CHAPTER 15: Selos

1146 Words
Kisma's POV Papasok na sana ako sa loob ng aming apartment nang matanaw ko sa dulo ng hallway si Mia na madilim ang mukha. Ano namang nangyari dito? Hahayaan ko na sana at muli na sana akong babaling sa pinto para makapasok na sa loob nang mahagip naman ng aking paningin si Andrei na nasa likuran ni Mia. Oh, my God! Napakapa akong bigla sa aking leeg at nagmadali akong pumasok sa loob. Mabilis kong sinipat sa salamin ang aking leeg. Kaunti na lang at hindi na gaanong halata ang mga chikinini ko sa leeg! Kumuha agad ako ng powder at ibinudbod ko sa aking leeg. Ikinalat ko ito at pinunas-punas para hindi gaanong halata. Pagharap ko sa pinto ay sakto namang pumasok si Mia. "Anong nangyari sa iyo?" "Wala," tipid niyang sagot at dumiretso kaagad sa banyo. Aba, isa 'yong himala. Hinintay ko ang pagpasok ni Andrei pero dumaan na ang ilang minuto ay wala pa ring Andrei ang pumapasok kaya nagtungo na ako sa pinto para silipin kung nasaan na siya. Napatanga ako sa dalawang lalaking magkaharap na ngayon at animo'y nagsusukatan ng tingin at lakas ng bawat isa. Parehong nag-aalab ang kanilang mga mata sa galit. Magkakilala ba sila? Kaya naman tinawag ko na si Andrei bago pa sila magsalpukan d'yan na parang mga manok na pula. "A-Andrei," nautal pa ako sa pagtawag sa kanya. Pansin ko ang pagbaba ng paningin ni Ghian at emosyong bumalatay sa kanyang mukha na hindi ko mapangalanan. Lumingon naman sa akin si Andrei na masama naman ang tingin sa akin. Paniguradong galit na galit siya sa akin ngayon. Pumasok na siya dito sa loob at iniwan si Ghian sa labas na hindi pa rin kumikilos sa kanyang kinatatayuan at bahagya pa itong nakatungo. Tangkang lalapit sa akin si Andrei pero bigla siyang natigilan habang nakatitig sa aking likuran. Napalingon naman ako doon at nakita ko si Mia na masama ang tingin kay Andrei. Dati pa naman ay galit na galit na 'yan si Mia kay Andrei at si Andrei naman, pakiramdam ko ay natatakot din kay Mia. Kaya nga bibihira niya akong ihatid sa apartment namin sa dati naming tinirhan dahil ayaw niyang makita si Mia. Naririndi daw kasi siya sa bunganga nito. "Ahm, p-pasok ka," sabi ko at hindi ko alam kung paano ko siya i-a-approach "S-Sabay ka na sa amin mag-breakfast. Kumain ka na ba?" alok ko sa kaniya at pinaghila ko siya ng upuan sa mesa. Umupo din naman siya habang palinga-linga sa kabuuan ng aming unit. Pag-upo niya ay natanaw ko naman si Ghian sa labas na nakatingin lang sa amin. Hindi ko na pinansin at inasikaso ko na ang paghahayin ng aming pagkain. "Sino nagdala sa inyo dito?" tanong ni Andrei. "Aah, pinalipat kami ni Aling Petra kasi parating na raw ang ate niya na galing ibang bansa at doon daw titira sa inalisan namin," sabi ko habang naglalagay na ako ng mga plato sa table. Napatingala naman siya sa akin. "Nagsisinungaling ka ba sa akin?" Napalingon naman ako sa kaniya dahil sa tono ng kanyang pananalita. "Ha? H-Hindi. Nagkausap kami ni Aling Petra at 'yon ang sinabi niya. Bakit naman ako magsisinungaling?" Tumitig siya sa akin ng taimtim na para bang pilit niyang inaarok ang kaloob-looban ko kung totoo ba ang sinasabi ko. Napalingon naman kami kay Mia na pabarag humila ng upuan sa ilalim ng mesa at saka umupo at nakiharap na rin sa mesa pagkatapos ay tumingin na naman kay Andrei ng masama. Lumingon ako kay Andrei at nakita kong nakatitig din siya kay Mia. Umupo na rin ako at ipinaglagay ko ng kanin at pritong isda si Andrei sa kanyang plato nang biglang tumayo si Mia at lumapit sa pinto. "Pogi, anong ulam mo d'yan? Penge!" tawag niya kay Ghian na nasa balcony pa rin at nag-aayos ng kanyang mga sinampay. Kita ko namang lumingon ito at ngumiti kay Mia. Tarantado 'tong lalaking 'to ah. Kapag kay Mia todo ngiti tapos pag sa akin ang sungit-sungit?! Nakaramdam na naman ako ng inis. Maya-maya ay pumasok si Ghian na may dala ng mangkok. Naamoy ko kaagad ang mabangong ulam na sa tingin ko ay adobong piggy na naman. Bigla na naman tuloy akong natakam. "Pwede bang makikain? Nakalimutan ko pala kasing magsaing eh. Nagugutom na rin ako," kakamot-kamot sa ulo niyang sabi. Nagpapaalam pa lang siya pero umupo na siya kaagad sa tabi ni Mia. "Sige, nakaupo ka na nga eh," sagot naman ni Mia sa kaniya habang napapangiwi. At ang hinayupak naman na Ghian na ito ay natawa pa kay Mia at ginulo ang buhok nito sa ulo! Napalingon naman ako kay Andrei dahil sa lakas ng paghahalo niya ng kanyang kutsara sa kanyang plato at gumagawa ito ng malakas na ingay. Pakiramdam ko ay mababasag ang plato namin sa lakas ng pagtama ng kutsara dito! Pansin ko ring nag-iigting ang kanyang panga pero sa plato lang naman siya nakatutok at sige lang siya sa paghalo. "Ah, A-Andrei k-kumain ka na. N-Nadudurog na ang isda, oh." Para naman siyang natauhan at lumingon sa akin. Napatungo ako dahil 'di ko kayang salubungin ang kanyang mga titig pero nagulat ako nang iumang niya sa aking bibig ang kutsara na may lamang kanin at isda. "Ah.." sabi niya na ang ibig sabihin ay ngumanga ako para tanggapin ang kutsarang puno ng pagkain. Takot talaga ako sa kaniya kaya ngumanga na lang din ako at isinubo niya sa akin ang kutsara na may isda at kanin. "Ang sarap naman nito. Pogi na ang sarap pang magluto, san ka pa? Ganito talaga 'yong gusto ko sa mga lalaki eh. Ma-i-in love ka talaga," magiliw at malakas naman na puri ni Mia kay Ghian. Napalingon naman kami sa kanila at nakita ko ang mabilis na paglingon ni Ghian kay Mia mula sa amin at ngumiti din ng pagkalambing-lambing. "Gusto mo, araw-araw pa kitang ipagluto, eh," malambing niya pang sagot at sinubuan niya rin si Mia. "Talaga?" parang 'di makapaniwalang tanong ni Mia na tinanggap din ang isinubo sa kanya ni Ghian. "Of course, kung gusto mo doon ka na lang din kumain sa bahay para solo tayo." Nagngingitngit ang aking kalooban at para bang gusto kong tirisin ng pinong-pino si Ghian. Nagulat naman ako sa pabarag na pagtayo ni Andrei. "Mauuna na 'ko. Tatawag na lang ako sa iyo," paalam niya at agad na tumungo sa pinto at dire-diretsong lumabas. Ni hindi na siya humalik sa akin na sa araw-araw ay hindi p'wedeng hindi niya gagawin. Tumayo na rin ako dahil nawalan na rin ako ng gana. "Oh, tapos ka na din, Kisma?" tanong ni Ghian pero hindi ko na siya nilingon at hindi sinagot. Pumasok ako sa aking silid at nagkulong. Mabigat ang aking dibdib at hindi ko alam kung para saan. Nagtaka din ako sa ikinilos ni Andrei kanina. Nakakapanibago lang. Para bang may selosang naganap kanina na hindi ko naman maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD