Chapter 21

1447 Words
Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Alejandro, nasa labas siya habang nakaupo sa bumper ng kaniyang sasakyan, tinutungga niya ang bote ng beer, habang nakatanaw sa kalangitan. Pasado alas diyes na ng gabi sa oras na iyon pero nanatili pa rin siya sa labas. Mayamaya pa ay nakita niya ang magkapatid na si Teresa at Kulas. Lumapit ito sa kaniya. "Magandang gabi.." bati pa ng dalagang si Teresa. "Magandang gabi, rin." Sabi pa ni Alejandro. "Malalim na ang gabi, Alejandro, pero 'bat nasa labas ka pa rin?" tanong pa ni Kulas kay Alejandro. "Nagpapahangin lang." Tipid niyang saad. "Gan'on ba, sige, uuwi na kami, sinundo ko lang 'tong si Teresa kina Lourdes," sabi pa ni Kulas kay Alejandro. "Hold on, nga pala. Nasa likod ang bisekleta ni Teresa, kunin n'yo na." Sabi pa ni Alejandro kay Kulas. "Pero...baka gamitin ni señorita?" sabi pa ni Teresa. Umiling si Alejandro. "No need, ako na ang bahala sa señorita. " Sabi pa ni Alejandro. Agad namang kinuha ni Kulas ang bisekleta sa likod ng sasakyan. "Ahm..Alejandro, pwede bang magtanong?" saad pa ni Teresa kay Alejandro. "Ano 'yon?" "Ahm..pwede ka bang maimbita sa isang okasyon?" "Anong okasyon?" "Kasi...sabi nila Loudes, malapit na ang kaarawan niya at plano niyang isabay ang kaarawan niya sa kaarawan ni Lolita, gaganapin ang kaarawan doon sa tahanan ni Lolita, balak ko sanang nandoon ka rin, may sayawan kasi.." mahinhing saad ni Teresa. Natigilan si Alejandro sa narinig, kamuntikan na niyang malimutan na malapit na pala ang kaarawan ng kapatid niya. Siya lang ang nakakaalam sa eksaktong petsa n'on, hindi alam ng iba niyang kapatid na may kapatid sila sa labas, knowing that he is protecting Lolita. "Sige, pupunta ako." Sabi pa ni Alejandro. Lumawak ang ngiti ni Teresa. "Sige, Alejandro ha...asahan ko ang pagpunta mo." Sabi pa ni Teresa na papalayo na, sakay na ito sa bisekleta, si Kulas naman ang nagmaneho. Nang mawala na sa paningin niya ang dalawa ay madali siyang tumayo at nag-unat ng katawan. He's been busy doing his job, nalilimutan niyang may mga kapatid siyang dapat atupagin. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at humanap ng magandang pwesto para sa signal. Nang makakuha ay nagtipa siya ng mensahe para sa mga kapatid. Kinakamusta niya ito at inanyayahan niyang magtipon sila sa susunod na buwan, iyon kasi ang kaarawan niya. Nang makapag-send ay agad siyang nagtungo sa looban, sinipat pa niya ang oras. It's now eleven o'clock, wala pa rin ang ninong Ejercito niya, siguro'y hindi pa ito uuwi. Alam niya ang routine nito, dahil nakasama niya ito sa mga meetings at lakad, ayaw nitong bumyahe kapag malalim na ang gabi, madalas noon ay nagpapahinga na lamang sila sa isang hotel bago pa umuwi kinabukasan. Bumuntung-hininga siya saka pa nagpunta sa kusina, he needs a black coffee to drink, para maiwasan ang hang-over kinabukasan, marami-rami pa naman ang nainom niyang bote ng beer. Nang makapunta siya sa kusina ay nakita niya si Cassandra. Umiinom ito ng gatas. Nakatalikod ito at nakapangtulog na damit. Nag-aatubili siyang magpakita kaya he immediately hide to the corner. Tanging pagsilip lang sa malayo ang ginawa niya. Nakita pa niya itong nagbukas ng ref, at tumuwad dahil may kung ano itong inaabot sa ibaba. "Sh*t!" mahinang anas pa niya dahil nakatingin siya sa perpektong pang-upo nito. Nag-iwas siya ng tingin but he can't help it, so he decide to remain calm, while wiping his sweat. Matapos makuha ni Cassandra ang bagay sa ibaba ng ref ay agad itong humarap sa banda ni Alejandro, nakasuot ito ng satin sando na may v-neck cut sa dibdib kaya tanaw ni Alejandro ang hulma ng dibdib nito na halatang walang bra. Nakausli kasi ang mga korona ng dalaga na walang kamalay-malay na nandoon siya habang sinisilipan niya. He swallowed hard while staring her. Looking at her is a terrible idea, lalo pa sa suot nito ngayon na nagpapasakit sa puson niya. Mayamaya pa ay umupo si Cassandra sa upuan ng counter-top table at ipinangtukod ang dalawang siko sa lamesa, sarap na sarap ito sa kinakaing yougurt. Gumagamit pa ito ng daliri habang kumakain. Tanaw ni Alejandro ang bawat pagsubo ni Cassandra sa kaniyang hintuturo. Napakagat-labi si Alejandro sa ginagawa ni Cassandra. Mayamaya pa ay nakita niyang nahulog ang yougurt sa may dibdib nito at out of his idea. Cassandra slid her finger to that area and finger-licking taste it infront of him. Knowing that no one is around. Takam na takam ito sa kinakain, habang si Alejandro naman ay halos maligo na sa sariling pawis. Feeling his hardness in his pants. He immediately leave and went to the stairs, sa ginawa niya'y naglikha ito ng ingay, rason upang marinig ni Cassandra ang mga yabag niya. "Sino kaya 'yon?" walang kamuwang-muwang na tanong ni Cassandra sa sarili habang inuubos ang yougurt. Nang matapos ay agad siyang naghugas ng kamay at tinungo ang hagdanan, nilinga pa niya ang kabuuan ng salas, nagbabakasakaling makita si Alejandro. Iyon lang naman kasi ang kasama niya sa itaas, kaya sure siyang siya ang naglikha ng yabag kanina. Nang makapunta sa kwarto ay agad niyang ni-lock iyon at hinubad ang roba. Naiwan ang kaniyang silk sando at ang terno nitong silk shorts. Nang patungo na siya sa may kama niya ay tila natuklaw siya ng ahas sa nakita. "Oh my g!" bulalas pa niya nang makita ang pigura ni Alejandro na nakahiga sa kaniyang kama. Parang lasing ito, at hindi na nga nakapagpalit ng suot. Nakadipa ito na tila pagod na pagod. She saw him closer. Tanaw niya ang mga butil ng pawis nito, halatang naiinitan. "Oh my g! Pinagpapawisan siya..." saad pa ni Cassandra na walang ideya. Niyugyog niya ito, pero parang tulog na tulog ito. Dahan-dahan siyang lumapit para sana kunin ang suot na T-shirt ni Alejandro, mabuti sigurong maginhawaan ito dahil pawis na pawis ito. Yumukod siya para tanggalin ang pang-itaas nito, but on what her suprise, Alejandro grab her waist and hug her tight, causing her to land herself to him. Literally nakadipa siya ngayon sa bisig ng binata. Nakapikit lang ito na tila nanaginip. Ginawa yata siyang unan nito! "Aw..aw..ouch." Reklamo pa ni Cassandra dahil mahigpit ang pagkakayakap ni Alejandro sa kaniya. Mabilis niyang tinapik ang mukha nito para sana magising but he is dead like oil! "Oh my g!" anas niya na gustong kumawala sa bisig ng binata. "Argh! Ang bigat ng braso ng lalaking 'to!" sabi pa niya but she is too weak. Nagawa pa siyang ibalibag ni Alejandro sa kanang bahagi ng kama at doo'y dinantayan ng kaniyang mabibigat at solid na hita. "Oh my...argh! Ang bigat!" reklamo pa ni Cassandra habang pursigido na makawala sa pagkaka-ipit kay Alejandro. Mayamaya pa ay nagkaroon siya ng lakas para mawaksi ang braso nito at doo'y nakalusot siya sa yakap ng binata. Aktong aalis na siya sa kama para tumayo nang marinig niya itong nagsalita habang tulog. "Please...stay. Please...don't leave. Please... Cassandra. I.. I...like you." Sabi pa nito na siyang ikinabigla ni Cassandra. Tama ba ang narinig ng lasing na bakulaw na 'to? She was surprised on what he said. Dahan-dahan siyang lumapit habang matamang tinititigan ang mukha ng binata. Malalim ang pagtulog nito, 'yong sarap na sarap sa pagtulog. Napangiti siya habang tinititigan ang mukha nito. "Ang cute mo talagang matulog." Sabi pa niya saka pa pinisil ang ilong nito. "Alam mo, crush kita! Kaso napaka-antipatiko mo! Sayang gwapo ka pa naman...hmp!" aniya saka pa tinampal ang pisngi nito, natatawa pa siya sa ginagawa, walang kamuwang-muwang ang binata. Dahan-dahan pa niyang binaba ang paningin niya sa may mukha nito at inusisa ang labi ng binata. Dahan-dahan niyang hinawakan iyon. "Ang lambot ng labi mo.." saad pa niya saka pa dahan-dahang nilapat ang labi niya sa labi nito. She kissed him without letting him to know. Masuyo niya itong hinalikan, 'yong parang dinadama niya ang halik nito kanina, mapusok man iyon, but it felt right to her. Hanggang sa lumalim ang halik niya sa labi ni Alejandro. Naramdaman pa niyang tumutugon ito. Nanlaki ang mga mata niya, huli na ng maramdaman niyang nadaganan na naman siya nito at doo'y nahulog ulit siya sa ilalim nito, nakadantay ang paa nito sa katawan niya, habang yakap-yakap ang pagitan ng kaniyang balikat, 'yong parang ayaw siyang mawalay. "Uhmmm.. Stay." Narinig pa niyang saad ni Alejandro habang nakapikit. Hindi man aminin ni Cassandra, halos mamatay na siya hindi dahil sa bigat ni Alejandro but to think that her heart is pounding like hell, halos maglikha iyon ng banda sa pagtambol! "Oh my g...I like you too, Alejandro." She said while closing her eyes, wearing her sweetest smile. Sa gabing iyon, katabi niya ang lalaking alam niyang magiging parte ng puso niya. A bad guy that she like. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD