Chapter 26

1675 Words
Nagising si Cassandra sa umagang iyon na halos hindi makatayo. Ang sakit ng buong katawan niya, para siyang lalagnatin at hilong-hilo pa. Nasapo niya ang sariling ulo. Halatang nalilito sa nagdaang sandali, inaalala kung nasaan siya ngayon o kung nasa kwarto na ba siya. Kinusot pa niya ang mga mata at dahan-dahang tiningnan ang paligid habang ina-adjust ang mata sa liwanag mula sa bintana. "Paano ako nakauwi?" sambit pa niya sa sarili. Mayamaya pa ay agad siyang tumayo at hinanap ang kaniyang sapin sa paa. Nang makita iyon ay paisa-isa niyang hinakbang ang sarili sa direksyon ng banyo. "Ugh, sh*t! Ang sakit ng ulo ko!" sabi pa niya na naupo sa toilet bowl. Napapikit pa siya habang kinakapa ang shower curtain. She wants to take a jacuzzi bath while taking a little nap. Nang ma-turned on ang gripo sa tub ay naghintay siya para mapuno iyon. A little bit longer, she managed to undress herself and went to the tub. Dahan-dahan niyang nilublob ang sarili. Nilagyan niya iyon ng liquid soap kaya medyo mabula ito at may mabangong amoy ng jasmine. "Ah..what a releif." Saad pa niya habang isinandal ang ulo at pumikit. Nasa kalagitnaan siya ang kaniyang pagrerelax nang may kung ano siyang narinig. "Señorita, you'll be late, tara na.." sabi pa ng nabosesan niyang si Alejandro. Napamulat ang mga mata niya nang maalala na hindi pala nakasarado ang pinto ng banyo, nakabukas iyon kaya kung paparito o lalapit si Alejandro aa bandang iyon, ay makikita niya ang kahubaran niya. "Señorita!" dagdag pang tawag ng binata. "Stop!" sigaw pa niya. "Nasaan ka?" "Don't go near me!" "Okey.." Narinig niyang sabi ni Alejandro. "Lumabas ka!" sabi pa ni Cassandra sa binata. Agad naman niyang narinig na lumabas ito kaya kaagad siyang napatayo para kapain ang roba niya. But she forgot that it's not there, nandoon iyon sa kaniyang kama! "Oh dear!" saad niya na dahan-dahang naglakad ng hubo't-hubad. Gusto niyang kunin ang roba niya, lalo pa't labas-masok ang mga tao sa kwarto niya, lalo na 'yang si Alejandro! She hurrily get it in her bed not until someone opened up the door. Umusli ang ulo ng lalaking iyon habang tanaw ang kaniyang kahubaran. "Alejandro!" impit na saad ni Cassandra habang basang-basa habang nakatabon ang dalawang kamay sa kaniyang maseselang parte, hawak na niya ang robe but she didn't wear it totally, sa pangyayaring iyon ay naihulog pa niya ang robe dahil sa kaniyang pagkakataranta. "Back off!" sigaw pa niya sa mukha ni Alejandro na parang natulala sa sandaling iyon. Nakita pa niya itong napangiti sabay pasipol-sipol na umalis. "Wala akong nakita.." pasipol-sipol na sabi ni Alejandro bago pa sinarado ang pinto. "Bastos!" dagdag na sigaw ni Cassandra. "Aaargh! I really hate you!" pahabol niyang sigaw. After that incident, Cassandra ready herself for school, nakasuot siya ng kaniyang pantalon at ang kaniyang blouse na may print na 'Go to hell!', halatang pinapatamaan niya si Alejandro. Pababa na siya sa kusina para mag-almusal. Nakita niya ang lolo niya na agad niyang sinalubong ng yakap at halik. "Good to see you, hija, mabuti na ba ang pakiramdam mo?" ani ng matanda. Tumango siya saka naupo sa tabi nito. "Kumain ka na...baka mahuli ka sa klase." Sabi pa ng matanda na pinagsandok pa siya ng kanin. "Thank you po," tipid niyang saad habang iniiwas ang tingin kay Alejandro na halatang nakangiti habang nagsusubo ng kinakain. Alam niyang siya ang nginingiti-ngiti nito. "Oh s'ya hija, sa makalawa nga pala...may imbitasyon tayo sa bahay ng mga Nunez, doon tayo maghahapunan, hija." Umaliwalas ang mukha ni Cassandra at tila nabigla sa narinig. "Ho?" "I said, we have an invitation, darating na si Jerick sa linggo." Sabi pa ng matanda na siyang ikinaluwang pa ng ngiti niya. Napagawi pa ang tingin niya kay Alejandro na tila tahimik lang na tinapos ang pagkain at tumayo na. "Tapos na po ako, mauna na ako sa garahe," sabi pa ni Alejandro na agad umalis nang marinig ang usapan nila. Cassandra on the other hand, was happy and excited sa narinig. She's been in-love to Jerick, at alam niyang mahal din siya nito. He is the one she loved for almost three years, at kahit pa alam niyang hindi sila nagkalabuan, kung hindi lang dahil sa pamilya nito na gustong kumontrol sa kaniya, and she's not in the right position to oppose for Jerick. "Sige na apo, mauna na ako at kanina pa ako tapos." Sabi pa ng lolo Ejercito niya. Ngumiti lang siya saka pa naiwan sa hapag. Napa-isip siya sa puntong iyon, nalilito siya sa nararamdaman, hindi niya alam kung sino ang mahal niya gayong iba na ang taong nagpapatibok ng puso niya. She sighed. Minabuti niyang ligpitin ang kaniyang pinagkainan at nagtungo sa kaniyang kwarto para ihanda ang sarili. Nang muling paglabas niya'y wala siyang imik na pumunta sa garahe, dala na niya ang kaniyang bag. Nakita niyang nakasakay na si Alejandro sa sasakyan kaya minabuti niyang pumasok na rin. Wala itong kibo, parang bad-trip. "Tara na.." mahinang saad ni Cassandra kay Alejandro. Tahimik lang itong umayon at agad na nag-start ng makina. Wala itong imik habang nasa daan sila. Panay tingin lang din si Cassandra sa labas ng bintana hanggang marating nila ang school. "I gotta go," mahinang saad niya kay Alejandro, isang tipid lang na ngiti ang ginawad ng binata saka agad na umalis. Naiwan si Cassandra na nagtataka sa inaasal ni Alejandro. He seems a different man, parang may problema ito na hindi niya matiyak kung ano. But she remain it in her thoughts, agad siyang naglakad papasok sa school, tiyempo namang nakasabay niya si Luis na bumungad ng masayang ngiti. "Hello, Cassandra. How are you?" magiliw na saad nito sa kaniya. "Hi, I'm good." Aniya saka pa ngumiti. "Nga pala, sabay tayong maglunch, treat ko." Tipid lang siyang ngumiti at umiling. "Thanks, but I have something to do." Ani niya na naunang naglakad sa binata. Iniiwas niya ang sarili rito, alam niyang may pagka-babaero ito, and she must remain distant to Luis. Nang makapasok sa classroom ay nakita niya si Christian, suot ang kaniyang shades na tila mamalimos sa kanto. Nakahilata rin ito sa kaniyang desk na halatang may hang-over pa. Agad niya itong nilapitan at mahinang hinampas. "Girl! Wake up!" aniya sa baklang kaibigan. "Hmmm... Nag-be-beauty rest pa ako!" aniya na nakasdungo sa desk. Hinampas niya ulit ito. "Girl..let's have sneak peek! Umabsent tayo! Libre ko!" aniya na ikinataas ng leeg ni Chris. "Where?" ani ng bakla na gorang-gora ang peg. "Hmm..akala ko nagbe-beauty rest ka?" tudyo pa niya na hinampas pa ang pisngi nito. "Aw, it hurts ha!" sabi pa ni Christian na agad namang ngumiti. "Hoy! Anong pinaplano n'yo? Huwag nga kayong praning! May test tayo mamaya!" saway naman ni Sherly na hinampas ng libro si Christian. "Aw. Ang sakit naman manang! Nasisira ang beauty ko sa inyo!" sabi pa ni Chris na umayos ng upo. "Ganito na lang bess, mamaya, after class, let's have some lunch, treat ko, tapos magwerla-werla tayo sa mall." "Pakopya, girl ha!" irap pa ni Chris kay Sherly. Gan'on din si Cassandra na siniko ang kaibigan. "Share your blessings din!" aniya na ikinasimangot ni Sherly. "Sige na nga, ang kukulit ninyo!" bago pa ngumiti at pinaghahampas silang dalawa. *** Matapos ang apat na oras na klase nila Cassandra ay napagpasyahan nilang gumala. Libre umano ni Christian, kaya bago pa maabutan ni Alejandro, Cassandra decide to jump in with her friends. Nagmamadali naman sina Christian na maipuslit si Cassandra. Nang makalampas sila sa school premisses ay agad na naghiyawan sina Cassandra, Sherly at Christian habang umiindak sa music stereo ng kotse. Get to the club in my taxi cab Everybody's looking at me now Like, "Who's that chick, that's rockin' kicks? She gotta be from out of town" So hard with my girls not around me It's definitely not a Nashville party 'Cause all I see are stilettos I guess I never got the memo My tummy's turnin' and I'm feelin' kinda home sick Too much pressure and I'm nervous That's when the DJ dropped my favorite tune And a Britney song was on And a Britney song was on And a Britney song was on So I put my hands up They're playing my song, the butterflies fly away I'm noddin' my head like, yeah Movin' my hips like, yeah I got my hands up, they're playing my song They know I'm gonna be okay Yeah, it's a party in the U.S.A. Yeah, it's a party in the U.S.A. Naghahand-wave pa sila habang tinatahak ang daan papunta sa kabisera. "Girl, we're here na," sabi pa ni Christian na nag-park ng kaniyang sasakyan sa isang resto. "Girl, chibogs muna tayo, bago tayo mag-happy-happy!" dagdag pa niya. "Okey, tara na.." sabi pa ni Sherly na naiiling sa kabulastugan ng dalawa. Hinila pa siya ni Cassandra na atat na atat pumasok roon. Nang makapasok sila sa resto ay agad silang um-order ng kanilang kakainin. Hawak-hawak nila ang menu book. Nandoon naman ang waiter na nag-aantay sa kanila. "One beef broccoli, a sautee fish fillet and caramel crisp chicken, and a red wine." Saad ni Cassandra gamit ang slang na lengguahe. Napataas lang ng kilay si Christian sa narinig. "Bruha ka, wala akong maintindihan, jusko! Oh, sya, isang pinakbet, monggo sa gata at isang bucket of beer po sa akin." "My god! Ano ba, kakain ba tayo oh tutuma? Unbelievable!" litanya pa ni Sherly na naiiling. "Sige na umorder ka na girl, mamaya ka na maghisterikal, byaheng langit tayong tatlo mamaya." Tumatawang saad ni Christian. "Hmm.. Bahala kayo." Pakipot na saad ni Sherly na halatang natatawa sa dalawa. "Ano po sa'yo, maam?" tanong pa ng waiter kay Sherly. "Uhm..ano na lang, burger, fries at tanduay ice...tatlo," ngisi pa ni Sherly na gogora rin pala sa tagayan. "You're unbelievable raw..." halos sabay na saad nina Cassandra at Christian. Sabay-sabay silang nagtawanan. Alam nilang hindi lang langit ang aabutin nila this time, totoma sila for their achievement. First si Sherly kanina sa test, sumunod si Cassandra at pangatlo si Christian, but over-all credit to Sherly, of course. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD