Paglabas namin ng subdivision ay huminto sa gilid ng kalsada ang aming motorsiklo.
Lumuwag na ang pagkakayakap ko sa kaniya at handa na sana akong bumaba nang bigla niyang hawakan ang aking mga kamay sa unahan at muling iniyakap sa kaniya. Para na naman tuloy akong napaso!
"Ah, G-Ghian, dito na lang ako," malakas kong sabi sa kaniya dahil maingay dito sa kalsada dahil sa mga dumaraang mga sasakyan.
Nasa highway na kami at may mga dumadaan naman na ditong jeep patungong Bgc. Doon kasi ang main Hotel and Restaurant kung saan naka-assign sila Caithy, Rhaine at Nash. Si Erhwin naman ay sa bar na doon din sa ibaba ng Hotel ang branch. Bale magkakatabi lang ang restaurant at bar sa groundfloor ng Hotel.
Pero hindi umimik si Ghian at nakita kong nagsuot din siya ng isa pang helmet na hindi ko napansin kanina kung saan nakalagay. Dalawa pala ang helmet niya? Nagpatuloy lang ulit siya sa pagda-drive. Ang way namin ay sa C5 na rin. Alam kaya niya kung saan ako nagtatrabaho?
"G-Ghian," tawag ko ulit sa kaniya. Nakayakap pa rin ako sa kaniya ng mahigpit dito sa likuran dahil mabilis siyang magpatakbo.
Maraming sasakyan at kasabayan naming mga motorsiklo ang aming nalalampasan. Pero pansin ko ang galing niya sa pagda-drive at ni hindi man lang ako dapuan ng kaba na baka kung mapaano kami sa malawak na highway ng c5. Pakiramdam ko ay safe na safe ako sa kaniya kahit ilang malalaking truck ang aming nakakasabay at nalalampasan!
"Shut up," masungit niyang sagot. Gusto ko sanang mapakamot sa ulo kaso naka-helmet pala ako. Mamaya na lang.
Hindi na ako umimik at hinayaan na lang siya. Ginaganahan din kasi ako sa pagyakap sa kaniya eh. Ang lapad kasi ng likod niya. Hihihi. Kaya lang masungit.
Ilang minuto pa ang dumaan at nakarating din kami sa restaurant na pinaglipatan sa akin. Paano niya kaya ito nalaman?
Nauna siyang bumaba at muli na naman niyang sinapo ang magkabila kong baywang at ibinaba ng motorsiklo. Hinubad ko ang jacket at helmet. Nakayuko lang ang aking ulo at hindi ko makuhang tumingin sa kaniya. Nahihiya kasi ako dahil naka-abala pa ako sa kaniya.
"T-Thank you," nakatungo kong sabi habang ini-aabot ko sa kaniya ang jacket at helmet.
"Bayad mo," sabi niya pagkakuha niya sa kanyang helmet at jacket. Medyo napapatulala pa ako pero mabilis ko din namang kinalkal ang aking bag para kumuha ng pera sa wallet.
"M-Magkano ba?" tanong ko habang kumukuha na ng pera sa aking coinpurse. May papel-papel pa naman ako ditong pera na nakatupi-tupi pa ng maayos. Napansin kong nangangatal pala ang aking mga kamay kaya tumalikod ako para hindi niya mapansin.
"Tsk. Hindi yan," rinig kong sabi niya sa aking likuran kaya napaharap akong muli sa kaniya pero dahil sa ginawa ko ay nanigas ako mula sa aking kinatatayuan.
Sinalubong niya ako ng mainit na halik sa aking mga labi. Ramdam ko ang paghawak niya sa aking ulo at idiniin sa kaniya! Crap! He's kissing me aggressively right now on my lips.
Napanganga pa ako nang magpumilit siyang ipasok ang kanyang dila sa akin at pilit inangkin ang aking dila! Sinipsip niya ang dila ko!
"Uhmn," napa-ungol akong bigla sa intensity na aking nararamdaman pero nakamulagat ako sa kaniya sa kabiglaanan at napatulala dahil pamilyar ang labi niyang humahalik sa akin ngayon. Pero kakaiba naman ang uri ng kanyang paghalik, agresibo, mapusok, madiin. Kung kanina ay nangangatal ang aking kamay, ngayon naman ay dinagdagan pa niya ng pangangatog ng aking mga tuhod!
Nakapikit siya habang patuloy siya sa paghalik sa akin. Bahagya pa niyang kinagat ang ibaba ng aking labi bago niya ito binitawan. Pansin ko pa ang kanyang pagngisi at saya sa mga matang akala mo ay nanalo sa perya.
"Bayad ka na," bulong niya sa aking tainga na naghatid ng kilabot sa aking katawan.
Nang matapos niya akong halikan ay mabilis niyang isinuot ang kanyang helmet at jacket hanggang sa muli siyang sumakay sa kanyang motor at pinatakbong muli ng mabilis paalis sa lugar.
Malayo na siya pero tulala pa rin ako habang nakatanaw sa malayo at lumalabo na niyang imahe.
Hinalikan niya ako sa labi?
Wala sa loob na napahawak ako sa labi kong sa tingin ko ay nangangapal at namamanhid dahil sa klase ng paghalik niya sa akin kanina.
Anong nangyari? Na-kiss and run ako!