Sa totoo lang ay gusto ka na rin namang hiwalayan si Andrie. Kaya lang ay natatakot ako sa kaniya. Katulad na lang ngayon.
"Please Andrie, a-ayoko na talaga," pakiusap ko sa kaniya. Gabi na at narito na kami sa labas ng restaurant at katatapos lang ng aming duty.
"Ah," daing ko nang bigla niyang hawakan ng mahigpit ang aking palapulsuhan. Hinigit pa niya ang aking buhok dahilan upang tumingala ang aking mukha at humarap sa kaniya.
"Makikipaghiwalay ka, ha?" tanong niya sa maangas niyang tinig habang nababanaag ko ang pagtitimpi sa kaniyang mukha.
"A-Andrie n-nasasaktan ako." Ramdam ko ang sakit ng aking anit! Pakiramdam ko ay mabubunot ang lahat ng aking buhok!
"Talagang masasaktan ka sa akin kapag pinagpilitan mo pa 'yang gusto mo. Baka nakakalimutan mo ang malaking pagkaka-utang sa akin ng pamilya mo!" Nagliliyab sa galit ang kaniyang mga mata.
"H-Hindi na. P-please, b-bitawan mo na ako. Nasasaktan na 'ko." Uma-agos na aking mga luha sa pisngi.
Paano nga naman ako makakatakas sa kaniya? Kung saan man ako magtago ay masusundan at masusundan niya pa rin ako dahil sa malaking kasalanang nagawa ng aking pamilya sa kaniya at sa buong pamilya niya!
Pero wala naman akong kinalaman doon! Bakit ako ang pinahihirapan niya ng ganito?!
"Good. Huwag na huwag mong kalilimutan 'yan para hindi ka nasasaktan." Saka pa lang niya ako binitawan.
Tahimik kong pinahid ang mga luha sa aking pisngi. Hinila na niya ako patungo sa kaniyang motor. Hindi ko na naman alam kung saan kami pupunta. Nauna siyang sumakay at sumunod ako sa kaniyang likuran.
Nagsimula ng umandar ang kaniyang motorsiklo pero hindi ako kumapit sa kaniya kaya bigla niya itong inihinto.
"Ay!" sigaw ko dahil sa gulat at bigla akong napahawak sa kaniyang jacket na suot dahil muntik pa akong malaglag! Wala pa naman akong suot na helmet at siya lang ang mayroon!
"Kakapit ka ba o hindi? Ilalaglag kita diyan!" sigaw niya. Bakas ang galit sa kaniyang tinig.
Dahil sa takot ko ay yumakap na lang ako sa kaniyang beywang, saka niya pa lang ulit pinaandar ang motorsiklo.
Habang tumatakbo ang aming sasakyan ay umiikot naman sa madilim na kapaligiran ang aking paningin, kaya naman hindi nakaligtas sa akin ang aninong nagtatago sa gilid ng poste. Napatitig ako sa aninong sa tingin ko ay nakamasid sa amin. Nangilabot ako nang maaninag ko ang pagkislap ng kanyang mga mata sa dilim. Hanggang sa malampasan namin siya ay nakamasid pa rin siya sa amin.
Yumakap ako ng mahigpit sa beywang ni Andrie. Bakit ba ayaw niya akong tigilan?! Anong kailangan niya sa'kin?!Wala naman akong pera! Hindi na ako mayaman ngayon!
Tumulo ang aking mga luha nang maalala ko na naman ang aking pamilya. Kung sana ay narito pa rin sila hanggang ngayon. Kung sana ay nakakasama ko pa rin sila, eh di sana ay masaya ako ngayon? Eh di sana ay hindi ako nag-iisa! Pero iniwan nila ako. Iniwan nila akong lahat!
***
Huminto ang aming sinasakyang motor sa gilid ng isang bar. Narito na naman kami.
Nang makababa ako ay kaagad akong hinila ni Andrie patungo sa entrance ng bar pero bago iyon ay lumingon ako sa di kalayuan ng kalsada. At 'yan na naman siya, nagkukubli na naman siya sa isang poste at nagmamasid na naman sa amin. Napakapit ako ng mahigpit sa kamay ni Andrei at nagpahila sa kaniya. Nangingilabot ako sa tuwing nakikita ko siya!
Nang makapasok kami sa loob ay nabungaran namin ang ingay, usok, crowded, mga nag-iinuman, mga nagsasayawan at ang iba ay mga nasa sulok at nagme-make out.
Hinila ako ni Andrei sa bar counter at pinaupo. Agad siyang umorder ng one glass of whiskey at dire-diretso itong tinungga. Umiinom din naman ako pero kaunti lang. Hindi naman niya ako hinahayaang malasing, basta ang gusto niya lang ay mag-enjoy dito gabi-gabi na kasama ako. Pag may tama na siya ay pupunta na siya sa gitna at makikihalubilo na rin sa mga nagsasayawan.
Palagi niya akong niyayayang sumayaw pero wala akong taste sa pagsayaw kaya hindi na rin niya ako pinipilit pa. Tapos ay makikita ko na lang siya na may mga babaeng kasayaw sa gitna ng dance floor. Hinahawakan niya ang mga ito sa iba't-ibang parte ng kanilang katawan pero ni minsan ay hindi ko pa nakitang humalik siya sa ibang babae. Di katulad ng iba dito na harap-harapang nagla-laplapan.
Pagkatapos niyang sumayaw ay lalapit na sa akin habang naliligo na sa pawis! Kukuha siya ng towel at iaabot sa akin. Ang ibig sabihin lang niyon ay kailangan ko siyang punasan. Mabilis ko namang gagawin ang ipinag-uutos niya habang siya ay abala na sa paghalik sa aking leeg. Gagapang ito paakyat sa aking panga hanggang sa aking labi. Nalalasahan ko at nalalanghap ang alak mula sa kaniyang bibig.
"Uhhmm...A-Andrie...uhmmnn.." Bahagya ko siyang itinulak. Humiwalay naman siya sa akin at tiningnan ako ng matalim.
"P-Pupunasan ko ang l-likod mo." Napa-kagat ako sa aking labi at hindi makatingin sa kaniya ng tuwid.
"No," sagot niya sa mariin niyang tinig at muli niya akong siniil ng halik sa aking labi habang ang kaniyang mga kamay ay humihimas na sa aking beywang patungo sa aking balakang!
Kakaiba ang kaniyang mga halik kaysa sa lalaking dumadalaw sa akin gabi-gabi. Ang halik ni Andrei ay mariin at mapusok. Hindi katulad ng lalaking hindi ko alam kung totoo o panaginip lang. Masuyo ito, may lambing, marahan ang kaniyang mga halik at haplos sa aking katawan.
Ang pagkakaiba rin sa kanila ay nahawakan na ng lalaking iyon ang lahat ng maseselang parte sa aking katawan, hindi katulad ni Andrei na hanggang labi at dibdib ko pa lang ang kaniyang nahahawakan. At kahit gustuhin niya kung ayaw ko naman ay hindi niya rin naman ako pinipilit.
Malaking pasasalamat ko din iyon sa kaniya dahil minsan, pakiramdam ko ay iginagalang niya rin naman ang aking mga desisyon. Isang taon na rin kaming ganito at natitiis niya ang bagay na iyon. Nasa kalagitnaan kami ng aming kissing scene nang bigla kaming makarinig ng mga sigawan.
"Oh my God!"
"Hey!"
"What the f**k, dude?!"
Sabay kaming bumitaw ni Andrei at nilingon ang grupo na malapit sa entrance door nitong bar.
Isang matangkad na lalaki ang mabilis na naglalakad palabas ng bar. Suot ang isang black jacket at ang hood nito ay nakasuot din sa kaniyang ulo at halos matakpan na nito ang buo niyang mukha, kung kaya't hindi namin makilala ang hitsura nito.
Pero noong oras na makalabas na siya sa madilim na lugar ay nanigas na lang ang aking katawan nang makita ko ang isang pares ng matang kumislap sa dilim at alam kong nakatingin sa akin.