Chapter 17

1232 Words
When Alejandro pull off the car, Cassandra immediately open the door and left nothing even a goodbye. Tuloy-tuloy lang si Cassandra sa paglalakad, she don't care if ano ang iisipin ni Alejandro, besides, he is just her driver. Nagmamadaling naglakad si Cassandra when she passed the corridor and check some students na gaya niya'y maaga ring pumasok. Nilinga niya ang left wing ng building at doon nakita ang psychology department bulletin board, nakasulat doon ang mga schedules, mga rooms at mga gurong naka-assign. "PFIV, Psychology Fundamentals.." sabi pa niya saka tinuro ang nakasulat. "Mr. Erickson Nunez," bulalas pa niya saka tinakpan ang sariling bibig. Hindi siya nagkakamali sa binasa. Kung totoo man ang iyon, magiging guro niya ang kapatid ni Jerick, ang kaniyang ex-boyfriend. How come nandito si kuya Erick? Iyon ang tanong niya sa sarili. So bago pa siya manghula ay agad niyang tinungo ang classroom na papasukan niya. She was a bit nervous, lalo pa't malapit siya sa mga kapatid ng kaniyang ex. Nang makapasok na siya sa classroom ay agad niyang nilinga ang mga bakanteng upuan. Marami-rami na ang nandoon, nasa bente mahigit lahat ang estudyante sa kwartong iyon, so Cassandra decide to sit in the left corner na malapit sa may bintana. Dahan-dahan niyang nilapag ang backpack at nilinga ang paningin. May katabi siya, isang babaeng kulot ang buhok. Medyo morena ito at naka-eyeglass, 'yong masasabing nerd type. She remain silent, nagbabakasakaling mayroong makipagkaibigan sa kaniya. Mayamaya ay nag-abot ng kamay ang katabi niya. "Hi, I'm Sherly," sabi pa nito. Agad naman niyang kinuha ito. "Hello, I'm Cassandra," tipid na balik niya sa katabi niya. "Bago ka rito?" ani ni Sherly. Tumango siya. "Kaya pala, ngayon lang kita nakita, ano nga ang apilyido mo?" "Monteverde." Tipid na saad niya. "Hala! Kaanu-ano mo si Gov?" "Lolo ko." Ngumiti pa siya. "Hala, nakakahiya naman,"kemeng ngiti ni Sherly na halatang na-awkward sa pagpapakilala niya. "Bakit ka naman mahihiya?" she smiled. Umiling si Sherly. "Isang opurtunidad 'to para sa akin, na makilala ang kaisa-isang apo ni Gov. Alam mo Cassandra, isa ako sa mga scholar ng lolo mo, kaya malaki ang utang na loob namin sa inyo." Sabi pa ni Sherly na ngumiti na rin. Maganda ito, pilipinang-pilipina at halatang purong pinoy ang ganda. "I think we can be friends," sabi pa niya saka pa ngumiti. Hanggang may sumingit din na isang kaklase nila. "Hello, I'm Cristian, but you can call me Crissy," nakangiting saad ng isang lalaki..este isang medyo malambot na lalaki, he is a free-spirit guy na halatang bading, pero he remain manly in his shirt and pants na napaka-neat tingnan. "Hi, kamusta, nice meeting you, I'm Cassandra.." sabi pa ni Cassandra na nakipag-kamay din kay Crissy. "I heard your discussion, ikaw pala ang apo ni Gov?" echos pa ni Crissy na nag-albakwatro pa ng binti at umusog ng upuan sa kanila. Napapangiti si Cassandra habang nakikinig sa mga kwento ng mga naging bagong kaibigan niya, nang biglang may pumasok at madaling nagpabalik sa katahimikan ng kwarto. "Good morning!" baritonong boses ng lalaking pumasok, matipuno ang katawan nito na halatang ex-military. "Good morning sir Eric!" sabi pa ng kabuuan ng madla na nagpabalik sa diwa ni Cassandra. Nahihiya siyang nag-angat ng ulo at nanatiling tahimik habang abalang inuusisa ni sir Eric ang mga listahan ng estudyante. Tanaw pa ni Cassandra ang pagguhit ng ngiti sa labi nito, siguro'y nabasa nito ang pangalan niya. Saka pa ito luminga-linga na tila hinahanap siya. At nang mahagip ng paningin nito ang direksyon niya'y mas lumawak ang ngiti nito sa kaniya. "So, let's start our class, first I want to know each of you, so, as the first day routine, let's get to know each other. Come in front and tell us yourself...starting on the last seat in the left corner." Turo pa ni Eric sa gawi ni Cassandra na siyang nasa dulo. Napapikit si Cassandra sa narinig. Pahamak ka talaga kuya Eric! Sabi pa ni Cassandra na dahan-dahang tumayo sa at naglakad sa harapan. Nang makalapit ito sa harap ay ngumiti si sir Eric at nagsalita. "So you're here, it's nice to meet you again, K." Ani nito na hawak ang mga papel na tila information sheet nilang lahat. Nang makatayo siya ay humugot muna siya ng isang malalim na buntung-hininga. She hold her own hands and start to talk. "Hello, I am Cassandra Monteverde, twenty-three years old, a transferee student from Oxford Las Vegas, College, a psychology student specialized in behaviour and metal illness." Sabi pa niya saka nag-pause at tila hinihintay na paalisin na siya sa harap, but Mr. Eric quote some questions. "So, Ms. Monteverde, tell us your self, so we can figure your psychological rate," sabi pa nito na tila sinusukat ang kaalaman niya. "Psychology means different in any ways, for me, it is how I understand not just anyone but also my myself, I am terrible in observation, I do lapses, I am not good in activities, I do lies, I mess, I'm not balance, I have phobias, well I think everybody does, and I agree that everyone of us has it's questions to themselves, and that's why we need an answer, sometimes... being alone is the way to be yourself...and that's what psychology means to me." Sabi pa niya saka pa tinapos ang pagpapakilala sa lahat, madali siyang naupo sa silya niya at nahihiya sa mga pinagsasabi niya. "Very well said, you impress me again, Cassandra." Sabi pa ni Mr. Eric na pumalakpak pa. Nagsipalakpakan din ang mga kaklase niya saka pa nagpatuloy sa pagtawag sa ibang students. "Girl, ang galing mo pala, I think ikaw ang magiging valedectorian." Sabi pa ni Christian sa kaniya. Ngumiti lang siya saka pa naupo nang maayos. She consume herself in silence, naki-obserba lang siya sa mga pangyayari sa room hanggang sa tumunog ang bell, na tanda ng class has been ended. Nang makalabas na si Cassandra ay agad siyang tinawag at hinabol ni Mr. Eric. "Cassandra!" tawag pa ng guro sa kaniya. Agad niya itong nilingon. "Kuya..." mahinang sambit niya nang makalapit ito. Magkaharap sila ngayon habang nag-uusap. Sinabi ni Mr. Eric na masaya umano itong makita siya. Sinabi rin nitong pupunta umano sa San Luisita si Jerick sa susunod na buwan, masaya raw itong namumuno sa kanilang kompanya sa manila, and the reason why he is teaching in that school is, mayroon palang lupain ang mga Nunez doon na minana pa nila sa kanilang lolo. "Siguro'y pwede kitang mag-lunch mamaya? Treat ko, alam mo namang parang kapatid na rin ang turing ko sa'yo." Ngiti pa ni Mr. Eric kay Cassandra. "Sige po kuya," paunlak naman ni Cassandra. Matapos mag-usap ay niyakap siya nito saka pa umalis para sa susunod na klase. *** Sa bandang parking lot, tanaw ni Alejandro ang anyo ni Cassandra na tila may kausap na lalaki. Nakatalikod ang lalaki sa banda niya kaya hindi niya ito makita. Nakaupo siya sa upuan ng kaniyang sasakyan na tila nababalisa at gustong sugurin kung sinuman ang lalaking iyon. Kuyom ang kamao niya habang gigil na pinipigilan ang sarili. "Fu*k off!" saad pa niya na iritable sa distansyang iyon. Mayamaya pa ay nakita niyang yumakap ito kay Cassandra na rason upang mapabusina siya. "Sh*t! God damn it! Fu*k off!" Sabi pa niya, hanggang makitang umalis na ito at doo'y nakita ang mukha ng lalaki. Kilala niya ito. "Fu*k you Erickson!" sabi pa ni Alejandro na may binabalak sa lalaki. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD