Tumigil sila sa tapat ng malaking department store. Marahan naman na binitawan ni Dave ang kamay ng dalaga ng mapagtantong hawak nya ito.
Naupo sila sa bakanteng bangko na nasa labas nun. Medyo nagkailangan pa sila kaya saglit na katahimikan ang namuo.
"Ahm, pwede ko ba malaman kung bakit pinuntahan mo ako? Maliban sa gusto mo mag thank you..." Basag ni Cindy.
"Gusto kasi kita makita at hindi ka kasi nagrereply sa mga texts ko." Diritso at mabilis na sagot nito habang tinitigan sya.
Pakiramdam ng dalaga ay subrang pula ng pisngi nya ng marinig iyon.
"Sorry, medyo na i-direct ko ata. Nag-alala kasi ako, so I decided to check na din kung okey ka lang ba. That's it."
"Ganun ba. Okey naman ako...sunod sunod kasi ang dating mg pasyente kaya hindi ako makareply agad, pero salamat kasi naalala mo ako."
"Of course. But still, don't forget to take care yourself, konti pa naman ang alam ko pagdating sa medicine. And paano naman kita nakakalimutan, you're the reason kung bakit ko sinikap na bumalik ulit sa dati."
Napabaling sa bandang kaliwa ang dalaga. Pumikit ito at pigil ang mga ngiti. Hindi nya alam kong paano kontrolin ang sarili sa mga sinabi ni Dave. Hindi nya maikakaila na kinilig sya sa mga sinabi nito kahit medyo corny pakinggan.
Kaya tumayo siya at gumawa ng dahilan dahil kapag pinagpatuloy nyang magsalita ito ay baka kung anung magawa nya.
"Ahm. Balik na tayo sa hospital, baka kasi hinahanap na ako." Palusot nito.
"Sure. Sorry kasi hiniram ko ang time mo."
"Hindi okey lang." Tumalikod sya at nagsimulang maglakad. Nasa likuran nya ang binata at nakasunod lang sa kanya. Mabagal lang ang kanyang paglakad at nakikita nya sa anino na inaabot sya ni Dave mula sa likuran ngunit hindi nito matuloy-tuloy at pasimpleng kamot sa batok, bagay na lihim na subrang nagpapangiti sa kanya.
Pag karating nila sa may tapat ng pinto ng hospital at nagpaalam na sya sa binata at muling nagpasalamat. Kumaway naman ito sa kanya at ngumiti. Papasok na sya ng bigla syang tawagin nito.
"Cindy..."
"Hmm?"
"Pwede ba kitang puntahan at makita ulit?" Lakas loob na tanung nito.
Tumango lang sya at ngumiti sa binata at saka nagpatuloy ulit sa paglakad. Gusto nyang tumakbo at sumigaw sa subrang saya pero nagpipigil lalo na't may bitbit pa syang bulaklak.
Nang makapasok ang dalaga sa staff room at doon lang din umalis si Dave. Napasuntok pa sya sa kawalan dahil kanina pa din nya pinipigilan ang sarili dahil subrang saya nito. Hindi nya mabilang kung ilang beses syang umiwas sa tuwing makikita nyang ngumiti ang dalaga at nahuhuli na tinitignan nya.
Sa kabilang banda, mabilis pa sa alas kwatro na nilapitan ni Kyla ang kaibigan. Nakangiti kasi ito at parang tulalang nakaupo.
"Anu nangyari? Magkwento ka naman, bilis!" Pilit nya dito habang ginagalaw ang magkabilang balikat ng kaibigan.
"Hoy, anu? Ngingiti ka nalang dyan at titingin sa kawalan na parang baliw?" Sigaw pa nito.
"Kasi....sa tingin mo ba---" parang wala sa sariling sambit ng dalaga.
"Anu?"
"Gusto mo ng kape?"
Napangiwi si Kyla at nadismaya sa kaibigan.
"Ha? Kape? ang sabi ko gusto ko magkwento ka kung anung ginawa nyo kanina hindi yung kung gusto ko mg kape!" Sinhal nya rito.
"Magtitimpla lang ako, Kyla." Excited na tumayo ito at lumapit sa water dispenser.
Nilapitan din sya ni kyka dahil parang Wala talaga sa sarili ang kaibigan. Napapailing nalang ito at inuunawa. Inabot sa kanya ni Cindy ang disposable cup na may mainit na tubig, at saka kinuha ang asukal.
"Alam mo ba, Kyla..."
"Anu?
"Hindi ko alam kung bakit pero ang saya ko nung nakita si Mr. Gonzales kanina..." Pag-uumpisa nito.
"Halata nga " sagot lang nito at nakatingin lang sa kanina pang paglalagay ni Cindy ng asukal sa kape nya dahil hindi ito nakatingin. "Teka, Cindy ang dami---"
Hindi iyon naririnig ni Cindy kasi tulala pa din syang nakatingin sa kawalan.
"Tinanung pa nya ako kung pwede pa daw syang pumunta, tumango lang ako. Pero medyo naiinis lang ako kasi parang ang harsh ng pinakita ko sa kanya kanina...at saka alam mo ba----"
"Hay tama na nga!" Malakas na boses ni Kyla. "Hindi ko alam kung ilang kutsarang asukal na ang nilagay mo sa kape ko! Balak mo ba na bigyan ako ng sakit na diabetes?! Ang hirap mo pala mainlab, nakakapatay!"
Natauhan si Cindy ng marinig ang malakas na boses ng kaibigan at ng tingnan ang kape nito ay halos nangalahati na ang asukal.
"So-sorry..."
"Aalis na muna ako, iinom nalang ako ng tubig. Ayusin mo nga sarili mo, para kang nababaliw. Baka madismaya sa iyo si Dave kapag nakita nyang ganyan ka kung kiligin."
"Hindi naman siguro."
Umiling-iling lang si Kyla at lumabas ng kwarto.
Dahil walang duty si Cindy ngayong gabi ay nagpaalam sya na uuwi muna sa condo at para na din nakatulog at makapagpahinga mg maayos. Bago sya umalis ay nagsabi muna sya kay Kyla dahil baka hanapin syan nito.
"Sa wakas, makakatulog ata ako ng maayos ngayong gabi. Haysss, ang hirap kumita ng pera." Sambit ng dalaga habang nakasakay sa taxi at naka masid sa gilid ng bubog na salamin nito.
Tatlong oras din ang gugugulin nya pauwi at kahit sa sasakyan ay nakaidlip sya. Mabuti nalang at alisto ang isip niya at saktong nagising na malapit na sa condo unit. mabilis nitong inayos ang sarili at dumukot ng cash sa wallet at saka bumaba ng taxi.
Malapit sa entrance ay may nakapark na kulay pulang sasakyan, hindi naman nya inisip na kay Dave iyon pero naalala nya ang sasakyan ng binata. Dumiritso sya sa paglakad at ng mapatapat sya dito ay bumukas ang pinto at lumabas si Dave na nakangiti.
"Dave???" Gulat na bulalas ng dalaga.
"Sorry, nagulat ba kita?"
"Ahhh hindi kasi..." Palinga-linga ito sa paligid. "Anung ginagawa mo dito? At saka paano mo nalaman na fito ako naka stay?"
"Sinabi saken ni Kyla."
"Ganun na kayo ka close?"
"Hindi naman...pero malapit na."
"Hays, ang babaeng yun talaga." Ilang saglit ay biglang bumuhos ang ulan.
Inaya ng dalaga na patuluyin muna ito sa condo kahit pa hindi sya komportable. Nabasa kasi ang jacket nito at nag-alok na patuyuin muna sa dryer.
"Tuloy ka ." Nang buksan ng dalaga ang pinto ng unit. Nagmadali syang pumasok dahil nung huling uwi nya ay nagmamadalinsyang umalis kaya medyo makalat ang mesa at mga damit sa sofa.
"U-upo ka muna." Nahihiyang wika nito at pumunta sa kwarto. Pagbalik nya ay may dala syang katamtamang laki na puting towel at inaabot ang isa kay Dave.
"Heto." Tipid nyang sabi.
"Thanks."
"Kumain kana ba? Gusto mo magluto ako?"
"Pwede ba? Kagabi pa din kasi ako hindi nakakakain ng maayos." Biro nito.
"Hays, alam mo kung nasa hospital ka pa panigurado hindi iiral saken ang ganyan. Kumain ka ng tama sa oras, mahirap ng magkasakit nu."
"Mas okey yun, makakasama ulit kita sa hospital at makikita." Dagdag pa ng binata. Sabay silang napangiti sa isa't isa. At tumayo nalang si Cindy at dumiritso sa kusina para magluto, para putulin ang namumuong sitwasyon sa kanila.
Habang naghihintay si Dave ay Nagmamasid sya sa paligid at napansin nya ang litrato nila Cindy. Tumayo ito at nilapitan, sinipat nya iyon ay napangiti.
"Ahm is this your mom?" Sigaw nya patungo sa kusina.
"Ah oo, at kapatid ko. Maraming nagsasabi pati na si mama magkamukha daw kami pero parang hindi naman." Sigaw ng dalaga.
"Just a little bit...by the way, how is she?" dagdag ni Dave na tinutukoy ang ina.
"Okey na si mama, nakakakilos na sya mag-isa pero hindi pa din pwedeng walang kasama. Nahihiya na nga ako sa pinsan ko na nagbabantay sa kanya." Tugon ng dalaga at inilapag ang niluto sa maliit na mesa. "Luto na ang sopas. Kumain ka muna Bago ka umalis. Pasensya na 'yan lang ang stock na meron ako ngayon hindi pa kasi ako nakakapag grocery."
Masayang lumapit ang binata sa niluto at nilanghap ang amoy niyon.
"Sabayan mo na ako." Aya nya sa dalaga at pinaghanda din ito.
Nahihiya sya at hindi nya matignan ng diritso si Dave. Hindi din sya makakain ng maayos dahil naiilang sya lalo na kapag iniisip nyang may kasama syang Kumain na gwapong lalaki sa loob ng unit nya. Pagdating sa pagkain ay para syang laging nagugutuman dahil nga sa trabhaho na meron sya na laging limitado lang ang oras, pero nung mga oras na iyon ay halos di nya maigalaw ang kamay niya. Nakatingin lang sya sa sunod sunod na subo ni Dave at lihim na natutuwa. Alam nya sa sarili nya na masaya sya sa mga oras na iyon.
Makalipas ang dalawang oras ay nagpaalam si Dave. Tumila na din ang ulan at tuyo na ang jacket nya. Pagkaalis ng binata ay napasandig ang dalaga sa likod ng pinto at pigil na sumigaw sa subrang saya.
Habang si Dave ay hindi na nawala ang ngiti sa labi kahit sa pagmaneho.