Chapter 22

1500 Words
Nagising si Alejandro nang umagang iyon, ramdam niyang tumatama sa mukha niya ang sinag ng araw mula sa labas. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at doo'y nagimbal sa nakita. Nakayakap si Cassandra sa kaniya, mahimbing itong natutulog habang siya nama'y ganoon din. Magkayakap ang mga katawan nila. Nakadantay pa si Cassandra sa hita niya. "Godness!" sambit pa niya saka marahang bumalikwas. Tinabi pa niya ang balikat ng dalaga. Inaalala niya ang lahat-lahat. Sapo ang sariling ulo'y naglaan muna si Alejandro ng segundo para ma-sink in sa utak niya ang nangyari. Ang naalala niya'y nagmamadali siyang umakyat sa hagdanan galing kusina at sumilid sa kwarto niya. Agad niyang nilinga ang kwartong kinaroroonan niya. "Damn it!" sabi pa niya habang hawak pa rin ang sumasakit na ulo. Parang may hang-over pa siya dahil sa ininom niya kagabi. Dahan-dahan siyang tumayo at noo'y tiningnan ang dalagang mahimbing na natutulog. Kinuha pa niya ang kumot at kinumutan ito. Kung tama ang hinala niya, doon siya nakatulog sa mismong kwarto ng dalaga at hindi sa kwarto niya. He exhaled and left Cassandra's room. Nais niyang maligo para mahimasmasan. Nang makalabas siya sa kwarto ni Cassandra ay agad siyang pumunta sa ibaba at kumuha ng gamot sa drawer ng kusina, gamot para sa sakit ng ulo. Mabuti na lang at nandoon si manang Anda kaya hindi siya nahirapan. Mayamaya pa ay nakita niyang nagsidatingan ang mga sasakyang tanaw niya sa labas. Nakauwi na ang ninong Ejercito niya. Nakita pa ni Alejandro ang pagpanaog nito sa sasakyan kasabay ng kaniyang mga tauhan. Tumayo siya at sinalubong ito. "Good morning po, nong." Sabi pa ni Alejandro na nagmano sa matanda. "Kaawaan ka ng dyos, hijo, oh kamusta si Cassandra? Okey lang ba ang eskwela niya?" Tumango si Alejandro. "As usual pa rin po," he said while checking the corner of his eyes. Nakita kasi niya si Cassandra na pababa sa hagdanan, nakasuot ito ng kaniyang pantulog na pinatungan ng kaniyang roba. She is very seducting to her looks right now, kaya hindi niya mapigilang mapalunok ng sariling laway. "Good morning lolo," bungad pa ni Cassandra na papalapit na sa kaniyang lolo. Agad niya itong hinalikan saka pa niyakap. "Good morning, hija. Kamusta ang eskwela? May pasok ka ba ngayon?" "Opo, I'm now preparing.." Sabi pa ni Cassandra na tiningnan si Alejandro nagkrus ang mga mata nila at tila may kung anong hipnotismo ang dulot n'on. "I gotta eat breakfast, lo, tara po..." hila pa niya sa kaniyang lolo, but it seems ayaw ng matanda. "Naku, mauna ka na apo, I gotta take a nap first, wala pa akong tulog ngayon, may lalakarin pa ako mamayang alas nuebe kaya't magpapahinga muna ako." Sabi pa ni Don Ejercito na hinalikan lang si Cassandra sa noo. "Sige po," matamlay na saad ni Cassandra. Ngumiti ang matanda at nagsalita. "Ang mabuti pa'y kayo na lang ni Alejandro ang magsabay, lalo't kayo lang din naman ang magsasama mamaya, hindi ba, hijo?" sabi pa ni Don Ejercito na tinapik ang balikat ni Alejandro saka pa umalis at pumanhik sa kaniyang kwarto na nasa bandang ilalim ng malaking staircase, doon na rin kasi ito namamalagi sa kaniyang opisina na tila library dahil sa sangkatutak na libro. Naiwan sina Cassandra at Alejandro na magkaharap, tila nag-iiwas ng tingin sa oras na iyon. Without any excuses, Cassandra return to kitchen and start to prepare her food, naroon naman din si manang Anda na naghahanda ng almusal, but she decide to help the old woman to prepare it immediately. Naupo lang si Alejandro sa may lamesa at nag-check ng kaniyang phone. Mayamaya pa ay may tumunog sa kung saan. Iyon pala ang cellphone ni Cassandra na nasa bulsa ng roba. Madali niya itong tiningnan at doo'y nakita ang unregistered number. Sinagot niya ito. Hindi niya napansin ang pigura ni Alejandro na nasa kaniyang likuran na hawak ang sariling telepono. "Hello?" Nagtatakang tanong ni Cassandra sa kung sinong tumatawag. "It's my number, saved it for emergency." Sabi pa ng nabosesan niya sa kaniyang likod. Nilingon niya ito. "How did you call...i mean, how did you get my number?" taas-kilay na saad ni Cassandra. "I held your phone last time, and..of course I checked your number, then I memorized." Sabi pa ni Alejandro na parang effortless lang kung magsalita. Nakangiti pa ito na parang tinutudyo siya. Itinirik ni Cassandra ang mata saka pa umismid. Halatang apektado sa pagpapa-cute ni Alejandro. Nang makatalikod siya sa gawing iyon ay gayundin ang pagkagat-labi ni Cassandra. She hide her face, na ramdam niyang nag-iinit at ngayo'y namumula. She's chopping some tomatoes, pero dahil pre-ocupied ang isip niya'y hindi niya napansing nahiwa niya ang daliri niya. "Aray!" mabilis niyang saad. Agad namang napasugod si Alejandro sa gawi niya at kinuha ang sugatang daliri. "Let me see." "No, I'm fine.." awat sana niya but he is strong to check it. Agad niya itong kinuha at dali-daling kumuha ng malinis na hand-towel doon. "Let me clean it, lalapatan ko 'yan ng first aid." Baritonong saad ni Alejandro na nakahawak sa kamay niya habang gina-guide siya papuntang sink, para mahugasan ang sugatang daliri. Agad namang kinuha ni manang Anda ang first aid kit bag at doo'y nilagay sa may gilid ni Alejandro. Mayamaya pa ay hinugasan na ni Alejandro ang sugat at nilinis rin niya ito ng alcohol at betadine bago nilagyan ng towel gauge para hindi ma-infection. Nang matapos iyon ay kapwa sila naupo sa may lamesa. Si manang Anda na lang ang naglapag ng mga pagkain kaya't nang oras na iyon, Alejandro and Cassandra was sitting beside to each other. Cassandra starts to handle her spoon but Alejandro immediately take it away. "Let me do this." Sabi pa ni Alejandro na pinagkuha siya ng kanin at ulam. Pinagsandok pa siya nito at parang batang sinubuan. "Open your mouth wide." Mando pa nito na tila nakikipag-usap sa isang bata. "Seriously?" Cassandra said in her sarcastic voice. "Yes. I want to do this..." "Ayoko, hindi ako inutil!" "I know.." "I'm not a kid, anymore!" "I know.." "Then why you're doing this?" "Because I want to..." sabi pa ni Alejandro na naghihintay na kainin ni Cassandra ang naka-hang na kutsara sa ere. "Just take it, before I lost patience to you..." saad pa nito na halatang galit na rin sa pagiging maarte niya. Naiinis man ay walang nagawa si Cassandra. Dahan-dahan niyang tinanggap ang kutsara at marahang nginuya iyon. Nakita pa niyang ngumiti si Alejandro na parang tuwang-tuwa na nakikita siyang ganoon. Ngumanga ulit siya, dahil nandoon na naman ang kutsarang inaalok ni Alejandro hanggang sa sumunod-sunod iyon, hindi niya napigilang mapangiti sa sarili. Gan'on na rin si Alejandro na dahan-dahang nagtrapo sa kaniyang labi, gamit pa nito ang daliri niya. "Very good girl ka naman pala eh," Alejandro said while smiling, dahil doon nakita nang malapitan ni Cassandra ang magagandang ngipin nito. Mas naging gwapo pa ito sa malapitan. "Let's finish this para mahatid na kita, okey?" sabi pa ni Alejandro na hindi niya maintindihan, minsan kasi'y napakahigpit nito, minsa'y galit at nakakatakot, minsan din ay mabait, gaya ngayon. Cassandra pinned her eyes to his face, asking him in silence. "What?" sabi pa ni Alejandro sa kaniya. "Nothing..mas maganda siguro kung wala ang balbas mo, mas gwapo ka tingnan," sabi pa ni Cassandra na inabot ang baso ng tubig at agad na uminom. Matapos ay wala siyang pasabi na tumayo at umalis. Naiwan naman si Alejandro sa ganoong posisyon na gulat at halatang nasiyahan sa sinabi ni Cassandra. "I guess I must start to shave this sh*t." Ani nito na tumayo na rin at madaling pumanhik sa kwarto niya para maghanda. *** Nakatayo si Cassandra sa labas habang dala ang handbag, suot niya ang simpleng skinny pants na kulay puti. Pinaresan niya ito ng kulay itim na T-shirt. At least man lang na maging normal ang anyo niya sa taga-San Luisita, baka mapagkamalan siyang pick-up girl kung iyong mga fashion-styles ang susuotin niya. Mayamaya pa ay naiinip niyang sinipat ang kaniyang relo. Baka ma-late na siya. Hanggang tumunog ang kotse, tanda na may nag click ng carkeys, agad siyang napatingin sa pintuan ng mansyon, at doo'y nakita si Alejandro. Nailaglag niya ang balikat sa nakitang bagong anyo nito. He is wearing his simple plain white shirt na nagpapabakat sa kaniyang maskuladong katawan at isang jogger na kulay itim. Pinaresan lang din niya iyon ng pares ng puting adidas na rubber shoes. "Let's go?" sabi pa ni Alejandro na lumapit sa kaniya. Napaka-fresh ng mukha nito. Ibang-iba sa dirty-look and bad boy figure nito. Hindi nakapagsalita si Cassandra dahil sa sobrang gulat. Tanging paghabol lang ng tingin ang nagawa niya sa binata. "Wow!" she exclaimed. "Close your mouth, young lady. Baka pasukan 'yan ng langaw." Sabi pa nito na pinagbuksan siya ng pintuan. "Uy gentleman?!" turan pa ni Cassandra dahil pinagbuksan siya nito. "Of course!" sabi pa ni Alejandro na kinidatan pa siya. Napatirik na lang si Cassandra ng mata, hindi dahil naiinis siya but, on what she's feeling right now—she's very kilig to the bones! ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD