Kinabukasan ay naabutan ng mag-asawa na nakamasid sa malawak na bakuran nila. Inakala nilang natutulog pa ito ngunit nagkamali sila. Kaagad nila itong nilapitan at kinamusta ang tulog. Magalang naman ulit na sumagot ang dalaga at hindi natapos tapos ang pasasalamat.
Pagkatapos ay tinuro sa kanya kung saan nagti-train si Dave ng paglalakad. Nakaramdam sya ng excitement ay sinabi na muuna na sya at hihintayin nalang nya ang binata.
Lumipas ang limang minuto ay palapit sa kanya si Dave, kaya sinalubong nya ito.
"Good morning.." bati ng dalaga.
"Natutulog ka pa ba? Bat Ang aga mo nagising?"
"Okey lang, maliit na bagay yun. At saka baka nakakalimutan mo na nurse ako, hindi uso ang tulog." Bungisngis ng dalaga. "Anu start na tayo?"
Marahan nyang kinuha ang dalawang saklay ng binata at itinabi iyon. Nang magdikit ang mga kamay nilang dalawa ay parang may kung anung boltaheng naramdaman si Dave. Hindi nya magawang tignan ang dalaga habang inaalalayan syang maghakbang.
"Yan, ganyan nga. Sige konti nalang..." Sabi nito na nasa harapan nya at hawak ang dalawa niyang kamay.
"Teka subukan mo kayang humakbang ng hindi kita hinahawakan, kaya mo ba?"
"I don't know. Hindi ko pa nasubukan."
"Subukan natin. Magtiwala ka lang, magagawa mo yun." At humakbang sya paatras ng mga limang dipa ang layo. "Lumapit ka saken!!" Sigaw ni Cindy.
"Oh god Cindy! I can't."
"Yes you can! Kaya mo!"
Parang batang nangangatog at nag-aaral maglakad si Dave. At hirap syang iangat at ibalance ang katawan nya. Nang magawa nyang maihakbang ang paa ng isang beses na hindi natutumba at parang nabuhayan g loob ang binata. Sinubukan nya ulit at nagawa nya, hanggang sa tuluyan syang nakalapit sa dalaga.
"Nagawa ko! Nagawa ko Cindy!! I did it!"
Sa subrang saya ng mga ito ay hindi nila namalayan na magkayakap na ala sila. Mabilis naman na kumalas si Cindy at agad na ibinigay ang saklay ng binata. Ngumiti ito sa kanya at napakamot sa batok.
"Sandali dito ka muna kukuha ako ng maiinom."
"Ako na."
"No, you stay here. Kaya ko naman." Pigil sa kanya ng binata.
Pagbalik ng binata ay nadatnan nyang nakasubsub ang dalaga sa maliit na lamesa. Nasisikatan ito ng araw kaya ang ginawa ni Dave ay hinarangan nya ito.
"Cindy, dala ko na ang juice." Marahan nitong sabi.
"5 minutes...5 minutes lang , iidlip muna ako." Mahinang tugon nito.
Nangingiting pinagmasdan ng binata ang natutulog na si Cindy. Tiniis nya ang sikat ng araw para lang makatulog ang dalaga.
"Mas maganda ka pala kapag umaga." Sambit nito.
Matapos ang ilang oras ay nagpaalam na ang dalaga na babalik na sa hospital. Nag-alok pa ang mag asawa na ihatid sya ngunit tumanggi na ang dalaga. Hinihintay nyang bumaba si Dave para magpaalam sya ngunit hindi ito lumabas ng kwarto. Bago sya tuluyang sumakay sa taxi ay sumilip muna sya sa kwarto nito nagbabakasakaling nakasilip sa bintana ngunit wala.
Nang makalayo ang sasakyan saka lang lumabas si Dave na tumago pala sa kurtina nung tumingin sya sa bintana. Ayaw nya kasing makitang umaalis ang dalaga dahil pakiramdam nya ay matagal na naman silang magkikita o baka hindi na.
"Anak bakit hindi ka man lang nagpaalam kay nurse Cindy?"
"Hindi na po kailangan. Nakapag-usap na po kami kagabi."
"What can you say about her, iho. Kung kami ang tatanugin ng dad mo. Pasado samen." Biro ng mag-asawa.
"Mom!" Pag iwas nya at nagmadaling pumasok sa kwarto.
----------]]]]
"Kailan ka pa natutong maglihim saken ah?" Bulalas ni Kyla na kanina pa Ppala nakatingin sa cellphone ni Cindy at binabasa ang message ni Dave.. Kamuntikan pa mabitawan ni Cindy ang kanyang cellphone dahil sa gulat.
At dalidali namang tinago ng dalaga ang cellphone sa likuran nya at nakaramdam ng konting hiya.
"Naku, ang loka mukhang inlababo." Panimula nito at sinipat pa ang magkabilang pisngi ng kaibigan.
"Ha? Naku hindi ah..."
"Sus! Ni hindi mo man lang nga sinabi na inimbitahan ka ng parents nya nung nakaraang buwan, haba naman ng hair mo dzai. Inggit ako." Dagdag pa nito at sinuklay ang buhok ng dalaga gamit ang mga daliri.
"Eh kasi...hindi naman sana ako pupunta, syempre nakakahiya naman tumanggi." Palusot pa nito.
"Talaga?" Tumingin sa cellphone ng kaibigan. "Oh anu, baka naghihintay ng reply yung tao." Pabiro pa nito sabay kindat.
"Hayaan mo na. Baka kung anung isipin nun kapag nireplyan ko pa. Magtrabaho na tayo."
"Hay naku, alam kaya ka hindi nagkaka boyfriend kasi ganyan ka. Tatanda kang dalaga kung ipagpapatuloy mo 'yan, nag paparamdam na nga yung tao tapos ikaw..para kang sira." Sermon nito sa kaibigan na medyo na disappoint. Pero sanay na sa ganung ugali ni Kyla si Cindy, mabungaga lang ito pero mabait at maasahan.
-------------]]]
"Nothing response?" Tanung ni Bryan, nang bumisita ito sa kaibigan nyang isang gabi.
Umiling-iling si Dave.
"Tawagan mo o kaya puntahan mo. Surprised her, mag to-two months na din naman nung huli kayong nagkita." Suggestion pa nito sabay taas ng basong may lamang wine. "Walang mangyayari kapag sa texts ka magpaparinig sa kanya ng feelings mo." Dagdag pa nito.
Napakagat ng labi si Dave. Nag-isip at uminom ng wine.
"Hindi na baka maabala ko sya sa trabaho nya. At saka hindi ko din naman sya makakausap ng matagal."
"Come on! Basta ako, sinabi ko na ang dapat, it's up to you kung susundin mo. Btw, I'll go ahead. May dinner kami together with dad." Tumayo ang dalawa at pinagdikit ang mga palad. Sinamahan pa nya ito hanggang sa labas ng pinto at saka bumalik sa living room.
Muling sumagi sa isip ni Dave si Cindy, at kinuha ang cellphone. Pinopokpok nya iyon ng mahina sa palad habang umaasa pa din na magrereply ang dalaga.
"Hey...why are you not responding?" Tanung nito sa sariling cellphone.
Ilang sandali ay napansin ng mag-asawa na nakabihis si Dave at dalidaling sinusuot ang leather jacket. Tinanung ito ng Ina nya at hinalikan lang ito sa pisngi at saka nagpaalam. Pag-sasabihan pa sana ito ng ina ngunit pinaharorot na nito ang sasakyan.
Habang nagpapahinga si Cindy at balak sana nya mag-idlip ng konting minuto ay Bigla syang napabalikwas sa pagkasandal ng marinig ang sigaw ng kaibigan. Malayo pa ay nakangiti na ito at parang hindi maintindihan ang mga kamay.
"Oh my god!! Cindy!! Ikaw na talaga! Ikaw na!!" Hingal na sabi nito.
"Oh sige inhale... exhale." Sinunod naman ito ni Kyla at saka muling nagsalita. "Gusto mo ng tubig?"
"Hindi na..." Nang muli na naman itong nagtititili at panay ang irit.
"Anu bang meron?"
Hinampas nito sa balikat ang kaibigan.
"Nandyan lang naman sa labas ang prince charming mo....ehhh!" Sabay tili ulit nito.
Napatayo si Cindy sa gulat.
"Ha? Si Dave? Sigurado ka?"
"Grabi ha, wala naman akong binanggit na pangalan. Oo, sguradong sigurado...at saka alam mo, ang pogiiii nya... para syang yung male lead sa lorean drama...Sige na bilisan mo, wag mong paghintayin yung tao!!" At tinulak tulak ang kaibigan.
"Oy teka, maayos ba ang hitsura ko?" Sabay ayos sa buhok at tinulungan ito ni Kyla.
"Oo, natural ang Beauty mo kaya maganda ka kahit anung anggulo. Sige na..."
Paglabas ng dalawa ay nakangiti sa kanila ang ibang mga nurse ganun din ang ibang mga pasyenteng nagpapahinga at nakatambay.
Makikita sa bubog na salamin mula sa labas si Dave na nakatayo at ng makita sya nito ay itinaas ang kanang kamay nag senyas ng "hi".
"May pa flowers pa dzai." Bulong pa ni Kyla rito. "Sige na, lumabas kana. Ako na bahala sa duty mo. Basta, ikwento mo saken lahat " pasimple pa nito.
Napapakamot sa batok ang dalaga habang palapit kay Dave. Panay ang lingon nya kay Kyla na panay naman ang senyas nito na tuloy lang. Sa pagkakataong iyon ay parang gusto nyang maging invisible sa hiya at dami ng nakapaligid na tao.
"Hi..." Bati sa kanya ni Dave ng makalapit sya.
"Ahmmm h-hi." Nauutal na turan ng dalaga. "Ahm here." Inabot sa kanya ang bulaklak.
"Pa-para saken?" Turo nya sa sarili at nahihiya pang kinuha. "Thank you." Napansin nyang nakakatayo na muli mag-isa si Dave. Muli itong humarap sa binata. "Ke-kelan pa?"
"Ah...so you noticed. Actually, last week pa. And heto nakakapagmaneho na ulit at makakabalik na sa trabaho. And thanks to you...Diba Sabi ko ikaw ang unang taong pupuntahan ko kapag makalakad na ako. And yeah...Here I am.." napansin nyang medyo naiilang si Cindy. Padami kasi ng padami ang mga tao sa labas. At nakatingin na din ang ibang nurse at doctor sa kanila at nangunguna si Kyla.
"Naku, pasensya kana. pero anu kasi...hindi lang ako sanay na magkausap tayong dalawa ngayon tapos binigyan mo pa ako ng bulaklak."
"Pwede naman na lumayo tayo, dun sa konti ang tao." Suhestyon ni Dave na ikinagulat nya. Naramdaman nalang ng dalaga na hawak na sya nito at nagtatakbo sila palayo sa hospital. Hindi nya magawang pigilan ang binata sa halip nakatingin lang sya rito at maging sya ay hindi alam ang nangyayari sa sarili.