Andrei's POV
The next morning, I immediately went to Kisma's new apartment. Isa pala siyang subdivision, who's the bastard who brought them here?
I saw a guard at the entrance gate of this subdivision. I couldn't just enter so easily, dahil hindi naman ako taga-rito at wala akong maipapakitang i.d. sa kanila, so I waited for a while here on the side. I knew they wouldn't notice me.
A few moments later, a pickup van passed by my side, and I thought it would go inside based on the signal light of the car. Kaya naman mabilis ko itong sinabayan. Hindi naman siguro nila ako mapapansin dahil hindi maingay ang tunog ng aking motorsiklo.
Sinabayan ko ito at huminto sa entrance gate kung saan naroroon ang mga guard. I bent down a bit when the sliding door opened, and the driver handed the card to the guard.
When the inspection was over, ay muli na itong umandar at muli ko ring sinabayan. Nang makalayo na kami ay nilampasan ko na ang pick-up van at pinagtakbo ng mabilis ang aking motorsiklo patungo sa aking sadya.
***
Huminto ako sa isang tindahan nang aking matanaw si Mia na parang bumibili. Ipinark ko na lang sa gilid ng calzada ang aking motor at nilapitan si Mia. Nakatalikod siya sa akin, at hindi pa niya ako napapansin.
"Ate, whisper nga po 'yong may pakpak," sabi niya sa tindera. My forehead furrowed. May pakpak?
Kaagad naman siyang inabutan ng tindera ng kulay violet na supot. Pagka-abot niya ng bayad ay agad na siyang humarap sa akin at nabangga.
"Ay, kabayong may pakpak! Putragis ka Andrei!" napasigaw siya sa gulat at muntik pa kaming magkahalikan. Napansin ko pang nalaglag ang kaniyang biniling whisper na may pakpak sabi niya. I immediately picked it up, but she also grabbed it quickly from my hand.
Matangkad kasi si Mia at halos kalahating dangkal lang ang taas ko sa kaniya. Maputi, maganda at maliit lang ang mukha. Slim ang katawan at medyo mabalakang. P'wede na nga siyang sumali sa modeling, eh. Bakit ko ba napansin ang gunggong na ito?
"Bakit ka ba nanggugulat ha?! Nandito ka na naman! Ano bang ginagawa mo dito? Nakakasawa na 'yang pagmumukha mo! Lumayo-layo ka nga, Andrei! Ang aga-aga nabub'wisit ang araw ko!" Pagtatalak na naman niya habang naglalakad na paalis. Mabilis ko naman siyang sinabayan, kahit nakakarindi ang bunganga niya.
"Bakit kayo lumipat?" I asked her as we walked together.
"Oh, eh ano namang pakialam mo kung lumipat kami?! Bawal ba? Sa'yo ba kami humihingi ng pambayad?! Hindi naman ah! Hindi kami humihingi sa iyo! At saka, paano mo nalaman ito?! Ang galing din ng radar mo eh, no?! Sinusundan mo 'ko, no?! Naku, sinasabi ko na nga ba eh. Umamin ka nga Andrei, crush mo ko, no?! Kunyari ka pang si Kisma eh ako naman talaga!" I'm still really amazed by her even though I always hear that from her. Ang lakas at tibay pa din ng pantasya ng babaeng ito.
While she keeps blubbering, I couldn't help but stare at her mouth. Na hindi ko alam kung saan ipinaglihi. Parang manok na putak ng putak!
Ang sarap lang selyohan. Kapag hindi na talaga ako nakapagpigil, lalamukusin ko na talaga ang bunganga ng babaeng ito eh.
"Ayan! Ayan! Tingnan mo! Nakatitig ka na naman sa labi ko! Oh, di ba? Balak mo kong halikan no?! Naku, Andrei hindi ka magtatagumpay! Sinasabi ko sa'yo, dadaan ka muna sa ibabaw ko bago mo ko mahalik-uhmmnn!!" s**t. Hindi ko na talaga napigilan pa ang sarili ko. I kissed her torridly as I held her soft and smooth cheeks.
Nanigas ang kanyang katawan at kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata habang nakatitig sa aking mukha.
Bigla rin akong natauhan at napabitaw sa kaniya. I stared into her watery eyes. Is she crying? She could no longer speak, and she just turned her back on me.
"Mia!" I called her, pero hindi na niya ako nilingon. The f**k! Ano ba naman Andrei?!
She was the second girl I kissed. Ang lambot ng labi niya. s**t.
***
GHIAN's POV
I just smirked when I saw him kiss Mia. Natanaw ko sila mula dito sa balcony ng third floor.
"Aw!" I groaned in pain when something suddenly hit my head.
I looked behind me and saw her grinding her teeth again, dahil sa panggigigil niya sa akin.
What the f**k is her problem again? Nakakagigil ba ang kag'wapuhan ko?
"Bakit nakasampay 'yang boxer mo dito sa screendoor ko?!" galit niyang sigaw habang idiniduldol niya sa aking mukha ang boxer kong nakasabit sa dulo ng hawak niyang walis-tambo.
"Malay ko. Nilipad lang 'yan ng hangin," masungit kong sagot sabay hiklas sa boxer ko.
"Nilipad ng hangin?! Lahat ng boxer mo, nilipad ng hangin dito sa screendoor ko?!"
***
Kisma's POV
Nakakainis itong lalaking ito, ah! Paano naman nangyari 'yon? Sa lahat ng mga damit niyang nakasampay d'yan sa labas ay tanging mga boxer lang niya ang nilipad ng hangin at dito lahat nasabit sa screendoor ko?? Ginagago, 'ata ako ng lalaking ito, eh!
Pinaghihiklas ko ang kanyang mga boxer na nakasabit sa screendoor ko at ipinagbabato sa kanya! Walang kahirap-hirap naman niya itong sinalong lahat.
"Kapag nakita ko pa 'yang mga 'yan, ihahagis ko na talaga 'yan d'yan sa balcony para wala ka ng mai-suot!" sigaw ko pa rin sa kanya habang dinuduro-duro ko siya ng hawak kong walis. Sa halip na matatapos ako kaagad sa paglilinis ko, eh dinadagdagan pa niya ang mga gawain ko!
"Eh di mas mabuti, wala ng haharang. Makakapasok ako kaagad," pabulong-bulong niyang sabi habang nakatalikod na siya sa akin at doon niya tinutupi sa malapad na railings ng balcony ang kanyang mga boxer.
May mga rehas-rehas ang balcony dito, kaya kahit mga bata ay puwedeng umupo diyan at hindi malalaglag.
"Anong sinabi mo?!" sigaw ko dahil hindi ko gaanong naitindihan ang kanyang ibinubulong-bulong. Parang bubuyog!
"Sabi ko, ang bango ng boxer ko."
"Kadiri ka!"
"Masarap naman."