"Ta-talaga?"
"Oo! Kaya ngumiti kana, hindi bagay sayo mukha kang angry bird. Yung kulay black. " Pagbibiro pa nito.
"Hindi ko alam kung bakit ako malungkot. Ito din ang unang beses na Nakita kitang ngumiti kaya mas lalo akong naguluhan. Pero oo, seryoso masaya ako na mas gumagaling at nakakarecover kana. Siguro nga mas mapapadali ang paggaling mo kapag nakalabas kana."
"Of course. And besides I have to go back to work, at ang daming cases na kailangan masolve. So paano, hanggang sa muli."
Ngumiti si Dave at kumakaway sa dalaga. Nang makalayo sya ng apat na dipa mula rito ay muli niyang nilingon ang dalaga.
"Cindy..."
"Hmmm?"
"Ingatan mo ang sarili mo." Sambit nito at tuluyang umalis.
Ang totoo parang ang bigat ng pakiramdam ng binata habang unti unting lumalayo. Pinipilit lang nyang takpan at magpaggap na masaya sa harap nito pero ang totoo ay subrang lungkot nya. Inalalayan syang makapasok sa loob ng sasakyan.
Habang si Cindy ay parang walang lakas na ihakbang ang mga paa. Hindi nya alam kung bakit sya nalulungkot. Hindi din sya makapag-focus ng maayos sa trabaho.
-----------]]
Lumipas ang ilang araw. Napalitan ng bagong pasyente ang kwarto na madalas puntahan ni Cindy. Naninibago sya at hindi nya maikakaila na naaala nya si Dave.
Gusto nya sana tawagan ito ngunit wala syang lakas ng loob at baka kung anung isipin sa kanya ng binata.
Samantala, unti-unti ng nakakalakad si Dave at maibalance ang sarili. Ang kaibigan nyang si Bryan ang naging katulong at alalay nya. Malaki at marami na ang nagbago sa katawan nya. Pakiramdam din ng binata mas kakaiba ang lakas nya ngayon kumpara sa dati.
"Kung ako sayo, tawagan mo na sya." Anito mula sa likuran nang minsan katatapos lang nila sa pag exercise.
"Who?"
"Come-on dude. Sino pa edi yung nurse."
Natawa si Dave.
"Why would I?"
"Lagi ka nalang nakatingin sa cellphone mo, hindi maganda kung babae ang magpi first move."
"You have point. Pero baka kung anung isipin nya."
"Hindi mo nalang sana kinuha ang number kong wala kang interest. Minsan napapaisip ako, siguro napakaganda nyang nurse na yan."
"Y-yeah..." Nangingiting tugon ng binata.
"I knew it. Parang gusto ko na din syang makilala. Kaya ikaw, huwag kang pabagal bagal, mahirap na."
"It's not what you're thinking, man!" Siko nito rito at pareho silang nagtawanan.
-----------]]]
"Sir, handa na po ang hapunan. Pinapababa na din po kayo ni madam dahil may bisita po." Wika ng isa sa mga maid.
"Bisita? Sige manang, susunod na ako. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko." Pagkatapos ma send sa email ay kinuha ni Dave ang saklay at lumabas ng kwarto.
"Bisita? Sino kaya ang bisita at kailangan pang tawagin ako nila mom and dad." Tanung nito sa sarili.
Nakita nya ang mom and dad nyang masayang kinakausap ang isang babae. Nakatalikod ito at nakasuot ng kulay red na mini dress. Hindi nya alam kung bakit pero habang palapit sya ay kumakabog ang dibdib nito.
"Mom?" tawag nya rito.
"oh nariyan kana pala, halika na at para makilala mo ang bisita natin." Wika ng ina nito.
Nang makalapit ay kamuntikan mabitawan ni Dave ang hawak nyang saklay ng makita ito. Si Cindy, at nakangiti sa kanya. Tulala lang si Dave at hindi agad umupo. Ibang iba kasi ang bihis ngayon ni Cindy na mas lumabas ang totoong ganda ng mukha nito. dagdag pa ang medyo kulot nitong buhok.
Nagkatinginan naman ang mag asawa at kapwa napangiti ng palihim sa isa't isa.
"Kung okey kana iho, maupo kana sa tabi nya." Sambit ng ama nito.
"What's this?" Pasimple nyang bulong sa mga ito.
"Hey don't be mad. Sinadya namin na wag sabihin sayo. Natatandaan mo ang sinabi namin dati, ito lang yung oras na meron si nurse Cindy. Mabuti nga at pinaunlakan nya ang pag envite namin."
"Hindi naman po sa ganun. Para sana nakapaghanda ako."
"You don't have to. Wala ka namang dapat ayusin pa sa sarili mo. Tama nurse Cindy?" Pagbibiro pa ng ama nito.
"Ah yes po. Yung pagiging suplado lang nya ang dapat palitan." Sabay-sabay naman nagtawanan ang tatlo at maging sya ay napangiti nalang din.
Hindi nya maiwasan na mapatingin sa dalaga at purihin ito sa isip.
Matapos ang dinner nila ay nagkusa pa si Cindy na sya na ang maghuhugas at maglilinis. Nung una ay hindi iyon pinayagan ng mag asawa lalo na ni Dave ngunit nagpumilit sya at pasasalamat na din. Wala naman na nagawa ang mga ito at sumang-ayon na din.
Pagkatapos nun ay nakipagkwentuhan sya sa mag-asawa, nagmamasid lang sa kanila si Dave sa isang tabi.
Dalawang oras ang lumipas naabutan nya pa din na mas lalong nagkakasiyahan ng tatlo. Hindi nya 'yun inaasahan dahil halos madaling araw na.
Kaya lumapit sya rito.
"Mom, can I talk to you for a minute?" Tumayo naman ang ina at lumayo sila ng konti.
"Mom, hindi nyo ba pauuwiin si nurse Cindy? Gabi na? Maybe some other time nalang nyo ipagpatuloy ang bonding nyo."
"Don't worry son. Dito sya matutulog." Malakas na sabi ng ama nito.
"What???" Lingon nya rito.
"You heard it right son, ang laki-laki ng bahay natin at ang daming kwarto. Madaming bakante."
"Dad, mom hindi dapat kayo nagdedecide ng basta. Hindi nyo nga alam kung payag din ba sya na dito mag-stay for tonight?"
"Oo naman. Naku, Mrs. Gonzales, ayaw po ata ako ng anak nyo makita ako. Parang kanina pa po sya umiiwas." Bulalas ni Cindy at tumayo pa.
"Heard it?"
"Oo nga iho, pansin ko parang hindi ka masaya na makita sya?"
"Uuwi nalang po ako."
"No! It's not what I mean kasi may trabaho ka bukas."
"Ah yun ba? Ipinaalam ko na sya na wala sya bukas. Dahil bukas, hindi muna si Bryan ang mag ti train sayo, kundi sya." Wika ng Ina nito.
Mas nagulat pa si Dave sa sinabi ng ina. Wala na syang nagawa kundi magkunwaring mag walkout sa mga ito ngunit ang totoo ay subrang pabor sa kanya.
Inip na inip ang binata na matapos ang kwentuhan ng tatlo, naghihintay sya kung kelan patutulugin ang dalaga at doon sya lang magkakarooon ng pagkakataon makausap ito. Matapos ituro sa kanya ng kasama sa bahay ang magiging kwarto nya ay nagpasalamat sya rito.
Humiga sya sa malambot na kama at sandaling tumingin sa kesami. Hindi nya inakala na mabait pala ang mag-asawang mr. and mrs. gonzales. Pinakiramdaman nya ng maayos ang malambot na kama. Tumigin sya sa oras at alas dos ng madaling araw. Kinuha nya ang bag at kumuha ng extrang damit para magbanyo. Maingat siyang lumabas at kahit yabag ay hindi sya lumikha ng ingay.
Habang binabaybay nya ang madilim na loob ng bahay ay naramdaman nyang may humila sa kamay at tinakpan ang bibig niya. sinandal sya nito sa pader at sa tulong ng liwanag ay nakilala ito ng dalaga.
Nagsenyas sa kanya si Dave na huwag maingay ay tumango sya at saka inalis ang kamay sa bibig nya.
"Follow me." Bulong nya rito at sumunod sya paakyat sa rooftop. Napansin nyang nakakalakad na ang binata sa tulong ng saklay, konting panahon nalang ay hindi na nila kakailanganin ng alalay.
Pagdating sa rooftop ng dalawa ay tinignan muna sya ni Dave. Naiilang naman si Cindy sa ginagawa nito.
"Anu ba? Pwede mo naman ako kausapin sa baba bakit mo pa ako dinala rito----"
Naputol ang tanung nya ng bigla syang yakapin ng binata. Ramdam niya ang bilis ng t***k ng puso nya at hindi nya alam kung anung gagawin. Hinayaan lang nya ang binata na gawin iyon sa kanya dahil parang walang lakas ang kamay niyang awatin ito.
"Akala ko hindi na kita makikita." Bulong ng binata sa kanya.
"Ahmm. Akala ko ayaw mo akong makita." Ipit na boses nito dahil subrang higpit ng yakap sa kanya ng binata.
"Wala naman akong sinabi na ayaw kitang makita. Wag kang malikot." Dagdag pa ni Dave.
Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga. Wala na syang pakialam kung anu ang isipin ni Cindy basta gusto nya itong yakapin ng matagal sa mga oras na iyon.
"I'm sorry." Nang kumalas sa pagkakayakap sa dalaga.
"Hindi ayos lang."
"So, kamusta kana?"
"Ako? Ito ayos naman. Medyo mas dumami ang trabaho. Nakakapagod na din minsan pero hindi ako dapat sumuko at mapagod. Ikaw? Mukhang nakakalakad kana."
"Not really pero malapit na. Gusto ko na nga itapon tong saklay ko." Biro nito.
"Magtiwala ka lang, makakalakad ka din."
"Pwede ba ako magtanung, personal kung hindi mo mamasamain."
"Gaya ng anu?"
"Do you have a husband, fiancee or even boyfriend?"
Natawa ang dalaga.
"Bakit mo naman natanung? Wala akong boyfriend, fiancee at lalo na ng asawa."
"Ahm nothing. Parang ang dali mo kasing mapapayag, lalo na tutulog ka sa ibang bahay. Kahit pa parents ko ang nakiusap, hindi pa din maganda. Pero salamat, pumayag ka sa gusto nilang dalawa. And I'm sorry, alam ko nakukulitan ka din sa kanila, ganun talaga kapag komportable sila sa isang tao."
"Hindi, ang ganda nga e. Hindi ko ini expect na grabi yung pagwelcome nila."
Inabot sila ng tatlong oras ng pagkukwentuhan sa rooftop. Doon mas nakilala pa nila ang isa't isa.