaw ang madilim na hallway. Bigla tuloy akong natakot. Baka bigla na lang may sumunggab sa akin dito! Nanay kupu! Napa-atras ako at handa ng tumakbo, pero pagharap ko ay bigla akong bumangga sa... "Aahh! Huwag po! Maawa po kayo!" sigaw ko sa takot at gulat nang may makaharap akong matangkad na tao! "Ang ingay mo," sabi niya sa akin at napatahimik ako at nakahinga ng malalim nang ma-realize ko ang hayop na lalaking ito! Sapo-sapo ko ang aking dibdib sa paghahabol ko ng hininga! "Bakit ka ba nanggugulat?! At saka paano ka napunta d'yan?! Nasa likod lang kita kanina, ah. Alien ka ba?!" sigaw ko sa kaniya. Nakakagigil 'tong lalaking ito! Aatekihin ako sa takot at gulat! "Aba, ewan ko sa 'yo. Kanina pa ako narito, eh. Hindi mo nga ako pinapansin." Nagpatuloy na ako sa paglalakad at muli siyang nilampasan. Ramdam ko naman ulit ang kanyang pagsunod. "Eh, bakit ka nananakot?!" "Dati kazv namsz ngz takot sa azzgz. Anonzh bago?" bubulong-bulong niya sa aking likuran, kaya hindi ko gaanong naintindihan. "Anong sabi mo?!" inis kong tanong kasabay ng aking paglingon sa kanya. Hindi ko gaanong makita ang hitsura niya dahil medyo madilim dito sa hallway. Bakit ba wala na namang ilaw dito sa hallway?! "Sabi ko hindi ako Alien, bampira ako, nangangagat. Gusto mo bang makagat?" Parang nahihimigan ko ang pagngisi-ngisi niya habang nagsasalita. Naalala ko na naman, 'yong paghalik niya sa akin kanina! "Hoy! Magnanakaw ka! May utang ka pa sa akin!" "Huh? May pera ako, no. Paano naman ako mangungutang sa iyo?" Aba't sira-ulong ito, ah! "Ninakawan mo ko ng h-h-halik k-kanina," pahina ng pahina ang boses kong sabi sa kaniya. My ghad! "Huh? Hindi ko narinig, ano 'yon?" Nagmaang-maangan pa! Narinig naman! "Wala! Bwisit ka!" sigaw ko sa kaniya at naglakad na ako ng mabilis para makalayo na ako sa hayop na lalaking ito! "Ah, akala ko, kasi sabi mo ninakawan kita ng halik kanina, eh." Napahinto ako at ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko hanggang ulo. Ramdam kong nakarating na siya sa gilid ko at dumampi ang mainit niyang hininga sa kaliwa kong tainga. "How can you say I'm a thief while I heard your very sweet moan?" bulong niya sa kaliwa kong tainga na naghatid ng kilabot sa aking katawan. Pagkatapos ay basta na lang niya akong iniwang tulala sa hallway. Anong sinabi niya? Sweet moan?! "Ghian!!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD