Chapter 25

1529 Words
Pasado alas singko na ng hapon nakauwi sina Cassandra at si Christian. Mga lasing ito kaya laking pagtataka ni manang Anda nang makarating sila. "Oh anong nangyari sa inyo ba't kayo mga lasing?" iyon ang tanong ni manang Anda nang makita ang dalawa. Ngumiti lang si Cassandra saka pa nagsalita. "Manang nasaan po si Alejandro?" gumegewang ang paglalakad nito. "Naku señorita wala po dito si Alejandro dahil may pinuntahan," sabi pa ng matanda. Umismid si Cassandra saka pa inalalayan ni Christian. "Naku manang mauna na po ako kasi mag-gagabi na baka hinahanap na ako sa amin," sabi pa ni Christian sa matanda saka pa ito nagpaalam. "Oh siya sige iho mag-iingat ka,ako na lang ang kakausap ni senyorita Cassandra kapag okay na to," sabi pa ni manang Anda na agad kinuha si Cassandra at mabilis na inalalayan. Dahan-dahang inalalayan ni manang Anda si Cassandra kanyang kwarto. Nang maihiga niya ang dalaga ay nailing na lang ang matanda. "Ano na naman kaya ang problema nito?" Iyon ang tanong ni manang Anda sa dalaga na noo'y walang malay. "Naku,'tong batang 'to, napakapasaway," iling ni manang Anda saka ka kinumutan ang dalaga. Agad naman itong umalis at sinarado ang pinto. Sa kabilang banda. Masayang nakipagsayaw si Alejandro sa mga kababaihan doon sa bahay ni nina Lolita. Nandoon sina Lolita at ang mga kaibigan nito. Ngayon ang kaarawan ni Lolita kaya minabuti ni Alejandro na um-attend doon. Mayamaya pa ay nagsidatingan sina Luis at mga kaibigan nito. "Uy, 'tol, nariyan ka pala!" bati pa ni Luis na agad yumakap kay Alejandro. "Mabuti't nakarating kayo," sabi pa ni Lolita na nakangiti lang. "Siyempre, birthday mo eh," sabi pa ni Luis na kontodo ngiti sa dalaga. Alejandro pinned his eyes to his friend. Napansin agad iyon ni Luis kaya minabuti niyang dumistansya muna. Alam niya ang ibig sabihin ng mga titig ni Alejandro na gusto nitong dumistansya siya kay Lolita, alam nilang ganoon si Alejandro sa kaniyang mga kaibigan, lalo na kay Lolita dahil para na itong kapatid sa kanya. "Okey, fine. Chill..." nakangiting saad pa ni Luis na tinapik pa sa braso si Alejandro. Nang makalayo si Luis ay nagsalita si Alejandro kay Lolita. "Lolita, tanggapin mo ang munting regalo ko," sabay na abot ni Alejandro sa dalaga na agad namang lumawak ang ngiti. "Naku, nag-abala ka pa...naku ang ganda!" bulalas pa nito nang makita ang bracelet. "Wow, may initials mo pa." Ngiti nito. "Akin na, isusuot ko." Sabi pa ni Alejandro na masayang isinuot sa dalaga ang bracelet. Alam niyang kahit sa mumunting regalo man lang ay mailaan niya kay Lolita, malaki ang pagkukulang niya bilang kuya rito, kaya mas mainam na maging kaibigan niya ang sariling kapatid, nang sa gan'on ay makita at makausap niya ito ng walang pag-aalinlangan. "Salamat.." ngiti pa ni Lolita na tila kinikilig sa surpresa ni Alejandro. Tipid na ngiti lang ang neresponde ni Alejandro. "Lolita...hindi na ako magtatagal. Kailangan ko nang umuwi." Paumanhin pa ni Alejandro sa dalaga. "Pero maaga pa naman," hinila pa nito ang braso niya. Ngumiti siya saka hinaplos ang buhok ng dalaga. "I gotta go, I have someone I must care of," ani pa nito na ikinalungkot ng mukha ni Lolita. "Sino? si Don Ejercito?" Umiling siya. "Iyong napapabalita ba'ng apo niya?" mababang boses nito. Mapait pa itong ngumiti. Tumango si Alejandro, rason upang bitawan siya ni Lolita bilang pagtugon na kailangan na talaga niyang umalis. "Bye, happy birthday.." sabi pa ni Alejandro bago hinawakan ang pisngi ni Lolita. Sa pagkakataong iyon, alam niyang may kailangan pa siyang aasikasuhin na isang tao, at iyon ay si Cassandra. He immediately leave the reception and drive his car. Nang makauwi ay nasa balkonahe si manang Anda at iilang trabahante nag-uusap. Nang pumarada siya ng sasakyan at bumaba ay agad siyang binungad nito. "Sir.. Sir Alejandro...mabuti't dumating ka!" sabi pa ni manang Anda sa nababahalang boses. "O bakit po? Ano po ang nangyari?" "Si señorita po, naglasing..." sabi pa ng matanda na nag-aatubiling sabihin sa kaniya ang nangyari. "Ha? Paano siya nakaalis? Hindi ba't iniwan ko siya matapos kami umuwi galing sa eskwelahan?" "Naku, eh kuwan kasi...parang tinawagan yata 'yong kaklase niya, 'yong anak ni Gng. Ferrer." Napabuntung-hininga si Alejandro saka pa minabuting pumanhik sa taas. Agad niyang tinungo ang kwarto ni Cassandra at doon niya nakita ang hitsura nito. Buhaghag ang buhok nito at hindi nakapagpalit, naaamoy niya ang alak sa kaniyang damit. Tulog na tulog ito na parang napagod sa pagsayaw sa kung saang disco bar man ito nanggaling. "Why so silly?" Tanong pa niya sa tulog na dalaga. Nagagalit siya rito, pero imbes na mamayani ang galit ay mas namayani sa puso niya ang awa. Naaawa siya sa dalaga dahil hindi siya nakapag-paalam kanina. He didn't even say a word kung saan man siya pupunta. He felt guilty. Dahan-dahan siyang lumapit at umupo sa gilid nito. Marahan pa niyang hinaplos ang noo ito at winaksi ang iilang hibla ng buhok na tumatabon sa kaniyang mukha. "Don't provoke me, Cassandra. I hate to feel this feeling inside of me, I am afraid I might lose you, I am afraid..i might hurt you..and I am afraid to say...that I love you." Sabi pa niya na napatiim-bagang. "Mali ang ilihim ko sa'yo ang totoo, pero ito lang ang naiisip kong paraan para maging masaya ka...habang hindi ka pa handa. Ayokong kunin ang kaligayan mo, you're too young to understand our fixed-marriage. And I am willing to wait you even it hurts me a lot." Saad pa niya na masuyong dinampian ang noo ni Cassandra. Sa pagkakataong iyon ay dahan-dahan siyang umalis sa kwarto nito. Nang makalabas siya ay sakto namang nakita niya sa hagdanan si ginoong Ejercito, na tila papanhik din sa kwarto ni Cassandra. "Ninong.." bungad pa ni Alejandro. "Magandang gabi hijo." "Good evening po." Mababang boses ni Alejandro na halatang problemado. "Hijo, pwede ba kitang makausap saglit. Sabi pa ni Don Ejercito na sinamahan naman ni Alejandro. Papunta sila sa may balkonahe, sa may bungad ng pintuan. Halatang importante ang sasabihin nito. "Bakit po 'nong?" ani ni Alejandro. "I have something to tell you..." "Ano po 'yon?" "My term is now finished, sa susunod na termino ay hindi na ako pwedeng tumakbo bilang gobernador, naisip ko kung pwede kang tumakbo sa aking liderato, marami ang nakakakilala sa'yo, at marami na rin ang natulungan mo, hijo." Ani pa ng matanda na ikinatahimik lang ni Alejandro. He is aware in public services, but he prefer to least do his job as a public attorney in the city hall. "Pero, nong...hindi ko po kaya ang maging gobernador." He said. "Malaki ang tiwala ko sa'yo, hijo..." sabi pa ni Don Ejercito. Alejandro shake his head. "Hindi po ako sigurado, 'nong. Ang gusto ko lang po ay maging abogado...sa ngayon." Pinal na saad nito sa matanda. Bumuntung-hininga si Don Ejercito at tumango-tango. Animo'y mayroon pang sasabihin na bagay. "Patungkol sa will of testament nila Criselda sa inyo ni Cassandra.." the old man start some discussion. "Opo, bakit po?" Don Ejercito choose to sit in the wooden chair before he released a sigh. "Mayroon lang sana akong sasabihin." "Ano po?" seryosong tanong pabalik ni Alejandro. "My business is in critical condition." Saad pa ni Don Ejercito na matamang tumitig sa mata niya. "What do you mean, ninong?" "Some stockholders decide to sold their shares to other company, and as it went, the company i build is getting worse. Malaki ang nawala sa percent 'nong nakaraang buwan, kaya nagpatawag ako ng meeting sa mga pwedeng maging alliance ko, but they're afraid they'll not profit from their shares, so no one agreed my proposal." Sabi pa nito na mababang boses. "Iyon po pa ang rason kung bakit nagiging abala kayo noong nakaraang araw?" Sabi pa niya na lumapit sa matanda. "Hindi ko gustong maging sagabal sa plano ng aking anak para sa inyong dalawa ni Cassandra. Pero hijo, kailangan ko ang tulong mo." "Paano ko po kayo matutulungan?" "Hijo, I might sound rude...but I need to cancel your wedding with my apo." Natigilan si Alejandro sa narinig. Hindi niya ito ma-sink in, at halatang nagulat sa sinabi ng matanda. "Maaari ba hijo? Payag ka bang maikasal si Cassandra sa iba? Alam kung napipilitan ka lang naman sa kagustuhan ng namayapa kung anak, I am not saying to argue, pero alam kong mayroon kang sariling desisyon, Alejandro. Isa kang Guerrero. Hindi kita pipigilan kung may naisin kang babae, kung may minamahal ka, huwag mo nang pakawalan pa. Cassandra is too young to have arranged-marriage, besides, hindi pa naman niya alam ang napagkasunduan ng mga magulang ninyo, hindi ba?" Nanatili siyang tikom na ang bibig. He is shocked as he heard those words. "Ano pong plano ninyo?" pabalik na saad ni Alejandro sa matanda. "I want to ask Don Calixto Nunez to associate me about this matter, and I heard that his son, Jerick, is Cassandra's boyfriend." Sabi pa ni Don Ejercito sa kaniya. Nanatili siyang tahimik, hindi siya nagpakita ng kung anong damdamin, he is calming himself not to react anything. Alam niyang tama ang sinabi ng matanda, and he also wants Cassandra to be happy. He will do everything to make things right for her. At ito ang tama. He sighed. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD