Chapter 11

996 Words
After their lunch, ay nakumbinse ni Cassandra si Alejandro na turuan siyang mangabayo. Desidido siya na matuto lalo pa't gusto niyang makasama sa pangangabayo ng kaniyang lolo Ejercito. "Okey, narito na tayo sa sabsaban, pumili ka ng kabayo, señorita," ani ni Alejandro na minabuting sumilid sa may kwadra ng mga kabayo. Nakatayo lang si Cassandra habang nagmamasid sa mga nakahilerang kabayo. "Gusto ko 'yong maamo, hindi matigas ang ulo." Ani Cassandra na hawak ang sariling baba. "Maybe, Andromida will do, siya ang napakaamong kabayo sa lahat." "Which one?" she asked. Agad namang kinuha ni Alejandro ang kabayong may kulay tsokolate, purong kayumanggi ang kulay nito na may puting kulay sa noo. Itim naman ang kulay ng kaniyang balahibo sa buntot. "This one." Ani Alejandro na hinila ang tali sa may ilong ni Andromida. "I like him!" "She's a girl. "Ay, I like her, pala..siguro'y makakasundo ko siya." Ngiti pa niya saka dahan-dahang lumapit kay Andromida. Akmang hahawakan niya ang noo nito nang warningan siya ni Alejandro. "No, don't do that, she don't like to touch her forehead. Paamuin mo muna, gusto niyang hawakan mo ang likod niya saka ang bandang taenga. Huwag lang sa noo." Sabi pa nito na ikinatigil ni Cassandra. Agad naman siyang tumalima at nagpatulong kay Alejandro kung ano ant gagawin, mabuti na lang at madali siyang natuto, kung paano ang tamang paghaplos. Nang makuha na niya ang tiwala ni Andromida ay dahan-dahan na siyang umakyat sa isang kahoy na patungan para maalalayan ni Alejandro sa pag-akyat. Behave lang si Andromida habang naghihintay kay Cassandra. "Sit properly." Sabi pa ni Alejandro nang tuluyang maisakay si Cassandra. "Salamat." Sabi pa ni Cassandra na agad hinawakan ang tali ng kabayo. Dahan-dahang naglakad si Andromida habang minamani-obra ni Cassandra. Napangiti pa siya nang mapasunod niya ito. "Okey, easy, slowly...just trust each other. Mararamdaman niya 'yan." Sabi pa ni Alejandro na inaalalayan siyang makalabas sa kwadra. Nakasunod lang ito habang papalabas siya sakay ng kabayo. "Should I tigthen the rope or what?" Cassandra asked. "Just relax. Slowly, slowly...released the rope and if you want to make her run, pull her and start to tighten the rope..." "Okey," ani Cassandra na agad ginawa ang bagay na 'yon. Hanggang sa hindi niya matantya ang tali at ngali-ngaling tumakbo si Andromida. "Ahhhhhhhh!" nag-panic siya. "Cassandra!" sigaw pa ni Alejandro na agad tumakbo pabalik sa kwadra at kumuha ng kaniyang kabayo. Malayo-layo na si Cassandra, dahil matulin ang takbo ni Andromida. "Oh my gggggggggod! Oh my...oh my..ahhhhh! Help! Somebody help!" Iyon ang sigaw ni Cassandra. Hanggang makita niyang nakasunod na si Alejandro sakay sa isang kabayo. Alejandro managed to stay behind. "Señorita, listen...grab the rope! Grab the rope and say hoo!" "What?" hindi niya marinig iyon dahil nakadistansya siya sa kaniya. Papunta na sila sa may kagubatan. "Grab the rope!" sigaw pa ni Alejandro. "Hindi kita marinig!" sabi pa ni Cassandra na naunang makalusot sa bukana ng kagubatan. Masukal iyon at maraming mga puno, tila crossword puzzle iyon dahil pare-pareho ang mga punong nandoon, medyo madilim din dahil hindi ito nasisikatan ng araw. Binilisan ni Alejandro ang paghataw sa kabayo hanggang madikitan niya si Cassandra. "Grab the rope and say hoo!" Narinig iyon ni Cassandra at agad na ginawa. She grab the rope and immediately say the word. "Hoo!" sabi pa niya. Mayamaya ay tumigil ang kabayo. Halos umalpas ang kaba sa loob ni Alejandro sa mga sandaling iyon, ilang distansya na lang kasi ay maaabutan na sana ni Cassandra ang bangin. Nang mahinto si Andromida ay agad na napatalon si Alejandro papunta kay Cassandra, agad niya itong ginayak para makababa. "You scared me," Alejandro said while hugging Cassandra. He felt that the lady is now crying. Takot na takot si Cassandra. Takot siya hindi dahil sa nangyari, but the fact that Alejandro was not there, paano na lang siya. Umiiyak siya habang mahigpit na niyakap ang binata. Hindi man aminin but she felt secured when she tightly enclose her body to that man. "You saved me." Anas niya sa kabila ng pag-iyak. Ramdam ni Alejandro ang panginginig ni Cassandra. Alam niyang kinakabahan ito sa nangyari. "I shouldn't agreed with this, dahil sa akin, napahamak ka." Sisi pa ni Alejandro sa sarili. Agad namang bumitaw si Cassandra at nagtrapo ng luha. "No, you don't have the fault, ako ang matigas ang ulo at nagpipilit na turuan mo," she said with her shaking voice. "Hindi ko mapapatawad na may masamang mangyari sa'yo, señorita." Alejandro added while clinching his jaw. Animo'y hindi matahimik sa kapabayaan niya. Cassandra slowly reached his arms. "Wala kang kasalanan." She said. "Maybe we need to go back, we are not safe here." Nilinga pa ni Alejandro ang paligid. "Akala ko ba'y wala kang kinakatakutan?" saad ni Cassandra. "Yes, I don't have. But now, I'm afraid not for me, I'm afraid 'cause you're with me... natatakot ako para sa'yo, baka hindi kita maprotektahan." Sabi pa ni Alejandro na ikinamula ng pisngi ni Cassandra. Hindi man niya aminin, but, Alejandro makes her heart melt again, 'yong hindi man nito sabihin na mahalaga siya'y nararamdaman niya ito. "Let's go." Alejandro holds her hand. Napako ang tingin ni Cassandra sa kamay niya habang hawak-hawak ni Alejandro. Animo'y nag-slow motion ang paglalakad nila. Lalo pa ng hapitin nito ang beywang niya para maisakay sa kabayo nito. Mayamaya pa ay sumakay na rin si Alejandro sa kabayo, magkadikit ang katawan nila sa ganoong posisyon. Nasa likuran niya si Alejandro. Hawak-hawak naman ng kanang kamay niya ang tali ni Andromida na nakasunod lang sa kanila. "Are you alright?" Tanong pa ni Alejandro sa kaniya. Ramdam ni Cassandra ang vibration ng boses nito, nakasandal kasi ang likod niya sa matipunong bisig ng binata. Amoy na amoy niya ang pabango nito, at ramdam niya ang pagtibok ng dibdib ni Alejandro. Napapikit si Cassandra habang kagat-kagat ang labi. Kinikilig siya sa pangyayari. Parang ayaw yata niyang matapos ang paglalakad ng kabayong sakay nila. Confirmed, she has a crush to Alejandro! And she can't deny it right now! ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD