Chapter 10

1624 Words
Walang imik sina Alejandro at Cassandra habang nagmamaneho, papunta sila sa rancho ng mga Guerrero, may kukunin lang umano itong importanteng papeles. "We're here," sabi pa ni Alejandro na agad nag-park sa gilid ng isang bahay. Malawak ang lupain nila, matatanaw rin ang isang kwadra ng kabayo at isang barn house sa gilid. Nang makababa sina Alejandro at Cassandra ay agad na nilibot ni Cassandra ang paningin. Simpleng cabin house ang tahanan nila Alejandro, malawak ang balkonahe nito at yari ito sa purong kahoy na halatang matitibay. Malapit ito sa isang ilog at natatanaw din ni Cassandra ang mga halamang nakahilera sa palibot ng bahay. "Ang ganda ng bahay ninyo," saad pa ni Cassandra kay Alejandro habang naglalakad papanhik sa balkonahe. May dalawang awang ng hagdanan iyon bago makapasok sa pintuan ng bahay. "Suit yourself." Sabi pa ni Alejandro na nilahad ang papasok na daan. Nang makapasok sila sa bahay ay may nakita silang dalaga, parang hindi nalalayo ang edad nito kay Cassandra. "Kuya!" tili pa ni Ada papunta sa kuya Alejandro niya. Agad niya itong niyakap at hinalikan sa pisngi. "Ada, meet your ate Cassandra, ninong Ejercito' grand daughter." Ani ni Alejandro na naghubad ng sapatos at nagpalit ng pambahay na sapin sa paa. "Hi ate! Kamusta po! I'm Adaliza Guerrero, you can call me Ada for short." Magiliw na pakilala ng dalaga sa kaniya. Nag-abot pa ito ng kamay na halatang inaantay ang pag-shake hands niya. She immediately take it, and smile. "Hello, nice to meet you, Ada." Sabi pa niya sa dalaga. Ngumiti ito saka pa hinatak ang kamay niya. "Halika ate, may ipapatikim ako sa'yo, nag-bake ako sa kusina." Sabi pa ng dalaga na hindi binitawan ang kamay niya. Nawala sa paningin niya si Alejandro. "Alam mo ate, ngayon lang nagdala si kuya ng babae sa bahay na 'to, nga po pala, hindi kita nakikita sa bayan, bago lang po ba kayo rito?" Tumango siya saka ngumiti. "Nasa States ako," tipid na saad niya. "Oh, kaya pala..anyway, ayan po ate oh, tikman mo po," sabi pa ni Ada na nilapag ang isang platito ng banana cake at isang lime juice. "Gawa mo 'to?" Tumango si Ada. Saka inantay ang unang subo niya. "Hmm, masarap." Sabi pa ni Cassandra nang sinubo niya ang isang tinidor na slice ng cake. "Thank you po, ikaw po ba ate..nagluluto ka rin po ba?" masayang tanong ni Ada. "Yes, I do cook." "Wow, magkakasundo po tayo, ate. Alam mo ba 'yang si kuya, malakas kumain 'yan, lalo na 'pag nagustuhan niya ang putahe, pihikan kasi 'yan sa ulam.." Natigilan siya sa narinig, kanina lang kasi'y marami ang nakain nito nang siya ang magluto. Napangiti siya sa iniisip. "Ay tama ate, halika, may ipapakita ako sa'yo," sabi pa ni Ada na hinatak siya sa kung saan. Napaka-friendly nito na tila sanay na sanay sa gawaing bahay. Napunta sila sa likod-bahay, doo'y mas nakita pa niya ang ilog na napakalinaw. May kahoy na hamba doon na pwedeng upuan, may mga kagamitan din si Ada na tila naiwan lang niya kanina. "Ano ang mga 'yan?" turo pa ni Cassandra sa mga kagamitan na pamimingwit. "Ay, ito po, fishing rod po ito, namimingwit po ako kanina, pero napansin ko pong dumating kayo, kaya iniwan ko muna." Sabi pa nito saka umupo. Naupo rin si Cassandra habang mabilis na hinubad ang sapatos niya, nilublob niya sa ilog ang paa niya. Ramdam niya ang malamig na temperatura n'on at ang preskong hangin. "Turuan po kita ah," ani Ada na nag-sample pa kung paano ibato ang pamato sa tubig. "Ano ang nilagay mo sa dulo?" tanong pa ni Cassandra nang mapansing may kinuha si Ada na kung ano. "Ay, bulate po," napalunok ng laway si Cassandra sa narinig. Bukod sa ipis at daga, ayaw na ayaw niya sa bulate. "Gusto mo, turuan po kita?" "Naku, ikaw na maglagay, takot ako sa bulate!" saway pa ni Cassandra na halatang nandidiri sa bulate. "Sige po, ganito lang po 'yan oh," ani Ada na ikinalawit ang bulate sa hook na nasa nylon. Nang matapos 'yon ay ibinato ni Cassandra ang dulo sa tubig. Nang may narinig silang sasakyan na tila dumating. "Sino 'yon?" sabi pa ni Cassandra. Nilingon ni Ada ang sasakyang pumarada at tumayo. "Teka po ate ha, d'yan ka po muna." Paalam pa ni Ada na tila nasisiyahan sa kung sinuman ang dumating. Naiwan si Cassandra doon na minani-obra ang fishing rope. Nasa kalagitnaan siya ng pagmumuni-muni nang marinig ang tila mga boses ng kung sinuman sa looban ng pamamahay ni Alejandro. Makikiusyuso sana siya nang biglang maramdaman na tila may isdang gumagalaw sa ilalim ng rope. Agad niya itong hinila at doo'y nakita ang malaking huling isda. "Gotcha!" masayang saad niya na hawak ang sinulid at ang isdang gumagalaw-galaw pa. Agad niyang tinungo ang kusina ni Alejandro sa likod-bahay. Walang tao kaya minabuti niyang tawagin ito. "Alejandro.." she said on her low voice. Agad namang dumating si Ada na tila nagmamadali. "Ate? Tawag mo ba si kuya?" "Oo, nahuli ko kasi 'to," saad pa niya sabay pakita sa isda. "Wow, ang laki ate! Teka lang po ha. May kinakausap pa siya sa may sala eh, sina kuya Juan..mga kaibigan niya." Saad pa ni Ada na agad mubalik sa may sala. Mayamaya ay nakita niya ang pigura ni Alejandro, hawak nito ang mukha na tila namumula. "Oh, napano ka?" Umiling lang si Alejandro. "Tingnan mo, nahuli ko oh, may pananghalian na tayo, lulutuan kita ng sabaw, magpakulo ka ng tubig." Sabi pa ni Cassandra kay Alejandro na lumuwang ang ngiti. "Right away," ani pa ni Alejandro na agad nawala sa harapan niya, tila may binalikan ito sa salas. At nang bumalik sa kusina'y nakangiti ito, hawak nito ang isda na nilagay niya sa may sink. Nag-init din siya ng tubig sa isang electric kettle. Mayamaya pa ay dumating si Ada sa kusina. "Sabihan mo, nagpapakulo na ako ng tubig." Ani ni Alejandro sa kapatid na napatawa sa sinabi nito, hindi alam ni Cassandra ang sinasabi ng magkakapatid. Parang may napagkasunduan yata ang dalawa. "Sino ba ang dumating?" sabi ni Cassandra kay Alejandro. "Nothing, mga ugok kong kaibigan," saka umiling-iling. "Sana pinakilala mo ako," ani ni Cassandra na tila nagdaramdam. "Next time, I will tell them, h'wag muna ngayon, ang daming issues nila sa buhay. Baka madamay ka pa." Ani ni Alejandro na nagpatuloy sa pagpapakulo ng tubig at paghugas ng isda. "Lutuan mo ako señorita, ha?" "Sure." Wala sa isip na saad ni Cassandra na nilinga ang kusina nila. "Nasaan ang mga ingredients?" tanong pa niya kay Alejandro. "Nasa likod ng bahay." Nagtaka si Cassandra sa narinig. Mabuti na lang at dumating ulit si Ada. "Kuya, nakaalis na po sila. Nagtatakbo nga ho eh." Tawa pa ni Ada. Kumunot ang noo ni Cassandra. "Bakit?" Pero tawa at iling lang ang binaling sa kaniya ni Ada at Alejandro. "Nasaan ba ang ingredients?" tanong pa ni Cassandra kay Ada. Agad siya nitong sinamahan sa likod. "Look around po, ate. Pili ka lang po kung ano ang ingredients na sinasabi mo, may tanim kaming bawang, sibuyas, sili, tanglad, may papaya, may mga gulay, balatong, pechay, malunggay, bell pepper at iba pa." Saad pa nito na nakangiti lang. "Oh my g! It's unbelievable! Ang daming gulay pala sa backyard n'yo," she was amazed while searching the things she want. Nang makita na niya ito ay agad niyang tinungo ang kusina. Hawak niya ang mga kinakailangang ingredients. "Magluluto na ako," sabi pa niya na tinabihan agad ni Alejandro. "What should I do, señorita?" "Nothing, just sit down there." Ani niya na nagsimula nang magluto. Naging abala si Cassandra sa pagluluto, habang si Alejandro naman ay nakatitig lang sa kaniya habang nakatalikod. Hindi niya akalain na ang bratenelang si Cassandra Monteverde ay pinagluluto siya. Sinipat pa niya sa isang banda ang papeles na dapat niyang papirmahan kay Cassandra, inabot niya iyon at tinago muna, hindi muna niya ito ibibigay, hindi pa panahon na mabasa niya ito. Paminsan-minsan siyang nililingon nito, nakangiti lang siya habang hawak ang kaniyang telepono, kinunan niya ang bawat galaw nito. Mga stolen shots habang abala ito sa pagluluto. Mayamaya pa ay tumabi si Ada sa kaniya. "Uy, ano 'yan kuya? Nakita kita.." saad pa ng dalaga sa kapatid. Agad naman itong kinalabit ni Alejandro at tinakpan ang bibig. "Don't say anything." Tudyo pa niya sa bunso n'ya. Tawang-tawa naman si Ada, na siyang ikinalingon ni Cassandra. Nang makita silang nakagan'on ay ngumiti lang si Cassandra sa kanila. "Ang kyut n'yong tingnan." Ani pa ni Cassandra sa magkakapatid. Umayos naman si Ada at Alejandro. Lumapit si Ada kay Cassandra at tinulungan ito, hindi pa nangangalahating oras nang matapos na ni Ada ang ginagawa niya, mas naging mabilis kasi dahil kay Ada. Nasa hapag na sila habang masayang nakaupo, nasa harapan nila ang sinabawang isda na nilagyan ni Cassandra ng preskong pechay. Matapos magdasal ay agad na nilantakan ni Alejandro ang kanin at nagkuha ng bowl para magsalin ng sabaw. Nang matikman iyon ay napatingin siya kay Cassandra. "Pwede ka nang mag-asawa ah, ang sarap ng luto mo, señorita." Ani pa ni Alejandro na nagsimulang tumagaktak ang pawis sa noo. Nakakatuwang pagmasdan ito lalo na sa tuwing humihigop ito ng sabaw gamit lang ang bowl. "Easy, it might be too hot." Saway pa ni Cassandra, hindi niya alam pero parang siya yata ang namula sa kanilang dalawa. "Okay ka lang?" Sabi pa ni Alejandro handling a table napkin to her. Agad na kinuha ni Cassandra iyon, causing their skin to be attached, ramdam ni Cassandra ang bolta-boltaheng kuryente mula sa kamay ni Alejandro kaya mabilis niyang kinuha ang kamay niya. "You sure you're fine?" Alejandro added. Tumango si Cassandra at napainom ng tubig. Para siyang tinotosta sa kaniyang nararamdaman. Hindi maaari ito! She said to herself. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD