CHAPTER 3: Miss Him

1144 Words
"A-Andrei, h-hatid mo na lang ako sa t-tapat ng apartment namin," hiling ko kay Andrei nang makarating na kami sa kanto na papasok sa kalye kung saan naroroon ang aming nirerentahang apartment. Nag-aalangan ako dahil siguradong hindi na naman niya ako pagbibigyan, pero sumubok pa rin ako. Noong nakaraan kasi ay may pinaayos daw siyang sira sa kaniyang motor kaya nag-commute lang kami. Alas dose na ngayon ng hating-gabi at natatakot na talaga akong maglakad papasok sa kalye namin. Baka hindi pa ako nakakarating sa aming apartment ay mamatay na ako sa kalsada dahil sa sobrang nerbiyos! "Tsk," singhal niya pero laking tuwa ko nang ipagpatuloy niya ang pagpapatakbo ng motor papasok sa aming kalye! Pinagmasdan ko ang kapaligiran. Sira-sira pa din ang ibang ilaw ng poste dito. Kailan ba nila ito ipapaayos?! Wala naman akong nakita o naramdamang kakaiba kaya 'laking pasasalamat ko hanggang sa tumapat na kami sa aking tinitirhang apartment. Agad akong bumaba at didiretso na sana sa gate nang bigla akong hilahin pabalik ni Andrei. Kinabig niya ako at muling hinalikan ng mariin sa aking mga labi. Gusto kong pumalag dahil baka nariyan siya sa paligid at nagmamasid na naman sa amin! Binalaan na niya akong makipagkalas na kay Andrei dahil kung hindi ay papatayin niya daw ito! Pero kasi, ang hirap ng kaniyang pinagagawa! Hindi ito madali para sa akin! Nanatiling nakaikom ang aking bibig at hindi ko magawang gumanti ng halik kay Andrei. Wala na nga akong halos maramdamang kahit ano para sa kaniya. Hindi katulad noon na okay pa naman kami. Nasasarapan pa ako sa bawat halik niya sa akin pero ngayon ay nawawalan na ako ng gana. Nang maramdaman niya ang inasal ko ay kaagad niya akong binitawan. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang emosyong dumaan sa kaniyang mga mata, pero kaagad niya rin itong pinalitan ng talim. Tumitig siya sa akin ng matagal. Ako naman ay napayuko na lang at hindi alam ang sasabihin. "Pumasok ka na sa loob," utos niya sa malumanay niyang tinig na akin namang ikinagulat. Napatingala ako kaagad sa kaniya pero mabilis na niya akong tinalikuran at sumakay sa kaniyang motorsiklo. Kaagad niyang binuhay ang makina nito at pinaharurot paalis sa lugar. Naiwan akong tulala at binabalikan pa rin sa aking isipan ang mahinahon niyang tinig kani-kanina lamang. Ang akala ko ay magagalit siya. Napahinga ako ng malalim at agad ng tumalikod. Mabilis akong pumasok ng gate at halos takbuhin ko na ang pinto ng apartment namin ni Mia nang bigla akong makarinig ng kaluskos na nagmumula sa kung saan! Agad kong kinapa ang susi sa loob ng aking bag at mabilis binuksan ang pinto at tarantang pumasok sa loob. Palaging may ilaw sa sala dahil ang sabi ko kay Mia ay huwag na huwag niyang papatayin ito kapag hindi pa ako dumarating at siya naman ay matutulog na. Isinara kong mabuti ang pinto at sinigurong nakasara din ang mga double lock nito. Kaagad akong umakyat sa ikalawang palapag ng apartment at dumiretso sa loob ng aking silid. Si Mia naman ay may sarili ding silid at siguradong sa mga oras na ito ay mahimbing na siyang natutulog. Nakabukas din palagi ang ilaw dito sa aking kuwarto at pinapatay ko lang ito kapag ako ay matutulog na. Mayroon naman akong maliit na lampshade dito sa gilid ng aking kama. Kinuha ko ang tuwalya at muling lumabas ng aking silid. May isang banyo dito sa itaas na napapagitnaan ng aming kwarto ni Mia. Pumasok na ako sa banyo at naligo ng mabilis, nag-toothbrush ng ilang ulit at saka nagbalot ng tuwalya sa aking katawan, saka ako lumabas. Dumiretso na akong muli sa aking kuwarto. Kahit nakabukas ang ilaw ay pinapakiramdaman ko pa rin ang aking paligid. Nagsuot akong muli ng medyo sexy na nighties na kulay red. Nagpabango ng kaunti at pagkatapos ay ini-lock ko na ang pinto. Pero kahit naman doble-dobleng lock pa ang gawin ko diyan ay nakakapasok at nakakapasok pa rin siya. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon. Pinatay ko na ang ilaw kaya naging dim ang paligid dahil sa munting ilaw na nagmumula sa maliit kong lamp shade na nasa gilid ng aking kama. Humiga na ako at nagbalot ng kumot sa aking katawan. Antok na antok na rin ako dahil naka-shot din ako ng kaunti kanina. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pamimigat ng talukap ng aking mga mata hanggang sa hindi ko na mapigiling ipikit ito. *** Naalimpungatan ako sa pakiramdam na tila may nakamasid sa akin sa loob ng aking silid. Naimulat ko ng bahagya ang aking inaantok na mga mata, at natanaw ko nga siyang nakatayo at nakasandal sa pader, sa may paanan ng aking kama. Iyon pa rin ang suot niyang jacket at nananatiling nakasaklob ang hood nito sa kaniyang ulo na halos matabunan na ang kaniyang mukha, kaya hindi ko maaninaw ang kaniyang hitsura lalo na at madilim pa ang paligid. Pero alam kong nakatitig siya sa akin. Hindi ako gumawa ng kahit anong kilos. Nanatili lang din akong nakatitig sa kaniya. Hinintay ko ang kaniyang paglapit. Pero dumaan na ang mahabang minuto ay hindi pa rin siya kumikilos mula sa kaniyang kinatatayuan. Naghintay pa rin ako at pinilit kong hindi makatulog, kahit nararamdaman ko na naman ang pamimigat ng aking mga mata ay pilit ko pa rin itong nilabanan. Gusto ko siyang maramdaman. Ewan ko ba kung bakit ngayon ay parang hinahanap-hanap ko na ang kaniyang mga haplos at halik sa aking mga labi at buong katawan. Ilang buwan na rin niya itong ginagawa sa akin at sa loob ng isang linggo ay apat na beses niya akong tinatabihan, niyayakap at hinahalikan. Hanggang doon lang at ni minsan ay hindi niya pa rin nakukuha ang aking pagkakababae. Pinaliligaya niya lang ako gamit ang kaniyang mga labi. Hindi ko na napigilan ang muling pagpikit ng aking mga mata. *** Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Bigla akong nanghina at bumigat ang aking pakiramdam sa kaalamang walang naganap sa lumipas na gabi. Malinis na ang aking silid at kahit kaunting bakas ay wala siyang iniwan. Nanikip ng aking dibdib. Napakagat ako sa aking labi. Pinilit kong bumangon at pinagmasdan ang aking sarili sa harapan ng salamin. Hindi niya ba nagustuhan ang aking suot? Naligo naman ako, nag-toothbrush naman ako at nagpabango. Pero hindi niya ako nilapitan na unang beses pa lang nangyari. Galit ba siya sa akin dahil hindi pa rin ako nakipagkalas kay Andrei? Baka patayin na niya si Andrei! *** Lumipas pa ang ilang gabi pero hindi na siya bumalik. Tahimik ang aking mga gabi. Sa halip na makatulog ako ng mahimbing ay hindi. Napupuyat ako sa kahihintay sa kaniya! Ni hindi ko na rin siya maramdaman sa kalye. Wala ng sumusunod-sunod sa aking anino. Wala ng nagmamasid, at inaamin kong namimiss ko na siya. I miss him so damn much!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD