Chapter 23

1613 Words
Nakikinig si Cassandra sa kaniyang professor while taking jot some notes, may assignment din siya para sa isang discussion that day, so over-all, mukhang marami siyang gagawin mamaya pagkauwi sa mansyon. "Gurl, may naisip ka na bang video presentation?" siko pa ni Christian sa kaniya. Umiling lang siya saka pa nilingon si Sherly. Halatang gusto nilang humingi ng tulong na dalawa. "Oh, anong tinitingin n'yo riyan?" saad pa ni Sherly na ngumuso lang. "Girl, baka pwedeng makahingi ng favor..." maarteng saad ni Christian. "Me too.." dagdag pa ni Cassandra sa katabi. Bumuntung-hininga si Sherly. "Okey, fine...tutulungan ko kayo." Sabi pa nito na ikinangiti nila Cassandra at Christian. FYI, for additional points at corrections sa mga assignments nila, pinapa-check nila ito kay Sherly since ito ang matalino sa kanilang lahat, may puruhan nga na mag-ranking ito bilang valedictorian. "Thanks.." sabay pang sabi nila rito. Mayamaya ay tumunog na ang bell, meaning na tapos na ang klase. Isa-isang nagsilabasan ang mga kaklase nila, gayundin sina Cassandra at kaniyang dalawang kaibigan na nahuli sa paglabas. Nang maglakad silang tatlo papunta sa parking lot ay nakita nila si Alejandro na nakasandal sa kaniyang kotse. Halatang naghihintay ito. "Owemgeee...si Alejandro Guerrero ang sundo mo, girl?" impit na saad ni Christian na siniko si Cassandra. Napangiwi na lang si Cassandra sa reaction ng kaibigan. "Hmm, yah..bakit?" walang muwang niyang tanong. "Did you know that, Alejandro is one of the bachelor magnate here in San Luisita." Sherly added. "Ows?" sabi pa niya na tumirik lang ang mata at nagkibit-balikat. She can't believe that she's really hearing these kinds of words. After that, she saw Alejandro walking to their way. Agad namang kinilig ang dalawang kasama niya. "Let's go?" sabi pa ni Alejandro na hinapit ang beywang niya. "Hi...Alejandro." Sabi pa ni Sherly na inayos pa ang kaniyang suot na salamin. "Hello." Tipid namang saad ni Alejandro rito. "Uhm, hi pare, I'm Christian." Sabi pa ni Christian na nagboses lalaki sa oras na iyon. Agad pa nitong kinuha ang kamay ni Alejandro saka pa nilamano. Alejandro on the other hand, was smiling to this guy infront of him. "Hello..nice to meet you, Chris." Sabi pa ni Alejandro na halatang tinititigan ang mukha ni Christian. Naka-lip balm kasi ang labi nito. "Hmm..let's go." Saway pa ni Cassandra kay Alejandro at Christian na madaling pinaghiwalay ni Cassandra. "Bye.." paalam pa ni Alejandro sa dalawang kaibigan ni Cassandra. Pinagbuksan ni Alejandro si Cassandra bago pa ito gumilid papuntang driver's seat. Tanaw lang ni Cassandra sina Sherly na kumaway sa kaniya. Dahan-dahan nang umandar ang sasakyan nila at noo'y nagtungo na sa main highway. "So, sila pala ang mga friends mo?" sabi pa ni Alejandro. Tumango lang si Cassandra. "I know those two, hindi ba't Ferrer ang apilyido ni Christian? May-ari ng patahian ang mama niya. Kaibigan ng yumaong mama ko ang mama niya." Sabi pa ni Alejandro sa seryosong boses." "Yes, he is." Sabi pa ni Cassandra na tiningnan ang daan. "Wait...saan tayo pupunta?" sabi pa ni Cassandra kay Alejandro nang makitang papunta sila sa isang mall. "May bibilhin lang ako." Tipid na saad ni Cassandra. "Bat hindi ka namili kanina?" "I want your taste on something I don't know.." "Ha?" "I want to buy jewelry," sabi pa ni Alejandro na ikinanganga ni Cassandra. Omg, is it for me? Taste ko raw e, so...akin nga siguro. Iyon ang satsat ng isip niya that time. "Okey, we're here." Sabi pa ni Alejandro na nag-park na. Naunang nakalabas si Alejandro at noo'y pinagbuksan si Cassandra. And as what a gentleman should be, inalalayan niya itong makalabas sa kotse at maingat na hinawakan ang kamay. They're holding each other's hands while walking in that road, papasok na sila sa buidling. Halos hindi makahinga si Cassandra sa ginagawa ni Alejandro that time, ano na naman kaya ang nakain nito at bakit kontodo hawak ito sa kaniya. Sinipat na niya ang kaniyang kamay na pinagsalikop ni Alejandro sa kaniya. Nakasunod lang siya sa kung saan ito papunta, staring the corners of that mall na halos yata ng malampasan nilang tao ay nakatingin sa kanila. Napatingin tuloy siya sa kaniyang suot. Nakatshirt naman ako, nakapantalon, simple lang..bakit kaya panay tingin sila sa akin? May mali na naman ba sa suot ko? Iyon ang satsat ni Cassandra habang iniirapan ang mga matang nandoon. "Come here.." sabi pa ni Alejandro na sumilid sa isang jewelry store. Naka-holding hands pa rin sila that time. "Yes sir, yes ma'am...anything I can help?" greet pa ng isang sales staff sa shop na iyon. Ngumiti si Cassandra gaya ng pagngiti nito sa kaniya. "Ahm, gusto ko lang sanang tumingin ng mga bracelets." Sabi pa ni Alejandro na hindi hinihiwalay ang kamay sa kamay niya. "Okey sir, right away." Sabi pa ng staff na may kinuhang brochure. "Ako ba ang pipili?" ngiti pa ni Cassandra na halatang excited. Tumango si Alejandro. "Yes." Tipid niyang sabi. "Ma'am, sir..heto po ang brochure." Sabi pa ng babaeng nakauniporme. Agad namang kinuha iyon ni Cassandra at atat na pumili. Nabusy siya sa oras na iyon sa brochure kaya hindi niya namalayang umalis pala si Alejandro at nagbitaw na pala sila ng mga kamay. On the other hand, Alejandro asked for some assistance to the other staff, halatang hindi siya napansin ni Cassandra dahil nakatutok ito sa brochure. "Come here.." pabulong na sensyas niya sa isang staff. Agad naman itong lumapit sa kaniya. "Yes sir?" "I want this ring, I'll take it. But don't tell my fiancee, she's over there, okey?" ngiti nito saka pa tinuro ang naka-display na singsing sa estante. It is white gold ring that has diamond crystal in the middle. Agad na nai-check out niya iyon using his VIP card, he didn't even care the price that worth a hundred thousand pesos. For Alejandro, it'll be priceless for his girl—at si Cassandra iyon. Sinilid niya ang box ng singsing sa kaniyang bulsa at patay malisyang lumapit ulit kay Cassandra. "This one!" Bulalas pa ni Cassandra na tinuro ang isang istilo ng bracelet. "Let me see." Sabi pa ni Alejandro na tiningnan iyon. Isa itong military tag style na bracelet na pwedeng lagyan ng initials ng pangalan. "I want to write your name in that bracelet." Sabi pa ni Cassandra na abot-taenga ang ngiti. "Okey let's take this one." Sabi pa ni Alejandro na agad pina-check out ang item. Tuwang-tuwa naman si Cassandra na tumingin pa sa ibang jewelries doon. "Wow, ang ganda." Bulalas pa ni Cassandra sa isang pares ng hikaw na kulay silver. "It's a collector item po ma'am. Maganda po 'yan, bagay sa'yo." Sabi pa ng staff na pinuri pa siya. Mas lalong lumuwang ang ngiti ni Cassandra sa narinig. "How much is that?" tanong pa ni Cassandra. "It's just thirty thousand pesos maam, naka-on sale po iyan." "Then take that," sabat naman ni Alejandro na sumenyas sa staff na i-check out din. Napalingon na lang si Cassandra kay Alejandro na halatang nabigla. "Hoy! Baka maubos ang sweldo mo!" sabi pa ni Cassandra na ang akala'y sa sweldo nabubuhay si Alejandro. "Don't worry, hindi naman ako magugutom..nand'yan ka to cook for me." Sabi pa nito saka pa tipid na ngumiti. Napataas-kilay si Cassandra sa sinabi nito, as if siya ang naging empleyado nito. Nang makuha ang paper bag na pinaglalagyan ng jewelries ay kinuha agad iyon ni Alejandro. "I'll take it, mamaya mo na kunin sa mansyon," sabi na nito na kinuha agad ang kamay niya at hinila na tila isang bata. "Wait, argh..teka nga lang, ang bilis mong maglakad!" reklamo pa ni Cassandra. "Well, kung ako mabilis, ikaw napakakupad...mabilis pa ang pagong sa'yo," he started. Naiinis na umirap si Cassandra at nilaglag ang kaniyang dalawang balikat. Mabigat din ang pisngi niya habang halos sumayad naman sa sahig ang nguso niyang halatang bad trip sa ginagawa ni Alejandro. "Anyway, baka gusto mong mag-shopping? Baka may gusto kang bilhin?" "Huwag na lang!" sabi pa niya na halatang niinis. "My treat.." sabi pa ni Alejandro. "Nevermind, baka maparami ang ang otang ko sa'yo," she said and sighed. "Look, ano ba ang ikinagagalit mo?" he is out of clue. "Wala! Tara na't nang makauwi na tayo! Magluluto pa ako!" padabog na saad ni Cassandra na halatang offended kay Alejandro. "Wait.." Habol pa ni Alejandro kay Cassandra na kumalas sa paghawak niya. Nauna na itong magmartsa sa exit door. Tuloy-tuloy lang si Cassandra sa parking lot at nagkibit-balikat habang sumandal sa bumper ng sasakyan. Tanaw niya ang paparating na binata. Mayamaya pa ay tumunog ang carkeys kaya agad siyang gumilid at nagbukas ng pinto. Doon siya naupo sa likod. Walang nagawa si Alejandro kundi hayaan muna si Cassandra. Halatang dinatnan na naman ito ng topak. "Seat belt.." Alejandro said while pinning his eyes to that mirror infront of him. Natatanaw niya ang repleksyon ni Cassandra doon na halos hindi maipinta ang mukha, kung maipinta man siguro niya'y maraming mabubura dahil sa pagkalukot-lukot nito. He shake his head. "Okey..fine, I'm sorry...kung may ikinagalit ka, sorry na." Sabi pa ni Alejandro. Animo'y walang narinig si Cassandra at nagpatay-malisya at sumandal sa may bintana. May kinuha pa itong iPod sa kaniyang bag at nagsuot ng headseat, eventually, pumikit ito as if matutulog. Alejandro rolled his eyes as if he's been defeated again. "Tss..kung 'di lang kita gusto, kanina ka pa nakatikim sa akin.." mahibang usal niya saka pa pinaandar ang kotse. On Cassandra's side, while in her deep acting, narinig niya ang sinabi ni Alejandro. Kaya't minabuti niyang mapangiti ng patago. She knew that he's now doing nice for her, alam niyang may gusto si Alejandro sa kaniya, and she know that— if there's a way to defeat a monster...the best way is to make him inlove with you. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD