Chapter 9

1012 Words
"Ang galing naman po n'yan, señorita, ano po ang ginagawa ninyo?" Tanong pa ng matanda. "Ito po ang garlic bread in beans, pagkatapos ko pong isahog ang tinapay sa pan, ay lalagyan ko po ito ng sausage and beans. Ayon lang, madaliang luto lang po ito, madalas ko po itong ginagawa sa States, lalo na kapag late na ako kung gumising." Sabi pa niya sa matanda na nag-obserba lang sa ginagawa niya. "Sige ho, pag-aaralan ko po iyan, para ako na ho ang gumawa." Nakangiting saad ng matanda. Ngumiti si Cassandra. "Ano po ba 'yan manang?" turo pa nito sa katatapos lang na niluto nito. "Ay, gulay po. Pinaluto ni sir Alejandro para po kay Don Ejercito, ito po kasi ang healthy diet na pwede sa lolo po ninyo." Sabi pa ni manang Anda. "Ah, gan'on po ba? Ahm..si Alejandro po ba? Alam n'yo ba ang paborito niyang almusal?" she said while holding his fingers crossed behind. Nagdarasal siyang hindi siya mahalata ng matanda. "Ay, oo alam na alam ko ang paborito ni sir, kuwan..sa umaga, madalas gusto niya ang kapeng barako, tapos mga bandang alas sais, kakain iyan ng pritong isda na may sinangag na kanin. Sa tanghalian naman, madalas nagpapaluto iyan ng sabaw, kahit ano basta sabaw, sa gabi naman, madalang lang 'yang kumain, pero minsan nagpapaluto iyan ng puchero, 'yong may mga sarsa ba." Mahabang paliwanag pa ni manang Anda, na minemorya agad ni Cassandra. Ewan ba niya but she likes to prepare some meal for Alejandro sometime. Nang matapos ang ginagawa ay agad niyang nilantakan ang niluto niya, nagbabakasakaling hindi siya maabutan ni Alejandro sa kaniyang kinakain. Nang matapos niya ang kaniyang kinakain ay agad niyang kinulit si manang Anda na siya na lang ang magprito ng isda at gumawa ng sinangag. Pinaunlakan naman siya ng matanda, at tinulungan. Madalian ang lahat, halos nagliparan ang kusina para lang matapos niya agad ang pinaplano niya, until they heard the voice of that particular man. "Ang sarap ng naaamoy ko ah." Sabi pa ni Alejandro na nakasuot na ng panlakad na damit. Naka-Tshirt ito na kulay grey, nakapantalon lang din ito na maong at pinaresan ng kulay itim na rubber shoes. "Ano hong niluluto mo manang?" "Ay naku, sir. Si señorita ho ang...gumawa ere," ani ng matanda na hawak ang platong may pinagsandokan na sinangag at piniritong isda, may sawsawan pa itong toyo na may sibuyas at kamatis. "Wow, so you're cooking?" ngiti pa ni Alejandro kay Cassandra na nakaapron. Nasa gilid kang ito na tila nahihiya. "I hope you'd like my preparation." Ani ni Cassandra na hawak ang sariling kamay. Agad na umupo si Alejandro at nagsandok ng kanin. Kumain ito na tila ganadong-ganado. "Masarap ba?" ani niya. Hindi ito umimik, bagkus ay nagpatuloy lang ito sa pagkain. Halos mabilaokan pa ito nang tapusin nito ang kinakain niya. Inabot pa ni manang Anda ang baso ng tubig nang matapos nito ang kinakain. "Masarap ba?" ulit pa niya. But Alejandro didn't responded, instead na sumagot ay nagsalita ito. "Isang plato pa nga ho." Sabi pa nito kay manang Anda. Lumuwang ang ngiti ni Cassandra sa narinig. Siguro'y nagustuhan nito ang niluto niya. "Aba hijo, himala at nakaka-dalawang plato ka yata." Ani pa ni manang Anda. Ngumiti si Alejandro. "Akin lang 'to eh, kaya ubusin ko na." Sabi pa nito na ikinabilis ng pagtibok ng taksil na puso ni Cassandra. Shit! Ba't nagtunog hipnotismo ang boses mo, Alejandro? Sabi pa ng utak ni Cassandra na pigil-ngiting nakatayo sa binata. Sa bawat subo ni Alejandro ng kutsara ay tila slow-motion iyon sa paningin ni Cassandra. She couldn't help herself na mapako sa labi ni Alejandro. "Hmm...may marumi ba sa mukha ko?" seryosong tanong ni Alejandro. Natigilan si Cassandra at agad na umiling. Nagmadali siyang hubarin ang apron at nagpaalam. "Uhm...sa balcony na lang ako maghihintay." Iwas pa ni Cassandra sa tingin ni Alejandro. Halos nilipad siya ng hangin. She can't help herself na kiligin sa presensya ni Alejandro. "Oh my g!" she uttered. Mas kinabahan pa siya ng maramdamang may kumalabit sa balikat niya. "Ahh!" tili pa niya. But when she turned around, ay nakita niya ang pigura ng kaniyang lolo. Nakasuot pa ito ng pajama na pantulog. "Oh, nagulat ba kita hija? Ang aga mo yatang nagising?" ani ng lolo Ejercito niya. Hawak ang sariling dibdib ay nayakap ni Cassandra ang lolo Ejercito niya. Akala niya'y si Alejandro na ito. "Sorry po lolo, I'm just on my deep thinking." "Oh sya, huwag ka muna sigurong magkakape ha. Itong batang 'to, talaga. Oh, kumain ka na ba? Halika, kumain tayo." "Ay naku, lolo tapos na po, kumain na po ako, kayo na lang. Dito lang ako maghihintay kay Alejandro." "Oh, may lakad kayo?" Tumango siya. Sa pagtango niya ay lumuwang ang ngiti ng lolo niya. "Mabuti 'yan, apo, maglibang kayo.." sabi pa nito na hinaplos pa ang buhok niya. "Sige't paparoon muna ako sa kusina, d'yan ka na." Paalam pa ng lolo niya na tila nagmamadali rin para sa kaniyang trabaho sa munisipyo. Nang mawala sa paningin niya ito ay napabuntung-hininga siya. "Buti na lang.." she whispered. "Buti na lang ang ano?" she heard to someone. And yes! Her heart pound again to death! She turned around, and she saw how this god damn perfect specimen infront of her, standing, staring, and walking closely to her. "Cassandra?" saad pa ni Alejandro habang tanaw ang mukha ni Cassandra na napapapikit. Anong iniisip ng babaeng 'to? Nang makalapit siya'y agad niya itong pinitik sa noo. "Let's go." And that was Cassandra's disappointment to hell! She taught he will kiss her. Mali pala ang akala niya. Nang malampasan siya ni Alejandro ay napamulat siya, maybe she's been too out of her mind, nakakaloka nga talaga kapag tinamaan ka. Oh no! hindi! In-denial na saad ni Cassandra sa sarili bago pa mabilisang sinunod ang binata papasok sa kotse. Nang makasilid siya sa kotse'y wala siyang imik, she ended a sigh and a taught na sana lumingon si Alejandro sa kaniya. And shock! lumingon nga ang bruho! "Buckle up, baka tumilapon ka na naman!" Ay leche! ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD