Chapter 27

1594 Words
Nasa bar corner si Cassandra sa mga oras na iyon, nakadipa siya habang humihilata sa counter. Nakangiti lang siya habang hinihintay sina Christian na sinamahan si Sherly na nandoon sa comfort room dahil nagsusuka. Naihi pa nga ito kanina dahil sa kalasingan, hindi na nila alintana kung anong oras na ang importante'y masaya silang nag-hang out this day. "Hi.." pa-wave pa niyang sabi sa mga ibang customer doon. Wala na siyang hiya habang nakangiti na tila abot-batok. Pasinok-sinok pa siya habang iniinda ang pagkakahilo sa nainom na mga alak. Halo-halo ang nainom niya, mula sa red wine na in-order niya, sa pale pilsen na in-order ni Christian at ang Tanduay ice ni Sherly na nagpa-lala sa amats niya. Mayamaya pa ay may nakita siyang pumasok sa glass door ng resto. Maganda ang mga ito at ang isa nama'y tila buntis. Nakangisi lang siya habang sinisipat ang kabuuan ng mga dumating. Pagkaraan ng oras ay lumapit ang isang babaeng buntis, tumabi ito sa kaniya. "Hi, I'm Cassandra!" bati pa niya sa babaeng iyon, trip lang niyang magpapansin. Naglahad pa siya ng kamay rito. "Venus," tipid na saad ng babae saka pa ngumiti. Sinisipat ni Cassandra ang magandang mukha na parang nakita na niya noon sa eroplano, magkamukha sila ng flight attendant na nasakyan niya noon pauwing Las Vegas. "Bakit?" naitanong ng babaeng mahinhin. Umiling siya. "Malaki na ang tiyan mo..." sabi pa ni Cassandra sa babae. "Oo, kabuwanan ko na kasi." "Okay ka lang ba?" tanong nito sa nag-aalalang boses. "Oo, okay lang. Hinihintay ko na lang ang kasama ko pauwi na rin kami." Mayamaya pa ay may dumating, ang kasamahan ng babaeng buntis. "Ate Venus, ito na ang tubig mo." Sinundan naman ni Cassandra ng tingin ang kamay nito na tila ba may nakita itong hindi maganda. Hindi pa ito na kontento at hinawakan ang palapulsuhan ng babaeng iyon sabay tumayo. Cassandra pinned her eyes to the bracelet. "Where did you get it?" naiinis na tanong niya, saka itinuro ang suot nitong bracelet. Napatingin din ang babaeng iyon sa suot nitong pulseras, halatang nalilito kay Cassandra. "She got it from her fiancè, is that a problem?" sagot ng babaeng nagngangalang Venus, may halong pagtataray ang boses nito kaya nainis si Cassandra nang marinig iyon. "Hindi Ate Venus, galing ito kay Kuya Alejandro–" Hindi nito natapos ang sasabihin dahil dumapo na ang palad ni Cassandra sa pisngi ng babaeng iyon. Namamayani kay Cassandra ang selos at ang isipiritu ng alak. "Ikaw! Ikaw pala ang babae niya? Engaged na pala kayong dalawa ni Alejandro?" madamdaming saad ni Cassandra, she started to burst out in tears. Naghahalo na ang lahat ng iniisip niya. "Nagkakamali ka Cassandra, ang totoo niyan nagkamali ako–" But Cassandra was to pre-occupied, she's literally drunk. "How dare you! Akala ko pa naman sa akin iyan ibibigay ni Alejandro. Nagmukha akong tanga nandahil sa'yo!" garalgal na saad ni Cassandra habang unti-unting bumagsak ang mga luha sa kaniyang mata. She cried while reaching the hair of that bi*ch. "Sa akin lang si Alejandro! Ako lang dapat ang babae niya, e! Wala nang iba!" Umiiyak na saad nito habang sinasabunutan ang babaeng iyon. Pinagtinginan na sila ng mga taong nandoon. "Ano ba! Tama na!" asik ng babaeng iyon kay Cassandra, nagawa nitong kumawala sa pagkakasabunot ni Cassandra sa buhok nito. "At ikaw pa ang matapang ngayon?" umiiyak na saad ni Cassandra rito. "Nagkakamali ka! Hindi ako ang babae ni kuya Alejandro." Ani nito. "Kung ganoon bakit na sa'yo ang bracelet na iyan?" sabi nito sabay turo sa suot na bracelet ng babae, para itong bata sa hitsura nito ngayon, panay tulo ang luha. "Regalo niya lang ito sa birthday ko." Naiiyak na sagot ng babae, namumula pa ang kabilang pisngi nito. "Sinungaling ka!" asik ni Cassandra, saka muling sinugod si Lolita. Mayamaya pa ay nakita pa ni Cassandra na nagsidatingan ang kasamahan niyang sina Christian at Sherly na umaawat na rin sa kanila. "Girl...tama na!" "Cassandra..stop it! Oh my godness!" Iyon ang saad ng mga kasamahan niya na winaksi lang niya, napakalakas niya that time. She's been under the control of liquor, and she's feeling jealous knowing that this girl is now wearing that bracelet...the bracelet she thought that it's for her. "Ahhhh..." gigil na saad niya sa babaeng iyon, hanggang sa maramdaman niyang may humapit sa beywang niya mula sa kaniyang likuran. Agad siya nitong binalibag at binuhat na parang sako ng bigas. Natigilan siya at nanghina, napakalakas ng paghawak nito sa kaniya. "Stop it!" dinig niya sa lalaking iyon. Muli pa niyang inayos ang kaniyang paningin at doo'y nakita niya ang sarili na buhat-buhat na siya ni Alejandro. Pero imbes na matigil ay mas lalo siyang nagwala! "Aaahh! I hate you! I hate you!" sabi pa ni Cassandra habang pinagsusuntok ang matigas at malapad na likod ni Alejandro. Nakasablay siya sa balikat nito na parang isa lamang siyang papel. "Can you just stop provoking me, Cassandra! Nauubos na ang pasensya ko sayo!" Baritonong boses ni Alejandro na agad siyang isinilid sa kotse. Doon siya nito nilagay sa passenger's seat. Nanghina siya sa ginawa nito, animo'y nawalan siya ng lakas sa pagsuntok sa likod nito, na parang wala namang apekto para kay Alejandro. Natanaw pa niyang sumakay si Alejandro sa driver's seat at tiim-bagang na minaniobra ang sasakyan. Ramdam niyang umandar na sila at mabilis nitong pinatakbo ang naturang sasakyan nila. Inabot pa niya ito ulit ng paghampas. "I hate you! I hate you!" pabalik-balik na saad ni Cassandra na noo'y umiiyak na. Humahagulhol ito habang sinasapak at binabatukan si Alejandro na hindi man lang natinag habang hawak ang manibela. "I'm losing my patience..." mababang boses nito na mas binilisan ang pagtakbo ng sasakyan. Cassandra was out of her clue, kung saan siya dadalhin ni Alejandro. Basta't alam niyang kasama siya nito, alam niyang namumuhi siya sa taong kasama niya. Mayamaya pa ay nahinto sila sa lugar na iyon, nasa may kakahoyan sila, walang mga tao roon at walang mga kabahayan, para itong kagubatan na napuntahan nila dati noong nangabayo sila. "Where are you taking me, bastard!" sabi pa ni Cassandra na agad kinuha ni Alejandro at binuhat ulit. Gaya kanina'y binalibag lang siya nito na parang sako ng bigas. "Argh!" gigil na hampas ni Cassandra sa likod ni Alejandro. Tanaw niya ang paghakbang nito sa isang maliit na barung-barong. Yari ito sa kahoy. Natigilan siya at kinabahan, nakita kasi niya ang kabuuan n'on nang makapasok sila. Isa itong lumang bodega na parang pinag-iimbakan ng mga sabsaban. Agad siyang tinapon ni Alejandro sa nakaimbak na sabsabang iyon, natigilan si Cassandra nang makita ang anyo nito. Kahit blurred pa ang paningin niya'y alam niyang naka-tiim bagang lang itong nakatayo roon. She felt scared. Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya suot ang matigas nitong anyo. "Alejandro...anong gagawin mo?" tanong pa niya ng makita itong naghuhubad ng kaniyang damit. Natanaw niya ang makisig nitong katawan. Napalunok siya ng wala sa oras. "I'm trying to be gentle to you, but you keep provoking me..." sabi pa ni Alejandro na mabilis siyang kinuyog at dinakmal ng halik. Halos hindi makagalaw si Cassandra sa pagkakataong iyon, pero mas ayaw niyang matapos ang ginagawa nito sa kaniya. Marahas siya nitong hinila para mapailaliman. She heavily breath and panicked. "Please...please.." ani Cassandra habang hawak siya ni Alejandro sa kaniyang pisngi. "I have just one question, Cassandra. Do you love me?" tanong pa ni Alejandro na noo'y hindi mawari kung galit ba dahil sa kaniyang suot na anyo. "I..." Cassandra stuttered. "Hmm?" Alejandro waited while pinning his eyes inches from her face. "I...love you." She said while releasing her tears. Natigilan si Alejandro sa narinig. Aminadong nagulat at namangha. "I love you, Alejandro. Mahal kita! Minahal na kita! At kaya ko nagawa ang makipag-away dahil nagselos ako sa babaeng iyon! She's wearing my bracelet! The bracelet you gave to me..." "I don't give you, it's not for you, para sa kapatid ko iyon!" Natigilan si Cassandra sa narinig. Halatang nahimasmasan. "So you're telling me that...she is," "Yes! She's my sister! Ang babaeng sinampal at sinugod mo!" Ani nito na pinakawalan ang kaniyang mukha. Dumistansya pa ito at tumayo mula sa sabsabang dinadaganan nila. Narinig pa ni Cassandra ang malalalim nitong buntong-hininga. "I saw you slapping my sister, and I can't even protect her, 'cause she didn't know that I am her brother... and i am afraid that if I protect her, I will lose you." Baritonong boses ni Alejandro na noo'y napatalikod. Sumandal ito sa dingding gamit ang kaniyang dalawang kamay. Mayamaya pa ay agad nitong pinagsusuntok ang dingding, halatang nagpapalabas ng kaniyang sama ng loob. Cassandra was in silent, staring Alejandro in distant. "I'm s-sorry..." sabi pa niya saka yumuko. "Cassandra..." rinig pa niyang sambit mula kay Alejandro. Tumingala si Cassandra at dahan-dahang tumayo. Hinahakbang niya ang sarili sa nakatalikod na lalaki. Nang makalapit siya kay Alejandro ay maagap niya itong niyakap mula sa likuran. "I love you, Alejandro." She said without hesitation. Natigilan si Alejandro at marahang hinarap si Cassandra. "You do?" Ani nito na hinawakan ang mukha ng dalaga. Alejandro cupped Cassandra's little face. Caressing each skin of it, hindi gaya kanina na napakarahas nito. He's now slowly touching Cassandra's body. Kissing her lips so tenderly, and rubbing her skin as if he will taste cloud nine after he'll undress her clothes. "Cassandra.." anas pa ni Alejandro na yakap-yakap ang dalaga. "Take me.." saad pa ni Cassandra sa binata habang yakap-yakap siya nito. Ramdam nila ang isa't-isa, ramdam nila ang bawat kabog at pagpintig ng kanilang taksil na puso. "I'm yours.." Alejandro said in his husky voice. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD