Chapter 16

1323 Words
Hawak ni Alejandro ang basong may lamang alak. Nasa balkonahe siya ng kaniyang kwarto. Iniisip niya ang nagdaang sandali, ang sandali kung saan minabuti niyang iwaksi ang katotohanan kay Cassandra. Marahan niyang kinuha ang papel mula sa kaniyang bulsa at doo'y binasa ito, gamit lang ang kaniyang paningin. Iyon ang kasunduan ng kaniyang pamilya noon at ng mama't papa ni Cassandra na nga Monteverde. Bilang nag-iisang anak at apo ng Monteverde, ipinagkasundo sila ng mga magulang nila simula pa noon. Hindi iyon lingid sa kaniya, kaya nang dumating ang takdang panahon, he was still unprepared on what to do. Nakalagay doon na sa edad na bente singko ay dapat na niyang pakasalan si Cassandra ngunit mayroon pang dalawang taon ang bubunuin niya para gawin iyon. He finally drink his glass and stay in silence. Nakikiramdam siya sa hangin mula sa malawak na bintana doon. Tanaw niya ang madilim na kalangitan na tila nagbabadya ang ulan. Bumuntung-hininga siya saka pa binaba ang baso sa may kalapit na lamesa. Muli niyang tinupi ang sulat ng mga Monteverde sa kaniya, bago pa noong may mangyaring hindi maganda sa kanila't nadisgrasya. Kuyom ang kamao niya habang inaalala ang mukha ng dalaga. Masakit na makita itong umiiyak. "Damn it!" Litanya pa niya saka pa sinutok ang hangin. Napahimalos siya sa sariling mukha at sumandal sa pader. Alam niyang mali siya, at pinagsisisihan niya iyon. Minabuti niyang puntahan si Cassandra para sana kausapin pero baka natutulog na ito. Nag-aatubili siyang katukin ang pinto nito, kaya't nagbabakasakali siyang baka bukas ang pinto nito. Dahan-dahan niyang binuksan ang siradora at doo'y nabuksan ang pintuan. Dahan-dahan siyang pumanhik papasok sa silid at marahang tinungo ang kama ng dalaga. Mahimbing itong natutulog. Tanaw pa niyang namumugto ang mga mata nito, gawa ng pag-iyak. "I'm sorry." Mahinang anas niya sa dalaga. Parang sinasaksak ng kutsilyo ang puso niya nang makita ang mga tissue na nagkalat doon. Sa bandang unan ni Cassandra ay may nakita siyang notebook, dahan-dahan niya itong kinuha at doo'y binasa ang lahat ng nakasulat. Mula sa mga mumunting quotes, mga listahan ng kung anong lutuin, mga notes o address ng kung sino, at ang huling pahina na nakalagay ang pangalan niya. Even your loved one will betray you, even your loved one will left you broken and destroyed! Iyon ang nakasulat doon. Nakisimpatiya siya sa nararamdaman ni Cassandra, normal lang ang magkaroon ng infatuation, at alam niyang iyon ang nararamdaman ni Cassandra sa ngayon, masyado pa itong bata para maintindihan ang kanilang sitwasyon. Ang sitwasyon kung saan pumapagitan ang isang kasunduan sa kanilang dalawa. "Sleep..ms. stress, tomorrow will be another day to smile..i'm sorry if I made you cry." Sabi pa ni Alejandro na mabilis na umalis. Kinumutan pa niya si Cassandra bago umalis. Kinabukasan. Iyon ang unang araw ni Cassandra sa PCCU, ang unang araw ng eskwela niya. On her first day, minabuti niyang suotin ang kaniyang dress na abot hanggang tuhod ang haba na may kulay luntian at puting guhit. Nilagyan niya ito ng kaniyang maong na jacket na may dekorasyon sa likod na beads at sequence. Pinili rin niya ang kaniyang flat sketchers na kulay puti. Nag-back pack siya ng kulay itim na may desinyong hugis oblong. Handa na siya sa kaniyang unang araw kaya maaga siyang nagising at nag-prepare. Nang matapos sa pag-aayos ay lumabas siya sa kaniyang kwarto at doon dumiretso sa kusina. Nabungaran niya si manang Anda na abala sa pag-prepare ng kung ano. "Good morning po," bati pa ni Cassandra sa ginang. "Ay, naku. Good morning po señorita, heto po, at ginagawa ko na ang agahan po ninyo." Sabi pa ng ginang na ikinangiti niya. "Uy, wow, nakuha mo yata ang recipe ko manang, ang galing naman." Sabi pa niya sa ginang. Ngumiti ito at nagsalita. "Nga po eh, mabuti na lang at binigyan ako ni sir Alejandro ng mga gagawin, ang totoo nga'y sinulat ko ang instruction na sinabi niya." Nagtaka siya sa narinig. Kuha kasi ni manang Anda ang style ng pag-prepare niya sa garlic loaf na may beans. "Gan'on po ba, sige ho..salamat po." Saad ni Cassandra na agad umupo sa may mahabang lamesa. Nilapag doon ni manang ang pagkain at inumin niya. "Nga pala, señorita, sabi ni sir Alejandro, maghahanda lang po siya after 15 minutes po ay ihahatid ka na niya sa school." Sabi pa ni manang na agad namang umalis. Napasipat siya sa kaniyang suot na wrist watch. Alas singko y medya pa lang ng umaga. Nasa alas syete pa ang unang oras ng klase niya. Kaya nga maaga siyang nagising ngayon dahil balak niyang maglakad papuntang bayan. Kaya naman niyang maglakad ng kilo-kilometro, lalo pa't nasanay na siya sa Las Vegas lalo pa't rush hour madalas ang area ng condo niya noon. Nayayamot siyang nagtype sa kaniyang phone, medyo may signal sa bandang kusina kaya minabuti niyang i-message ang kaniyang dating kasintahan, si Jerick. How's San Fransisco? I guess you're better without me. Iyon ang tinipa niya saka pa pinindot ang send button. Matapos i-send ay nilantakan niya ang pagkain at madaling inubos iyon, dapat na siyang lumakad para hindi na siya maabutan ni Alejandro. Halos five minutes lang yata ang tinagal niya sa kusina at noo'y nagpaalam na aalis na. "Pero señorita, teka ho!" Tawag pa ni manang Anda sa kaniya pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad paalis sa mansion. Dumaan siya sa likod at doo'y nakasalubong si Kulas. "Uy, kuya, teka po." "Senorita, magandang umaga po." Bati pa ni Kulas. "Kuya, may kilala ka bang pwedeng mahiraman ng bisikleta," ngiti niyang sabi. "Ah, eh, mayroon naman po, bakit po? Hindi ba kayo ihahatid ni Alejandro?" Umiling siya. "Gusto kong magbisekleta." Sabi pa niya. Nakita pa ni Cassandra ang pagkamot sa ulo ni Kulas na tila atrasadong magpahiram ng bisekleta. "Sige ho, teka lang, señorita." Saad pa nito na may pinuntahan sa kung saan. Matapos ay bumalik itong may dalang bisekleta, 'yong parang nasa lovers in Paris na istilo, may basket sa harapan at may upuan sa likod. "Ito ho, sa kapatid ko po ito, kay Teresa. Gamitin n'yo po muna." Sabi nito, agad naman siyang nagpasalamat at dali-daling umalis. "Salamat!" aniya na agad tinungo ang daan. Kumaway pa siya sa lalaki, gayundin ito. Nang makalayo na siya'y nakadama siya ng kaginhawaan. Kaginhawaan na nakaalis siya ng walang asungot na kasama. Ngumiti pa siya saka pinadyak ang pedal ng kaniyang bisekleta. Pasipol-sipol pa siya nang biglang may bumusina sa kaniya. Tumirik ang mata niya saka pa nayayamot na lingonin ang kung sinong hudyo sa kaniyang likuran. "Hey, balak mo bang iwan ako?" sabi pa ni Alejandro na dinikitan ang pag-bike niya. She rolled her eyes and try to play deadma. "Hey, señorita, mangingitim ka n'yan!" Alejandro said but she still pressed the pedal of her bicycle. "Señorita, tara na...ihahatid kita." Pero hindi siya nakinig. "Señorita, alam mo ba kung saan ang daan na tinatahak mo?" rinig pa niyang tumawa ito. But she play dead deaf! "Kung ako sa'yo, sumakay ka na sa sasakyan, papuntang sementeryo 'yang daan na tinatahak mo, mag-isa ka pa naman!" tawa pa ni Alejandro na siyang rason upang mag-break ang bisekleta niya. Nilingon niya ang bakulaw na hudyo saka pa nagmaktol na tumayo sa inuupuang bisekleta. Sakto namang may paglalagyan ang sasakyan ni Alejandro dahil naka Estrada ito. Lumabas ito ng sasakyan at kinuha ang bisikleta at nilagay sa likod. Nanatili siyang nakatayo na tila napansin ni Alejandro. "Tara na, señorita." Alejandro said without opening the door. She play silent as if she is mute. Nanatili si Alejandro sa harapan niya na hindi mahulaan ang gusto niyang mangyari. Kaya nagsalita siya. "Pagbuksan mo ako!" gigil na saad niya sa bakulaw na kaharap niya. Napapangiti naman si Alejandro sa inaasal niya. At madaling pinagbuksan siya ng pinto. "After you," tudyo pa ni Alejandro na pinipigilang hindi matawa sa paandar niya. Nang makapasok sa sasakyan ang binata ay nagmando ulit si Cassandra. "Drive...carefully!" sabi pa nito na nag-iwas ng tingin at nanatiling tahimik. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD