CHAPTER 4

1333 Words
"Ah..si Cindy? Oo, umalis sya kanina. Nagmamadali nga po, humingi sya ng tatlong araw na leave kasi yung mama nya inatake daw. Walang mag-aalaga kasi yung kapatid niya ay PWD...may ipapasabi po ba kayo?" "Ganun ba? Wa-wala naman. Thanks." Marahang tumalikod si Dave at inaamin nyang nalungkot sya at pakiramdam nya ay nanghina sya. "Bakit hindi man lang sya nagsabi saken? Grrrrr. At bakit naman sya magpapaalam saken e pasyente lang naman ako." Inis na sabi nito sa sarili. Nagmadali syang bumalik sa kwarto at humiga. Panay ang tingin nya sa selpon at naiinis sa sarili dahil hindi nya man lang nahingi ang phone number nito. "Shame on me." Sambit pa nito. Mas lalo syang nakaramdam ng inis ng makita ang pinahanda nyang pagkain para sana sa kanilang dalawa. Dalawang araw ang lumipas at walang gana pa si Dave. Hindi nya alam kung bakit pero parang hindi sya sanay na hindi nakikita ang nurse na si Cindy. Gusto nya itong tawagan ngunit kapag hiningi nito sa kaibigan ang number nya ay baka kung anung isipin nito. At sa tuwing magbubukas ang pinto ay nadidismaya sya kapag hindi si Cindy ang pumapasok. -------------]]]]] "Oy, dzai. Ang bilis mo ata nakabalik? Kamusta si tita maayos na ba?" Tanung sa kanya ni Kyla nh makabalik galing probinsya. "Oo. Mabuti nga at naagapan agad." "Alam mo mahalaga ang trabaho pero mas mahalaga pa din ang nanay mo. Sinung nagbabantay at nag-aalaga?" "Yung pinsan ko na parang kapatid ko na din. Umuwi din galing manila nung nalaman na inataki si inay." "Mabuti naman. Maiba tayo, alam mo. Halos oras-oras kang hinahanap ni Mr. Gonzales. Tinatanung kung nakabalik kana daw. Ewan ko ba dun, minsan nga hindi ko na alam ang sasabihin ko." "Hinahanap nya ako?" "Oo dzai." "Bakit kaya?" "Aba malamang, ikaw ang personal nurse nya. At baka hindi ka nagpaalam sa kanya. Alam mo, nung wala ka. Andun lagi sya sa parking. Panay ang tingin sa selpon. Hindi kaya---" humalukipkip ito at pinalibutan ng nakakalukong tingin ang kaibigan. "Anu? Tumigil ka nga." "E bakit? Malay mo. Grabi nung nakita ko sya sa malapitan, para akong mahihimatay. Ang pogi nya pala, dzai. Paano mo nalalabanan ang ganun sa tuwing pumapasok ka sa kwarto nya?? Parang sinilihan ang pwet ni Kayla sa pagpapaliwanag. "Baliwww." Natatawang sambit nito. "Magtrabaho na nga tayo." Bago pumasok si Cindy sa kwarto ni Dave at pakiramdam niya ay kinakabahan sya at nanginginig ang mga kamay niya. Bitbit nito ang hapunan ng binata, hindi na sya kumatok at binuksan ang pinto. Dahan dahan syang lumapit dito at inilapag ang pagkain. At lumapit sa nakatagilid na si Dave. "Kumain na po kayo, sir." "Sige iwan mo nalang muna mamaya ako kakain." Ni hindi man lang ito lumingon. Huminga ng malalim si Cindy. Hindi nya alam ang nararamdaman pero parang nanginginig sya at excited na makita sya ni Dave. "Sir, lalamig po ang pagkain." Ulit ng nurse. Napabalikwas ng bangon si Dave at umupo. "Sinabi na ngang mamaya ako kakain, bakit ba ang kulit----" naputol ang sasabihin nya at natulala dahil nakatayo sa harapan nya si Cindy. "Tsss. Ikaw lang pala." At humiga ulit at pakunwaring naiinis pero ang totoo ay masaya ito na bumalik ang dalaga at lihim na ngumiti. "Bumangon na kayo dyan. Lalalmig ang pagkain ." Hinahayaan lang ni Dave na kulitin sya nito. Dahil yun talaga ang gusto nya, magkukunwari syang ayaw pero ang totoo ay gusto. "Aalis nalang ako kung ayaw mong kumain." Nang marinig iyon ng binata ay mabilis ulit itong bumangon. "Fine! Kakain na ako, masaya kana." Pagsusuplado pa nito. Para sasabog ang dibdib nya sa tuwa ng makitang ngumiti ang dalaga. "San ka galing? Bakit hindi mo sinabi na aalis ka?" "Ah umuwi ako sa probinsya, nagkasakit kasi ang mama ko. Tatlong araw nga yung paalam ko pero dalawang araw lang at bumalik na ako dito. Namiss lasi kita." Natigil sa pagsubo si Dave at pakiramdam nya namumula sya. Napaubo din sya at agad naman inabutan ng tubig ni Cindy. "Biro lang." Sabay sabi nito. Matapos kumain ay kinuha nito ang gamot at inabot sa binata. Matapos nitong inumin ay pansin nitong nakatitig sa kanya ang dalaga. "What?!!" "Totoo bang, hinanap mo daw ako?" Nagulat si Dave dahil ilang pulgada nalang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. "Ye-yeahhh. I mean, personal nurse kita. Sayang ang binabayad nila dad kung umaalis ka at hindi mo nagagampanan ang trabaho mo." Pagkukunwari nito. "Talaga, yun ang dahilan?" Pang-aasar pa nya rito. Palapit ng palapit ang mukha ng dalaga sa kanya, hindi nya magawang umatras kasi nasa bed sya. "Hindi kaya namiss mo din ako? Seryosong wika pa nito. Sa oras na iyon ay Hindi nya alam ang gagawin. Gusto nyang pigilan ang dalaga ngunit parang nawalan sya ng lakas. "Distance yourself...or else." "Anu?" "Or-Or else...." Nauutal nitong sabi. "Wag kang gumalaw. Tumingin ka lang saken." Sambit ng dalaga. Hanggang sa narinig nyang malakas na tawa ng dalaga. Nagtataka sya kung bakit, at ang akala nya na may romantic nanng nangyayari ay napalitan iyon ng dismaya dahil sa tawa nito. "Grabi! Wala namang akong gagawin nu! may dahon ka kasi ng malunggay sa bibig. Anu ba 'yan..." Napasapo sa noo si Dave at napakamot sa batok. Natawa nalang din sya dahil magkaiba pala sila ng nasa isip ng dalaga. Mabuti nalang at hindi sya bumigay. Napansin dn nyang nakalabas na ito ng pinto. Halos hindi mawala ang ngiti ni Dave. Hindi din sya nakatulog ng gabing iyon. -------------]]] "Good news po, pwede na lumabas ang anak nyo. Sa tingin ko mas maalagaan sya ng maayos sa bahay at magiging madali ang recovery nya." Paliwanag ng doctor. "Thank you doc. Thank you so much for taking care of our son." Sambit ng ama niya. "It's our pleasure. Also thanks for trusting us." Nagkamay ang dalawa. Lalabas na mamayang gabi si Dave. Gusto nya sana magpasalamat at magpaalam kay Cindy ngunit parang naduduwag sya. Mas malulungkot kasi sya kapag sya mismo ang nagsabi at naiinis sya kapag ganun. Naghihintay nalang ng sundo si Dave, sinabi din nya na magulang nya na hindi na sya kailangan hintayin at samahan pa sa paglabas. May bodyguards naman itong mag-aalalay sa kanya. Pabalik na sana sya at aalis ng biglang sumulpot si Cindy. "Lalabas kana daw?" Hingal na tanung nito. "Hey, are you okey?" Tumango tango ito. "Bakit hindi mo sinabi na lalabas kana?" Napansin Ng binata na iba ang kilos nito ngayon. Parang hindi masigla na katulad ng nakikita nya. "Bakit? Kaya mo ba akong alagaan ng habang buhay dito?" Biro naman nya. "Hindi naman sa ganun, sana sinabi mo ng mas maaga para naghanda ako." "Hindi ko din inaasahan na mapapaaga ang labas ko. Ang sabi ni doc, kaya ko na daw magpagaling ng tuluyan sa bahay. Kukuha nalang sila mom and dad ng nurse na magga guide din saken. Teka...may cellphone ka ba?" "Oo naman, anung tingin mo saken?" "Akin na, ilalagay ko ang number ko. Kapag may tanung ako tatawag ako, okey ba?" Ibinigay niya ang celpon sa binata. At sinubukan din itong iring. "O ayan, sagutin mo lagi ang tawag ko ah." "Si-sige." Malungkot na sabi nito. "Bakit ganyan pa din ang mukha mo? Akala ko ba gusto mong gumaling na ako?" "Oo pero kasi." "Anu?" "Hindi naman siguro dahil mamimiss mo ako?" Pagbibiro pa ni Dave at mabilis na sumagot ng oo si Cindy. Hindi inaasahan ng binata na marinig iyon sa kanya pero palihim syang natuwa ng marinig iyon. Seryoso pa din si Cindy, malayong malayo sa emosyon na pinapakita nya sa tuwing magkasama sila. Iniisip ni Dave na totoo nga ang sinabi nito. "Halika...lumapit ka saken." "Ba-bakit?" Lumapit nga si Cindy at pinitik iyon sa noo ng binata. "Arayyyy!" "Wag ka kasing sumimangot! Wala namang dahilan para malungkot ka. Dapat nga maging masaya ka kasi lalabas na ako." Ngumiti ito. "Hinihintay talaga kita dito, gusto ko magpasalamat sayo. Wag kang mag-alala, kapag dumating ang araw na kaya ko ng maglakad, ikaw ang unang taong pupuntahan ko. Pangako yan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD