Umaakyat pa lang kami sa hagdan patungo sa third floor nang masalubong namin si Bryan na sambakol ang mukha. Ano naman kayang nangyari dito? Kanina lang ay ang sarap pa ng kulitan nila.
"Saan ka pupunta? Nakita niyo ba 'yong room?" tanong ni Nash sa kaniya.
"C.r. lang, sama ka?" nakangising tanong niya kay Nash.
"Gago, sama nga ako," sagot naman ni Nash.
"Oi, sama din ako," sabi ko rin dahil kanina pa ako naiihi.
"Lang'ya, ngayon ko lang nalaman na threesome pala ang gusto mo kisma," pang-aasar na naman ni Bryan. Bipolar din eh, kanina lang eh sambakol ang mukha. Ngayon naman ay ngiting aso na.
"Eh, kung pagpuputulin ko 'yang mga 'yan?!" Itinuro ko ang kanilang harapan.
Para naman silang natakot at nagtakbuhan paalis habang nakadakot ang kanilang mga kamay sa kanilang mga et*ts. Napangiwi na lang ako. Iniwan na naman nila ako!
"Mga kalokohan talaga nila. Mauuna na kami Kisma," sabat ni Caithy at tumango na lang ako.
"Sunod ka na lang," nakangiti ding sabi ni Rhaine. Si Rhaine naman ay masugid na manliligaw ni Caithy.
"Oo, sige," sagot ko at kaagad ko ng tinungo ang lugar na tinakbuhan ng dalawang kulugo kanina.
Palinga-linga ako at di nagtagal ay may natanaw din akong signage. Sa baba nito ay may hallway. Tumungo ako doon at pumasok sa hallway. Natanaw ko sa dulo ang dalawang signage ulit, tapos ay may ilang taong nakatambay sa labas ng mga pinto.
Nang medyo makalapit na ako ay nakilala ko 'yong isang babaeng nakatayo doon at parang may hinihintay. Pasulyap-sulyap siya sa restroom ng mga boys.
"Ma'am Nikay?" bati ko sa kaniya at napalingon naman siya sa akin. Tumaas lang ang kilay niya at parang pilit akong kinikilala. Siyempre, 'di naman talaga kami pagtutuunang kilalanin ng mga 'yan lalo na at boss namin sila.
"Sorry, sino ka nga ulit?" medyo alanganin niyang tanong.
"Ahm...empleyado po sa isa sa mga restaurant niyo," magalang kong sagot sa kanya.
"Ah, gano'n ba. Helow." Napangiti naman ako nang ngumiti siya sa akin.
"Helow po. Ano pong ginagawa niyo dito?" Bata pa naman siya. Ang alam ko ay nasa high school pa lang pero bilang paggalang ay kailangan kong magpo.
"Ah, hinihintay ko kasi si boyfie eh. Ang bagal-bagal kumilos. Parang gusto ko na ngang pasukin 'yong restroom ng boys. Ano nga pa lang ginagawa mo dito? Dinadalaw mo rin ba ang mga kuya ko?"
"Ah, opo, Ma'am at saka si Cail. Kapatid din siya ng kaibigan namin."
"Ah ganoon ba?" Bahagya namang nanlaki ang kanyang mga mata.
"Let's go." Napatingin naman ako sa matangkad na lalaking lumapit sa kanya at humawak sa kanyang baywang.
"Ang tagal mo naman boyfie, eh. Marami ka bang inihi?!" pasigaw niyang tanong sa kanyang boyfriend.
Ako tuloy ang nahiya kaya naisipan ko ng mag-excuse sa kanila. Medyo natameme pa ako sa pagkakangiti ng kanyang boyfriend sa kanya, 'ni hindi nga sumulyap sa akin.
"Ah, s-sige po, Ma'am. N-Naiihi na rin ako eh." Tumango lang si ma'am Nikay sa akin kaya kaagad ko na silang nilampasan.
"Tara na, boyfie. Kanina pa nga ako nagugutom, eh!" Napangiwi na lang ako dahil hanggang dito sa loob ng restroom ay naririnig ko pa rin ang malakas na boses ni Ma'am Nikay. Pero parang wala lang naman sa kanyang boyfriend na sinisigawan siya ng kanyang girlfriend?
Dahil sa kung ano-anong pumapasok sa utak ko ay hindi ko napansin ang pintong aking pinasukan. Walang tingin-tingin sa paligid na pumasok ako sa isang cubicle dahil sa pagmamadali ko dahil ihing-ihi na talaga ako!
Pagpasok ko ay laking pasasalamat ko dahil malinis ang bowl nila. 'Yong iba kasing restroom ng hospital ay ang dumi-dumi at ang panghi-panghi!
"Loko din 'tong si Kisma ah, puputulan daw tayo eh kung si Andrei na lang kaya ang pinuputulan niya?" Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang tinig ni Bryan.
Sunod kong narinig ay ang pagtawa ni Nash. Wait. Bakit ang lakas ng boses ni Bryan? Parang hindi naman siya sumisigaw ah.
Maya-maya ay may narinig akong pag-flash ng tubig at mga yabag palayo. Baka lumabas na sila.
Segundo lang ang lumipas ay may narinig muli akong mga yabag na tila pumasok sa pinto dahil naririnig ko ang pag-ingit ng pinto at pagbukas-sara nito.
"Did you check the cctv?" Muling nanlaki ang aking mga mata nang makilala ko ang sumunod na tinig. Si Erhwin ba 'yon?
Si Erhwin ay kaibigan din namin na nagtatrabaho sa isa sa mga bar ng mga Delavega at bestfriend din siya ni Cail. Narito din pala siya?
"Yeah, malinaw ang kuha ng cctv. After splitting Estella's body, she effortlessly carried Nick over her shoulder. Then she jumped from the third floor of the ship to the speedboat effortlessly. Tsk. We need to know who that woman is."
Ano bang pinag-uusapan nila? Tumalon mula sa third floor hanggang speedboat?! At karga pa si Sir Nick sa balikat?! Baka si Darna 'yon!
Napansin kong bigla silang nanahimik.
Kumabog ng husto ang aking dibdib at nararamdaman ko ang marahan nilang paghakbang patungo sa cubicle na aking kinaroroonan.
Oh my God! Sa boy's restroom ba ako napunta?!
Nakaupo pa rin ako dito sa bowl at parang gusto ko na lang i-flash ang aking sarili dito! 'Yong puso ko ay tila gusto ng tumalon palabas dahil sa lakas ng kabog nito!
Nangangatal ang aking katawan. Oh my God! Para akong matatae sa kaba!
"Who are you? Get out," maawtoridad na utos ni Erhwin. Dali-dali naman akong humugot ng tissue sa gilid at nagpunas sa aking ibaba. Itinaas ko ng mabilis ang suot kong pants! Oh my God, for pete's sake!
Mabilis akong nag-flash ng bowl pero dahan-dahan ko lang binuksan ang pinto ng cubicle.
Pero agad ko ding nasilip si Erhwin na kaagad napanganga nang ako ay makilala dahil nakatutok din ang kanyang paningin sa pinto ng cubicle.
"Kisma?" gulat niyang tanong. Nag-init ng sobra-sobra ang aking pisngi!
Napatakip ako sa aking mukha ng dalawa kong palad habang naglalakad na ako palabas ng cubicle.
"I'm sorry, 'di ko alam na sa boys' room pala ako nakapasok. Wala akong narinig promise! Pero totoo ba 'yon? Baka si Darna 'yon!" sabi ko habang nakatakip pa rin ang aking mga palad sa aking mukha. Pero sinisilip ko ang daan sa ibaba at hinahanap ko ang daan palabas ng restroom!
"Tsk. Aanga-anga ka na naman," singhal sa akin ni Erhwin.
"Tse! Tao lang! Nagkakamali!" sigaw ko habang ganoon pa rin ang aking posisyon. Alam ko kasing may kasama pa siyang isa. Nakakahiya!
Dahil ganoon nga ang aking ginagawa ay bigla akong bumangga. Napa-alis tuloy ang aking mga kamay sa aking mukha para silipin kung saan ako bumangga.
Huh?
Napatingala ako sa kanya dahil sa tangkad niya. Napamulagat ako nang makita ko na naman siya! 'Yong lalaking sumalo sa akin kanina nang ako ay mapatid! 'Yong G-Ghian din ang name!
Seryoso pa rin ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin. Pero bumaba ang kaniyang paningin sa aking katawan hanggang sa ibaba.
Napalunok ako at napatanga na lang sa kaniya.
"Zipper mo bukas."
Huh? Zipper ko?
Matagal bago naproseso ng aking natutulog na utak ang kanyang sinabi. Napakapa akong bigla sa zipper ng suot kong pants!
Oh my God! Bukas nga!
Siguro ay para na akong sinampal dahil sa init na nararamdaman ng aking magkabilang pisngi ngayon!
Dagli ko itong isinara sa kanyang harapan at pagkatapos ay tumakbo palabas ng restroom!
Oh my God! Nakakahiya talaga! Lupa, lamunin mo na 'ko!