Chapter 15

1328 Words
Sabay-sabay na kumain ang mga magsasaka, masayang-masaya ito sa dalang sinigang ni Cassandra, gayundin si Alejandro na hindi maalis ang paningin sa dalaga. Naka-kamay siya habang kaharap si Cassandra. Paminsan-minsang nagku-krus ang mga mata nila, animo'y hinuhuli ni Alejandro ang bawat sipat ni Cassandra. "Ang sarap ho ng ulam na dala ninyo, señorita." Anang isang magsasaka na maganang kumakain. "Opo, salamat po, señorita!" dagdag pa ng isa. "Maraming salamat po, masaya akong nagustuhan ninyo ang luto ko," saad pa ni Cassandra na iniiwasan ang mata ni Alejandro. "Señorita, siguro'y mauna na ho ako, kasi'y mag-aasikaso pa ako para mamaya." Ani manang Anda na naunang tumayo. Katabi nito si Kulas na naghihintay lang. "Pero, hindi pa ho sila tapos.." sabi pa ni Cassandra. "Sige manang, mauna na ho kayo, ako na po ang bahala kay señorita," ani Alejandro kay manang Anda. Nilingon siya ni Cassandra na tila nasisiyahan sa narinig. "O sya, sige sir, mauna na kami. Tara na Kulas!" sabi pa ni manang Anda na hinatak si Kulas. "Bye, Alejandro! Bye po señorita!" kaway pa ni Kulas na abot-taenga pa ang ngiti. Mayamaya pa ay nagtulungan ang mga magsasaka na magligpit, isinilid nila lahat sa bayong ang mga tupperware at noo'y bumalik sa kanilang pagtitipon. "Tatapusin ko lang 'to, señorita ha." Ani Alejandro na agad tumayo para dugtungan ang kanilang tinatalakay na isyu. Nanatiling naka-upo si Cassandra sa bangko at nakinig lang sa nakatayong si Alejandro. Tinatalakay nito ang mga reporma at mga batas ng sakahan, ipinapahayag din nito ang mga karapatan ng magsasaka. "Nakasulat sa batas ng pangsakahan na dapat igalang ng estado ang mga karapatan ng maliliit na may-ari ng lupa sa pagtatakda ng mga retensyon limit. Dapat ding maglaan ang estado ng mga insentibo para sa boluntaryong pagbabahagi ng lupa. Lalo pa't matagal na ang mga nagsasaka sa naturang lupain." Sabi pa nito na binaba ang papel at nagsalita ulit. "Dito po natin isasangguni na mahigit dalawang dekada na po kayo sa lupain ng mga Binitez," saad pa nito na sinipat ang gawi ni Cassandra. "Look at señorita Cassandra, isang Monteverde na naging rason kung bakit naibigay ang apat na hektaryang lupain sa San Luisita, iyon ang ginawa nila Don Ejercito sa sitio Pagaspas, sa may timog, hindi ba't naibigay iyon sa mga magtutuba ng niyogan?" sabi pa ni Alejandro. "Ay, oo naalala po namin 'yan." Halos sabay na sabi ng mga magsasaka. Patango-tango pa si Cassandra bagama't hindi alam ang sinasabi ng mga ito. "Iyon ang batas na sinunod ng mga Monteverde, kaya sa sitwasyon ninyo dito sa sitio Manolo, kailangan nating pagtulungan na maibigay ng mga Binitez ang kabayaran ng pagsasaka ninyo." Dagdag pa ni Alejandro na ikinamangha ni Cassandra. Hindi niya alam ang pinagsasabi nito. But she managed to smile as if alam niya ang nangyayari. Lumapit pa si Alejandro sa kinauupuan niya at kinuha ang kamy niya. "Siguro'y dito na lang muna ang pag-uusapan natin, hihintayin ko ang mga papeles na kinakailangan," ani nito habang hawak-hawak ang kamay niya papuntang gitna. "Maraming salamat, Alejandro ha. Malaki ang utang na loob namin sa'yo," ani pa ng medyo may katandaang lalaki na naging lider ng samahan. "Wala pong anuman, tinatanaw ko lang din sa mga Monteverde ang utang na loob, kaya't binabalik ko rin sa iba na makatulong." Saad pa ni Alejandro na tanaw ang mukha ni Cassandra. "Maraming salamat po, señorita." Halos sabay na sambit ng mga taong nandoon. Mayamaya pa ay nagsialisan na ang mga ito, kaya't ang naiwan na lamang ay silang dalawa. Naupo muna sa bangko si Alejandro at tiningnan siya. "Ba't ka nagpunta dito?" ulit na sambit ni Alejandro. Nakakibit balikat ito. Naupo rin si Cassandra sa bangko na kaharap nito. "Nothing...I just want to.." "What? Hindi ba't nasa hospital ka?" Tumango siya. "So you must rest your self, hindi ka dapat nagpapagod!" tunog utos iyon pero hindi alam ni Cassandra bakit tila haplos iyon sa puso niya. "Eh gusto kong makita ka!" hindi naitago ni Cassandra ang damdamin. "What?" sabi pa ni Alejandro saka pa tumayo at nilapitan siya. Nanatiling tikom ang bibig ni Cassandra. "Ulitin mo nga ang sinabi mo?" She didn't respond. "I said, say it." "Gusto kong makita ka!" tumayo pa siya saka inabot ng suntok ang dibdib ni Alejandro. "And why you want to see me?" kunot-noong saad ni Alejandro. "Kasi nga mahal na kita!" sabi pa ni Cassandra na natutop ang bibig. "What?" he hissed and smirk, 'yong parang sinadyang tudyuin siya. "Nothing!" sabi pa ni Cassandra na agad tumalikod pero agad naman itong nahapit ni Alejandro. Nang mahawakan ni Alejandro ang beywang niya'y agad siya nitong pinaharap at doo'y dali-daling hinalikan. He cupped her face using his rough palms. Halos magkandabuhol-buhol ang hininga nila lalo pa't dahil masuyong inangkin ito ni Alejandro. Halatang ayaw nitong palagpasin ang bawat sigundo. Ninanamnam nito ang bawat sulok ng kaniyang bibig. Bawat pagkibot n'on ay ang pagsukli naman ni Cassandra na noo'y napapikit dahil sa nararamdamang saya. Wala siyang nagawa kundi ang magpasakop sa malapad na bisig ng binata at magpatangay sa halik nito. "Maybe after this kiss, maaalala mong may isang barumbadong humalik sa'yo," sabi pa ni Alejandro kay Cassandra na naiwang nakaawang ang bibig. Naghahabol pa ito ng hininga na tila natulala sa ginawa ng binata. "You must stay away from me!" saad ni Alejandro kay Cassandra. "Pero bakit?" Habol pa ni Cassandra kay Alejandro na nagmartsa papalayo. Muli itong tumigil at lumingon. "Masasaktan ka lang..." sabi pa ni Alejandro suot ang seryosong boses. "But you said you'll gonna protect me?" naiiyak na saad ni Cassandra. Hindi niya maintindihan si Alejandro, akala niya'y makabubuting sabihin niya ang kaniyang nararamdaman para malaman nito ang pag-ibig niya para sa kaniya. But it seems wrong. Tanaw niya ang pagtiim-bagang nito. "Yes, I can protect you, but, I might hurt you too..." sabi pa ni Alejandro na tila nahihirapan sa sinasabi. "Bakit, hindi ba't ikakasal tayo? Hindi ba ikaw ang lalaking para sa akin?" sabi pa ni Cassandra na tila nalilito. Napahawak sa sariling mukha si Alejandro at natatawa sa narinig. "No," tipid na saad nito saka pa nagsalita ulit. "I am not the right man for you," sabi pa ni Alejandro habang titig na titig sa mukha ni Cassandra. "But..." hindi iyon natuloy ni Cassandra dahil agad itong tumakbo papunta sa sasakyan ni Alejandro. Halatang dismayado sa nalaman. Naiwang nakatingala si Alejandro sa kalangitan, napabuga siya ng mabigat na hangin at nasuklay ang sariling buhok. Nang masundan si Cassandra ay nakasakay na ito sa loob ng kotse niya. Tahimik lang at halatang nagpunas ng mumunting luha dahil sa nagkalat na tissue sa dashboard. Nang makasakay siya ay nagsalita ito. "Just drive!" matigas na sambit nito na tila offended at upset. Hindi siya umimik at agad na binuksan ang makina. Tahimik lang sila sa daan pabalik sa mansyon ng Monteverde at nang makababa sila'y walang lingon-lingon si Cassandra kay Alejandro. Maybe she felt betrayed and deceived when she confessed to Alejandro, lalo pa't tinanggihan iyon ng binata. Nang makapunta sa kwarto niya si Cassandra ay agad itong lumundag sa kaniyang kama at doo'y binuhos ang kaniyang pinipigilang pag-iyak. Never in her entire life na na-offend siya sa isang lalaki. Honestly, hindi niya naranasan na mag-confess sa isang lalaki, dahil lahat naman ng naging boyfriend niya ay ang mismong nagpapakita ng motibo sa kaniya. She taught that her move toward Alejandro will be the same as what she taught, pero iba ang nangyari sa inaakala niya. It's her first heart break. Yes, her first broken heart. "Pagbabayaran mo 'to, Alejandro! I really hate you!" saad pa ni Cassandra na tila desidido sa sinasabi. Nagpunas siya ng luha at agad na kinuha ang kaniyang diary. Isusulat niya ang lahat ng mga nais at mga pangyayari sa buhay niya. Mas mainam ito kaysa sa magtiwala sa kaniyang paligid. Even your loved one will betray you! Iyon ang sinulat niya sa diary niya. I will be better now! Saad pa ni Cassandra saka pa pinunasan ang luha sa kaniyang mata. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD